Chapter 14

Gabriel's POV

Kakagising ko lang ng Umaga, di ko ipinakita kila mama ang pasa ko sa mukha, nauna akong mag-agahan para di nila ito napansin..

Naisipan ko muna pumunta sa plaza para magbasketball, nakasalubong ko si Toper na dun rin ang punta..

"Pre, magbasketball ka rin ba?" tanong ni Toper sa akin

"Oo pre, maaga akong umalis sa amin baka mahuli pa ako nila mama na may pasa sa mukha, di ako nagpakita kagabi" say ko Kay Toper, sabay na kaming naglakad papuntang plaza para magpapawis

"Swerte mo pre, di ka nahuli, ako katakot takot na sermon inabot ko kay mama!" kwento naman ni Toper

"Sigurado mamaya pre, makikita na to at wala na akong lusot kay mama" say ko naman kay Toper

Nakarating na kami ng Plaza para magbasketball when I saw a familiar face nakaupo sa bench...

"Pre si Mia oh, mag-isa lang ata siya?" turo ni Toper kay Mia

End POV

Mia's POV

Naiwan na akong mag-isa sa plaza matapos namin magkwentuhan ni Sister Margaret, paano nya nalaman na may gusto akong makilala ng husto?

Malalim ang akin iniisip at tila ba ay nakatulala lang ako sa kawalan ng biglang---

"Need mo ba ng makausap?" nagbalik ako sa katinuan ng may magsalita mula likuran ko, nilingon ko kung sino, nanlaki ang mata ko

"Gabriel?" nauutal kong sabi, anong ginagawa nya dito? Sinusundan ba ako ng lalaking to?

"Nakita ka namin ni Toper nag-iisa dito, nandito kami para magbasketball, si Toper nauna na maglaro" paliwanag ni Gabriel, sabay upo sa tabi ko hawak hawak ang bola ng basketball

"Nagpapahangin lang ako sa plaza, getting away sa mata ng nanay ko" nahihiya kong sagot sa kanya

"Same situation pala tayo, di kasi ako nagpakita sa mama ko kagabi gawa ng pasa ko sa mukha, ayaw kong masermunan, pero for sure pag-uwi sigurado na ang sermon na aabutin ko" kwento naman ni Gabriel

"Mahigpit ba ang parents mo? If you don't mind me asking?" tanong ko sa kanya

"Well, paano ko ba sasabihin, uhmm..50-50 sila ganon" say ni Gabriel sa akin

"50-50? As in 50 percent mahigpit 50 percent maluwag ganun?" tanong ko sa kanya

"Yup! Di naman sila sobrang higpit pantay lang, basta nasa tama ang desisyon na gagawin ko, and I usually obey their requests" say ni Gabriel habang nilalaro laro ang bola nya

"Buti ka pa, kasi ako 70-30, 70 percent ang pagiging mahigpit lalo na ng nanay ko, nasa 30 percent naman yung napapayagan ako sa gusto kong gawin" simple kong kwento Kay Gabriel

"Traditional Family ba ang nanay mo?" tanong ni Gabriel sa akin

"Apparently Yes! Kaya yung pagiging Santa santahan ng nanay ko ay may pagka-OA na, laging nasa tradisyon pa rin nakabase di na lumevel up!" reklamo ko, napatawa na lang si Gabriel sa reaksyon ko

"Bakit ka natatawa? May nakakatawa ba sa ikinuwento ko? Nakakaasar nga Pag ikinuwento ko, tapos ikaw natatawa ka pa?" kuwestyon ko Kay Gabriel

"Wala, ang cute mo kasi kapag na iirita ka" ngiting sabi ni Gabriel, nahiya naman ako sa compliment nyang yun

"Ang corny mo!" say ko na lang sa kanya

"Eh sa totoo naman ang sinasabi ko!" say ni Gabriel

"Salamat" say ko bigla sa kanya

"Para saan naman?" tanong ni Gabriel sa akin

"For chatting with me, di ko kasi expected na makakakwentuhan kita ng ganitong katagal, thanks sa time" say ko sa kanya

"It's hard talaga kapag may problema tayo sa bahay, kailangan natin ilabas yan para maging maluwag sa atin, lalo pa at nagseserve tayo sa simbahan kailangan natin alisin ang mga problema at alinlangan natin sa buhay para maluwag sa atin kapag nagseserve tayo!" dugtong pa ni Gabriel

"Sabagay! Nakakasira ng araw ang problema" say ko naman

"Tama, pero okay rin sayo ang naiirita, nakikita ang cuteness mo Pero mas okay kapag nakangiti mas kita ang ganda!" sabay sulyap sa akin ni Gabriel, napatitig ako sa kanya, tumigil na naman muli ang mundo ko sa kanya, bakit ba ako ganito pagdating sa kanya? Anong nangyayari sa akin?

Nanatili kami sa posisyon namin itong ng biglang---

"Kung kayo ay ice cream ay tunaw na kayong dalawa!" nagbalik kami sa ulirat ng magsalita si Toper, umiwas kami agad ng tingin

"Pre? Kanina ka pa nandyan?" nauutal na tanong ni Gabriel

"A minute ago pre, di kita maistorbo,ganda ng titig mo Kay Mia eh?" tukso ni Toper

"Mabuti pa pre, Tara na magbasketball, Mia mauna na muna kami ah?" paalam ni Gabriel sa akin

"Okay, uuwi na rin naman ako eh, salamat sa kwentuhan ah!" say ko na lang sa kanya, ngumiti na lang sya at sabay lakad palayo kasama si Toper

Nang makalayo na sil Gabriel sa akin...

"Mia, napakatindi mo talagang babae ka?" say ko sa sarili ko

"Oh girl, loner ka lang dito?" bigla naman sumulpot si Luisa

"Nagkakwentuhan lang kami ni Sister Margaret kanina" say ko kay Luisa

"At kay Gabriel?" tanong niya sa akin

"Paano mo--" bago ko pa masabi ang sasabihin ko sinagot na ako ni Luisa

"Ayun sila Gabriel at Toper oh magbasketball, malaman sa malamang makausap mo si Gabriel" sabay turo ni Luisa sa kinaroroonan nila Gabriel

"Wala talagang sikretong matatago sa iyo!" say ko na lang sa kanya

"Mia, obvious naman girl na na-love at first sight ka sa bagong altar server na Yun!" sabay upo ni Luisa sa tabi ko

"Love agad Luisa? Di ba pwedeng getting to know muna?" depensa ko sa kanya

"Meron bang getting to know na lagi na lang sa tuwing nagkakatitigan kayo ay tumitigil ang mundo mo, may ganon ba dun? Di ba wala? Kaya sa mga ganyang echos mo girl, love na yan di na crush love na yan!" say ni Luisa sa akin

"Girl, di pa pwede magkaroon ng lovelife, bawal pa, baka ako ay pasabugan ng bomba ng nanay ko!" dismayadong Sabi ko kay Luisa

"Sabagay girl, bawal rin yan sa atin sa loob ng simbahan baka machugi ka bilang server don kapag nagkataon!" paalala ni Luisa sa akin

"Ang hirap naman ng may mga rules!!" say ko na lang

==================================

Chapter 15 is up next....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top