Special Chapter

"SAMPALIN mo nga ako," utos ni Ada kay Raye nang tabihan siya nito.

"Seryoso ba 'yan? Gagawin ko talaga. Hindi kita uurungan, Adalina," rinig niyang sabi nito habang nilalantakan ang dessert na bitbit.

Bumuntong-hininga siya at pinagsalikop ang dalawang kamay sa dibdib. "Para kasing nananaginip pa rin ako."

Kunwa'y pumalatak ito. "'Yan na naman siya. Nakakadalawang tsikiting na kayo't lahat ni Brent, hindi ka pa rin makapaniwala?"

Natawa siya sa tinuran ng kaibigan. Pinasadahan niya ng tingin ang paligid na puno ng bata—at ng mga feeling young at heart katulad na lang ng asawa niya. Fourth birthday kasi ng panganay nilang anak na si Addy, at kagaya ng parating nangyayari sa tuwing may okasyon, imbitado na naman ang buong San Guevarra. Siyempre, nanay na naman niya ang may pasimuno niyon. Tuloy ay halos hindi mahulugang karayom ang garden ng mansion.

Lumawak ang pagkakangiti niya nang mahagip ng kaniyang tingin si Brent. Karga-karga nito si Belina, their two-year-old daughter, habang nakikipag-usap kay Riguel—Bistro & Coffee's owner and Caitlin's husband of three years. Nilipat niya ang tingin kina Don Alonzo at Doña Luzia na pawang may suot pang party hat at tatawa-tawa sa gilid habang pinapanood ang ubod ng bibo na si Addy makipagtagisan ng dance moves sa mga bata ring pinsan.

"It's just too good to be true. Who would've thought na magiging parte ako ng pamilyang 'to. I am beyond blessed, Raye," kapagkuwa'y anas niya. Dahil doon ay nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata.

"Spare me the waterworks, friendship," maarteng sita sa kaniya ni Raye. "Birthday na birthday ng anak mo, nag-iinarte ka riyan."

Umurong tuloy ang luha niya. "I'm just happy, you know."

Nag-make face lang ang bruha. Parehas na silang may "K" mag-ingles ngayon dahil ilang taon na lang at ga-graduate na sila ng kolehiyo. Hindi pa naman huli ang lahat kaya sabay silang nagbalik-loob ni Raye sa pag-aaral sa tulong na rin ng mga Esplana.

Nang muli niyang lingunin si Brent, nahuli niya itong nakatunghay sa kaniya. Ngumiti siya't nag-flying kiss sa asawa. Minuwestra naman nito ang kamay sa ere na tila ba sinalo ang kaniyang halik at saka idinikit ang palad sa bibig.

He winked playfully and mouthed, "I love you."

Nakagat ni Ada ang ibabang labi at ginantihan ang pag-I love you nito sa ganoon ding paraan. Iiling-iling siyang napahagikgik. Five years of being married to this guy, yet para pa rin siyang teenager kung kiligin. For Pete's sake, lagpas treinta na sila!

"Ay! Ano ba 'yan, ano ba 'yan!" mayamaya'y rinig niyang impit na tili ni Raye.

Naalis tuloy ang tingin ni Ada kay Brent at nagtatakang binalingan ang kaibigan. "Hoy, ba't ka nasigaw riyan?"

"Pa'no ba naman kasi, 'yang buhok mo, natatapakan ko na sa sooobrang haba," eksaherado nitong sabi. Nakapamaywang na pinatirik nito ang mga mata. "Hay, naku! Maiwan na nga kita riyan. Maghahanap muna ako ng fafa. Hindi puwedeng ikaw lang ang may lovelife rito, 'no! Dapat ang beauty ko rin!"

Tatawa-tawang pinanood na lang niya si Raye magmartsa palayo na animo may iniiwasan talagang tapakan. Para itong nakikipagpatintero na nagtsa-chinese garter dahil tumatalon-talon pa ang lukaret.

"Parang baliw talaga," usal niya sa kawalan.

"Mommy!"

Binalingan ni Ada ang pinanggalingan ng munting tinig na iyon. Nakita niya si Addy na tumatakbo palapit sa kaniya. Nagba-bounce pa sa ere ang naka-pigtails nitong buhok. Sunod namang humahabol sa likod nito sina Mrs. Kaya at Manang Janet na siyang humahaliling yaya ng dalawa nilang prinsensa ni Brent.

Hindi niya mapigilang mapangiti habang sinasalubong ang anak. May mga bahid pa ng icing sa gilid ng bibig nito. Kapwa nakuha nina Addy at Belina ang pagiging mestiza ng mga Esplana kung kaya't ganoon na lamang ang pamumula ng magkabilang pisngi nito kahit sanay naman sa mainit na klima.

"Mommy, Mommy, sabi ni Lock isasama n'ya kami ni Belina sa Disneyland," excited na balita ni Addy nang tuluyan itong makalapit sa kaniya. Hinawakan pa nito ang kaniyang hita at bahagya siyang niyugyog.

"But kakapunta lang natin doon last month, 'di ba?" Madalas silang ipasyal ni Brent sa kung saan-saang bansa kapag parehas silang hindi busy—siya sa pag-aaral, ito naman ay sa negosyo. Ito na kasi ang nagpapatakbo ng kapihan ngayon.

Nalukot ang mala-anghel na mukha ng anak. "But, Mommy, I want to see all the Disney princesses again," ungot nito habang nilalaro-laro ang laylayan ng bestida.

"Again?" kunwa'y gulat niyang wika. Sinisisi niya ang maghapong pagbabad ng mga anak niya sa TV kaya ganoon na lang ang pagkahumaling ng mga ito sa kung sino-sinong cartoon characters.

Nag-beautiful eyes si Addy. "Yes, Mommy, I want to see them again. I'm sure Belina would love to see Snow White, too! Kaya, please, Mommy, promise me that we'll visit Disneyland again with Tita Lauren and her son, Lock. Please, please, please!"

Hindi niya napigilang kurutin ang matangos nitong ilong. Bagama't hindi dire-diretso ang pagsasalita ni Addy, matatas na agad itong mag-ingles. Kahit si Belina, puro english na rin ang natututunang mga salita. Minsan, naa-amaze na lang siya dahil hindi niya alam kung papaano naa-acquire iyon ng mga bata.

Magsasalita na sana siya nang saktong dumating sina Mrs. Kaya at Manang Janet. Hapong-hapo ang mga ito at tila nakipagkarera.

"Dios mio! Iyang anak mo, Ada, pagkalikot-likot!" angal ni Mrs. Kaya, ngunit nakangiti. "Aba'y takbo nang takbo! Akala yata'y kasimbilis niya kami."

Natawa siya sa sinabi ng ginang. Medyo masungit pa rin ito—hindi na yata maalis 'yon—pero sanay na sanay na siya roon. Bago sila ikasal ni Brent noon, akala niya, ang mayordoma ang numero unong kokontra sa kanila. Inaasahan niya na rin na pahihirapan nito ang buhay niya sa mansion, but none of it happened.

Ni hindi siya nakarinig ng kahit na anong klase ng pagtutol dito. Sa katunayan, noong mga panahong buntis siya, dinaig pa nito si Brent sa sobrang pag-aasikaso sa kaniya.

"Sumakit mga kasukasuan ko," rinig niyang daing ni Manang Janet na siyang nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan.

Tila naman nakunsensiya si Addy dahil lumapit ito sa dalawang matanda at hinawakan pa ang mga ito sa kamay. "I'm sorry, Lola Kaya and Lola Janet. 'Promise I won't do it again."

Nakangiting sinuklay-suklay ni Mrs. Kaya ang iilang pirasong bangs ni Addy. "It's okay, baby. Pero, next time, ha? H'wag ka na malikot. Mababali buto namin sa 'yo."

Sunod-sunod na tumango ang bata. Itinaas pa nito ang kanang kamay sa ere. "Promise po! I'll behave na next time."

Nag-angat siya ng tingin kina Mrs. Kaya at Manang Janet. "Magpahinga muna po kayo. Ako muna ang magbabantay rito kay Addy."

Hindi na rin naman tumanggi ang dalawa dahil talagang pagod na ang mga ito kakahabol pa lang kay Addy.

"Come, baby." Binuhat niya ang anak at pinugpog ng halik. "Hmm, bumibigat ang little princess ko, ah?"

Parang may mainit na humaplos sa puso niya nang marinig ang nakakahawang bungisngis ng anak.

"Aba, kayong mag-ina lang ang naglalambingan? Paano naman kami?"

Pumihit si Ada nang marinig ang boses ni Brent sa kaniyang likuran. Lalong natunaw ang puso niya nang makita ang kaniyang mag-ama. Karga-karga pa rin ni Brent si Belina na mukhang masarap ang pagkakahimbing.

"Hi, mahal." Sinalubong niya ang asawa at masuyong dinampian ng halik sa mga labi. Ganoon din ang ginawa niya kay Belina na hindi man lang natinag sa bisig ng ama.

Nag-angat siya ng tingin sa asawa. "Ba't hindi mo nilapag sa stroller? Baka nangangalay ka na."

"I'd rather carry her, sweetheart," sagot nito. Tumangkulo ito kay Addy na biglang nanahimik sa dibdib niya. "How's our birthday girl?"

Isang matunog na hikab lang ang sinagot ng huli sa ama.

"Oh, inaantok na agad ang little superstar namin?" naaaliw na bulalas ni Brent sabay haplos sa namumula pa ring pisngi ng anak. "Napagod ka, 'no?"

"Papaanong hindi 'yan mapapagod? Wala nang ibang ginawa kundi sumayaw at tumakbo nang tumakbo," aniya.

Brent chuckled. "Mana sa 'yo. Who would've thought na lalabas ang pagiging frustrated dancer mo nang makasal tayo?"

Hinampas niya ito sa dibdib at pabirong inirapan. "Tse!"

Inayos ni Brent ang pagkakakarga kay Belina at iminuwestra ang kabilang bisig nang makitang nakapikit na ang kanilang panganay. "Put Addy here."

"Kaya mo ba silang dalawa?"

"Minamaliit mo ba ako, sweetheart? Kahit pa pumasan ka sa likod ko, kayang-kaya ko kayong tatlo," pagyayabang nito.

Pumalatak siya pero tumalima rin naman sa utos ng asawa. Maingat niyang nilipat si Addy sa bisig ni Brent at saka dahan-dahang ihinilig ang ulo sa balikat ng ama. Mayamaya pa'y hinehele na ni Brent ang mga anak.

"Sabihin mo sa 'kin kapag pagod ka na, ha? Para ako naman," may himig ng pag-aalala niyang sabi sa asawa. Wala pa kasi itong matinong pahinga mula kahapon.

Hinalikan siya nito sa kaniyang sentido. "Paano ako mapapagod kung kasama ko naman ang pinaka-source ng lakas ko?"

Pinaikot niya ang mga mata. "Five years of being together pero bolero ka pa rin."

"Correction, sweetheart. Five years of being together and I'm still crazy about you."

Napalabi na lang si Ada sa kawalan ng masabi. Hanggang ngayon ay natatameme pa rin siya sa tuwing pinapakilig siya ng asawa.

"Wife?"

"Hmm?"

"Noong hindi pa kita nakikilala, I thought I've seen all the colors already: red, blue, yellow, green, etcetera. Pero nang dumating ka sa buhay ko, na-realize ko na hindi pa pala."

Nag-angat siya ng tingin dito. "How so?"

"Because you made me see all the colors in the spectrum, sweetheart. Millions of them." Hindi niya alam kung papaanong nagawa siyang hilahin ni Brent, pero kamukat-mukat niya'y nakasandig na rin pala siya sa dibdib nito habang napapagitnaan nina Addy at Belina.

"I've made a lot of mistakes in my life," patuloy ni Brent. Hindi napigilan ni Ada ang mapapikit habang pinakikinggan ang sinasabi ng asawa pati ang payapang tibok ng puso nito. "But marrying you was the best decision I ever made, and I wouldn't change it for the world. I will forever thank God for blessing me with a wonderful wife and amazing kids." Naramdaman niya ang banayad na paglapat ng mga labi nito sa kaniyang bumbunan.

It's moments like these that make life worth living.


up next "The Right Ones", Badet's story 💛

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top