Chapter 12
Nanatili sa ganung posisyon sila Mia at Gabriel ng biglang---
"Pre baka mahulog ka ng tuluyan dyan?" kumawala ang dalawa sa isa't isa ng magsalita si Toper mula sa likuran
Mahiya tuloy si Gabriel at Mia kay Toper...
"Chilax kayo, di ko naman kayo isumbong pre, nandito tayo para mag-enjoy pero sa tingin ko higit pa sa enjoyment ang nakita sa inyong dalawa?" sabay tingin ni Toper sa taas kunwari wala syang nakita
"Buti nakarating ka pre dito sa plaza" say ni Gabriel kay Toper
"Traffic sa kalsada pre, daming tao di makasingit!" biro ni Toper, napatawa ng konti si Mia sa sense of humor ni Toper
Habang nagkakwentuhan ang lahat lumapit ang tatlong girls sa kinaroroonan nila Gabriel...
"Hi Toper!" bati ni Lei Kay Toper, ngiting tagumpay na naman si Toper
"Hi Lei!" nahihiya ng sabi ni Toper
"Anong chismis nyong tatlo?" takang tanong ni Clarice
"Wala! Wala nahuli ko lang naman tong dalawa na magka--" bago pa masabi ni Toper ang sasabihin sinikmuraan na siya ni Gabriel para tumahimik
"aw!" say na lang Toper
"Bakit parang may sasabihin ata si Toper?" say naman ni Lei, sumabat na si Mia
"Wala Yun, nagkakwentuhan lang kami about sa Palma Yun, di ba?" sabay tingin ni Mia kay Gabriel at Toper
"Yes, first time pala ni Mia makapanuod ng Palma, Sabi ko naman sa kanya taon taon ako nanunuod ng Palma tuwing fiesta yun!" sabay kamot ng ulo si Gabriel
Patuloy pa rin ang pagsuspetsa ng tatlo Kay Mia at Gabriel ng---
"Anong ginagawa ng mga altar servers sa plaza sa kadiliman ng Gabi?" nagulatang lahat ng biglang sumulpot si Sister Tessy
"Nanunuod lang po ng Palma, Sister" paliwanag ni Luisa
"Kasama ang dalawang lalaking server na ito?" sabay tingin ni Sister Tessy kay Gabriel at Toper
"Nagkakitaan na lang po kami dito sa Plaza Sister, di po kami magkakasamang dumating" paliwanag naman ni Lei
Di pa rin tapos mangtanong ang Madre ng biglang may nagsusuntukan sa gitna ng Plaza, nagsitakbuhan ang mga nanunuod ng Palma para makisilip sa kaganapan..
"Anong nangyayari doon!?" tarantang tanong ni Sister Tessy
"Tara tignan natin!" say ni Clarice sa lahat..
"Saan kayo pupunta?" tanong ng Madre sa kanila
"Pauwi na po Sister, babye po see you sa Sunday!" pagsisinungaling ni Clarice at nagtakbuhan na ang anim na altar server patungo sa kaguluhan
Sa gitna ng kaguluhan, napakaraming tao sa paligid na nakikinuod lamang at ayaw mag-awat ng Dalawang lalaking nagsusuntukan, di pa nadating ang barangay para umawat, di matiis nila Toper at Gabriel ang nangyayaring suntukan at lumabas na sila mula sa pulutong ng tao para awatin ang mga nagsusuntukan..
"Hoy! Anong gagawin nyong dalawa?" saway ni Luisa sa dalawa
"Mang-aawat lang ng gulo, dyan lang kayo girls!" say ni Toper sa girls
"Mga sira!! Kita nyong napakalalaki ng katawan ng mga yan, mang-aawat kayo!!" si Lei naman ang sumigaw para pigilan sila Gabriel
"Kaya namin to di ba pre?" tanong ni Toper Kay Gabriel at nagsang-ayon lang ito at nakapunta na nga sila sa gitna para makiawat
Sa part ng mga girls..
Nakatulala lang si Mia habang may nagaganap na suntukan ng batukan sya ni Clarice
"Hoy babaeng wala sa ulirat, may nangyayari ng kaguluhan ikaw tulala pa rin, ano bang nangyayari sayo aber?" tanong ni Clarice Kay Mia matapos itong batukan
"Wala, okay lang ako!" say naman ni Mia kay Clarice
"Sure ka girl? Eh sa itsura ng mukha mo parang nagmumurang kamatis sa pula, don't tell may nangyari behind our backs?" intriga ni Clarice kay Mia
"Hoy! Kaysa mag-away kayo dyan dahil sa lalaki, mabuti Mia pigilan mo yung crush mo sa pag-awat don baka imbis na maawat ay masapak pa Yun!" turo ni Lei kila Gabriel na umawat sa mga nagsusuntukan
"Crush? Sari sari ka na Lei!" pagtanggi ni Mia
"Awatin mo na kaya yung dalawa kaysa masapak pa yun mga Yun" pag-uulit ni Luisa kay Mia
"Ako lang ang aawat!?" turo ni Mia sa sarili at nagsang-ayon ang mga girls
"Ganyan tayo ngayon!" say pa ni Mia
Patuloy na nagdedebate ang girls kung sino ang aawat kila Toper na mang-aawat sa nagsusuntukan ng biglang---
*Blags*
Tumingin ang girls sa pangyayari at laking gulat nila si Gabriel ay natamaan sa mukha ng isa sa nakikipagsuntukan, napaupo sa lapag si Gabriel na may pasa sa may pisngi..
"Gabriel!!" agad na tumakbo agad si Mia para tulungan si Gabriel
"Ayaw pa raw girls oh! Halata naman di ba?" turo ni Clarice kay Mia inalalayan tumayo si Gabriel ng dumating ang mga barangay at naawat na ang suntukan at dinala sa barangay ang dalawang lalaking nagsuntukan
Tinanong ng tanod si Gabriel kung okay lang sya...
"Iho? Okay ka lang ba? Gusto mo bang dalhin ka namin sa pagamutan?" tanong ng tanod kay Gabriel
"Okay lang po ako sir, daplis lang naman po sa mukha kaya naman po!" say ni Gabriel sa tanod
"Sigurado ka?" tanong muli ng tanod
"Yes po!" say muli ni Gabriel sa tanod at umalis na ito, naiwan sila ni Mia, agad naman lumapit sila Luisa sa kanila
"Napasama pa ata ang pagtulong natin pre? Nabangasan ka pa" say ni Toper na may konti ring daplis sa mukha
"Okay lang yun pre, mahalaga dumating na ang mga tanod para dalhin yun mga yun sa Barangay, fiestang fiesta nagsusuntukan, mukhang mga lasing pre" say ni Gabriel sabay tingin sa mga tanod na dinala na ang dalawang nagsuntukan sa Barangay
"All fairness naman sa Isang babaita dyan, to the rescue nung bumagsak si Gabriel, di nag-alangan girl, to the rescue agad?" nag-umpisa na naman manukso ni Clarice kay Mia
"Concern lang naman" depensa ni Mia
Tumingin si Gabriel kay Mia...
"Salamat Mia!" sabay ngiti ni Gabriel kay Mia sa Kabila ng pasa mukha
"Wala Yun" nahihiyang sabi ni Mia, umiwas sya ng tingin dahil namumula na naman ang pisngi nya sabay ngiting patago, napansin agad Yun nila Lei
"Wala yun sabay iwas ng tingin" nag choir pa ang tatlong girls
"Okay girls!! Pre kaysa magkwentuhan lang tayo dito, mabuti pa ay umuwi na tayo para magamot namin tong mga bangas namin pwede ba?" say ni Toper at nagsitawaan na lang ang lahat at sabay sabay na silang nagsiuwi
===================================
Chapter 13 is up next....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top