Chapter 22

Mia's POV

Nanatili kami ni Gabriel sa tambayan hanggang alas-10 ng Gabi, sobrang dilim na ng paligid..

"Okay ka na?" tanong sa akin ni Gabriel habang nakapatong ang ulo ko sa balikat nya

"Medyo!" tipid Kong sabi sa kanya

"Gusto ka lang talagang protektahan ng nanay mo kaya siguro ganon sya kahigpit sayo" say niya sa akin

"Alam ko naman yun, pero feel ko kasi na nasasakal na ako sa sobrang higpit ng nanay ko, ni ang tatay ko walang magawa sa higpit ng nanay ko" say ko kay Gabriel, nakapatong pa rin ang ulo ko sa balikat nya habang nakaakbay naman sya sa akin

"Sabagay! Mahirap rin Yun matagal mong di nakasama ang nanay at tatay mo tapos ng dumating sila, di mo alam kung saan ka lulugar sa kanila" say naman ni Gabriel

"Yup, reality speaks, kahit papaano naman ay nanay ko pa rin siya kahit napakasakit ng sampal nya sa akin kanina" kwento ko kay Gabriel

"Nasampal ka?" tanong nya sa akin

"Nagkasagutan lang naman kami, kaya ayun napala ko" say ko na lang kay Gabriel

"Pero kahit na nagkasagutan kayo, dapat di ka pinagbuhatan ng kamay ng nanay mo" reaksyon ni Gabriel, umupo na ako ng ayos habang sya naman umayos na rin upo

"Masakit, pero ramdam ko naman na di nya talaga gusto na nakikipagkaibigan ako sa lalaki kaya ganon na lang sya makareact sa sinabi ko kanina" say ko

"Pasensya na, ako pa ata naging dahilan ng alitan nyo ng nanay mo, dahil don nasaktan ka nya" malungkot na sabi ni Gabriel sa akin

"Wag ka ngang magsorry dyan, kahit nung di pa tayo magkakilala ganyan na ang nanay ko, lalo lang siguro naging sobrang paranoid sa higpit ng malaman nyang may kaibigan akong server na lalaki" paliwanag ko sa kanya

"Hay, ang life nga naman, it's complicated!" sabay inat ni Gabriel

"Parang friendship natin daming kontrabida!" dugtong ko naman at napangiti naman si Gabriel sa sinabi ko

"Tara na nga umuwi baka hinahanap ka na sa Inyo, ihatid na kita--" pagkasabi ni Gabriel ay biglang bumuhos ang ulan

"Shocks!!! Naulan!!" say ko

"Wala pa naman akong dalang payong, jacket lang" say ni Gabriel

"Kaganda ganda ng Gabi biglaan naman" reklamo ko habang patuloy ang pagbuhos ng ulan

"Di ka pa ata nakain?" tanong ni Gabriel sa akin

"Nalipasan na, pinakain na ako ng sampal at sermon kanina eh" say ko sa kanya

"Gusto mo pasok muna tayo sa loob ng treehouse may mga tagong pagkain at inumin dyan kapag inabot ako ng gutom dito kaka emo ko, Tara?" yaya sa akin ni Gabriel at pumasok na kami sa mismong loob ng treehouse, in fairness parang nasa Isang mini house ka na rin dito, di ka mababasa at maaampiyasan ng ulan

"Very resourceful, talagang handa sa mga ganitong panahon, may airbed ka pa at mga gamit na parang nasa bahay ka lang rin naman" say ko habang pinagmamasdan ko ang buong treehouse sa loob, nasa may terrace lang naman kami kanina tumambay

"Syempre, kapag nagtatampo rin sa magulang eto ang takbuhan ko" say nya sa akin

"Kailangan rin kasi natin makapag-isip isip rin kung minsan para makapag desisyon tayo ng tama, kaya it is a very nice place to para mag unwind" paliwanag ko kay Gabriel

"Eto oh panglaman tyan sensya na eto lang meron dito!" sabay abot sa akin ng Isang biscuit at bottled water

"Okay lang nakakabusog rin yan!" kinuha ko yung biscuit at Tubig sabay upo sa kanyang airbed, kumuha na rin siya ng biscuit at Tubig ginutom ata sa kwentuhan namin na extend hanggang dis oras ng Gabi

Lumipas ang 30 minuto, di pa rin natigil ang ulan...

"Mukhang di pa rin natigil ang ulan, may bagyo ba?" tanong ko, chineck ni Gabriel ang phone nya

"May thunderstorm warning pala ngayon uulan hanggang bukas ng alas-7 ng Umaga!" say nya

"Shocks!! Hanggang bukas ng Umaga? Anong araw na ba ngayon?" tanong ko

"Linggo na ng Gabi bakit?" say ni Gabriel

"Lunes na bukas, may pasok na naku!!" oo nga pala sunday ngayon, Monday na bukas may pasok na

"Wag Kang praning dyan Mia, chineck ko ang school bulletin, wala raw pasok bukas, nag-announce si Mayor para sa buong bayan, all levels kaya wag ka nang praning dyan" say sa akin ni Gabriel

"Hay Buti na lang maagap si Mayor, iniisip ang kaligtasan ng mga students" nakahinga ng maluwag ako sa sinabi ni Gabriel

Tinapos ko ng kainan yung biscuit at Tubig ko at ganun rin si Gabriel...

*Yawn*

"Antok ka na ata, kung gusto mo matulog na dyan" say sa akin ni Gabriel, sakto pa naman ang lamig ng panahon

"Paano ka?" tanong ko naman sa kanya

"Dito na lang ako sa may maliit na mesa uub-ob, sige na matulog ka na" Sambit sa akin ni Gabriel

"Ayaw mo dito sa airbed? malaki naman to at may dibisyon naman" suggest ko, what!? Ano gusto ko, tabihan nya akong matulog, ang galing mo talagang magsuggest Mia, Great!!!

"Di ba nakakahiya sayo? Malikot kasi akong matulog kaya ikaw na lang dyan" kamot ulo nyang sabi

"Gusto mong mahirapan matulog, masarap pa naman matulog ngayon, ang lamig ng panahon oh" galing ko talagang mang-udyok sa lalaking to

"Okay lang sayo?" tanong ulit nya, ang kulit ah

"Wag nang umarte, wala naman malisya to, malaki naman ang airbed mo, malabong magkabanggaan tayo sa pagtulong, ano?" tanong ko ulit sa kanya

"May magagawa pa ba ako?" natanggal na ng tsinelas si Gabriel at umupo na sa kabilang side ng airbed, nakaupo naman ako sa kabilang side

"See? kalaki laki ng airbed mo, nahiya ka pang matulog sa sarili mong higaan" say ko sa kanya at humiga na ako, ganun rin sya, aba di nakuntento humarap pa sa akin

"Oh? May sasabihin ka?" tanong ko sa kanya, papapikit na kasi ako ngunit ramdam ko ang titig nya sa akin

"Wala naman, masama bang tignan ka habang papatulog?" say nya sa akin

"Bakit? May ano ba sa mukha ko?" tanong ko sa kanya

"Wala, matulog ka na Mia, mag-12 midnight na!" utos nya sa akin

"Nagpaalam ka ba sa magulang mo?" tanong ko bigla sa kanya

"Tinext ko na si Papa, Pero di ko sinabi kung nasaan ako, Sabi ko lang na di ako makakauwi ngayon Gabi gawa ang lakas ng ulan!" say nya sa akin

"Ah okay!" say ko na lang

"Goodnight!" he smiled at me and went to sleep

"Goodnight too!" I smiled back at him, sana di na matapos ang ulan na to, at tuluyan na akong dinapo ng antok at tuluyan ng nakatulog kaharap ang lalaking matagal tagal ko na rin sinisinta ng lihim

==================================

Chapter 23 is up next...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top