CHAPTER 40

Acceptance

Their jaw dropped to the floor when I called tita, as mama. I can even hear their exaggerated  sighed. Ganun ba ka imposible sa paningin nila ang masabi ko ang katagang 'yon?

It's like I just said the most absurd phrase. There’s no harm on trying right? Besides their advice's made me realized a lot of things.

Tama sila, kung gusto kong magsimula nang panibago, hindi ko ito magagawa kung lugmok parin ako sa nakaraan. Kung hindi ko parin maatim na magpatawad. Mas masasaktan lang ako kung patuloy kong paiiralin ang galit sa puso ko.

I’m giving her another chance like what my friend's wants me to do, and I just hope she wouldn’t do the same thing. Sana hindi niya sayangin ang ibibigay kong pagkakataon.

I still have a lot of questions in my head to be answered. Plano kong kausapin sila ngayong araw. I don’t think this could last until the next day.

Tumikhim si daddy na pumukaw sa kanilang lahat. Alanganin akong ngumiti bago umupo, magkatabi kami ni Zaph at Micah, pinagigitnaan nilang dalawa.

So it all make sense now, kung paanong halos magkapareho kami ng gusto ni mama sa ibang bagay. Our obsession with kare-kare, chicken sandwich and some random stuff.

I avoided their gaze as I begun eating my food. The deafening silence is creeping me out. Siguro kung hindi ko sinabi iyon, baka talak na ng talak sila Zaph at Micah.

Tanging tunog ng kubyertos ang namayani sa hapagkainan hanggang matapos kami ng umagahan.

“Kami nalang po ang maghuhugas, tita.” pagpresinta ni Zaph.

I pursed my lips, as far as I can remember they hate washing dishes. Pa-pagtrabahuin nalang daw sila ng kahit ano basta hindi ang paghuhugas ng plato. Tapos ngayon nag-volunter pa talaga.

Change is indeed an constant thing in this world.

Kaya ang nangyari, naiwan silang dalawa sa kusina para hugasan ang pinagkainan. On the other hand, I found myself sitting in front of my parents and tit—mama. Nasa magkaharap na pahabang ratten white couch kaming tatlo. Wala akong katabi habang nasa harapan ko si mommy at daddy. Si mama naman ay piniling maupo sa single sofa.

“Mom..” I bit my lips as I stared at the three of them.

The loud beating of my heart never surprised me. Parang bumalik ako sa gabing nalaman nila tita Clarries ang tungkol sa amin ni Drake.

Sumisikip ang dibdib ko sa bawat minutong lumilipas. Ano mang oras ay malalaman ko na ang totoo. I want this done, gusto ko isang sakitan nalang. Hindi ko makakayang lumipas pa ang isang araw na hindi ko malaman ang totoong nangyari sa akin—sa amin. It hurts, yes. But this is how reality impacted the human beings.

Masyadong mapanakit.

Nasaan na ba siya?

Maayos ba ang kalagayan niya?

Umaasa lang ako na nasa mabuting kalagayan ang kakambal ko sa mga oras na ito.

I’m beyond ecstatic knowing that I have a sibling. Pero ang isipang malayo siya sa akin, na hindi namin nasilayan ang mundo ng sabay ay nagpapahina ng loob ko. We should be together right?

We are twins. And twins supposed to console each other as they can feel the same intensity of emotions. However, the opposite happened. I’m about to turn 23 next year and I didn’t even know a thing about him or her.

How cruel.

“Bakit po kayo nagsinungaling sa akin, mommy.. daddy?”

Tinatagan ko ang loob para sa mga posibleng maging kasagutan nila. Siguradong masasaktan at masasaktan ako. The truth really hurts like a daggers piercing into our souls.  Malupit talaga ang katotohanan.

Tinitigan ko sila sa mata. Walang mababakas na emosyon sa mukha ni daddy, pero pansin ko ang pagkakuyom ng kamao niyang pilit itinatago sa ilalim ng lamesa. While mommy is on the verge of crying.

Fuck!

I hate seeing her shed in tears. Hindi ko masikmurang makita siyang umiiyak. I’d always see her as a tough woman, and looking at her pained expression sent me to the edge.

“Mommy, bakit naman kayo umiiyak? I’m just  asking, mahirap po bang sagutin yung tanong ko?”

Umiling siya habang tinutuyo ang mga luhang lumandas sa pisngi.

“No.. honey, please don’t mind me.” she smiled which didn’t reached her eyes.

Tahimik lang din si Mama. Napabuntong hininga ako.

“Why did you lie about this matter? You could’ve told me sooner, that way I wouldn’t be hurting like this.” I looked straight into their eyes.

“We only did what we assumed is best for you, anak. Kung sakaling sinabi ba namin ‘to ng maaga, maniniwala ka ba?” she trailed “Patatawarin mo ba kami ng daddy mo, Angel?”

Natigilan ako, mapapatawad ko nga ba sila kung noon pa nila ito sinabi?

Even now that I am totally grown up woman, masakit parin.. mahirap pa din.. noon pa kaya?

“Kahit na mommy, kayo na mismo ang nagsasabi sa aking masama ang nagsisinungaling pero bakit kayo mismo ginagawa ito? I’m sure I would try to understand, maiintindihan ko naman siguro kung iniwan nga ako ng totoo kong mama.. para sa.. pera.”

My jaw locked as bitterness consumed me. Rinig ko ang malakas na pagsinghap na ginawa ni mama.

Mama, it felts cringe saying that word for some reason. But I need to practice addressing her mama as I need to reconcile with her.

Kita ko naman ang kislap sa mata niya ng sandaling marinig ang katagang ‘yun. At least I am doing my best for her… for our family.

“She didn’t just left you with us for money, Angel. I’m certain you already know the reason behind it.” si daddy habang nakatingin ng mariin sa akin.

“Yeah, because some mafia-like guys threatened her dad. She doesn’t have any penny at that moment and was left with no choice but to bargain us.” I can feel something metallic with the words coming from my mouth.

Kimi akong ngumiti habang binalingan ng tingin si mama na ngayong tahimik na palang umiiyak.

“But it’s fine dad, kahit anong rason pa po ang mayroon siya, it’s all in the past now. Wala nang magbabago kahit pa isang baldeng luha ang maibuhos nating lahat.”

I held my tears at bay. Hindi pwedeng lahat nalang kami dito umiiyak, hindi kami magkaka-intindihan kung magkataon man.

“Hon, don’t say that.” si mommy, na mumungay ang mata habang nakatingin sa akin.

I warmly smiled at her.

“I’ve made up my mind, mommy daddy. I’ve gone tired hating her, I’m exhausted thinking about the possibilities that what if she didn’t do that immoral act in the past? Like what if she was strong enough to keep us, to fight for her children, mangyayari ba itong lahat?”

By then, I’m sure Drake an I didn’t end up in this ill-fated relationship. May parte rin sa akin ang nagpapasalamat dahil kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko mararanasan ang pag-aaruga nila bilang isang magulang.

Nonetheless, it doesn’t justify her indecent way of solving her problems.

“Napapagod na po ako, gusto ko nalang mamuhay ng payapa. I don’t wan to feel this heavy emotion in my chest. I don’t want to be consumed by hate instead of love. Ganun naman po diba? Walang magandang maidudulot ang galit sa puso natin. Walang patutunguhan kung hahayaan nating mamayani ang poot sa sistema natin.”

I dried my cheeks when I felt my tears sprung free. Kahit anong bulong ko sa sariling huwag umiyak bigo parin ako. Hindi parin talaga maawat ang isang tao kung masiyado na itong nasasaktan.

Lumambot ang mukha ni daddy habang pinagmamasdan ako.

“You are no doubt an Encinareal heir, I’m so proud of you anak.” madamdaming tinuran ni daddy.

Napanguso ako, heir na walang mamanahin.

“That’s because I was raised by the greatest parents in the whole world. You’ve taught me enough daddy, nakakatak po sa isipan ko ang lahat ng aral na tinuro niyo sa akin simula nang magkamuwang ako.”

They never failed to discipline me in every aspects of life. They were my mentors in this tough word. My light in in my darkest days, my armor in this challenging diversity.

“I’ve decided to give her another chance. Kung Siya nga ay nagawang magpatawad ako pa kaya? Isa pa, napapansin ko naman pong nagbago na siya..” napalunok ako bago balingan ng tingin si mama. She’s smiling like some weight was left on her chest. Sa kabila ng luha sa kaniyang mukha.

I averted my gaze away from her and stared at my parents. Nakatulala lang si mommy pero alam kung naririnig niya ako.

“Only if it is fine with you.” I softly mumbled.

I’m very much aware that mommy is against this. Kahit pa may nabuo naman na akong desisyon, I still need to hear their sides. Their opinions matter’s a lot to me.

“If that what makes you happy, then go on. We're here to support you.” si daddy, may tipid na ngiti sa labi.

I released a calming breath. I hope this is right, dad. Sana nga po tama itong gagawin kong hakbang.

“M-Mommy?” pukaw ko.

Napakurap-kurap siya saka ako binalingan ng tingin, hindi nakaligtas ang pasimpleng pagpahid niya sa pisngi.

“Of course, anak. Walang problema.” masiglang pahayag niya kahit taliwas sa kaniyang ekspresyon at mga mata.

From the corner of my eyes, napansin ko ang pagtayo ni mama. Naramdaman ko ang paglubog ng espasyo sa gilid ko

She’s not crying anymore but her breathing is still uneven. Maybe, nabigla din siya sa desisyon ko. Halos hindi pa nga nagdalawang araw simula noong ipakita ko ang mariin kong pagtutol sa isipang siya ang ina ko.

I was taken aback when she hugged my frame tightly. Sobrang sikip na halos hindi na ako makahinga. Ganitong ganito din ang ginawa niya noon sa Tacloban, akala ko normal lang ‘yon. May iba pa lang kahulugan.

“Thank you, Angel. Hinding hindi ko sasayangin ang binigay mong pagkakataon.” pumiyok ang boses niya.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko.

“I’m sorry anak… I’m sorry.” she continuously whispered.

I gulped. Nag-iwas ng tingin si Mommy habang si daddy ay may tipid na ngiti.

“Pangako babawi si mama.. babawi si Mama..” mas humigpit pa ang yakap niya, hindi nalang ako sumagot.

Hindi nagtagal bumitaw din siya sa pagyakap sa akin, may malaking ngiti. Nag-iwas ako ng tingin.

I hope so. Sana nga hindi masayang ang pagkakataong ito.

Nagawi sa mga magulang ko ang aking tingin. Nandito narin naman kami, I think it’s time to talk about the other thing. Kahit hindi nila sabihin nararamdaman kong may mali. Simula nang nangyari sa Tacloban, simula ng umalis kami sa probinsiya, I can sense the thick wall between us. Hindi na katulad ng dati.

I casted my head downwards, I still need to apologize for what I did.. for what we did. Pinagkatiwalaan nila ako. They think I wouldn’t do things that will make them mad in the end of the day. Pero nagawa ko parin.. nabigo ko parin sila..

“D-Daddy.. Mommy, pasensya na po.” my lips quivered. The corner of my eyes formed tears.

“I’m sorry, I failed you, I’m sorry if I—”

“Stop apologizing, honey.”

I halted when daddy suddenly spoke up before I could even finish my sentence. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang malambot niyang ekspresyon. Parang alam niya ang pinupunto ko kahit hindi ko man sabihin.

“You said it yourself, nangyari na ang mga dapat nangyari. It was all in the past now, though yes, we’re disappointed. Hindi namin inaakalang magagawa mo iyon, anak.”  I bite my trembling lips.

You are a great disappointment, Angel.

Daddy sighed “We are also at fault for leaving you alone with them. Nakapante kaming walang mangyayaring masama o kahit maglalakas ng loob na lapitan ka dahil sa mga pinsan mo. But that boy took advantage of our absence. The nerve!” the veins on his forehead protruded.

I bit the inside of my cheeks. I can feel the tension with the topic. Nang dahil sa nangyari hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makausap sila kung ano ba ang pinag-usapan nila ng gabing ‘yon. Kung ano ba ang ginawa nila kay, Drake.

Did they hurt  him?

“It’s not entirely his fault, dad. Pareho po kaming may kasalanan.” I shook my head, couldn’t look at them in the eyes. Naramdaman ko ang paghagod ng likod ko ni mama.

“Please, stop blaming him. He.. he’s a good guy.”

I defend him. Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni mommy, hindi parin ako nag-aangat ng tingin.

“It was his fault, anak. I can’t believe Drake did that horrible act, he is becoming a lawyer for Christ sake!” I can hear the frustration in mommy’s voice.

“He corrupted your innocence! Oh, my poor baby..” hysterical niyang dugtong.

Pinigilan kong mapangiwi. Kahit hindi pa man nangyari sa amin yun ni Drake, aminado akong hindi na inosente. Nadagdagan nga lang noong naging kami.

“We are not going to talk about him, Angel. I don’t want to hear any of their names in this house, am I understood?” striko na ang boses niya, it’s like he is back to his usual safe.

Tumango nalang ako. Mahirap nga siguro sa parte nila noong nalaman nilang may nangyari na sa amin. Nabigo ko sila… nabigo ako bilang isang anak. Ngunit, hindi pa naman huli ang lahat, right? Hindi pa huli para itama ang lahat ng pagkakamali.

Forgiveness.

It’s easy to said than done. But if you put much effort and be more patient to yourself, you would finally reached the finish line. It involves courage on both parties. Given that the process is not just a piece of cake.

Habang lumilipas ang panahon, natutunan ko naring buksan ang puso kay mama. I can feel her sincerity at naramdaman ko namang nagsisisi na siya. Nalaman ko din ang aking kambal ay nasa pangangalaga ng kakambal niyang lalaki. They are in Texas.

Noong unang beses ko siyang nakita, hindi mapaghahalataang kambal ko siya. As in akala ko nga hindi kami magkadugo. His just so domineering and stiff. Thankfully, we’ve get along. Sadyang suplado lang!

Matagal na pala niyang alam na hindi siya totoong anak nila tito Rome ang kambal ni mama. Hindi din lingid sa kaalaman niya ang nagyari sa amin at tungkol sa totoo niyang magulang.

We celebrated our Christmas and New year with them. Sa Texas kami nagpalipas ng bakasyon. It was fun… pero parang may kulang.

Lumipas ang isa, dalawa, tatlo.. hanggang sa hindi ko namalayan ang mabilis na takbo ng panahon. I’ve busied myself just so I couldn’t think about him. I tried so hard.. but at the end of the day, I would stare at our photographs, longing for his presence.

Ganun nga siguro ang damdamin ng isang tao. The more I’ve tried not to think about him, the more my feelings for him grew even deeper.

He was my first love. My greatest love..

“Congratulations, anak!”

Warmth swelled my chest seeing my two beloved mother, approaching me with a smile  on their faces.

Ngayon ang araw ng graduation namin. Sa tulong ng koneksyon, nagawa kung ipagpatuloy ang nasimulan sa Pinas. I took up Business Administration in one of the prestigious school here in L.A. Finally, after years of hardship, the efforts has been paid off. I was wearing my black toga, the cap is still on my head.

“This calls for a celebration, honey! Gosh, ang ganda ganda mo anak, manang mana sa Mommy!” Mommy said as she hugged me.

“You must be kidding, Beatrice. Can’t you see? Halos carbon-copy ko na 'tong anak ko! Hindi maipagkakailang mana sa akin.” si Mama na hindi nagpapatalo sa tuwing ganito ang usapan.

Nagrolyo ang mata ni Mommy na nagpatawa sa aming lahat. Nasa likod nila si daddy, tito William at Tyrell, my twin as expected naka poker face lang.

“Excuse me, ‘di hamak na mas maganda ang lahi ko kaysa sa’yo!”

I sighed and kissed her cheeks instead.

“Sinasabi mo bang pangit ang lahi ng mga Encinareal? Kuya!”

Napailing nalang si daddy sa dalawa. They’re always like this.. mabuti nga at naging maayos ang relasyon nilang dalawa pagkalipas ng dalawang taon. They’re back to being buddy, madalas narin silang lumabas, minsan sinasama ako sa tuwing walang pasok. 

Mama on the other hand, become more hands-on to me. Masasabi kong worth it naman ang pagpapakumbaba ko noon at ang ginawa kong pagpapatawad sa kaniya. Even my brother already forgive her.

As times passed by, our family become much stronger and closer. Hindi na muling bumalik sila daddy at mommy sa Pilipinas. Last year lang nila sinabi na wala na ang EHR. Kahit anong pagsalba pa daw ang gawin nila hindi na ito mai-aangat pa. May isang pinagkakatiwalaan si daddy ang nag traydor. The culprit runaway with millions that was meant for constructing EHR branch in Bohol. The culprit was nowhere to be found and still hiding. Hanggang ngayon pinaghahanap parin.

Paglipas ng panahon, paunti-unting nag-aatrasan ang ilang investors ng kompanya.  Little by little, The EHR ended with bankruptcy. It was the worst year for us.

Subalit kalaunan, natanggap narin namin ang pagkawala ng negosyo. Acceptance is a way for a better life. Nakipagsosyo si daddy kay tito William at tito Rome at nagsimula ulit ng panibago. They’ve built a restaurant in Texas where tourist flocked by often. So far, in the past two years it was a success.

“Yea!”

I poke my twin broad shoulder, nasa loob na kami ng van at pauwi na. Nasa likod kaming dalawa habang sila Mama ay nasa harapan.

“What?” masungit niyang untag.

His amber eyes imitates frustration. Kita mo, wala nga akong ginagawa eh.

“Aren’t you going to great me, twinny? I’ve just graduated, wala man lang gift!” I pouted,

Nakabati na silang lahat at siya nalang ang hindi pa. Pinagtaasan niya ako ng kilay.

Sometimes, I couldn’t help but to wonder how come we end up being siblings. I mean, sobrang suplado niya! Ang lamig lamig din kung tratuhin ang ibang tao pero kung si mama o ang pamilya ni tito Rome ang sweet naman niya. Kadalasan lang talaga sa akin, ang sungit sungit. Akala mo naman pinaglihi sa sama ng loob.

His jaw is well-defined, matangos din ang ilong at sobrang puti ng kutis. Siguro dahil sa klima o sadyang maputi lang siya.

“Quit it, Angel. You’ve heard a lot praises for this occasion. That I think was more than enough for someone as lazy like you.”

Humaba ang nguso ko. Grabe talaga ang lalaking ito, akala mo hindi kami magkadugo. Eh isang beses lang naman akong nagpatulong sa kaniya sa isang subject ko, tapos sasabihin agad akong tamad. Like the fuck? Tamad na pala ngayon ang paghingi ng tulong.

I cross my arms over my chest and stared at the window. The weather is fine, hapon narin dahil ala-una nagsimula ang graduation rites.

My eyebrows were knotted. That is not a big deal, I just want him to congrats me. Like hello, graduate na ako! I am finally done with my academic journey and I’m about to take a new chapter of life beyond.

Couldn’t he at least, congrats me?

Masama ang timpla ko hanggang makarating kami sa bahay. Tyrell didn’t even bother talking to me anymore. Hindi man lang ako sinuyo.

Goodness, nasisira ang beauty ko sa stress dahil sa masungit kong kakambal!

Naunang pumasok si mommy at mama sa loob. They are both excited on this little celebration they’ve organized. Nakalimutan na ngang nasa labas pa ako at basta nalang nang-iwan. Parang hindi lang sila nagtalo kanina kung kanino nga ba ako nagmana.

Napabuntong hininga ako. Hawak ang itim na sombrero sa kamay, I walked into the extravagant mansion of Quijano household. Wala pang masyadong tao pero rinig na rinig ko na ang boses ni Micah at Zaph. Tyrell is walking beside me, pero hindi ko siya pinapansin.

Napakamasungit, kaya hindi nakakapagtakang walang girlfriend!

Nang marating ang living room, agad na tumayo si Zaph at Micah at saka linapitan ako. They clung their hands on my arms.

“Let’s party tonight, babe. May namataan kaming bar malapit dito.” paunang bungad ni Zaph.

I snorted.

Seriously? Wala man lang bang congrats at talagang pag-inom ang nasa isip.

“We can’t, mga bruha! Hindi tayo pwedeng tumakas.”

I rolled my eyes.

“Come one, Angel. You’re not a child anymore. I am sure they will understand, isa pa we need to get wasted tonight! Ugh I miss neon lights and the wild audience, pagbigyan mo na kami.” dugtong niya.

Nakita ko si mommy na busy maghakot ng pagkain papuntang garden. May mga maids naman silang ni-hired sadyang mga perfectionist lang talaga ang magagaling kong ina.

“Magpapalit po muna ako, mom.”

Huminto siya sa harapan namin. Zaph and Micah greeted her, humalik din sila sa pisngi ni mommy.

“Alright, honey. Please wear the dress we’ve brought yesterday. That looks good in you.”

I sighed, she’s really persistent on that dress. Ayaw ko naman dahil masiyadong formal para sa okasyong ito. In fact I could wear a t-shirt and short-short. But of course, mother knows best.

Tumango nalang ako, hanggang marating namin ang kwarto ko hindi nila ako tinantanan sa pag-bar ngayong gabi.

I’ve decided to take a quick shower first. Nasa kama ko silang dalawa habang nagkakalikot sa sariling cellphone ng lumabas ako galing banyo. I was on my bathrobe at may tuwalya pa sa ulo ko.

Nagulat ko ng makarinig ng click ng camera, hindi nga ako nagkamali ng makita ang nakangising mukha ni Micah.

“Don’t you dare post that one, Mics. I probably looked shit on that, ang pangit mo pa naman kumuha ng litrato.”

A soft chuckled escaped my lips when she shoot me daggers. Lumiit ang maliit na niyang mga mata.

“Yeah, whatever.”

Basta ko nalang tinaggal ang nakapalibot sa aking roba. I don’t mind having them around, may undies naman na ako. Kung tutuusin mas malala pa ang dalawang ‘yan na halos  hubad na kung kami ang magkakasama.

I immediately looked for the dress. It was so elegant, nagdalawang isip pa ako kung susuutin ko ba o hindi, but in the end sinuot ko pa din.

“Damn, you look extremely hot babe! Paano yan, ‘di ka na naman lulubayan niyan ni papi Charles.”

I rolled my eyes at Zaph. Nasa harapan ko silang dalawa, they’re both sitting comfortably on the edge of my bed.

“O’o nga, Angel. Kailan mo ba sasagutin yun? Aba kung ayaw mo, itabi mo ako na lang!” si Micah

“Malisyuso lang talaga kayo! He is not courting me, we’re just friends.”

Tinutukoy nila ay si Henry. Over the years, we’ve become close friend. Palagi siyang naroon sa park sa tuwing bumibisita ako. At sa kakulitan narin, ayon hindi ako linubayan kahit anong  pagsusungit pa ang gawin ko.

“Asus, diyan nagsimula lola at lola ko.”

“Well, Mics panahon pa yun ng mga hapon, ngay—”

Malakas akong natawa ng ibato niya sa akin ang unan na nasa gilid niya.

They both did my make-up. Hindi naman dark, katulad ng request ko. When we’re done, I ran my fingers on the cerulean-blue sleeveless dress down to its elegant tiered plead skirt that accentuated my curves.

“Ang ganda mo, gaga!” Micah commented as she gaze down on my body.

“Mas maganda ka, Mics wag papatalo.” si Zaph.

Nang nasa baba na kami, marami narin ang mga tao. Mga kapit bahay lang din namin at ang iba kaibigan nila mama. They instantly introduced me to their guest. Of course, kaliwaan nilang hatak ang braso ko. Nang matapos, malakas akong napahinga ng malalim. Sumakit ang paa ko dun, ah!

Namataan ko sa isang lamesa sila Zaph, Micah, Tyrell at Henry. Kumaway agad si Zaph ng makita akong papalapit.

“Oh yang mata mo, Charles baka nakakalimutan mong nasa tabi mo lang ang kapatid niyan!” boses agad ni Micah ang narinig ko, hindi nagpaawat sa tugtugin.

Henry chuckled, tumayo pa siya bago ako pinaghila ng upuan katabi ni Micah na kaharap niya. Sumimangot ako ng magawi ang tingin kay Tyrell, while he just raised an eyebrow.

“Congrats, ate! Here’s my gift.” si Henry na malaki ang ngisi sa labi.

Yeah, ate. Simula noong nalaman niyang mas matanda ako ng ilang buwan sa kaniya, ayan ate na siya ng ate.

Tinanggap ko ang regalo.

“Thanks, Henry nag-abala ka pa. Hindi katulad ng iba diyan, mga walang pakialam.” pagpaparinig ko, inirapan ko silang tatlo na hindi man lang ako nagawang batiin. Kahit regalo wala!

He can now decipher straight tagalog words. Sa nakalipas na dalawang taon, talagang nagpursige siyang matuto. Good thing though.

“Not a big deal, ate. You  deserved that, anyway.” he playfully winked na umani ng tukso sa dalawa kong kaibigan.

“Bakit ako, Charles nagtapos din naman ako ah, nasaan ang gift ko?” si Micah

Inirapan ko si Zaph na ngayo’y naka ngisi.

“Oh, I was not informed that you already graduated. I thought you’re still in high school?” aniya, natawa kami. Habang si Tyrell nakababa lang ang tingin sa cellphone.

“Hoy, tarantado ‘to ah! Nako pigilan niyo ko, Zaph, Angel. Pigilan niyo ‘ko!”

The rest of the hours were spent on us, eating and catching up. Napag-usapan din nila Micah ang pagbabalik sa Pilipinas na hindi ko nasagot.

I don’t think I am ready for that. Na-trauma na siguro ako sa salitang Pinas. Napamahal narin sa akin ang L.A at Texas. In fact, may plano kaming magtayo ng coffee shop ni Henry dito. Hindi pa namin napag-uusapan ulit ang tungkol doon.

Nang gumabi, nagpaalam kaming aalis. As expected, todo kung maka-explain si Zaph payagan lang ako. Kaya sa huli walang nagawa sila mommy. Kasama narin naman si Henry. Habang ang kambal ko? Ayun walang pakialam sa mundo.

“Fuck, this is it!” napapikit ako sa malakas na sigaw ni Zaph.

Um-order kaagad sila ng inumin, nakaupo na kami sa pabilog na couch nasa tabi ko si Henry habang ang dalawa kong kaibigan akala mo mga presong kakalaya lang sa kulungan.

“Don’t drink too much, hangover doesn’t felt good the next day.” paalala ni Henry. His green eyes reflected the light's. Ang ganda talaga ng mata niya.

May hawak na siyang baso na naglalaman ng mamahaling inumin. Rinig na rinig ang sigawan ng mga tao na humahalo sa tugtugin ng lugar. Masakit din sa mata ang pabago bagong kulay ng ilaw.

“Wala sa plano ko ang maglasing, chill.” I chuckled.

Hinayaan kong magpakasaya sila Micah at Zaph. Though nakamasid parin kami sa kanila. Pabalik balik na sila sa dance floor, halata narin ang tama ng alak sa katawan. Lumipas ang isang oras, napagod rin sila sa wakas.

“What? Babe, we’re here to have fun, para kang tuod diyan! Huwag kang mag-alala walang aagaw kay Charles, ‘di mo yan kailangan bakuran.” si Zaph

Lasing na nga.

Hindi kasi kami umalis man lang sa inuupuan. We just talked and talked. Nakakatuwa lang si Henry na hindi nauubusan ng topic.

“Henry, can you drive?”

Pabagsak na naupo si Micah at Zaph sa couch. Winawagay parin nila ang mga kamay sa ere na parang nasa sayawan pa.

“Yea, isang baso lang naman ang ininom ko.”

“Good, halika na. Uwi na tayo, sabog na ‘tong dalawang kaibigan ko.”

Tumayo ako saka linapitan silang dalawa. Parehong nakapikit na ang mga mata.

“Hey, ladies. We’re going home na, come on fix yourself.” pasigaw kong untag sa mukha nila.

“T-Too early, babe. Mamaya.” si Micah na halos kainin na ang mga salita.

Nakadungaw ako sa kanilang dalawa na nagyayakapan na. Nasa tuhod ang dalawang kamay ko. Henry is right beside me.

“I’ll let the bouncers carry you, how’s that Zaph and Mics?”

Natawa ako ng wala pang isang segundo pilit silang tumayo. Takot lang nila sa mga bouncers.

Nakarating pa naman kami sa bahay ng ligtas. Pinagtabi ko si Zaph at Micah sa isa sa mga guestroom. When they’re already tucked in the bed, lumabas narin ako. Nakauwi na si Henry, nagtagal pa kasi ako sa pag-aasikaso kina Zaph at Micah. I changed into my nighties before dozing myself to sleep.

The next day, I decided to talk to my parents.

“Sigurado ka ba dito, anak? Ayos lang naman sa akin kahit hindi na basta nakakasama kita.” si mama.

Nagbaba ako ng tingin. Napag-isipan ko na ‘to noon pa, pero ngayon lang nagkaroon ng lakas na sabihin sa kanila.

Nasa library kami nila daddy, mommy, tito William at mama. Bumalik na ng Texas si tito Rome, naiwan kasi yung asawa niya at mga anak. He has three children, isang babae at dalawang lalaki. Well, four including my twin. Nagpaiwan naman si Tyrell katulad ng gusto ko, ayaw pa nga eh kung ‘di lang pinilit.

Parehong walang-imik sila daddy, I know they were surprised with my sudden decision. But I want this, matagal ko na ‘tong pinag-isipan.

“Yes, mama. I want to clarify my identity. Gusto ko pong maging anak niyo sa papel. I want all of my legal documents under Quijano surname. You can do that right?”

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang sakit na bumalatay sa mukha ni mommy. I gave her a reassuring smile as I continue.

“Kahit magbago man po ang apelyido ko, it doesn’t mean that I am no longer your daughter. Mommy, daddy.. I’m still your one and only baby. I’d remained as your only heir.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top