Chapter 7

Confused
June 19, 2196
____________________

GEORGIA
Georgia Kaye Alas | Heidi Laquisha Calafiore

A day has passed and I was introduced to my office yesterday, although hindi pa siya talagang tapos gawin. Ang mahalaga naman ay nakakatulog ako nang mahimbing. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakahiga sa malambot na kutson. In Fall, I only sleep in the floor. That's why I had a hard time to get up from bed.

A sigh escaped my lips as I exit the comfort room. I faced the mirror and saw myself wearing something extravagant, as if I'm in a dream. It was a black high-waisted pants partnered with a black long-sleeved. There was a small golden crest on the collar and a thin golden ribbon tied around the collar. It was simple and minimal but the texture and the gold accents stood out for me. A pair of black knee-cut boots was also sent as part of the uniform. Everything screamed elegance, and I am not used to it.

Kailangan ko na namang magpanggap, makihalubilo nang hindi ko gusto, at magsalita. If only I could bring back time and not let the soldier, Haden, in my home.

Speaking of him, I wonder if he really was part of the scheme or— hindi niya na rin inasahan ang pangyayari. But it doesn't matter. Hindi ko na rin maiimbestiga ang nangyari dahil narito na ako sa land of Summer. All of Fall is in the past now... I hope.

A knock startled me. Naaligaga ako at biglang inayos ang hitsura ko't... tinago ako dagger na aking nilalaro. This was a dagger forged by my own hands, and a dagger that I could never let go.

Marahan kong binuksan ang pinto at doon ko napansin si Aeryn. She smiled at me and held out some books. Napangiwi naman ako nang mapansin ang kapal ng mga 'yon.

"Good morning, Heidi!" She greeted enthusiastically.

Ngumiti naman ako at bahagyang tumango. "Good morning to you too, Aeryn. What will I be doing for this day?"

She hummed and beckoned her hand to me, so that I could follow her. That was only when I had realized that there was a flying carpet beneath her feet. Hindi mataas ang lipad n'on kaya hindi ko agad napansin. It was colored white and velvety. It had short golden tassels in four sides, and it was again designed by a noble symbol.

"Sakay ka na para hindi na tayo matagalan sa pagpunta sa library," aniya at tumabi pa para bigyan ako ng espasyo sa carpet.

Napataas naman ang isa kong kilay ngunit mabilis ko rin 'yong ibinaba. Library? Ano naman ang gagawin namin d'on? Gusto ko sanang itanong ngunit hindi ko na nais pang sayangin ang laway ko.

Natakot pa akong umapak sa napakaputing carpet kaya't marahan ang pagbagsak ng aking mga paa roon. Napansin naman 'yon ni Aeryn kaya't napatawa siya.

"You're a noble but you're too scared to taint something as mere as this."

I scoffed and my smile turned to a sarcastic one. "Maaaring isa lang 'yang bagay sa'yo o sa'tin, pero sa iba, hindi. I could imagine the hardship of whoever made this."

"Don't worry, Heidi," she answered. "Ako ang gumawa niyan at wala naman akong pakialam kahit dumihan mo 'yan. Not everything can be look as clean as—" She stopped talking so I had to look back at her.

"As?"

Umiling naman siya at nagsimula nang umandar ang magic carpet. Hindi na ako nagtaka nang halos hindi ako gumagalaw. The ride was smooth but fast. Quite shocking, but again, this is a noble's carpet. She must have immense power.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa librerya. Bumaba na siya kaya't bumaba na rin ako. Napatingin ako at napansing ang ilan ay naglalakad, may ilan namang sakay rin sa isang magic vehicle or carpet. Some even rode in their brooms.

Maraming tumitig sa'kin, mga hindi ko kilalang mukha. Nagtaka naman ako sa dami ng tao na sa tingin ko'y nasa isang daan. Naisip ko naman kung gan'to ba karami sa isang klase, o maghihiwa-hiwalay kami sa loob? Ngunit mukha namang maliit lang ang library at hindi naman kami magkakasya lahat.

I almost jumped when Aeryn held my hand and pulled me to towards the entrance. The warm feeling of the Celestines scared me, so I quickly took my hand back.

Even simply standing near the entrance made my skin tingle with the magic aura around the building. The moment my feet entered the library, a light breeze swept over, wrapping me with a warm welcome.

Nang unti-unti kong itinangala ang aking mata, namangha ako sa laki ng espasyo sa loob. Hindi 'yon halata sa labas! Tila ba bigla nalang lumaki ang library. Series of steps led up to three floors, the stairs stretching nearly as wide as fifteen people flocked together. Ten-foot-wide arched recess were on either side of the room on each level and each was piled up with books.

Ngayon lang ako napatingin sa librong hawak ko, ngunit mas naguluhan ako nang biglang lumutang 'yon at kusang bumalik sa mga bookshelves.

"Sinong namamahala rito?" Hindi ko na napigilan ang pagtatanong. Instead of Aeryn, a girl with silver hair and chinky pale green eyes answered.

"Hi! I'm Nikola Garnet Stavros," she said and held her hand out. "Ako ang isa sa namamahala rito at ikinagagalak kong makilala ka sa wakas, Lady Heidi Laquisha."

Napatingin naman ako sa paligid ngunit nabigo nang hindi na makita si Aeryn. Muli na namang kinuha ng babaeng nagngangalang Nikola ang atensyon ko.

"Lady Surize attends a different class from you. Meanwhile, I will assist you to your destination. Sa ngayon ay titingnan muna namin ang iyong kapangyarihan, titimbangin kung saang klase ka namin isasama."

Muntik na akong mapatigil sa paglalakad. Napaigilan ko ang paglunok ko at naramdaman ko bigla ang tensyon sa sarili. Titingnan nila ang aking kapangyarihan?

"Anong gagawin ko?" tanong ko. Hindi niya ako nilingon at may mga inayos na libro sa shelf. Matapos niyang ayusin 'yon, bigla nalang nahati sa dalawa ang shelf at isang lagusan ang nagpakita.

"Ang lagusang ito ang maghahatid sa'yo sa dapat mong puntahan. Makakita ka ng isang malaking aklat at kinakailangan mong hawakan 'yon para malaman namin ang kapangyarihan mo."

My eyes squinted at confusion. Inuutos niya sa'kin... ibig sabihin ay hindi siya sasama sa'kin. Mag-isa akong papasok sa lagusang ito.

Taking a deep heavy breath, I hesitated, not sure if I should trust this woman who randomly approached me. Before I could start walking, a hand settled on my back, shoving me to the tunnel. Mabilis ding nagsara ang naghati na shelf. Sinalubong ako ng maliwanag na apoy sa paligid.

Napatingin naman ako sa harap at nagsimulang naglakad. Wala namang ibang daan kaya't diretso lang ang tinahak kong daan. Clouds drifted in the distance, resembling tiny flecks of stars and gold dusts. As the shadows began to thicken, I felt an immense power not so far away. My eyes widened when the flecks that I saw earlier were letters! Scriptures!

Natigil naman ako sa kinatatayuan ko nang ikutan ako ng mga scriptures. Nagulat din ako nang biglang gumalaw ang pader at lumawak na naman ang paligid. May mga parte ng sahig na bigla nalang umangat. Then, it revealed statues. Six different statues.

Mas lalo naman akong nagduda. Paano kung ang mga estatwang ito'y mga tao pala, o kaya nama'y sila ang mga mata? Imposibleng walang manonood sa'kin dito. Imposibleng wala akong kasama.

Naalala ko naman ang sinabi ng babaeng berde ang mata. Kailangan kong hawakan ang libro o malaking aklat... ngunit nas'an ba 'yon? Itinaas ko ang kamay ko at inabot ang mga sulat na pumaligid sa'kin. Bawat letrang hinahawakan ko'y lumiwanag hanggang sa isang nakakabinging kampana ang tumunog.

Napapikit ako at tinapkan ko ang aking tainga. Nang mawala naman ang tunog, nagmulat na ako. Lubos na naman akong nagtaka nang magbago ang hitsura ng paligid. It looked like a castle, but it was similar to the Academy. May simbolo ng Phoenix sa isang side, at napansin ko ang kakaibang uniporme nila. Lahat sila'y nagtatakbuhan at madaling madali.

Mas lalo akong nagulat nang makita si Lucifuge Rofocale. He was staring at the building, and watched the sky. Wala sa sarili akong napatingala at nagulat nang dalawang tao ang nasa kalangitan. The sky was divided into day and night. A man with black eyes and light blue hair seemed to control the moon, while the other man who had red hair and eyes moved the sun.

They were like preventing an eclipse from happening. The other man was even engulfed with fire that he almost looked like the sun itself.

A blonde man who looked like an angel with luminous wings flew above and he was followed by some, too. Pakiramdam ko may digmaang nagaganap dito. Pakiramdam ko... alam ko kung anong nangyari sa panahong 'to.

Out of consciousness, my head snapped backwards. May papalapit sa'king mga taong nakaitim na kapa at sa likod nila'y may ilang mga lobo. My feet slid back and suddenly, I couldn't think. Hindi ko alam kung anong gagawin.

Mas natakot naman ako nang gumalaw nang sarili ang katawan ko. Naramdaman ko ang pagliwanag ng pula kong mga mata at tila may kapangyarihan na dumaloy sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko nang itaas ko 'yon at awtomatikong may mga light blades na lumabas sa itaas. Umulan 'yon sa mga papalapit na mga kalaban ? sa'kin.

"Georgia!" Napasinghap naman ako nang may tumawag sa'kin gamit ang tunay na pangalan ko. When I looked back it was the Crown Prince! Lucifuge!

Hindi ko naman siya sinagot ngunit tumaas ang kamay ko at binigyan siya ng thumbs up. Heck, why would I give him a thumbs up! At bakit niya ako tinawag na Georgia! Ako si Heidi, 'di ba?

Saglit lang... ano ba itong nakikita ko? Bakit tila alam ko ang mangyayari dahil nangyari na ito noon?

A Phoenix soared high above approaching the moon and the sun, but a dragon flew above too and guarded both. Small balls of fire rained down on us, and before I could even act on my own, my feet dashed and sprinted around. D'on ko lang din napagtantong hawak ko na pala ang dagger ko at mabilis din ang paggalaw ko. Super speed?

My dagger cut and strike the most vital parts of men, leaving them dead in an instant. Some moved as fast as I did, but my flexibility helped me to move faster. Napansin ko rin ang unti-unting pagtalas ng fangs ko. Gusto kong tumigil sa kinatatayuan ko ngunit hindi ko magawa!

Ito rin ang kinatatakutan ko. Sa t'wing mangyayari 'to noon sa Fall, kinukulong ko ang sarili ko upang mapigilan ang galaw at kapangyarihan ko. Tila naririnig ko ang lahat, nalalaman ko kung ano ang nasa isip nila at nabibingi ako.

Patuloy lang akong nakikipaglaban hanggang sa bigla na namang nag-iba ang paligid. Napakunot ang noo ko nang mapansing ako'y nasa loob ng building o kastilyo na nakita ko kanina. Nakasilip sa tanawin mula sa veranda, at tiningnan ang sarili kong mga kamay.

"I can become the highest form of an angel and the highest form of a vampire... but I can't become a hybrid. Hindi ko magamit nang sabay ang kapangyarihan ng anghel at bampira."

Hindi ko alam kung anong lumabas sa bibig ko! Ano na namang kalokohan 'to? Bampira? Anghel? Dalawang klase lang ang namumuhay sa Summerland. The Soulless and the Celestines.

A man beside me chuckled. I was startled inside, but my actions showed otherwise.

"It takes time to perfect a hybrid. Normally, it would take years. Unless your powers equal that of Red and Alpha." It was Lucifuge. His hair this time was a little longer and his eyes were still bloody red. My cheeks flushed red when his eyes looked at me intently.

Then, he smiled.

"Hindi mo naman kailangan magpalakas. Back-up mo naman ako palagi," pabirong wika niya at mas lalong tumawa. Wala sa sarili akong napairap, ngunit nagulat nalang din ako nang may ngiting gumuhit sa'king labi.

Mas lalo pa akong nabahala nang biglang hawakan ni Lucifuge ang buhok ko. Marahan niyang hinagod 'yon at mas lalo pa siyang lumapit sa'kin.

"I'm serious though, Georgia."

Georgia? This is the second time he called me by that name!

Nang mapalingon ulit ako sa kaniya, nagulat ako nang mag-iba na naman ang hitsura ng paligid. Umikli nang bahagya ang buhok niya at nag-iba na rin ang suot niya. My hands were also clinged around his neck and I noticed that he was carrying me. His face was so close that I feel like... he was about to kiss me!

Mas lalo namang namula ang pisngi ko. "Ano'ng ginagawa mo?"

Nagkunot-noo siya ngunit kalaunan ay ngumisi. "Ikaw ang nagsimula nito. I'm just offering you what I have, Heidi."

This time, he called me by the name Heidi. But... what does he mean by that?!

"To satisfy your needs?" He answered as if he read my mind... or maybe he could really read my mind.

Mas lalo naman akong naguluhan. Ano bang nangyayari? Bakit kanina ay Georgia ang tawag niya sa'kin at ngayon nama'y Heidi?

Discovering Summerland
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Characters added:
Nikola Garnet Stavros by ImASwiftieWithASTYLE

Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top