CHAPTER 9

Rides

After the short talk, umuwi agad kami. Dumiretso ako sa kwarto para magpahinga. Nakahiga na ako sa kama ng maalala ang ginawa ko kanina. Hindi ko maiwasang pag-initan ng pisngi. I really have the audacity to act that way towards him. Tapos ako pa itong nagsasabi na hihiwalay.

The hell Angel! Isa kang malaking scam!

Nang maisuot ko sa kaniya ang bracelet, sinuot din niya ang para sa akin. He was so gentle like I'm some sort of crystal he's terrified to loss. We are both silent while doing that. No one dared to talk. Parang naubos ang sasabihin ko at the moment.

Tumagilid ako ng higa. I hugged my pillow tightly. I can't think of anything except him. Marahan kong tinaas ang kamay na may suot ng bracelet. I am not a fun of accessories really. Wala nga akong singsing! Except for my necklace. Bigay pa ito ni daddy noong eighteenth birthday ko. Kaya hindi ko tinatanggal.

I sighed, wala na naman akong gagawin buong maghapon. Baka masiraan ako ng bait kakaisip kay kuya Drake. Nakakabagot naman kung dito lang ako sa loob ng bahay. At isa pa, ilang araw nalang magpapasukan na. Kailangan kong sulitin ang mga oras.

With that in mind, I grab my phone in the center table and brows for the perfect place to unwind. Marami-rami rin ang lumabas. Mga hindi pamilyar na lugar. Lumabas din sa result ang La Grenda beach, which is indeed popular. I escape on the beaches part. I want something thrilling. Gusto ko mag hiking gano'n!

Pero wala naman akong naiisip na lugar within Tacloban na magandang pag-hikingan. Isa pa tanghali na, I should ask my cousin instead. Alam kong marami siyang alam na magagandang lugar.

Bago pa ako bumaba, naligo muna ako at nagpalit ng damit. I wore a plain white shirt and a cotton short before descending the stairs. Iniisip kong katukin si kuya Drake sa kwarto niya, pero baka nagpapahinga. That's why I'm looking for my other cousin, Dwayne. Even if we're not that close, I know he will help me. Mukha naman siyang mabait, lalo na noong nag-agawan sila ng sandwich ng kuya niya. I chuckled inwardly.

Halos malibot ko na ang buong kabahayan pero wala akong makita ni anino ni Dwayne. I pouted, maybe he's not here yet. Umupo ako sa sofa, nawawalan na ng pag-asa. Sinandal ko na lang ang ulo sa sandalan ng sofa bago pumikit. Naghikab ako, nakakapagod din pala.

I'm at verge of sleeping when I felt someone's stare. I felt uncomfortable. Parang hinuhubaran niya ako, just with his gaze. Wala sa sariling dinalat ko ang kaliwang mata... and to my horror, topless si kuya Drake na nakadungaw sa akin!

Naidilat ko agad ang kanang mata. My eyes were wide open. Nanatili ako sa posisyon, his left hand were on the side of my face. Habang ang isa ay marahang nagpupunas sa basang buhok. Katatapos palang niyang maligo. Beads of water were dripping from his head to chest.

Napalunok ako, hindi alintana ang pagkaduling ng mata. Our eyes were locked, and for the nth time, I was hypnotize by his eyes.

"W-Why po kuya?" I stammer.

Hindi ko alam kung dahil sa posisyon ko sa upuan, o dahil sa ang lapit niya! Seryoso ang kaniyang mata na nakatitig sa akin. Hindi ko naman magawang mag-iwas ng tingin.

"Bakit dito ka natutulog?" he asked in his hoarse voice.

Napaiwas ako ng tingin at umayos ng upo. Bigla akong tinablan ng hiya, knowing na naabutan niya akong natutulog. Hindi pa naman ako 'yong babaeng mukha pa ring anghel kahit natutulog.

Angel lang ang pangalan ko.. hanggang doon lang iyon.

Tumayo ako at binigyan siya matamis na ngiti. Tumaas ang kaniyang kilay.
"Ahm.. ano, nakatulog lang. P-Pero hindi pa naman natuluyan! Tama.... hindi pa." agad na pagtanggi ko. I saw his lips twitch in amusement.

"You should sleep in your room." Dagdag niya sa mababang boses. Nag-iwas ako ng tingin.

"I-I was looking for Dwayne, at nakatulugan ko na lang." I bit the inside of my cheeks before glancing his way.

Ang kaninang aliw sa mga mata ay napalitan na ngayon ng iritasyon. Kunot na kunot ang kaniyang makapal na kilay at natigil rin ang pagpunas ng kaniyang buhok.

"Bakit mo siya hinahanap? Do you perhaps need anything?" he asked again in his serious voice.

May bahid ng pagkairita ang kaniyang boses. Sa hindi malamang kadahilanan, lumakas ang kabog ng dibdib ko. Napalunok ako ng paulit-ult. Trying to evade the feelings.

"Wala akong ibang magawa! I'm bored here! Gusto ko lang mamasyal, and-"

"And finding Dwayne will ease your boredom?" Pinutol niya ang anumang sasabihin ko sana. I rolled my eyes. Hindi gusto ang ideyang pagputol ng pagsasalita ko.

I just feel disrespected whenever someone cut's me off. Nakakabastos!

"Yeah? May problema ka?" Matalim ang tingin na ginawad ko sa kaniya habang naka-cross ang dibdib.

I don't see any problem with what I was doing. I feel bored and I need a distraction.

"You don't need, Dwayne. I can accompany you whenever you wanted." sabi niya at nilagay ang tuwalya sa balikat.

Seryoso pa rin ang kaniyang mga mata na parang may ginawa na naman akong kasalanan sa kaniya. When in fact siya itong nag-isturbo sa tulog ko.

"P-Pero busy ka! At hindi ka ba napagod kanina? Plus baka may mga paperworks ka pang dapat gawin." I said eagerly.

Alam kong sinabi ko sa kaniyang tutuparin namin ang pangarap naming dalawa noon. Inaalala ko lang ang mga dapat niyang gawin, instead of wasting his time in me.

He smirk "Walang pasok Angel."

My eyes widened in fraction. Kung dahil sa wala nga'ng pasok o dahil sa paraan ng pagbigkas niya ng pangalan ko. I'm not fun of my name. But there is something in his voice.. the way he blurted my name that makes me gaped in surprise.

Ang ganda pakinggan ng pangalan ko, na lumalabas sa bibig niya.

I closed my eyes before breaking the eye contact. I feel my cheeks flushing for unknown reason. Nakatayo kami ilang metro ang layo sa isat-isa. The only thing that separates our bodies is the long white couch.

"Iniisip ko lang na baka may gagawin ka pang iba." Mahinang ani ko.

Kinagat ko ang ibabang labi habang hindi magawang tumingin sa kaniya. Rinig ko ang paghinga niya ng malaliim. The rapid beating of my heart makes my hands sweat! Malakas ang kabog ng dibdib ko.

"Wala akong ibang gagawin. Sana sinabi mo kanina na gusto mong mamasyal." mababang boses na aniya.

Napanguso ako. I expected this to happen. Na kaming dalawa na magkasama lalo na't pumayag ako sa naging alok niya. Subalit, may parte pa rin sa akin na na-iilang at naiinis.
Naiinis ako at his sudden change of mood. One minute he is pissed, then one minute he's sweet.

"I-" once again, he cut me off.

"Wait here, I'm just going to change." bago pa ako makaprotesta, wala na siya sa paningin ko. I sighed in defeat. Marami na siyang kasalanan.

Wala akong nagawa kung 'di ang umupo ulit. Wondering what will happen next. Wala pa rin sila tita, and I don't know where they are. Habang si Dwayne, simula kaninang umaga hindi ko pa nakikita. Hindi natagal, pababa na siya ng hagdan. Wearing a gray sweatshirt and a khaki short. Simple lang ang suot niya, pero hindi maipagkakailang ang gwapo niya.

Napailing ako at tumayo bago magpatiunang maglakad. Halos hindi pa ako nakakalabas ng sala ng tawagin niyang muli ang pangalan ko.

"What?" I raised my brow.

Nasa loob ng bulsa ang kaniyang dalawang kamay.

"Hindi ka magpapalit?" nakataas ang kilay na pinagmasdan niya ang kabuuan ko.

Wala sa sariling napatingin ako sa suot ko. Wala namang masama sa short at white na t-shirt especially na ang plano ko kanina ay mag hiking which I doubt mangyayari. Isa pa, tinatamad akong magpalit.

Umiling ako sa kaniya "No, I'm fine with these." I saw how he clenched his jaw.

I thought papagalitan o pipilitin niya ako na magpalit ng damit, lalo pa't ang dilim ng kaniyang tingin. Laking pasasalamat ko nalang ng hindi siya sumagot at linampasan ako. Na halos ikatumba ko pa. Paano binangga ba naman ako! Ang lawak lawak naman ng sala nila.

Umikot ang mga mata ko bago sumunod ng lakad sa kaniya. Nang marating namin ang kaniyang sasakyan, tahimik akong nag seatbelt at piniling sa labas tumingin. Mukha siyang bad mood, na ano mang oras sasabog. Wala naman akong ginagawang masama, mabuti nang maingat. Hindi ko nalang siya papansinin.

Wala akong alam sa kung saan niya ako dadalhin. Pero I'm hoping na sa maganda naman. Matapos ang halos tatlumpung minuto sa daan. Tinigil niya ang sasakyan sa isang park na halos may mga rides na pambata.

Ay wow, mukha ba akong mahilig sa mga bata? O mukha akong isip bata?

Seriously?

"What are we doing here?" I asked in a monotone.

My eyebrows were furrowed. Never did I imagined na dito niya ako dadalhin. Akala ko pa naman sa isang memorable place or something that will soothes my boredom like what he said. 'Yon naman pala sa isang kid's park!

Hindi niya ako sinagot imbes lumabas siya ng sasakyan. Nakakunot ang noo ko sa kaniya habang umikot patungong passenger seat at binuksan ang pinto.

"Mamasyal?" patanong na sagot niya nang pagbuksan niya ako ng pinto.

Napailing ako bago lumabas. Wala akong dalang kahit ano, mabuti nalang. "Sa dami ng lugar na pwedeng puntahan, sa pambata talaga?" takang tanong ko.

May ilang magkapamilyang labas pasok sa parke. I can hear the screams of children and their laughter's. Hindi ko alam kung dahil sa tuwa o takot.

He chuckled. "I thought you wanted to grant our wishes?" umawang ang labi ko sa narinig.

"And one of those is going here? Do you forgot that I'm no longer a kid?" I answer immediately.

Nanatili kaming dalawa sa gilid ng kaniyang sasakyan. I guess walang proper parking area dito dahil nagkalat ang mga kotse sa paligid. Except of course sa may entrance ng park.

"Hindi na ako ang dating Angel na patay na patay sa mga rides kuya!" Irritation cross his eyes. Nakalimutan kong ayaw nga pala niyang tinatawag na kuya. I don't know the deal.

He brush his hand along with his hair. Ang iba ay hinihipan ng hangin.

"Instead of ranting, bakit hindi nalang tayo pumasok? Let's not waste our time arguing over this." I chewed the bottom of my lip. Maybe agreeing to his offer was no good.

"Ibalik mo nalang ako sa bahay. Wala na ako sa mood mamasyal!"

I was about to turn around when he grab my wrist. Tinaasan ko siya ng kilay. The sudden bolts of electricity shoots over my body. Na sa simpleng hawak lang niya, iba agad ang nangyayari sa sistema ko. Pilit kong benaliwala ko na lamang iyon.

I remained my stoic face. Hindi pinapahalat ang kabang nararamdaman.

I'm not like this... not so like this.

"No one's going home. Wag ka nalang magreklamo since wala kang naaalala sa nakaraan. The least you can do is to enjoy the fucking moment!"

I was beyond shocked when he grabbed me toward the entrance.. His grip was tight na halos mabali na ang buto ko. Nang makapasok kami, uminit ang magkabila kong pisngi. Lahat ng nakikita ko halos mga kabataan. May iilang matatanda pero mga magulang naman nila.

"Saan mo gustong unang sumakay?" he asked after a while.

Binitawan niya agad ang kamay ko. hinimas ko ito and thankfully hindi namaga. Bumaba ang tingin niya doon.

"Oh, this is nothing."

Nag-iwas siya ng tingin. Ako naman nilibot ang tingin sa kabuuan. There are at least five different rides na nakikita ko. Hindi ko alam baka mayroon pa sa kabilang bahagi ng park. May ilang stall sa gilid na nagtitinda ng mga candy at foods.

He's right, the least I could do is to enjoy. Wala nang magagawa ang pagrereklamo ko dahil nandito na naman kami. Hindi naman niya ako ihahatid pauwi.

"Which is better?" pinilig ko ang ulo sa kabilang bahagi. Naninimbang kung ano ang magandang sakyan. Kahit na halos lahat mga bata ang nakasakay maliban sa isa na nasa 'di kalayuan.

"I don't know, I've never been in this place before." He answered, I can't help but to grinned.

He has the nerve to bring me here!

Ako naman ang humawak sa pulso niya. Hindi siya nagreklamo so I guess it's alright. Tumigil kami sa ride na pumukaw sa atensyon ko.

"Are you sure?" tanong niya nang huminto kami sa Drop towers rides.

Ito ang unang sasakyan namin. Hindi masiyadong marami ang sumasakay. Siguro dahil extreme ride ang drop towers. Kahit na pambata ang parke na ito, I'm grateful at least may mga ganitong sasakyan sila. Na hindi naman talaga pwede sa mga bata.

"Yup! Why? Takot ka?" he rolled his eyes. Ang cute niya.

"I'm thinking of you. Baka mamaya, mahilo ka."

"Tsk. Ako pa ba?" I laughed.

Nang maibigay sa amin ang ticket. Dumiretso kami. I can feel his hands shaking. Napailing ako, weak!

"Are you okay?" I softly asked, umiwas siya ng tingin.

"Yea," Kahit masigla ang boses niya. hindi maipagkakailang kinakabahan siya. Tumawa ako. His eyes then narrowed.

Minuest later, sigawan ng ibang nakasakay ang naririnig. I keep my mouth shut and just close my eyes. Ang refreshing ng simoy ng hangin. Gusto kong itaas ang dalawang kamay, pero hindi ko naman magawa dahil ang higpit ng kapit ng isang 'to. Hindi ko siya nagawang tignan sa buong oras.

The ride was smooth. Yes, nakakaba pero kapag hindi ka mag-iisip ng masama at enjoy mo lang. Walang magiging problema. Pagkababa namin halos tumawa ako sa itsura ng kasama ko. His face was pale! Na parang any moment masusuka siya. I gently tap his back.

"Gusto mo uninom?" Marahan kong tanong. He immediately shook his head.

"Fck! That was hell!" he muttered under his breath. Napangiwi ako.

"Dito mo pa talaga ako dinala ha?" I mocked him.

Sinamaan naman niya ako ng tingin. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigiling mapangiti. Gusot ang mukha niya na lalong nagpapatawa sa akin.

"Stop it!" hindi ko mapigilang mapahalakhak. Namula ang kaniyang mukha.

"Alright, dito nalang tayo." ani ko.

Natatawa pa rin akong hinila siya sa braso para sumakay sa ibang rides. Iyong nauna lang siguro ang pwede sa mga matatanda dahil ang iba ay halos mga pambata.

The rest of the moment were spend us, laughing out loud. Tumatawa ako kahit sa simpleng bagay. Sa tuwing may nakikita akong mga kabataang nag-eenjoy, hindi ko maiwasang mapangiti. I was perhaps like that during my times.

Lahat ng rides, sinakyan namin. Kahit kami lang ang kakaiba sa lahat dahil sa malalaki na kami. Benaliwala nalang namin iyon.

Their opinion doesn't matter.

"What?"

Nasubrahan na siguro ang titig ko sa mga bata na hindi ko namalayang mariin na pala ang tingin sa akin ni kuya Drake. Nakaupo na kami sa bench habang kumakain.

"You look lovely when smiling." he said out of nowhere.

Napanguso ako. "Sa tuwing tumatawa lang?" I tease, he chuckled afterwards.

"Silly of course, kahit anong gawin mo maganda ka pa rin." I grinned before standing.

"Let's go. Mag picture tayo." Aya ko sa kaniya na may malaking ngiti.

Hinigit ko siya agad bago pa makatanggi. Pumasok kami sa tent na may naka-display na mga pictures. Lumapit sa amin ang isang matangkad na babae.

"Good day Ma'am and Sir. Kung gusto niyo pong maging mas sentimental ang larawan niyo, pwede kayong gumamit ng headband na ito. Only for one hundred pesos. Mauuwi niyo na, bongga pa!" Masiglang sabi niya, napangiwi ako. May bayad pala.

Akala ko naman libre na. Pero in fairness ang cute ng headband. Iyong isa kulay blue na may mukha ni stitch sa magkabilang gilid habang ang isa ay mukhang panda na black.

Bakit ang mahal naman niyan?

Nilingon ko si kuya na ngayon sinisipat ang buong silid, hindi pinapansin ang sinabi ng babae. "Bili po kami niyan ate." sabi ko bago ngumiti.

Lumawak ang ngisi niya at nilahad sa akin ang dalawang headband. Kinulbit ko si kuya na ngayo'y hindi pa rin tapos kakasuri sa lugar. Medyo pambata nga naman ang theme. Halos lahat ng picture na naka display ay mga bata.

Tinaasan niya ako ng kilay. Malawak naman ang ngiti kong tinaas ang dalawang kamay, showing him the headband. Lumalim ang gatla ng noo niya.

"Ang cute nito, oh!" Sinuot ko ang kulay itim na may panda at pilit kong inaabot ang ulo niya para masuot rin ang kaniya. Pero tuwing ginagawa ko iyon, iniiwas naman niya ang mukha niya.

"Dali na kasi. Huwag ng maarte." sabi ko bago sumubok ulit na isuot sa kaniya. Napasimangot ako ng humakbang siya paatras.

Ang KJ!

"Ayaw mo 'di wag!"

Inis ko siyang tinalikuran bago puntahan ang babae na nagbenta sa akin ng headband. Hindi ko namalayang nawala na pala siya sa tabi ko. Nasa labas na siya ng isang kwarto na nahahati lamang ng kurtina. Giniya niya ako papasok. Siguro dito nag pi-picture. Hindi na ako nag-abalang lumingon. Nawalan bigla ako ng gana.

"Tayo nalang po kayo roon ma'am. Sayang bagay sana kung nandito kasama mo." She said, I pouted.

Isang lalaki na may ng camera ang nasa harapan ko. It's an Intax, I guess.
Napalingon ako sa pinto, umaasang susulpot si kuya para samahan ako. Dahil sabi nga ni ate, mas maganda kung kasama ko siya. Pero lumipas ang ilang segundo, walang kuya Drake na pumasok.

Umayos na lamang ako ng tayo. Pinagkatitigan ang hawak na headband. Sayang ang cute pa naman ni stitch. Malakas akong bumuntong hininga. Tinutok ko ang mata sa camera. Kaya ko naman kahit wala siya.

Nasa isang sulok lang si ate, nakasenyas na ngumiti ako. Tipid akong ngumiti bago ko narinig ang click ng camera. Nakatatlong pose yata ako ng mapagdesisyunang tapusin na.

"Ang ganda niyo po." Namumulang saad ng photographer habang nakalahad ang tatlo kong pictures. Ngumiti ako sa kaniya bago magpasalamat.

I was about to step out when the door cracks open, revealing my cousin. His hands were as usual, inside his pockets.

Inirapan ko siya. "Let's go, I'm done here." I said in annoyance. Mahigpit kong hawak ang litrato sa kamay.

"Not because you're done, you'll leave me." Kumunot ang noo ko sa narinig.

What the hell is he talking about? Siya itong ayaw akong samahan tapos ngayon siya pa ang may ganang magalit?

Sa paraan ng pag-igting ng kaniyang pangga at dilim ng kaniyang mga mata. "Ano? Ikaw itong ayaw sumama sa akin!" I said in frustration.

Hindi alintana ang dalawang kasama sa silid. His eyes were focused on mine. "Wala akong sinabing ayaw ko." he said through gritted teeth.

"Well your actions told me so! I was about to put this headband pero ikaw itong ilag nang ilag."

Hindi ko alam na tumataas na pala ang boses ko. I was beyond pissed. Matapos niya akong kaladkarin sa lugar na ito, hindi ako sasamahan kahit sa pag picture man lang? Siya mismo ang nagsabing enjoy the moment and when I was trying to, siya naman ang umaayaw.

"Then give me that fucking headband of yours!" Bumaba ang tingin niya sa kamay kong hawak. I bit my lip.

Damn his words.

"No! Tapos na ako." Pagpupumilit ko hindi ko magawang makalabas dahil nakaharang siya sa daan.

"And I am not." He said in his husky voice.

Humakbang siya pasulong. Sumisigaw ang isip ko na umatras o tumakbo. Pero para akong uod na natulos sa kinatatayuan. I watch as he gets nearer and nearer until there's no space between us. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagbigla. His eyes are just too distracting!

Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng kamay niya sa balat ko. Slowly getting the thing on my hand.

"Now, let's get this over with baby." He whispered

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top