Chapter 21

Tuluyang lumabas patakbo si Mia, di na sya naabutan ng ina at ng ama...

"Mia, bumalik ka dito!!" sigaw muli ng ina ngunit di na ito nilingon ni Mia at patuloy na tumakbo

"Carlos, habulin mo ang anak mo!" utos ni Mila kay Carlos

"Hayaan na natin siya Mila" say ni Carlos sa asawa

"Ano? Hayaan mo na lang ang anak na umalis ng Gabi!! Carlos naririnig mo ba ang sarili mo!? Babae ang anak mo!" sumbat ni Mila Kay Carlos

"Kahit habulin ko pa ang anak mo, di yan uuwi ng masama ang loob" paliwanag ni Carlos

"Kahit na! Gabi ngayon, baka kung anong mangyari sa batang yan sa daan!" reklamo ni Mila kay Carlos

"Walang mangyayari sa anak mo Mila, matapang ang anak mo!" sambit ni Carlos

"Babae ang anak mo Carlos kahit anong tapang Nyan babae pa rin sya kaya habulin mo na!" sambit muli ni Mila

"Hindi uuwi ang anak mo Mila hangga't ganyan ka, hindi babalik Yun" say ulit ni Carlos sa asawa, sadyang sarado ang pag-iisip ni Mila

"Kahit na Carlos--" magsasalita muli si Mila ng --

"Bakit di mo tanungin ang sarili mo Mila kung bakit tumakbo palayo sa atin si Mia, sinasabi ko sayo hindi uuwi ang batang yun hangga't ganyan ka!" at umalis na si Carlos at pumasok na sa loob ng bahay naiwan sa labas si Mila na nag-iisip

Samantala...

Katatapos lang magdinner nila Gabriel at ng parents nya, papasok na Sana sa kwarto nya para matulog si Gabriel ng may nag text sa kanya...

Text from "MIA"
  "Di ba Sabi mo Pag kailangan ko ng kausap text lang kita, pwede ka ba ngayon? Nandito ako sa tambayan"

Kinabahan na si Gabriel dahil alas-8 na ng gabi, lumabas pa si Mia ng bahay, agad agad kinuha ni Gabriel ang jacket nya at dali daling lumabas ng kwarto nya at napansin sya ng dad nya

"Oh Gabriel saan ka pupunta ng dis oras ng Gabi?" takang tanong ng dad ni Gabriel sa kanya

"May kakausapin lang po ako saglit, text ko na lang po kayo mamaya!" say ni Gabriel at lumabas na siya ng bahay nila at nagmamadaling naglakad papunta sa tagpuan

Sa Tambayan...

Tahimik na naghihintay si Mia sa pagdating ni Gabriel, nababalot ng katahimikan at kalungkutan ang buong paligid...

"Bakit ba ganon si Nanay? Bakit di nya ako magawang pakinggan? Lahat na lang ba ng gawin ko bawal? Masama na bang makipagkaibigan sa iba?" sambit ni Mia sa sarili habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa kanyang mga mata

Patuloy sa pag-iyak si Mia ng may nag-abot ng panyo sa kanya..

"Buti na lang nagdala ako ng panyo" sambit ni Gabriel sabay abot ng panyo kay Mia, umupo siya sa tabi ni Mia

"Salamat at dumating ka" say ni Mia kay Gabriel

"As promised, bakit bumalik ka dito ng ganitong oras?" say naman ni Gabriel

Pinunasan muna ni Mia ang natitirang luha sa kanyang mga mata

"Bakit ganon ang nanay ko? Nasasakal na ako sa mga pinaggagawa nya sa akin, lahat na lang ba ng gawin ko na di naman masama, bawal?" tanong ni Mia kay Gabriel na nahikbi

"Ano bang nangyari?" tanong ni Gabriel kay Mia

"Nagkasagutan kami ni Nanay kanina, nag-umpisa nung pagkauwi ko palang sinalubong agad ako ng mga tanong na, saan ka nanggaling? Seryoso sya, tinanong nya sila Lei kung kasama ako, nung nalaman nya na di ko kasama sila Lei, mag-iba na mood nya, interrogate na ako kung sino ang kasama ko at saan ako nagpunta bakit ngayon lang ako umuwi, sinabi ko sa kanya ang totoo kaysa magsinungaling pa ako, Sabi ko kasama kita ng tanghaling iyon hanggang ngayon, lalong nag-iinit ang nanay ko ng malaman na lalaki ang kasama ko the whole afternoon, binirahan na naman ako ng mga rules nila at tradition ganon! Na paulit ulit na lang nya sinesermunan sa akin!" kwento ni Mia kay Gabriel

"Napakahigpit pala ng nanay mo pagdating sa pakikipagkaibigan mo lalo na sa lalaki" say ni Gabriel kay Mia

"Mas lalong nagalit si nanay ng malaman nya kasama kita si Simbahan bilang server, alam nya rin ang rules sa simbahan di ba?" sambit ni Mia, patuloy na nakinig si Gabriel

"So it means? Ayaw ng nanay mo na may kaibigan Kang lalaki? Ganun ba?" biglang nalungkot si Gabriel

"Parang ganun na nga, Pero Mali ang ganun eh! Wala naman masama dun eh! Ang di ko lang naintindihan kay nanay na bakit bawal? Lahat naman ng gusto nila ng tradisyon nila sinusunod ko, bakit pati karapatan kong pumili ng kaibigan ko ay bawal pa rin? Bawal na ba akong maging masaya?" tanong ni Mia kay Gabriel, nakikita ni Gabriel na nangingilid na ang mga luha ni Mia, di na mapigilan sa pag-agos

"Mia, naintindihan ko ang nanay mo, masakit para sa akin na ganun pala ang gusto ng nanay mo para sayo" malungkot na sambit ni Gabriel kay Mia

"Give up ka na rin ba sa friendship natin?" naluluhang tanong ni Mia, pinunasan ni Gabriel ang mga luha ni Mia sa pisngi

"Kaya mo ba akong di kausapin?" tanong ni Gabriel kay Mia at umiling lang ito

"Kung kailan ganto ang sitwasyon mo gigive up ba ako sayo? Sa Friendship na to? Dito lang ako hanggang maging okay ka, Okay?" sambit ni Gabriel habang nakatingin kay Mia, napangiti si Mia

"Kahit na ipagbawal ng nanay ko na makipagkaibigan ako sayo? Di ka lalayo? Di mo ako iiwasan?" say ni Mia

"Lahat ng bagay may paraan kung talagang gugustuhin natin makita at makausap, hindi man gaya nito mga nakaraan, pero alam Kong Pag may paraan magagawa natin parehas, kaya tama ng umiyak okay?" assured ni Gabriel kay Mia

"Salamat at dumating ka dito!!" yumakap na lang si Mia kay Gabriel, and he gladly hugs back

"Special ka sa akin Mia kaya kahit anong mangyari dito lang ako pag kailangan mo ako!" sambit ni Gabriel kay Mia

"Special ka rin sa akin Gabriel, tandaan mo yan na kahit ipagbawal pa ako ng nanay ko na makita at makausap ka, gawa at gagawa ako ng paraan basta ganun ka rin ah?" say ni Mia kay Gabriel, nanatili silang magkayakap

"Pangako, alam Kong may dahilan ang lahat kung bakit tayo nagkatagpo!" tanging sambit ni Gabriel kay Mia

=================================

Chapter 22 is up next...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top