Chapter 33
Napatingin si Gabriel Kay Mia, iniintay nya ang sasabihin ni Mia sa kanya...
"Mia? May sasabihin ka di ba?" tanong muli ni Gabriel kay Mia dahil biglang natahimik na naman ito
"Sorry kung sasabihin ko sa iyo ito sa masayang araw na ito, Pero eto na ang huling bonding natin with each other" malungkot na sambit ni Mia kay Gabriel, naguguluhan si Gabriel sa sinasabi ni Mia
"Anong ibig mong sabihin Mia?" naguguluhang tanong ni Gabriel kay Mia
"Isasama na ako nila nanay sa America Pati si Lola, hindi ko alam na sa araw araw na pag iwas ko sa kanila, ganito pala ang gagawin nila sa akin, ilalayo nila ako dito, sa iyo, ang hirap Gabriel kung alam mo lang, kahit na tumanggi ako wala rin naman akong magagawa eh!" tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ni Mia
"Iiwan mo na ang Pinas, ako iiwan mo na ako?" di makapaniwala si Gabriel sa narinig nya mula Kay Mia
"I'm sorry Gabriel, di ko ineexpect na ganto ang kahihinatnan ng pagmamatigas ko sa kanila na iwasan ka, pero di ko talaga kayang iwasan ka eh! Espesyal ka sa akin alam mo Yun!" tuloy tuloy pa rin ang pagluha ni Mia
"Pero iiwan mo rin ako, ang daya mo naman Mia, sabi mo walang iwanan, pero ayan iiwan mo ako, ang daya mo!" malungkot na sabi ni Gabriel
"Gabriel, sorry! di ko naman talaga gustong umalis eh, pero anong magagawa ko, pinaghandaan na pala ng nanay ko ang lahat, Gabriel, wag mo naman akong talikuran" umiwas ng tingin si Gabriel kay Mia, hindi niya magawang tumingin Kay Mia dahil sa bandang huli, iiwan sya rin nito
Patuloy na sinusuyo ni Mia si Gabriel..
"Gabriel naman eh, pansinin mo naman ako, ngayon na nga huli natin bonding hindi mo pa ako papansinin! Huy!" panunuyo ni Mia sa matampuhin si Gabriel
Humarap si Gabriel kay Mia ng seryoso ang mukha...
"Mahalaga ba ako sayo?" seryosong tanong ni Gabriel kay Mia
"Oo naman, mahalaga ka sa akin Gabriel, kaya wag ka ng magtampo dyan oh?" sincere na sabi ni Mia
"Kung mahalaga ako sayo? Sumama ka sa akin? Lumayo tayo?" seryosong sabi ni Gabriel
"Ano!!? Nahihibang ka na ba sa sinasabi mo? Lalayo tayo!? Gabriel, sigurado ka ba sa sinasabi mo?" sunod sunod na tanong ni Mia kay Gabriel, tumayo si Gabriel
"Mia, ilang araw na lang aalis ka na, iiwan mo na kami, iiwan mo na ako, paano naman ako Mia?" this time si Gabriel naman ang namumugto ang mata at ilang segundo pa ay bubuhos na rin ang luha sa kanya mga mata
Tumayo si Mia...
"Gabriel, alam kong masasaktan ka dahil iiwan kita, pero di naman ibig sabihin non ay kakalimutan ko na ang friendship na meron tayo, akala ko ba naintindihan mo ako sa bawat gawin at desisyon ko" say ni Mia kay Gabriel
"Paano kita maiintindahan kung ang taong napakahalaga sa akin ay iiwan ako at di ko alam kung kailan sya babalik dito!" sagot ni Gabriel kay Mia
"Gabriel babalik naman ako eh, maniwala ka babalik ako, di ko kayang malayo ng matagal sayo, please intindihin mo naman ako?" say ni Mia kay Gabriel
"Kailan pa Mia!? Kailan pa?" sumbat ni Gabriel sa kanya
"Bakit ba ayaw mo akong intindihin Gabriel? Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo babalik ako, kahit hindi ko ito gusto!" say pabalik ni Mia kay Gabriel medyo naiirita na sya sa pagmamaktol ni Gabriel
"Sasama ka ba sa akin o hindi?" tanong muli ni Gabriel
"Gabriel!? Seryoso ka ba talaga dyan sa paglayo na sinasabi mo? Lalayo tayo!? Tayong dalawa lang? Hindi ka ba nagwoworry baka hanapin ka ng parents mo at ako hanapin ako nila nanay, mag-isip ka nga mabuti!!" reaksyon ni Mia
"MAHAL KITA MIA!! kaya ako nagkakaganto!!" nag confess ng wala sa oras si Gabriel ng kanyang feelings for Mia, nagulat si Mia sa sinabi ni Gabriel
"Anong sabi mo?" nauutal na sabi ni Mia kay Gabriel
Hinawakan ni Gabriel ang mga kamay ni Mia at tumingin sa mga mata nito..
"Mia, ngayon lang ako naglakas ng loob na aminin sa iyo ito kasi alam kong bawal pero alam naman natin pareho na di natuturuan ang puso eh, matagal na kitang mahal Mia, takot lang akong sabihin sa iyo dahil bawal sa rules sa loob at labas ng simbahan, pero yun ang totoo Mia, mahal kita, mahal na mahal!" bumuhos na ang luha sa mga mata ni Gabriel, naiyak muli si Mia sa narinig nya kay Gabriel
"Gabriel, I'm sorry if I have to leave you this way, ayaw ko na rin magsinungaling sayo eh! Ang totoo nyan, mahal rin kita eh!"muling bumuhos ang luha sa mga mata ni Mia
"Mahal mo rin ako?" tanong ni Gabriel habang hawak hawak ang kamay ni Mia, natulo pa rin ang luha sa kanya mata
"Noong una palang kita makita sa simbahan, you caught my attention, pilit kong iwasan dahil bawal pero gaya nga sinabi mo kanina, di naman natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin mo di ba?" naiyak na pagsabi ni Mia kay Gabriel
Ngumiti si Gabriel sa kanya..
"Di ako makapaniwala na parehas tayo ng nararamdaman sa isa't isa!" niyakap ng mahigpit ni Gabriel si Mia na para bang matagal na matagal silang hindi magkikita
Makalipas ang Ilan segundo, kumalas sila sa pagkakayakap..
"Pero kailangan ko pa rin umalis Gabriel, Sana naman this time naintindihan mo ako oh!" ang saya sa mga labi ni Gabriel ay muling napalitan ng lungkot
Hinawakan ni Gabriel ang parehong pisngi ni Mia at tumingin sa kanya mga mata..
"Mia, alam kong selfish to gagawin ko, Pero sana naman pagbigyan mo ako, sumasama ka sa akin, lumayo tayo, alam ko naman na di mo gustong sumama sa mga magulang mo, please Mia, ayaw Kong malayo sayo please, come with me!" pagmamakaawa ni Gabriel kay Mia, gulong gulo na si Mia sa kung ano ang isasagot nya kay Gabriel, ang hirap sa kanyang Iwan si Gabriel lalo na ngayon na parehas sila ng nararamdaman sa isa't isa..
"Mahal kita kaya sasama ako sayo!"
===================================
Chapter 34 is up next....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top