CHAPTER 45
Bikini
My lips parted as I watched the two of them occupying the seats in front of me. Wala na akong nagawa nang sandaling naupo silang dalawa sa aking harapan. Sofia was even smiling from ear to ear while I may look like a fucking stupid!
Drake on the other hand has this poker face, seryoso ang mukha na akala mo talaga kakain ng tao. Tumikwas ang kilay ko sa nakitang disgusto sa mukha niya. For your information, I also didn’t expect seeing you here, Drake.
“The plane looks amazing, right love?” biglang sabi ni Sofia habang nililibot ang tingin.
I mentally rolled my eyes. Their endearment is damn cliche.
Wala akong narinig na sagot ng kaniyang katabi at pinigilan ko namang mapatingin sa kanila. I was only staring at the window. Wondering what is taking them long to take-off.
“Ah by the way, Miss.”
I blinked, teka ako ba ‘yun? Is she talking to me?
“Hello, Miss!” masiglang boses na pag-uulit ni Sofia. So it was me, ako pala ang tinatawag niya.
I was forced to look at their direction but, I avoided his gaze. It is creeping me out. I mean, bakit siya sa akin tingin ng tingin eh nasa tabi niya naman ang kaniyang love?
“I beg your pardon?” pinatigas ko pa ang accent ng English ko. Para naman kahit dito nalang ay hindi ako makawawa.
Sofia warmly smiled. At hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin dahil naiinis ako. Like she’s always smiling everytime I looked at her and it’s damn pissing me off. Kahit wala siyang ibang ginagawa bukod sa pagngingiti-ngiti, may parte parin sa akin ang naiirita
“I hope you don’t mind if we took this seat. Maganda kasi ang pwesto na ‘to, away from his friends. Makakapag pahinga ng maayos.”
Gusto mo palang magpahinga ‘di sana hindi ka nalang sumama.
Fuck what is wrong with me? Her simple moves annoys the hell out of me, which is so unlikely.
Ngumiti ako ng peke. You gave me no choice, Prosecutor. Nakaupo ka na bago pa man ako umalma.
“I don’t mind, mas masaya nga ‘to may kasama ako.”
Note the sarcasm, Miss.
Kahit hindi ako nakatingin, ramdam ko parin ang mabigat na titig ng kaniyang katabi. Wala ba talaga siyang ibang gagawin kung ‘di ang titigan lang ako?
“Aww I’m impressed. Anyway, I’m Sofia Grace, Drake's girlfriend.” pakilala niya, my eyes linger on her hand that is now on Drake’s broad shoulder.
Nang magtaas ako ng tingin, halos sumikdo ang dibdib ng makita ang malalim niyang titig. Mariing nakakuyom ang kaniyang pangga and he didn't’t even mind his girlfriend’s approached.
Napalunok ako. Girlfriend..
“Ah, Angel.. I’m Angel.” I avoided his gaze once again because my stupid heart begun beating insanely.
Muling ngumiti si Sofia, and I swear I fought the urge to leave the seat as her smiles is getting into my nerves.
Kulang nga siguro ako sa tulog dahil kahit simpleng pagngiti lang niya ay binigyan ko ng kahulugan.
“Thi—”
Hindi niya natapos ang sasabihin ng peke akong humikab.
“Oh I’m sorry for that. Puyat lang.”
I massaged my neck while covering my mouth. If sleeping will be the way to avoid them, then why not. Isa pa, plano ko rin naman talagang matulog kung hindi lang sila nang-isturbo.
“Sure, sure! You can have your sleep, Angel. Huwag mo kaming alalahanin.”
Magdidiwang na sana ako dahil sa narinig ngunit bigla akong napaayos ng upo ng tangka siyang tatayo.
“Love, I’ll just go to the restroom.” nanlaki ang mata ko, kung dahil ba sa biglaan niyang paghalik sa labi ng kasintahan o dahil sa sinabi niya. Restroom? So iiwan niya ako kasama ang lalaking ito?
Nagbibiro ba siya?
“Go, take your time.”
Sa unang pagkakataon, nagsalita si Drake para sagutin si Sofia. When she left, I repeatedly take a amplifying gulped. His stares were just too heavy as if reading my thoughts that pierce through my soul. Hindi ko alam kung ano yung tumatakbo sa isip niya at wala din akong balak alamin pa.
Nagbaba nalang ako ng tingin at pinagdiskitahan ang sariling mga daliri. Kinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kahit noon pa man lalo na sa tuwing dadapo ang kaniyang mga mata sa akin.
Palaging naghaharumentado ang dibdib ko. He's like a poison consuming every fiber of my being, leaving an poignant havoc. But this one is a different case, nakatingin siya sa akin dahil sa matinding pagkasuklam kumpara noon.
Akala ko mananahimik lang siya hanggang dumating si Sofia pero nagkamali ako.
“I told you to leave.” malamig niyang sambit.
Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang madilim niyang anyo. For a moment, I felt like looking at a complete stranger... Oh right, he’s a stranger to me now. Hindi ko na siya kilala, malayong malayo sa Drake na minsan kong nakasama.
“I’ve changed my mind, like what you just did. You have a problem with that?” I held my chin high while his jaw locked in response.
That’s right, Angel. You shouldn’t feel intimidated by him. Ipakita mo sa kaniyang matagal ka nang nakalimot. Hindi pwedeng magmukha akong katatawatawa at kaawa-awa sa harap niya.
“I already made myself clear that I don’t want to see your face again. Binalaan na kita, Miss Quijano.” dugtong niya sa nakakakilabot at malamig na timbre ng boses.
Quijano..
So he knew.. alam niyang hindi ako anak ni Mommy at Daddy.. but why does he still act this way? Hindi ba dapat magsaya siya or what because we are not really related in any way?
Nanikip ang dibdib ko. The fact that he doesn’t want to see me, burned something inside me. Parang may asidong tumutupok sa bawat parte ng katawan ko. Making me feel numb, leaving me in distress.
Gusto kong malaman niya na ako rin naman. Masakit na nakikita ko siya, nakakasama sa iisang lugar lalo pa’t my kasama siyang iba. I want to live my life in peace, away from him… without this heartaches.
But faith indeed has a playful twist.
“The feeling is mutual, Drake. As much as you don’t want to see my face, I also hate seeing even just the tip of your hair. It’s a torture looking at you.”
I directly said before I arched my brow. Mas dumilim pa ang kaniyang madilim nang mga mata. Nagsalubong ang makakapal na kilay.
Akala niya siguro hindi ko siya sasagutin pabalik. Well then very wrong, Mr. Damascus.
I was intently looking at his hardened expression. The sight which is not new to me since the first time we saw each other after five years. Naiintindihan kong galit sya, ngunit tama bang harap-harapan niya itong ipamukha sa akin? Worst is that he even want me gone..
Subalit, bakit ang pogi pa rin niya kahit mukhang galit na galit? Or is it just me?
I mentally shook my head. What am I thinking? Nababaliw ka na ba, Angel?
“Hindi mo ako mapapaalis dahil lang ayaw mo akong makita. You don’t get to decide what I should and shouldn’t be doing, Mr. Damascus. Katawan ko ito, desisyon ko ang masusunod. So you have to bear with my presence the entire Palawan trip.”
I hold the smirked that wanted to formed on my lips seeing his face darkened more.
“But you have another option here, it’s either you’ll stay or leave for your peace of mind. But I prefer if you would choose the latter. You still have time tho.” I shrugged as if it’s just nothing before wetting my bottom lip.
Drake then murmured something under his breath which didn’t reach my ears. He closed his eyes tightly as if controlling himself. Umarko ang kilay ko habang pinagmamasdan ang kaharap.
Bumukas ang kaniyang manipis na labi at magsasalita ng sana ng dumating galing banyo ang girlfriend. Bumalik si Sofia sa pagkakaupo sa kaniyang tabi.
I looked away immediately.
Bakit kasi ang tagal lumpad ng eroplanong ito?
Sa halip na pagtuunan ng pansin ang dalawang kasama, I reclined my seat. I will pretend to be sleep nalang.
“Babe!”
Napahinga ako ng maluwag ng sandaling marinig ang boses ni Zaph. Tumingin ako sa gilid at nakita siyang nakapamaywang.
“Ayos ka lang ba dito?” tanong niya pero hindi naman nasa akin ang paningin bagkus ay nasa harapan ko.
“Oo, kailan pa ba lilipad ‘tong sinasakyan natin?” may bahid ng inis kong untag.
Hinawakan ko siya sa balikat dahil para na siyang naghahamon ng suntokan kay Drake. Si Drake naman ay hindi siya pinapansin.
“Basta pwede kang lumipat sa ibang upuan, marami pa namang bakante. Hindi ko lang maintindihan kung bakit may nakikisiksik sayo dito, eh ikaw naman ang nauna.” aniya pa sabay irap sa dalawa.
Sofia is not paying her any attention but I know she heard it loud and clear. Busy ito sa pagkukuha ng litrato.
“Ayos lang ako, bumalik ka nalang dun.”
Zaph sighed.
“Okay, pahahatiran nalang kita ng food and drinks.”
Nang umalis siya ay pinagpatuloy ko ang planong magpanggap na tulog. Not long after, the familiar voice of the pilot echoed, indicating that we're about to take off.
Dumating ang sinabing inumin at pagkain ni Zaph. Ginawa ko ang lahat para lang hindi mapagawi ang mata sa kanilang dalawa. Who knows if they are doing something inappropriate for my eyes.
Delikado ang puso ko.
Feeling ko nga magkaka stiff-neck ako ng wala sa oras. Paglipas ng halos tatlumpong minuto, hindi ko nakayanan ang pagyuyuko lang ng ulo. Nang sandaling mag-angat ako ng tingin, parang may nabunot na tinik sa aking lalamunan. At least they are not doing anything. Natutulog nga lang si Sofia, nakahilig ang ulo sa balikat niya.
Subalit, para akong kakapusin ng hininga ng makitang titig na titig pa rin pala si Drake sa akin. Like what the fuck? Is he staring at me for quite some time?
Kanina pa siya ah, wala namang dumi sa mukha ko. At talagang may gana siyang pagsabihan akong ayaw makita ang mukha ko eh siya nga itong halos hindi ako lubayan ng tingin.
Inirapan ko siya, akala ko mahihiya siyang mag-iwas ng tingin dahil nahuli ko siya sa akto but boy, pagtaasan ba naman ako ng kilay?
The entire flight felts like a torture. From time to time, I would caught him staring at me like a predator on its prey. Paminsan minsan magsasalubong ang makakapal na kilay lalo na sa tuwing iniirapan ko siya.
“Finally! Ang sakit ng pwet ko sa isang oras na biyahe!” agad na sabi ni David.
Papalabas na kami ng malawak na airport. And I was surprised na kina Patrick din pala ito. Sabi naman ni Zaph may naghihintay na sa aming van na maghahatid sa distenasyon. When I looked at my wristwatch, it's four o'clock in the morning.
“I’ll massage it later, honey.”
Napangiwi ako sa naging sagot nang kasama niyang babae. Nauuna kasi sila sa akin, well lahat sila at pinili kong magpahuli sa paglalakad.
“Aw you’re so sweet honeypie. Kailangan nga ng matinding masahe ang buong katawan ko.”
The girl giggled “Kahit anong masahe pa ang gusto mo honey, gagawin ko.”
Napailing nalang ako. Mahaharot!
“Hoy birthday boy! Dapat may lechon ah! Kapag wala uuwi ako kasama yung bebe mo!” sabi naman nung Ruiz. I forgot his name, masyado kasing mahaba.
Tanging pagtaas ng gitnang daliri lang ni Ansel ang sagot kay Ruiz. Nasa pinakaunahan si siya kasama si Zaph pati narin sina Micah.
“Ay, Miss Cr narito ka pala!”
I rolled my eyes at David. Wala akong ibang dala bukod sa sling bag dahil nasa mga kamay ng dalawang security ang dala naming bagahe. Except for the boys of course, sila lang ang may hawak ng kani-kanilang mga gamit.
“Angel, David. I have a name so stop calling me with that shitty nickname.” I annoyingly replied.
Mainit na nga ang ulo ko sa kaibigan niya dadagdag pa siya. Drake is damn creeping me out. Ikaw ba naman titigan ng halos isang oras? Na kahit nakapikit ay ramdam ko parin ang paninitig niya.
“Ay wild, gusto ko yan sa babae eh!”
“Honey!” ungot naman ng babae niya.
Pagtingin ko ay masama na pala ang tingin sa akin. Actually, kanina ko pa rin to napapansin. Sa apat na babae.. mali, lima sila including Sofia. Siya lang ang masama ang tingin sa akin na parang malaki ang atraso ko. Sa tuwing nahuhuli ko ay iniirapan naman ako.
Ewan ko lang kung anong problema niya sa akin.
“Oh honeypie, don’t be jealous. Ikaw pa rin ang the best kong masahesta.” sagot naman ni David saka yinapos ang nakanguso niyang jowa
Inunahan ko sila sa paglalakad dahil alam kong maghaharutan na naman silang dalawa.
“Miss Cr!”
Napapikit ako ng mariin. Bakit ba sila Cr ng Cr eh ang layo ng pangalan ko doon.
“Tarantado, Patrick. She’s Angel not Cr!” pagtatanggol naman ni Zaph.
Humiwalay siya kay Ansel saka pumunta sa gawi ko. She hooked her arm on my shoulder. Sumunod na lumapit ay si Micah. Nakita ko naman ang pagsimangot at pagkamot sa batok ng kanilang mga kasama.
“Eh sa yun ang gusto kong itawag sa kaniya, may magagawa ka ba?” pabalang na sagot naman ni Patrick.
“Yeah dude! Ang ganda nga ng Miss Cr. Pang Miss Universes ang dating” si David
I sighed. Mga sakit sa ulo talaga ang dalawang ito.
“Watch your word, Esguerra she’s my girl baka nakakalimutan mo.” Ansel butted in.
Zaph stuck her tongue out as if annoying Patrick, hindi ko nakita ang mga reaksyon nang nasa likuran.
“Aw sori na papi Ansel. Please forgive me.. patawarin mo ako.” he replied in between his laughter’s.
"Oh baby, patawarin mo siya.." dugtong naman ni David sa paraang kinakanta.
Napailing nalang ako. Silang dalawa lang talaga ang maingay sa magkakasama. Mga hindi nauubusan ng salita.
True to Zaph words may naghihintay na ngang van sa labas ng Esguerra Pacific Airways at may nakatayong lalaki sa tabi nito. If my calculation is right, he’s around our age.
“Pareng, Welbert! Long time no see.” sigaw agad ni David saka nakita ko nalang na nakayakap na siya sa Welbert.
Welbert on the other hand laugh manly.
“Mabuti at nakarating din kayo.” sagot ni Welbert.
“Of course bro, debut ba naman ni Ansel. Eighteenth birthday nang unica hija ni Tito Kris hindi namin pwedeng palampasin.” sagot n David, tumawa lang ang huli.
“Tarantado!” sigaw ni Ansel, narinig siguro ang usapan.
Sumunod na nagbigay ng manly hug ay si Patrick, Cy and Ruiz were tailing him. Mabuti pa itong si Cy ang tahimik lang.
“David is right, sayang ang letchon.” sambit ni Patrick
“Bakit wala bang letchon sa Manila?” takang tanong ni Welbert.
“Mayroon, ibang letchon nga lang kinakain namin doon. Mga malalaman, yummy.”
Nalukot ang mukha ko ng dilaan pa ni Patrick ang pang-ibabang labi.
“Gago ka talaga, Esguerra!” binatukan siya ni Ruiz
“Putcha, Ruiz para saan yun?!” reklamo nang huli. Napansin kong may isa pa palang kotseng nakaparada.
Drake and Ansel together with the other man was fixing our baggage’s. Iyon siguro ang maghahatid ng mga bagahe namin.
“Halika na nga, mababaliw ka lang kung makikinig ka sa mga usapan nila.” hinila ako ni Zaph at Micah papasok ng van, the girls were already inside mga nagreretouch.
Umupo kaming tatlo sa likurang bahagi nang sasakyan.
“We’re on the same room babe.” bulong ni Zaph
“Good, akala ko iiwan niyo lang akong mag-isa.”
Silang dalawa ay nakasandal na ang ulo sa magkabila kong balikat.
“Nah,.” rinig kong bulong ni Micah. Bigla kong naalala ang kasama niyang lalaki kanina.
“Bruha ka! May kasalanan ka pa sa akin. Sino 'yong lalaking kasama mo ha?”
Sa pitong kalalakihan na kasama namin ngayon, siya nalang ang wala akong alam kahit apelyido.
Bumungisngis si Micah.
“Later, babe. Ipapakilala kita, later.”
Malakas akong napa-buntonghininga. Nang tignan ko ang kaliwang bahagi ko ay nakapikit na pala si Zaph. The rest of the girls were not yet done retouching. It’s as if we doesn’t exist. Nagbubulungan pa sila na parang magkakaibigan. Well maybe, they’re indeed friends.
Hindi nagtagal sumakay narin ang natitirang kasamahan. My chest thudded when Drake’s tantalizing eyes easily meet mine. Hindi man lang siya nag-abalang mag-iwas ng tingin kahit may sinasabi si Sofia. Naupo silang dalawa sa unahan.
Tumikhim ako saka binaling ang tingin sa ibang direksyon.
Teka, kasya ba kaming lahat dito?
“Ruiz kandong ka nalang sa akin.” umalingawngaw ang matinis na boses ni Patrick.
“Shut up, Patrick!” inis na sagot naman ni Ruiz. Nakatayo pa siya sa labas ng van, tumitingin sa mga upuan.
The men I am with today, masasabi kong papasa silang lahat bilang modelo. Mga magagandang lalaki except of course sa isa diyan. Sarap dukutin ng mata, kanina pa siya namumuro sa kakatitig.
“Let your girlfriend sit on your laps, dickheads.”
Speaking of..
“Magandang idea yan, dude. Come here honeypie, ako na muna ang magmamasahe sayo.” natampal ko ang sariling noo sa sinabi ni David. Wait... does he mean?
No way!
Ayaw ko pang makakita ng live foreplay sa sasakyan.
“Gago, David! Mamaya ka na magmasahe, mabibitin lang siya, right Joe?” Patrick replied with a hint of naughtiness.
Iyon nga ang ginawa nila, they let their girl sit on their lap. Habang ang lalaking naging kasama ni Micah ay umupo sa tabi niya. May space pa naman sa gilid at kasya pa.
Tumaas ang kilay ko ng kunin niya sa balikat ko si Micah saka linipat sa kaniya.
“Ah by the way I’m Carter. Boyfriend niya.” nagkamot siya ng kilay na parang nahihiya.
“Kapag nalaman kong linoko mo ang kaibigan ko, tanggal yang bayag mo. Naiintindihan mo?”
Matigas na pahayag ko saka pinandilatan siya ng mata. Carter chuckled before kissing the top of her head.
Base naman sa paraan ng pagtitig niya sa kaibigan ko at sa kaniyang kilos. Masasabi kong mahal nga niya si Micah.
“Makakaasa ka, Angel. Hinding hindi ko siya lolokohin kung iyon ang inaalala mo.” sensiro niyang sagot.
Tumango tango ako. Mabuti narin at nakilala na nang mga kaibigan ko ang mga taong nakatadhana sa kanila, they already suffered a lot. Karapatan din nilang maging masaya.
“Zaph baby!” boses ni Ansel na nasa passenger seat. Nakadungaw ang ulo sa amin.
“Yes baby?” si Patrick na ginawang pangbabae ang boses.
Masama ang tingin ni Ansel kay patrick na tanging pagtawa ang sagot.
“Ako nalang ang I-baby mo, Patrick. Handa akong magpagamit sayo.” sagot naman ni David.
“Ulol!”
Napailing ako, bakit ba sila ganito? Ang lalaking mga tao mga isip bata.
“She’s sleep.” I answered.
“Oy she’s sleep daw,” ani ni David na nakaupo sa unahan namin.
“Ano, sleep?” si Ruiz
“Oo pre, sleep sabi ni Miss Cr.”
I gritted my teeth. Mga walang kwenta talagang kausap ang mga lalaking ito.
Nagulat ako o tamang sabihin kaming lahat ng biglang dumaan mula sa passenger seat si Ansel.
“What the fuck, Ansel!” ungot ni Ruiz nang madaan siya nito, ngunit walang pakialam si Ansel at diretso lang ang lakad.
“Saan ka pa mauupo diyan? Bumalik ka na sa pwesto mo dude, maiipit niyo si Miss Cr eh.” si Patrick. Ramdam kong nasa amin ang atensyon nilang lahat.
“Shut up dude, my girlfriend needs me.”
Umusog nang kaunti si Carter kahit ako dahil ang sikip na nga. Hindi yata kakasya kung makikisiksik pa siya.
“Palit nalang tayo kung gusto mo, dito na ka nalang at ako nalang doon sa unahan.” suhestyon ko.
I tilted my head to see the front seats, mas magandang ideya kung magpapalit kami ng upuan. Siguradong mangangawit ako kung sakali man.
Ansel’s face brightened up.
“That’s a great idea, Angel. Sige ako na dito at doon ka nalang.” tumango ako, umayos muna siya ng upo sa tabi ni Zaph saka linipat ang pagkakahilig sa ulo ng kaibigan ko.
“Make it fast, guys. Bibiyahe pa tayo.” rinig kong sabi ni Patrick.
Nang maayos na siya sa pwesto, tumayo na ako. I was about to open the door when someone grabbed my arm. I can feel the hair in my neck rose up when the familiar heat and electricity ignites me.
“You can take my seat, ako nalang ang lilipat.”
Umawang ang labi ko sa pagkabigla. Am I not hallucinating things?
His voice is calm, very different to the way he interact with me previously. Nakagat ko ang loob ng pisngi ng mapansin ang paninitig na naman niya. It’s like he is memorizing every inch of my face. Na sa kagustuhang masaulo ang bawat parte ng mukha ko lantaran nang pinapakita ito.
My eyes narrowed down on his hand that is on my arm. Sinundan niya ang galaw nang mata ko at doon lang natauhan saka agad na binawi ang pagkakahawak sa akin.
“Hindi na, ako na sa unahan.”
Napatingin ako kay Sofia, she’s smiling again. Na parang walang problema. Then from her, my eyes roamed to the people I am with. Lahat din sila ay nakaabang sa amin. I can even see the ghost of smile on Patrick and David’s lips.
Teka, may alam ba sila?
“Tagal naman, nangangawit na ako dito eh.” si David na nakatanggap ng palo sa babaeng nakaupo.
“Umupo ka nalang diyan, Miss Cr. You don’t have a choice anyway.” Patrick said, wiggling his eyebrow.
Pagtingin ko sa lalaking kaharap ay nakataas na rin ang kilay, na parang nanghahamon.
I shook my head. Ayaw ko nga, I don’t like sitting beside her girlfriend.
“I’m fine at the shotgun’s seat. If you’ll excuse me.” bago ako muling tumalikod hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-igting ng panga ni Drake.
What is his problem? Akala ko ba ayaw niya akong makita? Bakit kung makaasta siya ay parang close na close kami?
“I don’t take no for an answer. Now choose, you will sit on that fucking seat or we’ll leave you in the street?” the frustration in his voice is clearly audible.
Natigilan ako sa akmang paglabas. Biglang tumahimik ang mga kasama namin. Sino nga ba ang hindi mapapatahimik kung yung lalaking nasa harapan ay ganito. Madilim ang mukha habang nagtatagis ang bagang.
I gritted my teeth. He’s so bossy!
“Ayan tuloy nagalit na si papi.” mahinang sabat ni David, parang takot mapagbuntunan ni Drake.
“Upo ka na lang, Angel. Nang matapos na.”
It was Patrick, he called me by my name for the first time. But instead of rejoicing, I felt damn irritated to the highest level.
“Tangina kasi nitong si Ansel. Maganda na yung pagkakaupo nang tao, inisturbo pa.” sabat naman ni Ruiz.
“Sshh.. tone down your voice gentlemen. Natutulog ang mg baby namin.” sagot ni Ansel. Kaniya kaniyang mura ang mga lalaki.
Habang masama na ang tingin ko kay Drake.
“Angel, dito ka nalang. Hindi naman ako nanunuklaw.” biglang sabi ni Sofia na nagpatawa sa ibang kasama.
I exhaled a large amount of breath. I close my eyes tightly. Nang sandaling magmulat ako ng mata, inirapan ko si Drake bago padabog na umupo sa tabi niya.
Nagngingitngit ang kalooban ko lalo na nang marinig ang palakpak at nanudyong boses ni David.
“Finally! Paandarin mo na yan, Welbert.”
Agad namang pinaandar ni Welbert ang sasakyan. I can’t help but to leered at Drake when he glanced to our direction at the passenger seat.
Tangina niya!
“Gusto mo?”
Sofia offered me her food but I declined. Mas lalo akong naiinis sa pagiging mabait niya. I don’t know what is with me but yeah, it annoys me on how she treats the people around her. Palagi siyang nakangiti at ang hinhin kung makikipag-usap. I don’t like it!
May ilang kakilala naman ako na katulad niya, kagaya ni Anne ang manager ko sa Dallas at hindi naman ako nakakaramdaman ng ganito. Only her, Prosecutor Sofia Grace Perez.
“Ang ganda nang Palawan right?’ she begun. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.
Palawan is one of the most visited tourist attraction here in the Philippines. Both locals and foreign people. Kahit ako matagal nang gustong mabisita ang lugar na ito.
I appreciate her efforts on conversing with me, pero wala talaga ako sa mood makipag-usap sa kaniya. Baka mamaya may masabi pa akong pagsisisihan ko sa huli.
“I can’t wait to visit Tubbataha Reef again, last summer pa ang huli naming punta doon.”
I remained my stoic face. Nakatitig lang sa harapan hindi nag-aabalang sagutin siya.
“Do you also like beaches? If you do, I’m sure we’ll get along.” dugtong pa niya.
“Beaches is like my healing therapy. The sound of the waves calms me, no.. it is more than that. Nakakalimutan ko ang lahat ng bumabagabg sa akin sa tuwing malapit o nakatingin ako sa dalampasigan. Problema sa trabaho, lahat.. it may sound odd but yeah, that is what I’ve always feel whenever I am at the beach.” mahabang litanya niya. Kahit hindi ako nakatingin, alam kong nakangiti na siya ngayon.
It’s not really odd, it's natural. We all have our different coping strategies. Various techniques to fought the demons we have on ourselves. Mga paraan para pakalmahin ang sarili lalo na sa mga oras na pakiramdam mo hindi mo na kaya. And hers was the beauty of the sea. She found her peace in the middle of the soothing sound of waves.
We, people are adjusting to the place we live-in in order to survive.
“The last time I went on a beach was on Subic, it felt so unreal. I mean, I was with the man I love and the place are just so perfect na akala ko nanaginip lang ako.”
Kumuyom ang kamao ko. I don’t like where this conversation’s going. O kung tamang sabihin na yung mga lumalabas sa bibig niya. Kahit wala siyang pangalanan, may kutob na akong si Drake ang tinutukoy niyang lalaking mahal daw.
“That was last Christmas, we celebrated our holiday’s in Subic. At—"
“Love..”
She stopped midway when Drake butted in. Pinanatili kong walang ekspresyo ang mukha at wala ni isa sa kanila ang liningon.
“Oh my bad! I shouldn’t be telling you this, anyway I heard kadarating mo lang din from Texas?”
“O’o,” I shortly answered.
Bakit ang dami niyang tanong? Hindi ba niya nahahalatang wala akong gana na makipag-usap sa kaniya?
“Texa—”
“By the way, ayos lang bang matulog muna ako? Pagod eh."
I fake my sleepy expression. Natigilan din siya at halatang hindi inaasahan ang biglang pagsalita ko.
“Oh sure sure, I’m sorry for being nosy.”
Nagkibit balikat ako saka pinikit ang mga mata. Nang sa wakas huminto ang van na sinasakyan namin doon lang ako muling nagmulat.
Nasa harapan na namin ang hotel na tutuluyan. Lumabas na kaming lahat saka dumiretso sa receptionist. I’ve heard they already booked their reservation for our rooms, and all we have to do is to ask for the keys. When the keys was handed to us, we immediately headed to our respective quarter.
“Baby,”
Nakasunod parin sa amin sina Ansel at Carter, kontra sa ideyang ako ang kasama ng mga girlfriend nila at hindi sila.
And maybe, Drake and Sofia has their own room also...
“Baby it’s just three nights. Magkikita naman tayo mamaya.”
Ansel groaned in protest.
“Babe, Angel can—”
“Hep! Don’t even finish that, Carter. Dito kami matutulog, kasama siya at wala na kayong magagawa dun!”
Nakapamaywang na saaad ni Micah sa harap ni Carter. Nasa harapan na namin ang pinto ng kwarto.
Nagkamot ng batok ang dalawa, nanunulis ang nguso. Natawa naman ako.
“Boys, ipahiram niyo na muna sa akin ang mga jowa niyo. Quality time with bestfriends muna bago bebe time okay?”
Napangiwi silang dalawa. Zaph opened the door and I walk-in, inunahan na sila. Bago ako tuluyang makapasok, binati ko muna ang birthday celebrant.
“Happy birthday, Ansel! Sorry I don’t have any gifts, singilin mo nalang kay Zaph.”
Ansel grinned “Thank you, Angel. Regalo mo nalang sa akin ‘tong kaibigan mo mamayang gabi.” hirit niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin saka nagpatuloy sa pagpasok.
I roamed my eyes and I can’t helped but to be in awe. The hotel is breathtakingly ravishing. The vibe is cozy lalo na nang makita ko ang veranda na nakaharap sa asul na karagatan. Tanging puting kurtina ang naghihiwalay sa bawat sulok ng kwarto. I put my luggage down before walking towards the porch.
Nang pumasok sina Micah doon lang ako umalis.
“Nakaalis na sila?”
Naupo ako sa malambot na kama while they both lay down. Malaki naman siya at siguradong kasya kaming tatlo.
“Hmm, bakit kasi hindi ka nagdala ng boyfriend ‘di sana hindi ka dito nag-iisa.” si Micah na nakapikit na naman ang mata.
“Sira! Anong dadalhin ko e wala naman?” sagot ko.
"OMG!"
Nagulat ako ng biglang sumigaw si Zaph at saka mabilis na tumayo.
“Saan ka pupunta?” tanong ko ng makita ang akma niyang paglabas ng silid.
She grinned “May tatawagan lang ako, I’ll be back.” aniya saka lumabas.
I sighed, nahiga na din ako katabi ni Micah. Hanggang sa hindi ko namalayang nakaidlip pala ako.
The moment I open my eyes it was already eight in the morning. Wala na rin ang mga kasama ko but I saw a note in the beside table. Binasa ko ‘yon at napanguso nalang.
Hallo, babe! If you’re reading this right now, better move your ass quick. Hindi ka na namin ginising since you looked exhausted. Basta wear your daring and most sexiest bikini when you go down, aight?
Napailing ako, pumasok muna ako sa banyo saka ginawa ang mga dapat gawin. Suddenly, pumasok sa isip ko si Sofia. Kung ano ang susuotin niya..
Agad akong napailing. It’s not my business anymore. Ano naman ngayon kung mas sexy siya sa akin? Ang importante may maibubuga rin ako.
I released a deep breath. Why am I so affected with her presence?
I decided to wear my blue one-piece bikini that perfectly fit on my body. Nilugay ko lang din ang buhok at hindi na nag-abalang mag make-up. I was looking for a cover up when I heard a knock. Hindi ko yun pinansin dahil alam kong mga kaibigan ko lang yun.
Halos mahalughug ko na lahat ng gamit ko pero wala pa rin akong nakita. In the first place, may dala ba ako?
I groaned frustratedly, hindi din nagpapaawat ang tao sa likod ng pinto at halos sirain na ito. I walked with a heavy feet. Naiinis ako, hindi pwedeng wala akong masuot na cover up.
“Teka lang, Zaph!” sigaw ko.
Bakit hindi nalang nila ito buksan? Ah baka naiwan lang nila yung card since alam nilang may tao pa sa loob.
“Pababa—”
Natigilan ako ng pagbukas ko ng pinto ay hindi pala si Zaph ang nasa likod. I can feel my jaw dropping seeing him. What the fuck? Anong ginagawa niya dito?
Halos manginig ang tuhod ko ng pasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Drake’s eyebrow furrowed na parang may nakitang hindi dapat makita
Oh shoot! I am only wearing my bikini.
“Why are you here?”
Humigpit ang hawak ko sa pinto ng mas dumiin ang titig niya. Ilang segundo siyang hindi nagsalita, but when he did, I fought the urge not to smack his annoying face.
“You are not leaving this room wearing that piece of shit, Angel! Magpalit ka, at bilisan mo kanina pa ako dito naghihintay sayo.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top