EPILOGUE

We are finally at the end of the story. Grabe hindi ko talaga akalain na matatapos ko 'to, HAHA!

Maraming salamat sa suporta at tiwala! To Angel Encinareal, thank you for everything. Thank you for the opportunity to use your name as one of my fictional character. I owe you a lot, beb🥺❣️!

-

---
Dirty Secret

Sa mga oras na ito, gusto ko nalang sumapak ng tao.

"Come here,"

My blood boils hearing his voice again.

"Kaya kong maglakad, hindi ako lumpo." iritang sagot ko.

Drake just chuckled. He leads the way while I was following his back.

Paulit-ulit ko na siyang minura sa isip ko. Pero hanggang doon lang din, dahil wala akong magawa para makaalis sa lugar na ito.

When we reached the door, he pressed the doorbell and I was surprised when I saw a woman-a pregnant woman.

Nakita ko ang panlalaki ng mata ng babae ng makita kami.

"Uh, pasok muna kayo. Tawagin ko lang si Terron." aniya, she then opened the door widely.

I was quick to move backward when Drake turn his body around, as if holding my waist.

Tumaas ng kilay ko, habang napabuntong hininga lang siya.

Nawala ang babae siguro tatawagin na nga yung Terron.

Then, I leered at Drake who's still watching me. Sa halip na pagmasdan din siya pabalik, nauna akong pumasok.

"That was Janine, asawa ni Terron kaibigan ko." aniya, hindi ako sumagot.

I was busy admiring the place. Maganda at malawak...

Naramdaman ko ang paglapit niya sa aking likuran, mabuti nalang at hindi na nagtakang hawakan na naman ako.

Nag-angat ako ng tingin sa magarbong hagdan ng marinig ang ilang yabag dito. It was the woman earlier which turn to be Janine and a man which I assumed is Terron, descending the stairs.

Kapansin pansin ang saya at nag-uumapaw na pagmamahal sa kanilang dalawa. With the way this Terron gazed at her, halatang halata.

"What now, Drake? Iniisturbo mo kami ng asawa ko."

Nang makalapit silang dalawa sa amin, doon ko lang napansin ang kakaibang kulay ng kaniyang mga mata. He has a blue eyes..

Agad naman dumapo sa akin ang mata ni Terron.

"Kaya pala, babae na naman." naiiling na saad nito.

"Shut up!" Drake answered, while Terron just laugh.

Napatingin ako kay Janine ng makita ang paghapas nito sa braso ng asawa. Tumigil naman agad si Terron na parang takot..

"Hi!" she said with a smile.

Ngumiti ako pabalik.
Sasagot na sana ako ng maunahan ng kasama ko.

"This is Angel. My girlfriend." nanlaki ang mata ko.

Parang biglang umusok ang ilong ko ng maramdaman ang paghawak niya sa aking baywang.

I breath in and out. I can't lash out, not in front of this two...

"Ah I heard you're looking for a place, mga ilang araw ba kayo dito?" tanong ni Janine.

"Probably one month or more.." Tumango tango si Janine, she glanced at her husband who's looking at her.. lovingly.

My lips parted, gustong gusto kong singhalan ang lalaking 'to.. sobra sobrang pagsinghal.

"Babe, dito mo nalang kaya sila patuluyin? Malawak naman ang bahay mo." malumay na saad niya.

Terron continued to stared at her for a while before leaning down and kiss her shoulder blades.

Nag-iwas ako ng tingin, they're too sweet.

"No need, Janine. We can rent or if may bakante pa sa subdivision dito. Doon nalang siguro kami." sagot na naman ng hudyo.

I saw how Janine's shoulder fell. Napatingin siya sa akin bago nag-iwas ng tingin.

At mukhang nakita rin iyon ng asawa dahil sa masamang tingin na binigay niya kay Drake.

"Yes, babe. They will stay here for the mean time." he answered.

Janine pouted. Pinigilan kong mapangiti, ang ganda niya kahit buntis..

"No, I insi-"

"Drake," simple ngunit ma-awtoridad na tawag ni Terron kay Drake. Parang sinasabi nito na huwag nang umangal at sumunod nalang.

The man beside me sighed, mas nagulat ako ng maramdaman ang paghalik ni Drake sa ibabaw ng ulo ko.

Tangina, nakakarami na siya!

"Alright, mahigpit naman ang security mo dito." He yelled..

Matapos ang maikling pag-uusap, pinakita ni Terron sa amin ang magiging kwarto daw namin..

While Janine needs to rest. She's soft spoken, akala mo talaga hindi makabasag pinggan..

At may isang tao rin akong kilala na ganun.

Nang sandaling makaalis si Terron at naiwan kaming dalawa ni Drake sa loob ng silid na tutuluyan daw namin, agad akong dumistansya sa kaniya.

I shoot him daggers yet he only shrugged in return.

"I have to leave, Drake. Hindi na ako natutuwa sa ginagawa mong 'to." I said.

Naglakad siya papuntang kama saka doon dumupo. He cross his legs while both of his hand were on his back, supporting his weight.

The room was spacious, sobrang laki niya kumpara sa mga normal na kwarto.

"I already told you, Angel. You can't leave this place and go back to fucking, Texas. Dito ka lang, sa tabi ko."

Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng ulo ko.

"Ngayon hindi na ako pwedeng umalis? Ipapaala ko lang sayo Mister, na halos ipagtabuyan mo na ako noon! Tapos ng-"

"That was before, you can't expect me to be nice after you damn left."

I stilled. Nanatili lang ako sa may pinto habang siya ay nasa kama ngunit ramdam ko parin ang matinding emosyon sa paraan ng pagsasalita..

"Matag-"

"Yeah, and that's bullshit! If only I've known that you'll going to leave me, sana pala binuntis na kita." diretsong saad niya.

Umawang ang labi ko. I instantly covered my belly when his gaze went up to that part of my body. Drake lick his lower lip before averting his eyes away from my stomach.

"Siraulo," I said, merely a whisper.

"Oh baby believe me, I am worst than that." he replied, chuckling.

Napiling ako. Paano ba ako makakaalis sa lugar na ito?

And then naala ko...

"Come here, dito ka maupo. Mapapagod ka kung tatayo ka lang diyan."

"What happened to Sofia? Bakit ako ang pinepeste mo at hindi yung love mo, huh Drake?"

Hindi ako naniniwalang hiwalay na sila.

"I told you we're over." he said seriously.

Kumunot ang noo ko. Paanong tapos na eh nung isang araw parang kabuti siya kung makakapit sa babaeng iyon?

"Sofia is great, but I don't deserve her. Masasaktan ko lang siya." dugtong niya.

Hindi ako nakagalaw kahit nang tumayo siya at lumapit sa akin.

"Angel," he called my name softly.

Doon lang ako natauhan ng maramdaman ang mainit na kamay na dumapo sa kanang pisngi ko.. Drake is already in front of me....

Hindi ako nakapagsalita,

"I'm sorry," he said, looking directly at me

Umawang na naman ang labi, nabigla sa dalawang salitang lumabas sa bibig niya.

"I was a jerk, yes. Pero anong gagawin ko? You badly hurt me baby, you made my hopes so damn high but then leave me hanging. Ang sabi mo ipaglalaban mo ang relasyon natin ngunit hindi iyon nangyari." he sounded like he is in so much pain.

Kapansin pasin din sa dalawa niyang mata ang paghihirap..

Drake is being vulnerable again.

"Masakit, sobra, Angel. I was torn between you and my family... pinapapili nila ako, na hindi dapat diba?"

Habang ang kamay niyang nasa pisngi ko ay humahaplos dito sa marahan na paraan, naramdaman ko naman ang kamay niya sa aking baywang.

"They're supposed to support me. Dapat masaya sila kasi masaya rin ang anak nila, pero mas lalo lang lumaki ang sugat sa dibdib ko..."

Napapikit ako. Ano ba itong nararamdaman ko?

Bakit sa halip na itulak siya ay heto hinahayaan kong hawak-hawakan niya ako?

And why does it feel like I was being suffocated with the words that is slipping on his mouth?

Nang muli akong nagmulat ng mata, nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya.

Mayamaya, umiling-iling siya saka binaon ang mukha sa leeg ko.

While I stood there, unable to move a muscle.

"Please, hayaan mong bumawi ako. We wasted enough time, baby. Tama na ang limang taon na pahinga at paglayo. Allow me to be with you again, Angel." he whispered against the skin of my neck. Ramdam ko ang init ng hininga niyang tumatama sa balat ko.

"Fuck, I love you so much! I can't fucking let you leave again, not now that you are officially free. Not now, that I've discovered your real identity. Hindi tayo magpinsan so wala tayong kasalanan."

Nang sumapit ang gabi, problemadong problemado ako sa magiging posisyon ko sa pagtulog. Iisang kama lang ang mayroon sa silid na inuukupahan namin at walang ibang comforter man lang!

I could sleep in the couch but Drake is so annoying!

Napaayos ako ng tayo ng marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo. I bite my lips when I saw him with nothing but only boxer short. A towel were hanging on his shoulder and his right hand were brushing his hair.

Nag-iwas ako ng tingin bago pa man niya mapansing tinitigan ko siya.

"Sa couch na ako matutulog," I said as I grab two pillows. Apat naman yun so tig-dalawa kami.

"Walang matutulog sa couch, Angel." he said with his authoritative voice.

Umirap ako.

"Mayroon at ako yun!" tumalikod ako sa kaniya saka dumiretso sa couch na nasa gitna ng kwarto. I could fit in here, kumpyansa ako.

Hindi ko na narinig pa ang sagot ni Drake kaya naman prenteng humiga ako dito.

I hold the other pillow closer to my body while the other hand is on bellow my head. Ipinikit ko na ang mga mata at sa kapaguran, agaran akong dinalaw ng antok.

Sa mga sumunod na oras, pakiramdam ko ay nakalutang ako sa ere. I can also feel something hard and tone body pressed against mine.

With my sleepy eyes, nakita ko si Drake o siguro nanaginip lang ako.

Tama, this is just a dream.

Muli kong pinikit ang mga mata sa sobrang pagod at antok na nararamdaman.

"Good night,"

Ramdam ko ang pagdampi ng malambot na bagay sa aking noo, to the bridge of my nose, my cheeks and my lips..

Isang buwan.. ang sabi niya'y isang buwan lang kaming mananatili dito. Pero hindi iyon nangyari dahil kung tama ang pagkakabilang ko, mahigit isang buwan na kami dito..

"Tingin mo masarap? Masilan pa naman si Terron feeling ko siya yung naglilihi sa aming dalawa." sabi ni Janine isang umaga.

Nag-babake siya ng cookies at since wala akong ibang pagkakaabalahan, tumulong narin ako. Sa nakalipas na mga araw, hindi ko pa nga alam kung ano ba ang hitsura ng kabuuang subdivision na ito. I rarely went out because of Drake. He thought I would escape or what.

Stock na ako sa loob ng bahay pero hindi naman nakakabagot dahil narin kay Janine. However, hindi ko parin maiwasang mag-alala sa pamilya ko at sa negosyo.

"Okay naman ah, masarap kaya." I replied when I took a bite.

Pareho kaming nasa kitchen, tapos narin siya pero nanatili parin kami sa kusina. Inilalagay ang mga cookies sa box dahil nasa work pa si Terron which turn out isa pala siyang doctor! Pareho pala silang doctor.

"Sana nga maubos niya 'to."

Nang sumapit ang alas-onse, umalis narin siya para magpuntang hospital. While I was left with Drake again.

Parang ganito lang ang routing ko tuwing umaga.

Drake often give me flowers which I find weird. I mean, katulad ko ay hindi naman siya lumalabas ng bahay. Usually, manonood lang kaming dalawa ng palabas kahit hindi nagkikibuan. Sometimes, he would cook for me na hindi ko na tatanggihan. Hindi rin nakakaligtas sa akin ang paninitig niya na halos tumagos sa kaluluwa ko. His stare is just too intense..

Aaminin ko, sa nakalipas na isang buwan kahit ganun ka simpleng mga galaw niya at kahit kadalasan ko siyang sinusungitan may parte sa dibdib ko ang masaya..

Na hindi ko naranasan sa limang taong pamamalagi ko sa ibang bansa.

Papunta akong pool area ng mamataan ko siya, nakatayo sa gilid ng swimming pool habang mukhang may kausap sa telepono.

I halted but instantly resumed on walking. Makulimlim ang kalangitan, hindi masakit sa balat ang sikat ng araw. Napagdesisyunan kong maupo na muna sa sunlounger ng hindi naman nakakaumay.

Drake glanced at my direction when he saw me approaching. Kahit may kausap, hindi niya ako linubayan ng tingin.

Tumikhim ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Sobrang laki naman ng pool ng bahay kaya kampante akong hindi ko siya ma-iisturbo kung sakali man.

I sat at the sunlounger, facing the pool.

Not long after.. nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin. I glanced at my side and saw him walking towards me.

"Let's go," he simply said upon approaching me.

My brows creased. Gusto kong itanong kung saan pero pinigilan ko nalang ang sarili ko.

This past few days, I.. was so confused with my own feelings.

Kayang kaya ko namang makaalis dito.. I can borrow Janine's phone at isang tawag lang sa mga taong kakilala, alam kung matutulungan nila ako. But I choose not to.

Bumaba sa katawan ko ang tingin ni Drake makalipas ang ilang minuto. I saw him lick his lower lip before looking away.

"You dressed just fine, pwede na siguro yan."

Sa sinabi niya, nagbaba ako ng tingin sa sariling katawan. I was wearing a oversize shirt and a maong short.

"Tara na,"

Naglahad ng kamay si Drake sa aking harapan. I tiled my head sideward, nagpabalik balik ang tingin ko sa kaniya at sa kamay na nakalahad. Debating if I would take it or not.

Kumunot ang noo ni Drake nang mapansin ang hindi ko paggalaw. Maya-maya ay siya na mismo ang kumuha sa kamay ko bago pinagsalikop sa kaniya.

I bite my lips as I can feel that familiar tingling sensation again..

Napakatagal na..

I didn't know I was capable of feeling that emotion again. Sa tanda kong ito.

Walang tao sa loob ng bahay, tanging kaming dalawa lang.

I was following his broad shoulder, him dragging me.

"Where are we going?"

Tanong ko ng sandaling makapasok ako sa loob ng kaniyang sasakyan. Nakaupo na siya sa driver seat at ganun nalang ang gulat ko ng lumapit siya sa pwesto ko. My eyes widen and I can already feel his minty breath... and manly perfume.

Damn!

"Seatbelt,"

Mariin akong napapikit. Doon lang ako nakahinga ng maluwag ng dumistansya na siya sa akin.
Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng dibdib ko.

Well, what is new tho?

Parang ganito naman palagi araw-araw sa tuwing bibigyan niya ako ng bulaklak, ipagluluto o kaya naman ay bibilhan ng ice cream kahit out of nowhere ko lang na nababanggit. Kahit hindi siya mismo ang bumibili ay sobrang effort na para sa akin.

Napagawi ang tingin ko sa kamay niyang nasa manebela. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko ng mapansin ang polseras niyang suot. It is beside his rolex watch.

I didn't have any idea that he still kept the cheap bracelet. Yung sa akin naman ay nasa Dallas, together with the photos I had with him.

Hindi ko naman kasi ine-expect na mahihirapan pala akong bumalik.

"Diyan lang sa malapit," maikli niyang sagot.

Napatango ako saka tinuon ang pansin sa labas ng bintana..

Santa Fe..

Parang ngayon lang ako nakarating sa lugar na ito.

Payapa...

Siguro matagal na siyang pabalik balik sa lugar na ito at alam na niya ang pasikot-sikot dito.

Th car stopped at a two storey restaurant.

"We will have our lunch." he said when he saw my face full of confusion. Nauna siyang makababa saka pumunta sa passenger seat and open the door for me.

Nagugulahan man ay bumaba parin ako ng sasakyan. Drake on the other hand, hold my hand again. As if tatakbo ako or what.

"Good day, ma'am and sir! Welcome to the Y.S resto!" maligayang pagbati ng staff ng makapasok kami.

Tipid lang akong ngumiti habang si Drake ay as usual hindi man lang namansin.

One of the waiter assisted us, katulad ng request ni Drake sa isang mas pribadong lamesa kami dinala ng staff. The resto is not that full, mabuti narin ito at malayo sa mata ng mga tao kahit wala namang nakakakilala sa amin dito.

"What do you want?" Drake asked. I shrugged

"Bahala ka na,"

I was busy looking at the furniture's, ang ganda lang niya. Their painting looks ecstatic! Parang gusto ko tuloy bumili ng isa...

"Angel,"

I blinked when he called my attention. Magkaharap kaming nakaupo.

Napalunok ako. His hair is a bit messy. Simpleng t-shirt at pantalon lang ang suot niya, but boy! I can clearly see his damn muscles!

Alright, he's just so freaking hot!

Oh my gosh, Angel!

"Are you listening to me?"

I blinked,

Rapidly.

"Kailan ba tayo uuwi?"

Tumikhim ako saka umayos ng upo.

"Later, pagkatapos nating kumain."

Napasimangot ako.

"Sa Manila, Drake. My friends might be worried by now.."

I nibbled on my lower lip as he stare at me.

"Huwag mo na silang aalalahanin, they all know you're with me." sagot niya habang hindi parin ako linilubayan ng tingin.

Nag-iwas ako ng tingin at piniling hindi nalang magsalita.

He's still the manipulative one, huh.

Hindi nagtagal, dumating na din ang order niya. I eat in silence and so he does. Nang matapos kaming kumain, tinawag niya ang waiter and I patiently waited.

When Drake was done with his business, tatayo na sana ako para umalis ng matigalan ng biglang may lalaking umupo sa tabi ko.

Anong ginagawa niya dito?

"Oy Miss A!" after how many years, muli ko na namang narinig ang nakakairitang boses na iyon.

DenMark...

Ramdam ko ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa kaniya.

Seriously, sa lahat ng pagkakataon dito pa talaga kami magkikita.

"Damascus?" gulat niyang tawag kay Drake kahit alam kong may alam siya na ito ang kasama ko..

Over the years, DenMark still hadn't changed.

Cocky as always...

"Wow! Kita mo nga naman, mapagbiro talaga ang tadhana." he said again with his lopsided grin.

Napatingin ako kay Drake ng bigla itong tumayo saka nagpunta sa banda ko, 'di nagpatinag sa lalaking nakaharang sa daanan ko.

"Let's go, Angel." he said sternly

Napakagat labi ako habang palipat lipat ang tingin sa kanila.

This feels like a deja vu, parang ganito din ang nangyari noon nang nag-aaral pa kami...

"I said let's go." he added with his irritated voice.

Napatayo ako bigla habang rinig ko ang pagtawa ni DenMark.

"Still the bossy, Damascus? Huwag kayong mag-alala hindi naman ako nag punta dito para manggulo. Nakita ko lang talaga kayo at akala ko namamalikmata lang ako pero totoo pala."

Drake is behind me so when I stood up, he just dragged the chair I was sitting.

"Grabe naman kayo, we still have a lot of things to catch up right, Miss A?"

DenMark look at me with a smirk on his face. Napatingin ako sa paligid at mabuti nalang walang masyadong tao sa pwesto namin.

"It's been five years and you're still the same, Velasco. Still the asshole." Drake said.

He captured my wrist and put me behind him.

Napangisi naman si DenMark "I maybe an asshole but I'm not shit like you. I'm thinking talagang masarap si Miss A kaya kahit limang taon na ang nakalipas, sa kaniya ka parin bumabagsak."

Natulos ako sa kinatatayuan.

Para akong binabalik sa mga panahong iyon.. panahon na pangungutya ang naririnig ko sakanila, mabuti nalang din at hindi nakalabas ang video sa public.

Because worst thing might happen..

"Wala e-"

"Drake tara na, huwag mo nang patulan." sabi ko.

Natatakot akong humaba pa ang usapang ito lalo pa't ang katulad ni DenMark ay ito ang tipong hindi nagpapatalo. Natatakot akong baka malaman ng ibang tao..

Napatingin sa akin si Drake. Nakipagtitigan ako sa kaniya sa kabila ng kaba, at siguro napansin niya ang takot na nararamdaman ko.

"Huwag kang tahol ng tahol, Velasco. Hindi mo yan ikaka-unlad."

Huling sinabi ni Drake bago ak hatakin palabas. But the laughter's of DenMark didn't missed my ears.

Hindi parin talaga siya nagbabago. Kung ano ang kina-tarantado niya noon, parang mas lumala ngayon..

Nang marating namin ang kaniyang kotse, doon lang ako parang nabunutan ng tinik.

"Are you okay?"

Drake leaned in, cupping my face.

Hindi ako nakapagsalita at tinitigan na lang siya.

I was getting there..

I'm slowly giving myself to him again..

Kasi mahal ko parin eh.

Hindi ko naman maloloko ang sarili ko kapag siya ang pag-uusapan.

Malapit na, malapit na sana....

Ngunit, hindi parin pwede.

"Ang layo mo, Drake." bulong ko.

Naisip ko na naman sina tita Clarries. Ano nalang ang sasabihin nila kung malaman nila ito?

"Kahit sabihin nating hindi tayo magkadugo, tama si Dwayne sa mata ng-"

Dumaan ang sakit sa mga mata niya habang nakatingin parin sa akin.

"Why are you always considering about other people, paano naman ako, Angel? Paano ang nararamdaman ko?" he asked bitterly.

Matagal bago siya umayos ng upo sa driver seat. His mood suddenly changed..

Sa paraan ng pag-igting ng kaniyang pangga at pagbabago ng kaniyang paghinga.

"Put your seatbelt on." malamig niyang sambit.

Agad naman akong tumalima. Nang masiguro niyang maayos na, doon lang siya nagsimulang magmaheo.

Napakagat labi ako. Mali na naman yata ang sinabi ko?

Hanggang sa marating namin ang bahay ni Terron, Drake is not saying anything..

Nauna rin siyang bumaba at hindi man lang nag-abalang pagbuksan ako ng pinto katulad ng lagi niyang ginagawa.

Mariin akong napapikit saka lumabas narin.

Mukhang nakalimutan niyang hindi dapat ako iniiwan.

I have all the chances to run away right now..

Hence, I choose to follow him.

Sa kwarto ako dumiretso para sana magpalit. Noong unang araw palang namin dito ay nagpabili siya ng mga damit at iba pang gamit ko sa driver ni Janine.

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng makita siyang nakaupo sa one seater sofa. His hands were on his face.. as if really frustrated.

I gulped repeatedly.

Dahan dahan akong naglakad trying so hard not to make a noise but I halted when he suddenly spoke.

"Bakit nandito ka pa?" I look at him weirdly.

Mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa totoo lang. His hair is messy and his eyes were kinda red.

"Anong klaseng tanong 'yan?" I asked

Even though I know what he meant by that.

"Come on, Angel. I know you are so eager to leave, badly. May panahon ka na sana kanina, kaya bakit naririto ka pa?" tanong niya sa mababang boses.

It's like he doesn't have any energy left for me.

"Drake," I utter.

Mapait siyang napangiti.

"Someone says, hindi daw dapat nililimos ang pag-ibig."

My lips parted, suddenly I cannot properly breathe. The room felts suffocating with his simple statement

Nanatili siyang nakaupo habang ako ay ilang hakbang lang ang layo sa kaniya.

"Hindi dapat... but you made me beg for your love and attention. You made me do things I am not capable of doing only because I fucking love you." sabi niya saka umiling-iling.

"See this? Kailangan pa kitang ilayo o sabi mo pa kidnapin para lang makasama kitang muli. You may call me selfish for doing this but you gave me no choice! Wala namang araw na hindi ko pinaparamdam sa'yo na mahal kita but I guess it's not yet enough?" he said looking straight at my orbs.

Ramdam ko ang kung anong pagkabasag sa loob ko.

"Isang salita lang ni Velasco apektado ka na. Ganun ba kahalaga sayo ang iniisip ng ibang tao tungkol sa atin? Kasi hindi ko alam, Angel. I don't fucking know why! Hindi naman tayo magkadugo, hindi tayo magka-ano-ano. Kaya bakit hinahayaan mong makaapekto ang mga sinasabi nila sayo?" mahaba niyang litanya.

I can feel how he's hurting with the way he delivered those words.

Kahit ang mata niya ay puno ng hinagpis..

Nang hindi ako sumagot, pagak siyang natawa "Maybe, your feelings for me dissipated on five years that we're not together. Huli na ba talaga ako, Angel?"

No, Drake.. kung alam mo lang.

Hindi rin ako pinapatulog ng nararamdaman kong ito para sayo.

"We have hurt ourselves enough, baby. Tama na.. please just.." umiling-iling siya na parang hindi mahanap ang tamang salita.

Ibinuka ko ang bibig para sumagot ngunit walang lumalabas na mga kataga.

He frustreatedly run his hand on his hair before standing up. Bumigat ang paghinga ko ng makita ang pamumula ng kaniyang mata.

Lumapit siya sa akin saka ko naramdaman ko nalang ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko.

Nang nawala si Drake sa paningin ko, nahahapo akong naupo sa kama. I held my chest as I felt how it aches. It is contracting in pain, little by little.

Sa bawat pintig ng puso ko ay para akong binibiyak ng pira-piraso.

Alam ko naman ang dapat gawin o sabihin para matigil na ang lahat ng ito. Subalit natatakot parin ako sa maaring kahihinatnan kung sakali man.

Natatakot akong maging katulad ng dati...

Maging magulo at magkasakitan..

Kinakabukasan, nagulat ako ng pumasok sa kwarto namin si Janine. She has a shoulder length hair, bilog ang kaniyang mata at matangos ang ilong. Her lips is also thin.

"Aalis ka na?" matamlay niyang tanong. Pansin ko ang lungkot sa boses at mga mata niya.

Kumunot ang noo ko "Sinong may sabi?"

Katatapos ko lang maligo at isang spaghetti strap dress ang suot ko. It's a navy blue that reach up to my mid-thighs.

"Narinig ko lang sina Drake at Terron kagabi. They're drinking and your boyfriend seems to have a a problem. Nag-away ba kayo?" natigilan ako.

"Ah.."

Nag-iwas ako ng tingin.

"H-Hindi ko alam, baka... siguro." naiilang kong sagot habang rinig ko ang pagbuntong hininga niya.

Janine stayed there for few minutes before leaving my room. Nang makaalis siya ay sakto namang pagpasok ni Drake.

Nakatitig lang ako sa mukha niya lalong lalo na sa kaniyang mga mata.

"A-Aalis na ba talaga tayo?" tanong ko.

Nakagat ko ang ibabang labi ng dumako sa aking paningin ang kaniyang malamig na titig. Sobrang iba... ibang iba sa mga tingin na ginagawad niya sa akin nitong nakaraan.

"O'o," he replied in a monotone.

My gazed dropped into the floor.

Hindi ko alam ang dapat na nararamdaman.

Masaya na malungkot?

Masaya kasi sa wakas at makakabalik na ako sa dati kong buhay.. but at the same time, nakakalungkot.

Napamahal narin sa akin ang lugar na ito.

At kapag umalis na kami.. hindi ko na siya muling makakasama.

Because certainly, he grew tired of me. Nakakapagod naman kasi talaga akong mahalin.

Ang gulo kong tao.

"Bye, Angel! Ninang ka dito ah?!" Janine said.

Wala akong dinala na kahit ano dahil wala naman akong pagmamay-ari sa lahat ng ginamit ko sa mga nakalipas na araw dito.

Nasa loob na ako ng kotse ni Drake. Terron is hugging her from the back. They looked lovely in loved with each other.

"Hmm sure, bakit hindi. Sigurado akong maganda o kaya'y pogi ang baby niyo." I replied.

Natawa lang si Janine.

Kumaway ako sa kaniya sa huling pagkakataon bago pinaandar ni Drake ang sasakyan.

Umayos ako ng upo saka tinuon ang tingin sa daan. Pareho kaming tahimik.

Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. Habang lumilipas ang sandali at habang papalapit kami ng papalapit sa Tacloban ay siya naman lalong pagbigat at pagsama ng pakiramdam ko.

I can feel my inside slowly yet excruciatingly dying..

Ito naman ang gusto ko dati pa. Ang maging malayo sa kaniya... ang makaalis upang tuluyang mawala ang sakit sa dibdib ko.

Pero parang mas lumalala lang..

Parang walang katapusan.

Nang huminto ang kotse ni Drake sa Esguerra Pacific Airways ng Tacloban, triple ang pagkabog ng dibdib ko.

"I've booked a fli-"

He suddenly stop when I looked up to him.

"The fuck? Why are you crying?" he looked bewildered.

Sa kabila ng panlalabo ng mga mata ko, hindi nakaligtas sa akin ang pagkataranta niya.

"D-Drake," I said in almost a whisper.

My lips tremble.

I can hear his cursed at maya-maya ay naramdamn ko ang paglapit niya sa upuan ko.

"What's wrong?" masuyo niyang tanong. Using his thumb, he dried my cheeks.

Hindi ko nga namalayang umiiyak na pala ako kung hindi niya lang ito pinuna.

"Iuuwi mo na ba ako?" suminghot singhot ako saka hinawakan ang pulso niyang nasa gilid ng mukha ko.

Drake sighed "That is what you want right?" sagot niya sa mababang boses. His eyes were roaming in my face.

Wala sa sarili akong napailing "A-Ayaw ko, Drake."

Kumunot ang noo niya. Siguro nagugulahan sa mga sinasabi ko.

Dahil kahit ako gulong gulo narin.

Pero isa lang ang sigurado ako. Nararamdaman ko.

"Can you take this pain away, Drake? Ayaw ko na sa sakit na 'to... pagod na ako.. pagod na pagod." nagkatitigan kami habang nasa pisngi ko parin ang palad niya.

I hold his wrist tightly as if asking for support.

"Gusto ko nang maging masaya, Drake.. gusto kong maging malaya. Can you.. wait for me? Pwede bang huwag mo akong sukuan? Makakapaghintay ka pa ba, Drake?"

I pressed my lips together as I waited for his answer.

Konti nalang.. konting panahon nalang.

I saw how his lips parted.. nanlaki din ang kaniyang mga mata.

Ganun ba ka-imposibleng masabi ko ang mga katagang iyon? Am I really that hard to him?

Napakurapkurap ako ng sa isang iglap ay nakasubsub na ako sa kaniyang dibdib habang patuloy siya sa paghalik sa ibabaw ng ulo.

Mabilis din na tumitibok ang dibdib niya. It is clearly audible in my ears.

"Kahit ilang taon pa, baby. Kahit isang dekada pa, maghihitay ako. Because I know in the end, it will be worth it." sabi niya.

"I am actually not planning to let you go. Iuuwi lang kita sa mommy mo kasi alam kong miss mo na sila but of course kasama ako." aniya saka bahagyang natawa

I pouted against his toned chest.

"Fuck, I love you so damn much! Mahal na mahal na mahal kita, Angel. Always remember that." Napangiti ako saka siniksik ang sarili sa kaniya..

Habang nasa mga bisig niya ako.. marami akong napatanto.

I missed him..

I missed his warm..

I missed everything about him..

At habang yakap yakap ko siya.. biglang naging payapa ang bawat pintig ng puso ko.

Biglang okay na.. sapat na.

Biglang wala nang papel sa akin ang mga sasabihin ng iba.

It's Drake and Me that matters...

I feel at ease. I feel at home.

And Drake is my home.

"Mahal kita, Drake." tugon ko.

I felt him stiffened.

I smiled.

Kahit siguro sa ibang pagkakataon pa man.. sa kaniya at sa kaniya parin ako babagsak.

Maaring nagsimula kami sa isang maling paraan. Sa isang lihim na relasyon dahil sa namulatang paniniwala pero hindi iyon naging hadlang upang magsama kaming dalawa.

He is my favorite sin. My sweatest Dirty Secret.

Humiwalay ako sa kaniya saka ako naman ang humawak sa kaniyang pisngi. Napakagat labi ako ng makita ang pamumula ng kaniyang mukha maging ng kaniyang mata.

Is he crying?

"I'm sorry." I said

"I promise you this time, I'll hold into your arms tighter. Lalaban ako.. lalaban tayo." I trailed.

Against the odd, I will stay and fight for him.

Indeed, if it is really meant for you despite the struggle and misery, magiging sayo parin ito. Love will always find ways to reconcile with the person that you've loved but was challenge with faith.

We just have to be patient.

"Angel," he said completely surprised.

Malawak akong ngumiti saka siya hinalikan sa pisngi.

"Yes, Drake together, we will face the consequences of this love." I brushed his clean cheeks with my thumb.

"I love you." I said full of sincerity.

Para akong ibon na nakalaya.

Ang saya lang sa pakiramdam.

I never thought that this will come... But I hope, I really hoped.

This is an end to all of my sufferings and uncertainties.

They say love makes the world a better place.

And for me, Drake is my world. Our love for each other will make us stronger. We will conquer our fears, hand in hand solely because we felt that powerful feelings that a man should posses.

The Love..

Being in love and to be loved..

"This is just the beginning of our love story, Drake."

------
K R I X X I E 1 0 1


A/n: Some of you may think na bitin or ano pero hanggang dito nalang po talaga ang kwento nila. Hanggang dito lang ang kaya ko. Kung na disappoint man kayo sa ending, wala na akong magagawa do'n. haha. Char...

Basta thank you marami!

I hope you will also support my second book. Posted na siya but yes, on-going palang. Hidden Treasure 'yong title.

Again, thank you so much for reading! Hanggang sa muli, loves!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top