Chapter 38
Ambulance sirens...
Napasugod sa accident site sila Lei, Luisa, Toper at Clarice kasama sila Mila, Carlos, pati na rin ang parents ni Gabriel na si Grace at Albert..
"Diyos ko!" napatakip ng bibig si Mila dahil ang nakikita nyang aksidente ay sangkot ang kanyang unica hija
"Gabriel, anak ko!!" napaupo na lang ang nanay ni Gabriel na si Grace sa lapag dahil sa nakikita nya
"Kakausap ko lang kanina kay Mia, bakit ganto ang nangyari?" say ni Clarice na naluluha sa nakikita
Naaksidente sila Gabriel at Mia, ang nakabangga sa kanila ay Isang Truck, tumalsik Silang dalawa at parehong walang malay
"Kailangan na po namin dalhin ang mga biktima sa ospital, paraan po" kinuha na ng ambulansya sila Gabriel at Mia na walang malay pareho at nagtamo ng tama sa ulo at galos sa katawan
Sa Ospital...
Emergency Room....
Parehong inilagay sa magkabilang stretcher si Mia at Gabriel at ginagamot na ng mga doktor..
Nanatili sa labas ng emergency room ang mga kaanak ng dalawa at mga kaibigan
"Diyos ko! Iniligtas Nyo po si Mia!" patuloy ang pagdarasal ni Mila para sa kaligtasan ng anak sa bingit ng kamatayan
"Diyos ko! Kung ano man po ang naging kasalanan ng anak ko, patawarin Nyo po sya, bigyan Nyo po siya ng pagkakataon pa para mabuhay!" patuloy rin ang pagdarasal ni Grace, mommy ni Gabriel
Nakatulala ang mga kaibigan ni Gabriel at Mia sa Isang tabi..
"Ang bilis ng mga pangyayari, kanina ko lang kausap si Mia tapos eto ngayon nasa ospital sila ni Gabriel, di mo alam kung ano na mangyayari sa kanila!" pilit na pinipigilan ni Clarice ang kanyang luha
"Iiyak mo yan Clarice, wag mong kimkimin, iiyak mo yan!" say ni Luisa habang hinihimas himas niya ang likod nito
Isang oras at mahigit rin tumagal ang mga doktor...
"Sino po ang kamag-anak ni Gabriel Dela Cruz?" tanong ng doktor
"Ako ho ang nanay ni Gabriel, kumusta po ang anak ko?" say ni Grace sa doktor
"Wag po kayong mag-alala, ligtas na po ang anak nyo ngunit sa grabe ng pagtama ng ulo nya, may posibilidad po na magkaroon po sya ng memory loss" sagot ng doktor, nagulat ang lahat sa sinabi ng doktor
"Po!?" gulat na sagot nila Toper
Lumabas na rin ang Isa pang doktor na tumingin kay Mia..
"Sino dito ang kaanak ni Mia Brielle Santos?" tawag ng doktor
Agad na lumapit si Mila at Carlos...
"Ako po ang ina ni Mia, kumusta po ang anak ko?" tanong ni Mila sa doktor, hininga ng malalim ang doktor
"Your daughter has suffered a traumatic head injury, possible mawala ang kanya memories and the sad news is she is in a state of coma!" sambit ng doktor, napaupo sa lapag si Mila sa narinig nya
Lahat ay nawindang sa narinig na balita galing sa mga doktor na gumamot kila Mia at Gabriel..
4 hours later....
Nasa hiwalay na kwarto si Mia at Gabriel...
Room 15
Madaming aparato ang nakakabit kay Mia, nandoon si Clarice at Luisa kasama ang parents ni Mia..
"Clarice, ano ba ang sinabi sa iyo ni Mia nung makausap mo sya kanina?" tanong ni Mila kay Clarice
"Tita, hindi po sinabi ni Mia kung nasaan sila nung mga oras na Yun, tangi ang sabi nya lang ay sumama siya kay Gabriel, Pero ramdam ko pong nagdadalawang isip pa rin syang sumama sa Inyo sa Amerika, Pero wala syang choice dahil handa na ang lahat, kaya nagawa ni Mia lumayo sa Inyo at sumama kay Gabriel kasi--" di maituloy ni Clarice ang sasabihin
"Ano?" si Mila
"Ayaw nyang umalis dahil kay Gabriel, umamin na sa kanya si Gabriel at dahil mahal nya rin si Gabriel umamin na rin sya sa kanya, Yun po ang naging dahilan kaya ayaw nyang umalis po" pag-amin ni Clarice sa nanay ni Mia
Tumingin si Mila sa kanyang anak..
"Sinasabi ko na nga ba hahantong ito sa lihim na pagtingin, kaya gusto ko syang lumayo dahil alam kong mangyayari ito at nangyari nga" say ni Mila Kay Clarice
"Mila, hindi mo mapipigilan di umibig ang anak mo, dumarating yan lalo mong pigilan lalong magpupursigi yan na gawin ang gusto nya" say ni Carlos sa kanyang misis
"Carlos, kinausap ko na ang doktor ni Mia, tuloy ang pag-alis natin bukas!" say ni Mila kay Carlos
"Mila!? Nahihibang ka na ba, ganto ang sitwasyon ni Mia, itutuloy mo pa rin ang pag-uwi natin sa Amerika sa kabila ng sitwasyon ni Mia?" reaksyon ni Carlos
"Nakahingi na ako ng permit mula sa mga doktor ni Mia at ikinontak ko na rin to sa eroplanong sasakyan natin, dahil sa kalagayan ni Mia, i-aassist tayo to a business class flight para maging maayos ang biyahe natin at may sasamang doktor at nurse para i-monitor si Mia while we are on board hanggang sa makarating tayo sa ospital doon sa Amerika para doon ituloy ang monitoring ni Mia" desididong desidido na talaga si Mila na ilayo kay Gabriel
"Mila, talagang lahat gagawin mo ilayo lang si Mia sa lugar kung saan sya masaya at sa taong nakakapagpasaya sa kanya?" medyo nataas na ang boses ni Carlos
"Final na ang desisyon ko Carlos, atleast doon sa Amerika there are high chances na makasurvive si Mia, I have to do this, I'm sorry!" final decision ni Mila, di na umimik pa si Carlos dahil ayaw na nyang makipagtalo pa sa paladesisyon nyang asawa
"Hanggang kailan po kayo don tita?" tanong ni Luisa
"I don't know Luisa, Pag nagising na si Mia at bumilis ang kanya recovery dun na sya magtatapos ng college, matatagalan pa ulit bago ang uwi namin dito" say ni Mila Kay Luisa
Lumabas si Clarice na di namalayan nila Mila at pumunta sya sa kabilang kwarto para kumustahin si Gabriel, nandoon si Toper at Lei..
"Oh Clarice, anong ginagawa mo rito? Kumusta si Mia?" tanong ni Lei Kay Clarice
"Bad news, itutuloy pa rin ni Tita Mila ang pag-alis nila bukas pa-Amerika, isasama nila si Mia kahit ganoon ang sitwasyon nya, they will be in a business class flight para maayos ang biyahe ni Mia, may kasama Silang doktor to assist" malungkot na sabi ni Clarice
Nanlaki ang mata ni Toper at Lei...
"Ano!? Tuloy pa rin ang pag-alis bukas?"
===================================
Chapter 39 is up next...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top