CHAPTER 7

Saint Mary's University

After the meal, we rest for a bit. Pagkatapos tinawag niya na ako para pumunta sa school. Nakakunot ang noo akong sumunod kay kuya Drake. We are heading to their garage.

I still can’t believe that he manipulated my schedule! Hindi naman niya kailangan gawin iyon. Kaya kong sumunod sa takdang araw. Hindi naman ako nagmamadali.

"Bakit mo ginawa 'yon?" madiin kong tanong.

Nasa loob ng bulsa niyang tattered pants ang kaniyang dalawang kamay. Nanatili ang ilang distansya ng pagitan namin. 

He looked at me with his crossed brows. "What have I done?" inosente niyang tanong.

"Do you actually need to ask that? Alam mo kung ano ang pinupunto ko."

This is no big deal for me. Pero hindi ko lang matanggap. I don’t like being treated specially. Plus I wanna hear his reason. Hindi ko gusto ang ginawa niya.

"Tss, dapat nga magpasalamat ka pa." Inis ko siyang tinignan. Anong maipagpapasalamat ko doon?

Hindi na ako bata para sa gano'n. Marunong akong maghintay. And in fact unfair ito para sa ibang estudyante! I thought he's aiming to become a lawyer? Ngayon palang siya na itong hindi sumusunod sa patakaran!

"I can’t believe you. Walang silbi ang pinag-aaralan mo."

I am so pissed. I just want to hear his side. Wala nang magagawa ang pagrereklamo ko. Nandito na eh. The least he could do is to tell me his reasons.

Sumandal siya sa pinto ng kotse niya. Wearing a plain black t-shirt. I can’t imagine someone is hot in a plain.

"What’s the connection?"

"See? Hindi ka pa nga abogado rule breaker na! What more kung totoo na?" kumunot lalo ang noo niya.

"Anong kinalaman ng career ko sa usapang ito?" inis niyang tanong. Naningkit ang mata ko.

Linalayo niya lang ang usapan.

"Oh geez! Ang gulo mong kausap." singhal ko bago mabigat ang hakbang na umikot sa passenger seat.

What a nice morning to start a day.

Soon as he entered his BMW, he immediately started the engine. Iba ang gamit na kotse namin ngayon. Sa sobrang yaman nila ang dali lang magpalit ng sasakyan.

Even though we owns a number of hotels in some provinces. My mom and dad will always remind me to save things. To see the value of it even in the smallest amount. That I should be contented with what I have.

We are indeed born with a unique set-up. We have varied point of views. That needs to respected by everyone.

Respect.

I chuckled at the mere thought of it. How ironic that this man preferred not to be respected than being called kuya.

Tunay nga’ng kinulang sa aruga.

I was silent the whole ride. I choose to look outside the window. Minutes later, we arrived at a exorbitant school. The Pride of Tacloban, Saint Mary’s University. If I am not mistaken, dito sa paaralang ito nanggagaling ang ilang sikat na abogado at doctor ng bayan. They are legend in terms to this.

The product of SMU was the country’s asset.

It is a private school. Around seven digits ang kailangan bayaran for every semester. Hindi pa kasama ang ibang miscellaneous.

Lumabas ako ng kotse wearing my shades. I only brought a sling bag with me. Tanging laman ay isang ballpen at wallet. Hindi ko pinansin ang paglapit ng kasama ko. Nasa parking lot pa kami where there are only few people.

"Huwag kang lalayo. Just stay beside me." I crossed my brows. Is he pertaining to me?

Anong akala niya sa akin? Elementary? Nakakalimutan ba niyang I am at my third year in college. Kung makatrato naman ‘to parang isa lang akong bata na anumang oras ki-kidnapin.

Hindi nalang ako sumagot. Nauna siyang maglakad at sumunod ako hanggang sa marating namin ang malaking gate ng paaralan. Mas kumunot ang noo ko ng makakita ng iilang mag-aaral na nakasuot ng dress.

Napatingin ako sa sariling kasuotan. I thought bawal ang dress?

"Good morning!" bati ng security guard. Hindi nag-abalang pansinin ni kuya ang huli. Kaya ako na lamang ang ngumiti rito pabalik.

Halos umawang ang labi ko ng tuluyang makapasok sa loob. Ang layo niya sa inaasahan ko. May limang na naglalakihang building at malawak na oval. Idagdag pa ang natatanging building sa katapusan nito. Bukod doon wala na akong nakitang iba. Liban sa mga kiosk at bleachers sa gilid ng mga puno. Hindi siya typical school na may kaniya kaniyang room katulad sa Bicol.

"Ah, k-kuya." Pagtawag ko sa kaniya.

Napapalayo na siya habang ako parang pagong kung kumilos dahil sa pagkamangha. Nagtataka niya akong nilingon. Mabilis naman akong lumapit sa kaniya.

"This is it? 'Yong pag-aaralan ko?" manghang tanong ko habang pinapalibot pa rin ang tingin.

"Hmm.. ito nga. Why?"

"Is this even a school? Bakit ang laki at walang ibang rooms bukod sa mga building?" Sunod-sunod kong tanong.

He chuckled. "Silly, the rooms are in that building." Napatango ako. Seryoso? So gano'n parang nasa kompanya lang ang set-up niya. Minus the bleachers and kiosk in the oval.

Nagsimula ulit siya sa paglalakad hanggang huminto sa unang building. I was still in awe when we reach the first floor. Nanatili ako sa tabi niya habang naglalakad. The first floor was like a lobby in a hotel or company. Only that walang guard sa entrance. May set of sofa perfectly arranged in the space. Then yun lang ang nakita ko sa unang palapag.

Hindi kaya tamarin ang mga mag-aaral sa gara nito?

I thought to myself. We walked and walked until we reached the elevator. May dalawa siya but I guess 'yong isa exclusive only for the faculty. Nang tuluyan itong bumukas, bumungad sa amin ang mukha ng isang babae. Tumingin ako sa katabi ko. Nanatiling blangko ang kaniyang ekspresyon.

"Oh hello Drake! I didn’t thought I will see you here." the woman said eagerly.
Tumabi ako sa kanilang dalawa. Nasa gitna namin si Kuya.The elevator has a wide space anyway.  Maybe she is a friend or blockmate.

Ang dingding ng elevator ay pwede ng gawing salamin. Making it easy for me to see kung ano ang ginagawa ng babae.

"What are you up to lately? Hindi ka na nagrereply sa mga texts at calls ko."

Kumunot ang noo ko. Bakit ang pabebe naman niyang magsalita?
Or maybe she is not just a friend. Flings perhaps.

"Come on Drake."

Nanlaki ang mata ko ng ilagay ng babae ang kamay sa dibdib ni kuya. Napalingon ako sa katabi na walang mababasang emosyon. He glanced at me once before turning his attention to the girl. I was shock when he abruptly grab the girl’s hand. Kahti ganun nakangiti pa rin ang huli.

Bakit ang tagal bumukas ng elevator?

"What do you think you’re doing Analiese?" the seriousness in his voice shouts danger.

Nanatili akong nakatingin sa kanila na parang live audience nila ako sa isang pelikula. Maharot na tumawa ang babae.

The woman smiled seductively. "Want to go my place tonight? Like the u—"

Hindi niya natapos ang sasabihin ng biglang bumukas ang elevator at walang pasabi na lumabas ang kasama ko. Leaving her dumbfounded.

Ngumiti ako sa babae na nakaawang ang bibig at iritado ang tingin sa labas na parag nandoon pa rin ang kaaway niya. Mabilis naman akong lumabas at laking pasasalamat ko ng mabungaran si Kuya na nakapameywang habang nasa harap ng nakasarang pinto.

Mariin kong hinawakan ang bag.
"Bakit mo ako iniwan doon? I thought you want me to stay by your side. Then iiwan mo lang pala ako?"

"Shut up we’re here."

Inis ko siyang tinignan. Kanina pa siya ah. I am starting to get annoyed.

"Takot kalang malaman ko ang kababalaghang pinaggagawa mo!" singhal ko bago buksan ang pinto.

However, I stopped mid-way. Saang cubicle ako dapat pupunta? There were at least seven cubicles in the room. Mukha talaga siyang office. Minus their uniforms. Kahit hindi pa nagsisimula ang klase busy na sila.

Napalingon ako sa likod, umaasang nandoon ang kasama. But to my dismay, hindi man lang siya nag-abalang sundan ako? And here I thought he will help me settle this thing. Siya pa ang may ganang magpa set ng schedule ko. Tapos iiwan lang pala ako!

Ngumiti ako sa babae na nasa malapit na cubicle. "Hi! Saan po ako pwedeng mag pa enroll?" I hesitantly ask. The girl was in short blonde hair. Bilog na bilog ang kaniyang mata, with her rimmed glasses.

She looked at me from head to toe. Hindi ko mapigilang mapaatras. I know I looked presentable, pero kailangan ba talagang tignan niya ako ng gano'n?

"What year?" even her voice sounded strict.

I can’t believe a short girl like her has the capability to scare me.

"I’m in third year po. Buss—"

"Go to the fifth floor. Miss Flor is there, she will assist you." Pinal niyang sabi. Agad akong tumango bago magpasalamat.

Pagkalabas ko, tumaas ang kilay ko kay kuya na nakasandal sa dingding habang nakapikit ang mga mata. I sighed and lightly poke his cheeks.

Napamulat siya. "You done?" Umirap ako. Kung makatanong akala mo walang kasalanan sa akin.

"Sa fifth floor daw. Si Miss Flor ang mag-aasist."

Kumunot ang noo niya with the mention of the name. Nagkibit balikat na lamang ako bago naunang maglakad patungo sa elevator.

I felt him stood beside me."How many floors does this building have?" I curiously asked. Nasa fourth floor na kami.

"Ten." Maikling sagot niya. For the ninth time, I was amazed.

Pakakatutung ko palang sa paaralan na katulad nito.

"Anong meron sa buong building? Facult ng university lahat ang umuukopa?" tanong kong muli. Hindi nag-abala pang tinignan siya.

"No. Hanggang fifth floor lang ang para sa kanila. The rest were all for students."

"Ha? Anong silbi ng limang building?" kasabay ng tanong ko na iyon ay ang tuluyang pagbukas ng elevator.

"What do you think?" pabalik niyang tanong. I rolled my eyes.

"That’s why I’m asking you. Kasi hindi ko alam!"

Napangisi siya bago ilagay sa dibdib ang kamay. "The remaining floor for this building are for swimming in the sixth, a hall for meetings, and a cafeteria. For the rest, I don’t fckng know."

Nakaawang ang labi ko matapos marinig ang lahat. Kahit nagmura siya, wala doon ang atensyon ko.

What the hell is this really?

Ang yaman siguro ng may-ari ng paaralang ito. At ang cafeteria on the eighth floor pa talaga? Bakit naman ang layo? Pwede namang sa first floor nalang.

"Wha—"

"You’ll know once the class starts. For now, go talk to the lady." Tila inis niyang singhal.

Nasa ika-limang palapag na kami. May anim na nakasaradong  pinto ang bumungad sa amin.

"Hindi mo ako sasamahan?" tanong ko. Umiling siya.

"No! Come here. Hindi pwedeng humarap ako na mag-isa sa kaniya. You say it yourself na I should stay by your side then you will let me go alone?" Naiinis kong bulyaw.

He sighed and lightly scratch the back of his head. Anong problema niya? It’s like he is avoiding someone.

"Don’t you dare leave me alone kuya! May kasalanan ka pa sa akin." Pinandilatan ko siya ng mata.

He released a deep breath. "All right, no need to drag me." I shook my head. Pinanatili ko ang kapit sa braso niya. Like my life depended on it.

Tumigil kami sa ikaapat na pintuan.  "Ikaw na ang magbukas." Ani ko.

Malakas siyang bumuntonghininga. He was about to open the door when it swung by itself. Revealing a woman which I think in her late thirties.

She has a face of an Angel. Ang maamo niyang mukha ay talaga namang agaw pansin. Natigilan siya nang makita kami. She looked at me first before glancing at my cousin. Nagtagal ang tingin niya doon. Bago ngumiti.

"What can I do for you Mr. Damascus?"

Napabuga ako ng hangin.

Is this another Analiese?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top