Kabanata 34

ANO?” Tama ba ang dinig ni Ada? Marry? O baka naman Merry Christmas talaga ‘yon, tutal naman ay magpapasko na? Wala sa loob na tinusok-tusok ng dalaga ang magkabila niyang tainga. Siya yata ‘tong nabibingi, eh. Kung ano-ano na naririnig niya.

     “Sabi ko, pakasalan mo ako,” mabagal na ulit ni Brent.

     Tuluyan nang napatanga si Ada sa binata. “K-kasal?”

     “Yes, kasal. As in, magiging asawa kita, ‘tapos bubuo tayo ng pamilya.” Punong-puno ng kasiguraduhan at sinseridad ang boses nito.

     Parang biglang sumakit ang ulo niya sa pinagsasabi ng binata. “Naririnig mo ba sarili mo? Anong . . . anong kasal sinasabi mo riyan? Okay ka lang? Nababaliw ka na yata, eh.”

     Lalo nitong inilapit ang mukha sa kaniya. Naroon pa rin ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito. “Yeah, nababaliw sa ‘yo.”

     Ay, letsugas! Pinuno niya ng hangin ang dibdib at saka muling kinalma ang sarili. “Señorito, hindi naman porque mahal ko kayo, eh, puwede n’yo na akong paglaruan nang paglaruan. Nasasaktan din naman ako. Pinipilit kong huwag umasa, pero ang hirap-hirap magpigil kung ganiyan kayo nang ganiyan.”

     Nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Tumiim. “Sino ba nagbigay sa iyo ng idea na pinaglalaruan kita? Na pinapaasa kita? Damn, I’ve never loved any woman as much as I love you!”

     “Huwag kang sumigaw! At puwede, huwag ka rin ingles nang ingles d’yan? Hindi gano’n kalawak bokabularyo ko! Mamaya niyan, minumura mo na pala ako nang wala akong kaalam-alam.”

     Napasapo si Brent sa noo, hindi malaman kung matatawa o maiinis. “Sorry, sorry,” kapagkuwa’y malumanay nitong turan. “It’s just that—ah, I mean, hindi ko lang kasi maintindihan. May nagawa ba ako na ikinagalit mo? Sabihin mo na kasi para maipaliwanag ko ‘yong side ko kung ano man ‘yon. Ang hirap manghula.”

     “Puwede ba, Señorito? Hindi ko alam kung bakit pinapaandaran mo pa ako ng ganiyan samantalang may Caitlin ka na. Bakit? Hindi mo ba naisip kung ano mararamdaman niya? Hindi ba't sabi mo, nagbago ka na?”

     Kumunot ang noo nito. “Papaano napasok si Caitlin sa usapan? At ‘yon ba talaga ang akala mo? Na pinagti-trip-an lang kita?”

     “Eh, alam ko naman kasing si Caitlin ang talagang gusto mo. Sino ba naman ako para piliin mo, ‘di ba?”

     “What?” tila nagugulumihanan nitong sambit. “Kung siya ang gusto ko, bakit ako nandito? And hell, Ada, hindi kita ginagawang option kung ‘yan ang iniisip mo.”

     “Huwag mo nang i-deny. Kitang-kita na ng dalawa kong mata. Magkasama kayo ni Caitlin kahapon sa Bistro & Coffee. Nagde-date kayo. ‘Sweet-sweet n’yo pa nga, eh. Oh, ano, itatanggi mo pa ba?”

     Hindi agad ito sumagot, tila ba ina-absorb muna lahat ng sinabi niya. Maya-maya’y ngumiti na naman ito nang nakakaloko, parang nang-iinis na ewan. “So ‘yon ang dahilan kung bakit ka nagkakaganiyan? Well, kung ‘yon nga, talagang itatanggi ko. Sweetheart, hindi ‘yon date.”

     Natigilan siya. Hindi?

     “Hindi lang kaming dalawa ni Caitlin ang pumunta roon. Kasama rin namin mga kapatid ko,” patuloy nito. “Sana nilapitan mo kami. Nandoon lang si Kuya Trent sa may bar, kausap ‘yong may-ari pati ‘yong head pastry chef ng Bistro & Coffee. Si Lauren naman nasa banyo lang. Pumunta kami roon kasi naghahanap kami ng gagawa ng cake ni Lola Luzia. Alam mo naman na birthday ni Lola next week, right?”

     Tila wala sa sarili niya itong tinanguan bilang sagot.

     “Kung hindi ka naniniwala, tara sa mansion. Sina Lauren mismo ang kausapin mo.”

     Tumikhim siya at kunwa’y umingos. Hindi siya papadaig sa binata. Klarong-klaro ‘yong eksenang nakita niya. Imposibleng walang namamagitan sa dalawa. “E-E di hindi na date kung hindi. Pero h’wag mong sabihin na pati ‘yong singsing na binigay mo sa kaniya, eh, wala lang din? Posible ba naman ‘yon? Hep!" Itinaas niya ang hintuturo sa ere nang ibinuka nito ang bibig. “Huwag kang magsisinungaling.”

     Saglit na nakipagtitigan si Brent sa kaniya, tila ba tinitimbang ang kaniyang ekspresiyon. Bumalik sa normal ang paghinga ni Ada nang umalis ang binata sa pagkakadagan sa kaniya at pabagsak na umupo sa kaniyang gilid. Napahimas ito sa batok. “Ito ba ang sinasabi mo?”

     Napabalikwas si Ada nang makita ang maliit na kahong inilabas ng binata mula sa bulsa ng suot nitong pantalon. “‘Yan! Ganiyan na ganiyan ‘yong nakita kong binigay mo kay Caitlin."

     “Una sa lahat, bakit ko ‘to ibibigay sa kaniya,” sinalubong nito ang kaniyang tingin, “eh, binili ko ‘to para sa ‘yo?”

     Pumalatak siya at humalukipkip. “Mayaman ka. Kayang-kaya mong bumili ng dalawang singsing. Siguro ibang design lang ‘yong kay Caitlin.”

     Nagsalubong ang mga kilay niya nang tumawa ang binata. Napa-rewind tuloy siya sa huling binitiwang mga salita. Wala naman akong maling nasabi, ah? sa isip-isip niya. Lalo tuloy nagngitngit ang kalooban niya.

     Mukha namang nakahalata si Brent dahil muli itong sumeryoso, ngunit mababakas pa rin ang pagkaaliw sa mga mata nito. “Hindi ko alam kung bakit ganiyan mga pinag-iisip mo, pero mali lahat ng akala mo. Isa lang ang singsing na binili ko,” inangat nito ang dilaw na kahita, “ito lang, at wala akong ibang balak na pag-alayan nito kundi ikaw.”

     Medyo natunaw siya nang very slight sa sinabi nito. “P-pero kitang-kita ko,” giit pa niya sa papahinang tinig. “may . . . may sinuot kang singsing kay Caitlin.”

     “‘Can’t blame you kung bakit wala kang tiwala sa ‘kin, but no, hindi ko ‘to sinuot sa kaniya. Tinuro niya lang sa ‘kin kung saang daliri ko ‘to dapat ilagay because I'm completely clueless. I’ve never done it before. Maniwala ka, ni dulo ng daliri ni Caitlin, hindi dumikit sa singsing.”

     Kumibot-kibot ang mga labi ni Ada. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang magtalukbong sa kumot dahil sa hiya. Lihim niyang binatukan ang sarili. Hindi siya makapaniwalang buong magdamag siyang umiyak nang dahil lang sa mali niyang interpretasyon sa nakasihan.

     “Hindi mo na rin siguro naabutan,” patuloy ni Brent nang lumipas ang ilang segundo at hindi pa rin siya umiimik, “pero ipinakita ko rin ‘to kina Lauren at Kuya. First time ko lang din bumili ng singsing para sa isang babae kaya sobrang aligaga ako. Hindi ko alam. Basta kinakabahan talaga ako kaya kinulit ko sila nang kinulit. ‘Magugustuhan kaya ‘to ni Ada?’, ‘Kakasya kaya ‘to sa kaniya?’, ‘What if hindi niya tanggapin?’. Kung alam mo lang, binging-bingi na si Lauren sa ‘kin dahil wala akong ibang bukambibig maghapon kundi ‘yong tatlong tanong na ‘yon.”

     Napakurap si Ada. Parang nalulon niya ang dila sa lahat ng narinig. Hindi niya alam kung saan unang magre-react: sa mga ipinagtapat ni Brent o sa sinabi nitong alam na nina Lauren at Caitlin na may namamagitan sa kanila ng binata?

     Kalauna’y pinili niya ang huli. “A-alam n-nila?”

     “Matagal-tagal na. Magugulat ka kapag nalaman mo kung sino pa’ng ibang nakakaalam.” Inabot nito ang kamay niya at nilaro-laro ang kaniyang mga daliri. “Hindi ka pa rin ba kumbinsido?”
 
     “S-sigurado ka ba sa nararamdaman mo? Baka mamaya . . . baka mamaya si Caitlin—”

     “Sweetheart, please,” agap ni Brent sa kaniya. “Listen to me, okay? And listen very carefully. Oo, aminado ako, na-attract ako kay Caitlin noong umpisa, pero matagal nang nag-subside ‘yong attraction na ‘yon dahil sa ‘yo. Hindi ka man lang ba nagtaka kung bakit, all of a sudden, tumigil ako sa paghingi sa ‘yo ng tulong kay Caitlin? Kung bakit ikaw na ‘yong pinapadalhan ko ng mga bulaklak instead of her? Hindi mo ba naisip na baka ikaw na ang gusto ko?"

     “I don’t know how it happened—or when, but in a snap, you became the only thing that I want in my life. Mahal kita, Ada. Mahal na mahal kita, and I’m sure of it.” Napalunok ito at bahagyang napangiwi. “I’m sorry. Hindi kasi talaga ako marunong dito, eh. Hindi ako marunong manligaw. Heck, I’m not even good with words. ‘Di ko alam kung papaano ipaparamdam sa 'yo na mahal kita without appearing too fast or too playful. Pero minsan, hindi ko talaga mapigilan, eh. God, I’m so in love with you, Ada—it's driving me nuts!"

     “S-si Caitlin . . . b-baka may gusto siya sa ‘yo.”

     “Kung inaalala mo na baka masaktan mo ang kaibigan mo, rest assured na wala siyang ni katiting na pagtingin sa ‘kin, sweetheart. In fact, siya raw dapat ang maid of honor mo kapag ikinasal na tayo.”

     Hinirit siya ng ubo nang muli nitong banggitin ang salitang kasal. Lumapit ito sa kaniya at mabilis na hinagod ang kaniyang likod. Sa kawalan ng masabi, tinabig niya ang binata at saka lulutang-lutang na tumayo. Ngunit bago pa siya makahakbang ay mabilis siyang napigilan ni Brent sa siko. Ilang saglit pa’y nakaluhod na ito sa kaniyang harapan.

     Nahigit ni Ada ang hininga nang buksan ni Brent ang kahita at tumambad sa kaniya ang singsing. Ang ganda-ganda niyon sa malapitan. Gawa sa ginto ang palibot ng singsing, samantalang yari naman sa diamond ang malaking daisy sa gitna. Napasinghot siya nang magsimulang mag-init ang sulok ng kaniyang mga mata.

     “Will you marry me, Ada?” kapagkuwa’y untag sa kaniya ni Brent. Nang balingan niya ito, para itong nagpipigil ng hininga na hindi mawari. “Dalawa lang ang sagot na tatanggapin ko, either ‘yes’ or ‘oo’. Wala nang iba.”

     “H-hindi mo kaya pagsisihan ‘to pagdating ng panahon?”

     “Mahal ko ang babaeng pakakasalan ko kaya bakit ko ‘to pagsisisihan?” sinsero nitong sagot.

     Pakiwari ni Ada, hindi lang puso niya ang natunaw sa sinabing ‘yon ni Brent, kundi buo niyang pagkatao. Kay sarap marinig nang paulit-ulit na mahal din siya ng lalaking itinatangi. Ang haba-haba ng hair niya!

     “You really have to marry me now dahil naghihintay na sina Lolo at Lola ng apo sa tuhod mula sa ‘tin.”

     Napanganga siya. “A-apo?!”

     “Yeah. Hindi ko alam kung ano’ng ginawa mo, pero they like you, at botong-boto sila sa ‘yo. Lalo na si Lolo. ‘Sabi pa niya, the moment na sinabi mo sa kaniyang nabato mo ako ng itlog sa noo, nasa ‘yo na ang boto niya. Ikaw raw ang magpapatino sa ‘kin. And guess what? The old man’s right after all.”

     Hindi niya maiwasan ang mapahagikgik nang maalala ang encounter nilang ‘yon. “Dapat pa pala ako magpasalamat kay Kuyang nagbebenta ng bulok na itlog na pula kung gan’on?”

     “Padadalhan natin siya ng invitation card. But before that, Ms. Adalina Palma, I’m waiting for your answer. Will you marry me?”

     May naisip siyang kapilyahan. “Puwede bang pag-isipan ko muna? Balik ka na lang sa ibang araw.”

     Napasimangot naman ito. “Ba’t pag-iisipan mo pa? Gusto mo bang mabaliw ako sa kaba? Hindi ako tatayo rito hangga’t hindi ka umo-oo.” Kapagkuwa’y lumambong ang ekspresiyon ng mukha nito, at sa mahina, halos pabulong na tinig, dinugtong nito ang mga katagang, “hindi ko kakayanin kapag nawala ka. I swear, it’ll be the death of me. So, please, marry me.”

     Kumurap-kurap siya nang magsimula nang lumabo ang kaniyang paningin dala ng mga luhang naiipon sa kaniyang mga mata. “Sige na nga! Oo na, sinasagot na kita.”

     Lumiwanag ang mukha ni Brent. “Payag ka nang maging Mrs. Brent Esplana?”

     “Payag na payag.”

     Ramdam niya ang panlalamig ng kamay ni Brent nang isilid nito ang singsing sa kaniyang daliri. Pagkatayong-pagkatayo nito ay agad siya nitong niyakap nang ubod ng higpit. Tuluyan na siyang napaiyak. Parang gusto nang sumabog ng dibdib niya nang mga sandaling ‘yon.

     Hinawakan ni Brent ang magkabila niyang pisngi at saka siya muling siniil ng halik. “I love you, Ada. I love you, I love you, I love you. At hindi ako magsasawang paulit-ulitin ‘yan sa ‘yo hanggang sa pagtanda natin.”

     Tanging tango na lang ang naisagot niya. Mahal na mahal talaga niya ang lalaking ito, at wala nang hihigit pa sa nararamdaman niya para rito.

     “Ikakasal na ang anak ko!”

     Napakalas si Ada kay Brent nang marinig ang boses na iyon ng ina. Saglit silang nagpalitan ni Brent ng makahulugang tingin. Kapagkuwa’y kinurot niya ito sa tagiliran.

     “Kinuntsaba mo talaga sina Nanay, ‘no?” ika niya.

     Ngingiti-ngiting napasapo ito sa batok. “Gusto kitang solohin, eh.”

     Iiling-iling na naglakad siya papunta sa pinto. Nang buksan niya iyon, sabay-sabay na nagsitumbahan sa sahig ang kaniyang ina at mga kapatid. Halatang nakasiksik ang mga ito sa kaninang nakapinid ng pintuan at nakikinig sa pag-uusap nila ni Brent. Dinaluhan nilang tatlo ang kanilang nanay na bagama’t nasadlak sa sahig ay abot-tainga pa rin ang ngiti.

     Binatukan ni Badet si Ton-ton. “Sabi ko kasi sa ‘yo huwag kang maingay! Nahuli tuloy tayo ni Ate!”

     Inangilan ni Ton-ton ang huli. “Ba’t ako sinisisi mo? Hindi naman ako ‘yong sumigaw! Halos hindi na nga ako huminga roon.”

     Binalewala ni Aling Cecile ang pagtatalo ng dalawa at nagpatuloy sa pagsigaw sa labas ng, “Mga kapitbahay! Ikakasal na anak ko! Imbitado kayong lahat!”

➶ ➷ ➸ ➹

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top