Chapter 46

Habang nasa biyahe pauwi ng Vigan...

Tahimik lang si Mia sa buong biyahe ng mapansin sya ng kanyang ina..

"Mia? Tahimik ka ata?" tanong ni Mila sa kanyang anak

"Wala po nay, pagod lang po sa biyahe Yun po" say ni Mia habang nakatingin sa bintana ng sasakyan

"Okay" say ni Mila at tumingin na ito sa harapan

Hindi na nagsalita si Lola Maria dahil alam nya kung bakit nagkaganyan ang kanyang apo

Earlier in the Airport..

Kasunod ni Lola Maria si Mia sa paglabas ng airport ng biglang--

Nakabanggaan ni Mia ang Isang Piloto sa flight nila, tinulungan nito si Mia tumayo at ng makita ni Lola Maria ang itsura ng Piloto ng flight nila, nanlaki ang mata ni Lola Maria..

"Ang altar server ng simbahan namin ang taga-insenso at hindi ako pwedeng magkamali, siya ang binatang tunay na iniibig na aking apo, bago pa ang aksidente, Pero bakit parang di nya rin Tanda si Mia" Sambit ni Lola Maria sa kanyang sarili

Nagkakwentuhan ang dalawa at hinayaan na lang nya itong mag-usap in private...

Back to present...

Naging mahaba ang buong biyahe hanggang sa nakarating na ang mag-anak sa Vigan sa bahay ni Lola Maria..

"Hay salamat! Nakauwi rin sa wakas!" sambit ni Lola Maria ng makababa sa van

"Labis ang tuwa Nyo po Lola after 2 years!" say naman ni Mia sa kanyang Lola

"Oo apo, iba talaga ang Pilipinas kung para sa America!" say ni Lola Maria finally nakauwi na rin siya sa kanyang tahanan

Umakyat na ang pamilya ni Mia sa bahay at di nila expected na --

"Welcome Home Santos Fam"

Nanlaki ang mata ni Mia ng makita muli sila, Clarice, Lei, Luisa at Toper...

"Mia!!!!" nag group hug agad ang girls kasama si Mia

"Girls, namiss ko kayo sobra!!" masayang sambit ni Mia kila Lei, Luisa at Clarice

"Ako ng OP sa inyong apat!" pagpaparinig ni Toper sa girls

"Ang arte mo!" hinila siya ni Lei at sumama na rin sa group hug

After ng group hug ay kumalas Silang lima...

"Namiss Nyo ang isa't Isa ah?" say ni Mila sa mga friends ni Mia

"Yes po tita ang tagal Nyo pong nanatili sa States kaya super miss na namin si Mia, di kompleto ang altar server ng simbahan kapag wala si Mia" kwento ni Luisa Kay Mila

"Bakit? Wala pa rin bang naging kapalit si Mia?" tanong ni Mila Kay Luisa

"Wala po tita, kahit kulang kami, ramdam namin na nandon pa rin si Mia, hindi na po namin hinanapan ng kapalit si Mia sa altar server" paliwanag naman ni Lei

"Pero Isang buwan lang ang bakasyon namin at babalik na rin kami ng States after" say ni Mila

"Nay naman! Kakauwi ko lang, Pag uwi na agad sa States nasa isip Nyo" say ni Mia sa nanay nya

"Oo nga naman Mila! Kakauwi lang natin sa Pinas, America agad nasa utak mo, hayaan mo na muna mag-enjoy si Mia with her friends, ang tagal nilang di nagkita" say naman ni Carlos sa misis nya

"Fine, ayaw ko naman maging kontrabida sa bakasyon ni Mia, sige na!" suko ni Mila

"Mamaya na kayong magkwentuhan at kumain na tayo ng inihanda ng mga kaibigan ni Mia, halika na kayo!" Tawag ni Lola Maria sa kanilang lahat

"Okay! Eat first everyone, lahat tayo ay gutom!" say ni Carlos at nagsipuntahan na sila sa hapag at kanya kanyang upo, nagdasal muna sila bago kumain

Habang nakain ang lahat...

"Kumusta naman kayo mga apo, nakapagtapos na rin kayo ng pag-aaral?" tanong ni Lola Maria kila Clarice

"Opo lola, ako sa awa ng Diyos ay nakatapos na ng Psychology and currently working as an assistant Human Resource in a company po" say ni Clarice habang nainom ng juice

"Parang si Mia pala ang natapos mo Clarice?" tanong ni Mila

"Opo tita, pareho talaga po kami ng course ni Mia" say ni Clarice ngumiti lang si Mia

"Ako naman po tita ay BS Biology graduate na po and currently a professor of a university na po!" si Luisa

"BS Physical Education graduate, currently assistant coach of a Volleyball team in our region" simpleng sabi ni Lei

"BS Aviation po, Third Officer po!" say naman ni Toper

"Mukhang stable na ang mga future Nyo, si Mia katatapos palang sa Stanford University, Psychology rin, nagbakasyon muna kami dito to grant Lola Maria's request kaya we are here, pagbalik naman namin ay she will start her work there na" say naman ni Mila sa mga kaibigan ni Mia

"Shala mo Mia girl! Standford girl ka pala!" masayang sabi ni Clarice, nahiya tuloy si Mia

"Mahalaga nakapagtapos, kung nandito siguro ako sa Pinas, sabay sabay siguro tayo grumaduate no?" say ni Mia

"Kayong girls, ahead ako sa Inyo ng Isang taon no!" paglilinaw ni Toper

"Alam namin Uy! Kita naman sa itsura di ba?" basag si Toper Kay Lei, nagsitawanan na lang lahat sa asaran nila Lei at Toper

"Kayo na bang dalawa ni Lei? Toper?" tanong bigla ni Mia

"Bawal pa girl hanggang nasa service ka, kung magiging kami ng ungas na yan, kailangan Isa sa amin ang i-give up ang service sa church or else pareho kaming tanggal sa service once na magkaroon ng relasyon habang nasa church service, di mo ba natatandaan Yun?" takang tanong ni Lei Kay Mia

"Sorry Lei ah, nakalimutan ko lang siguro ang rules na Yun ang tagal ko na kasi nasa Amerika" say ni Mia sa kanila, nagkatinginan ang tatlong girls except Mia

After ng Dinner nila...

Tumambay muna ang girls at si Toper sa may hagdanan ng bahay nila Mia...

Habang nagpapalit ng damit si Mia...

"Girls, nakalimutan nya rin Yun rules na Yun? Can't believe it akala ko si Gab lang nakalimutan nya pati pala ang rules na nagkomplika ng relasyon nilang dalawa?" kwento ni Lei sa kanila

"Lahat ata ng naging matinding challenge sa kanila ni Gabriel, pareho nilang nakalimutan, hay sus!!! Ang hirap naman nito, ang complicated naman ng love story nilang dalawa, I can't believe it!!" nag umpisa na naman mag overact si Clarice

Napa-facepalm na lang sila Lei, Luisa at Toper sa ka-OA ni Clarice

==================================

Chapter 47 is up next...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top