Chapter 29

Mabilis natapos ang Isang buong maghapon klase sa University nila Mia..

Alas-5 ng Hapon..

Magtyagang nahihintay sa may gate sila Toper at Gabriel sa paglabas ng girls...

"Mga babae talaga, kababagal! Kanina pa naglabasan sila wala pa, wala pa ba pre?" tanong ni Toper kay Gabriel, tahimik lang si Gabriel na naghihintay

"Huy!!! Pre!! Tulala ka na naman!!" gulat ni Toper kay Gabriel

"Sensya na pre, may iniisip lang.." say ni Gabriel kay Toper

"Ano na naman pre? Kung papaano mo maliligawan si Mia kahit na may mga kontrabida?" biro ni Toper kay Gabriel

"Shsshh! Tumahimik ka nga dyan" saway ni Gabriel kay Toper

Ilang minuto pa ang dumaan, natanaw na rin nila sila Lei, Luisa, Clarice at Mia na papalapit sa kanila

"Girls!! Here!!" kaway ni Toper kila Lei

Nakalapit na sila Lei kila Toper at Gabriel

"Ano na naman ang ganap Nyo at hinihintay Nyo kami?" takang tanong ni Luisa

"Wala lang masama bang hintayin kayo para sabay sabay na tayong umuwi?" say ni Toper, tahimik pa rin si Gabriel at si Mia, agad naman napansin ito nila Lei

"Hoy!!!" gulat ni Lei Kay Mia at Gabriel

"Bakit?" gulat na tanong ng dalawa

"Itong si Gabriel, tulala, ikaw Mia tahimik walang imik! Problema nyong dalawa?" tanong ni Clarice sa dalawa

"Wala!" sabay pa nilang sabi

"Aba choir? Nag-usap kayo?" say naman ni Lei

"Hayaan Nyo yang dalawang yan, mabuti pa ay umuwi na tayo at magdidilim na mahirap gabihin sa daan!" say ni Toper at nagsilakad na sila pauwi

Nauunang maglakad sila Toper, nahuhuli si Mia at Gabriel...

"Tahimik na naman ang scholar ng third year Psychology Class?" pagbabasag ng katahimikan ni Gabriel

"Nag-umpisa ka na naman mang-asar!" sambit ni Mia kay Gabriel

"Pinapatawa lang kita, di ka naman mabiro" say ni Gabriel

"Oo na, salamat pala ulit kanina sa pep talk!" ngiting sabi ni Mia

"Wala Yun basta ikaw!" masayang sabi ni Gabriel

Habang abala sa pakikipagkwentuhan si Mia at Gabriel, palihim na nakasulyap sila Toper mula sa kanilang likuran..

"May sarili ng mundo ang dalawa no?" say ni Luisa

"Kaya nga, daig pa mag-jowa" bulong ni Lei kila Luisa at Clarice

"Sa tingin Nyo girls? Type nila ang isa't isa?" tanong ni Toper sa girls

"Kung akong tatanungin Nyo, halata naman na inlababo ang dalawang yan sa isa't isa ayaw lang mag-aminan dahil bawal sa rules natin sa loob ng simbahan" say ni Luisa

"At sa Pamilya ni Girl, alam mo naman si nanay ni Girl, very strict and follow the rules ang peg nun" say naman ni Lei

"Ang hirap naman Nyan! Nauna nga akong magkacrush dyan kay Gabriel, Yun pala si Mia ang type! Pero alam nyo ang hirap ng situation ng dalawang yan!" say ni Clarice

"Mukha bang stress ang dalawang yan? kita mong nagtatawanan pa! Kapag tayo kausap, parang binagsakan ng langit at lupa ang mga mukha pero pag Silang dalawa lang ang nag-uusap kita mo, parang wala ng bukas kung maghuntahan!" kwento ni Toper

"Guys, ayun si Manong Sorbetero, bili tayo Ice cream libre ko!" nagulat ang apat ng nagyaya si Gabriel ng ice cream libre nya

"Ayos pre! Galante daig pang manalo sa lotto!" biro ni Toper kay Gabriel

"Tama na ngang asaran, manlilibre na nga si Gabriel ng Ice Cream mang-asar pa Toper?" pagtatanggol ni Mia kay Gabriel

"Ayiieeehhh!! Pinagtatanggol si Gabriel!!" tukso ng mga girls kay Mia

"Tama na nga uy! Pumili na kayo ng flavor ng ice cream! Libre ko na oh!" say naman ni Gabriel

"Eto na pre pipili na ng flavor, kuya, cheese sa akin!" say ni Toper

"Ube sa akin!" say ni Luisa

"Avocado sa akin!" say naman ni Clarice

"Mango for me!" si Lei naman

"Vanilla chocolate sa akin!" sambit ni Mia

"Same as her, Vanilla Chocolate!" say ni Gabriel

"Pati sa flavors magkaparehas?" humirit na naman si Toper

"Bakit masama?" depensa ni Gabriel habang kinukuha ang ice cream at ni Mia

"Wala!" sabay tingin ni Toper sa taas habang nasipol

"Tsk! Kuya eto po yung bayad" sabay abot ni Gabriel ng bayad Kay Manong Ice cream

"Sukli iho!" say ni Kuyang nagtitinda ng  Ice cream

"Keep the change kuya!" say ni Gabriel

"Galante!!" hirit ng apat maliban kay Mia

Habang naglalakad sila pauwi...

"Galante mo Gabriel ah?" tanong ni Luisa kay Gabriel

"Way ko Yun para makatulong kahit papaano Kay Kuyang nagtitinda ng Ice Cream" simpleng sambit ni Gabriel habang kinakain ang kanyang ice cream

"Swerte ng magiging jowa nito in the future !" biro naman ni Clarice, biglang pinagpawisan si Mia sa sinabi ni Clarice

"Nakain tayo ng ice cream Pero bakit pinagpawisan si Mia ng malamig?" pansin ni Lei kay Mia

"Lahat na lang nakikita Nyo" react ni Mia

"Bakit yung reaction face mo parang ikaw yung jowa?" sumali ulit si Luisa sa asaran

"Hindi ah! Alam nyo naman bawal, kung mang-asar kayo!" sambit ni Mia

Nabalot ng tawanan at asaran ang buong lakad ng magkakaibigan hanggang sa nakauwi na sila sa kani-kanilang bahay..

Mabilis lumipas ang oras at oras na ng pagtulog, naghahanda na si Mia matulog ng biglang nagring ang phone nya

Caller ID: Gabriel

"Hello?" masayang sagot ni Mia

"Patulog ka na ba?" tanong ni Gabriel sa kanya

"Patulog na Sana kaso tumawag ka eh" say ni Mia sa kabilang Linya

"Sorry, akala ko wide awake ka pa, gusto mo tawag na lang ako bukas ng morning?" say ni Gabriel sa phone

"Okay lang, mag-usap nalang tayo saglit kaysa masayang ang load mo!" say ni Mia sabay upo sa kama nya

"Sige, musta na ang Gabi mo?" tanong ni Gabriel kay Mia

"Eto ganun pa rin, tahimik pa rin kami ni nanay, di nga ako kinakausap pa" say ni Mia

"Kung ayaw kang kausapin, ikaw na gumawa ng way para kausapin ka, di healthy yan, deadmahan kayo sa Isang bubong pa man din kayo nakatira" payo ni Gabriel kay Mia

"Paano ko naman gagawin Yun?" say naman ni Mia

"Mia, wag ng magmatigas, lambingin mo lang ang nanay mo, lalambot rin Yun, try mo lang!" say ni Gabriel kay Mia

"Pwedeng bigyan ko muna ng time ang sarili Kong mag-ipon ng tapang para harapin ang nanay ko?" suggest ni Mia, mukhang di pa rin talaga sya ready to speak with her mother

"Ikaw! Nasa iyo rin naman desisyon Yun, take your time, basta kapag di mo kaya at need mo ng kausap, tumawag ka lang sa akin okay ba?" assurance ni Gabriel kay Mia

"How many times mo bang sasabihin yan sa akin hah?" tanong ni Mia kay Gabriel na may ngiti sa kanyang mga labi

"Hangga't gusto ko! Maging masaya ka lang !" say naman ni Gabriel with a smile on his face

"Oo na! Salamat ulit for this pep talk again, I'll take your advice, promise mo na nandyan ka kapag need kitang kausap?" paniniguro ni Mia kay Gabriel

"Promise!" Gabriel smiled while talking to her by phone

"Good night!" sambit ni Mia

"Goodnight also!" Gabriel said

===================================

Chapter 30 is up next...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top