CHAPTER 38

Mother

My breathing hitched, I can feel my head's spinning as I try to process what I just heard. Sinapo ko ang sariling dibdib ng sumikip ito.

"Matagal ka nang walang anak, Abigail. The moment you bargain your daughter with money, you lost your right as her mother! Ako ang kinikilalang ina ng anak ko at walang magbabago doon. We may not be blood related but she is mine, alone!" matigas na tinuran ni mommy.

My lip trembled as her words slowly yet painfully down in my head. Akala ko wala nang mas sasakit pa sa ginawa kong pag-iwan kay Drake, but I was wrong.

I can feel my heart being tore apart little by little. Sa bawat katagang naririnig ko sa kanila, ay para ako nitong dinadala sa impyerno. Where all I can feel is an extreme and ecstatic agony. Para akong tinupok ng apoy.

Wala na ba talaga akong karapatang magpahinga sa lahat ng sakit?

"Hon, tone down your voice. Our daughter might hear you." saway ni daddy sa malamyos na paraan.

Mariin kong nakagat ang pang-ibabang labi. Nanginginig ang kamay ko habang inaabot ang seradura ng pinto. Sa nanlalabong mga mata, binuksan ko ito ng tuluyan na nagpatigil sa kanila. I can hear their gasped when they saw me right before their eyes.

Nanatili lang ako sa bungad ng pinto. I looked at their horrified expression one by one. Nakaawang ang labi ni tita Abigail habang hindi man lang nag-abalang punasan ang luha sa pisngi. While my parent's were in complete shocked.

"Honey.."

Kung nasa ibang pagkakataon siguro kami, baka nagtatalon na ako sa tuwa dahil sa wakas, pagkatapos ng ilang buwan nagawa na ulit nila akong titigan sa mata and called me in the endearment they used to say.

Subalit, kung hindi ko pa ba nalaman hindi pa nila ako kakausapin?

Walang salitang lumabas sa bibig ko at hinayaan ko na lamang umagos ang mainit na likido sa aking magkabilang pisngi. I was getting there.. I was slowly healing and forgiving myself even how painful the process is. Handa na akong kalimutan ang lahat kahit na mahirap, ngunit hindi pa pala tapos.

I thought I was tired from crying all night 'til dawn. I thought I shred enough tears but I was mistaken. Because for the nth time, I let my emotions ruled me. I let my tears flowed like a river. The tears that reflects my real feelings.

Sa harap ng mga taong tinitingala at iniidolo ko. In front of my source of strength as well as my weakness, I wept a bucket of tears. Pinakita ko sa kanila kung gaano ako kadurog at nasasaktan.

My mind and body couldn't take anymore of this.

"Hija." gumaral ang boses na ani ni tita Abigail.

"What do you mean M-Mommy?" pinagdikit ko ang sariling labi para pigilang mapahikbi.

Kasi tangina! Sobra na 'to, eh, this is too much for me. Hindi naman kasi ako ganoong katatag na tatanggap nalang basta ng kung anong klaseng sakit. Napupuno din ako, napapagod din ako.

"Please tell me what I heard is wrong, you are just kidding right, mommy?"

I asked in between my cries. Hindi ko gaanong naaninag ang mukha nilang tatlo dahil sa mga luha sa mata ko. Everytime I brushed it off, may nabubuo naman na panibago. Hindi maawat-awat.

"O-Of course, hon! You are my daughter, sa akin ka nanggaling. Ako ang nagbigay ng buhay sa 'yo. Ako anak, ako lang ang mommy mo." may bahid ng pagkataranta at takot sa kaniyang boses. Napahagulhol ako nang marinig ang kaniyang sagot.

Dapat masaya ako kasi hindi naman pala totoo. Alam ko rin namang siya ang ina ko, na siya ang bukod tanging ina ko..

Pero sa puntong ito, bakit ang hirap paniwalaan?

I can't tell whether she is lying or not.

Tunog ng pag-iyak ni tita Abigail at nang 'akin ang tanging naririnig sa sumunod na segundo.

"You are not lying, right mommy?" I asked again.

I wiped my tears and looked straight to her eyes. Pero hindi pa man tuluyang natutuyo ang pisngi ko may panibagong luha na naman ang lumandas dito.

I saw how she gulped repeatedly, para siyang nahihirapan sa simpleng tanong ko. She looked at my father as if asking for help. Mula naman sa kaniya, I averted my gaze to my father who is also looking so pained.

Mas lalo akong umiyak ng hindi sila nakasagot.

"D-Daddy?" kuha ko sa atensyon niya ngunit nag-iwas lang siya ng tingin.

Napailing ako, hindi matanggap ang ginawa nilang pagtugon. No, I would never accept this! Hindi ko matatanggap kung ako nga ang anak ni tita Abigail na benenta para sa pansariling interes.

Not in this lifetime!

Napatingin ako kay tita, despite her tears she still managed to smiled warmly.

"This is absurd. N-No, this isn't real mom, hindi ito totoo, hindi!"

I burst out, my voice shaking as I watched the three of them. I continuously shook my head, while my face is soaked with tears.

They must be kidding me.

Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha ni tita Abigail. Si daddy naman ay napalunok habang hindi masalubong ang tingin ko. While mommy tried to go near me but I instantly step back.

"A-Anak.."

Tawag niya habang patuloy akong umiiling. Parang hindi siya galit sa akin, parang nakalimutan niyang hindi dapat ako kausapin katulad ng ginagawa nila nitong nakaraan.

"List-"

I cut her off immediately.

"No! Wala akong dapat pakinggan, wala akong dapat malaman! Wala akong tatanggapin, she is not my mother! Hindi ko siya ina!" hindi ko mapigilang mapasigaw, iyak lang ako ng iyak.

Parang bumalik sa akin lahat ng nangyari sa amin sa nakalipas na dalawampu't dalawang taon. We are a picture of a happy family. At hindi ko matatanggap kung hindi sila ang tunay kong mga magulang.

"Angel!" daddy's voiced thundered.

He doesn't like me yelling, especially in front of them. Pero napuno na ako, tama na 'to.

Napailing ako bago sila talikuran. Narinig ko pa ang tawag nila sa akin ngunit hindi ko na 'yon pinansin. I hurriedly open the door of my room and slammed it hard. Nanghihinang napaupo ako sa likod nito habang patuloy na tumatangis.

Fuck this life, really fuck it!

I hate that I don't have anywhere to go in times like this. Nasa Washington pa si Zaph at hindi ko naman alam ang bahay nila.

Bakit ba sunod sunod na kamalasan nalang ang nangyayari sa akin?

I am not dumb with the pain.. if only I could switch myself into one, not feeling anything I would gladly pressed the button.

All my life, I'm being pampered with love by them. We made a lot of unforgettable memories, we laughed, we cried, everything. Sobrang sakit na sa isang iglap lang, bigla itong magbabago.

Ang sakit lang kasi nabuhay ako sa isang kasinungalingan. My whole life was a lie, and to make it more incisive, my real mother is one of those wicked and selfish parents.

So it all make sense now, kung bakit apektadong apektado ako sa ginawa niya sa mga anak niya dahil ako naman pala ang isa doon.

I didn't restrain myself from weeping hard. Wala na akong pakialam kahit pa naririnig nila ako sa labas. Quota na ako dito at kailangan kong mailabas ang lahat ng ito.

Pinagdikit ko ang dalawang binti bago isinandal ang ulo doon. Patuloy na umaagos ang luha ko.

How can I life be cruel to me?

Sa lahat ng tao sa mundo, bakit sa akin pa napunta ang matinding paghihirap na ito?

Hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pag-iyak. When I woke-up, it was already dark based on the window of my room. Nasa ganoon parin akong posisyon, nakasandal sa nakasaradong pinto habang nakayuko. I winced a little when my neck aches. Hinimas-himas ko ito habang nakatitig sa kawalan. Radam na ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko, marahil dahil sa walang katapusang pag-iyak.

I stared outside the window with a massive feeling of betrayal, disappointment and grief. Linilipad ng hangin ang kurtina. I have a sneak peak of the crescent moon and even that can't lift up my mood and emotions.

Sobrang sakit na kahit ang dugong inilalabas ng puso ko ay napakahapdi. This revelation is obnoxious. Kahit nakatulugan ko na, hindi pa 'rin maibsan ang bigat sa dibdib ko.

I bite my lips when the corner of my eyes formed tears. Kung parusa man ito sa naging kasalanan ko, diba parang sobra naman?

I can take any physical pain, mas gugustuhin ko na lamang masaktan ng pisikal kaysa itong halos ko i-kamatay. Para na akong mababaliw, na isang kalabit na lang ay voila!

Hello mental!

Nahirapan pa akong tumayo dahil siguro sa ilang oras akong nasa ganoong posisyon. Sa nanghihinang mga paa, nagawa ko paring marating ang kama at saka patagilid ng humiga.

Yes, I am living but more likely... merely existing..

Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin lahat. I wanted to heal. I wanted to start afresh but how can I if I was bombed with this achy reality?

Katok mula sa pinto ang pumukaw sa atensyon ko. Hindi ko iyon pinansin sa halip ay pinikit ang mga mata. Pagkatapos ng isang katok, nasundan pa ito.

Still, nagtulugtulugan ako at mas ibinaon ang mukha sa unan.

"Angel, anak I know you're awake. Open the door please.." boses ni mommy ang narinig ko.

"Honey, open up please?" puno ng lambing niyang tugon matapos ang ilang segundo.

Parang kahapon lang kahit nga bigkasin ang pangalan ko ay napakahirap sa kaniya, at ngayon..

I should be happy right? Ito naman ang gusto ko, ang kausapin nilang muli ako.. yet thinking about the possible topics that she would probably tell me, parang gusto ko nalang ang matulog.

I am not yet ready.

Nawala ang boses ni mommy na malaking pinagpasalamat ko, but at the same time feeling down.

I hope this is just a dream. Sana panaginip nalang ito at pagkagising ko, malilimutan ko nalang ang mga narinig.

Ano nga ba ang pumasok sa isip ko at nakinig sa usapan ng iba?

Kung alam ko lang na iyon pala ang pinag-uusapan nila, sana tumalikod na lamang ako sa oras na narinig ko ang iyak ni tita..

If I have known better...

But too late, totoo nga'ng palaging nasa huli ang pagsisisi.

Hindi ko namalayan ang oras, nang magising muli ako ay malalim na ang gabi. I can feel my stomach grumble, indicating how hungry I am. Naalala kong hindi pa nga pala ako kumain simula kaninang tanghali.

Titiisin ko pa sana ang gutom pero hindi ko kinaya. Takot rin akong magkaroon ng sakit, kaya natagpuan ko na lamang ang sariling nakaupo sa kusina habang kumakain. Hindi na ako nakaabot ng dining at talagang sa counter na lang.

Ito ang mahirap kapag may problema ka at feel mong hindi kumain katulad ng nasa palabas na kahit isang linggo pang walang laman ang tiyan, keri lang.

No matter how I tried to fight the hunger at panindigang hindi lumabas ng kwarto, hindi parin pwede. This is the reality... the cruel reality. I am not in some fictional stories or movies that will last even without eating for a month..

Hinugasan ko ang pinagkain at saka bumalik ulit sa kwarto. Nasa third floor and kwarto ko kung nasaan ang silid nila mommy at daddy. Magkatapat nga lang kung tutuusin, natigilan ako saglit. Napabuntong hininga habang pinagmamasdan ang nakasarang pinto ng kwarto nila.

I missed them so much.

I wonder kung kailan kaya kami maibabalik sa dati? Kung kailan ko ba ulit mararanasang makasama sila ng masaya. What if I hadn't move out from Bicol? Kung hindi nag ka-problema sa EHR? Hahantong ba kami sa puntong ito?

I guess not..

It was all in the past now, wala na akong magagawa para maibalik pa ang lahat ng nangyari.

Pumasok na muli ako sa kwarto at muling tumihaya sa kama. Hinding hindi ako magsasawang gawin ito sa mga susunod pang mga araw kung ipagpipilitan din nilang kausapin ako.

Hardheaded?

You can call me that for as long as I will stand on my ground. Hindi ako makakapayag sa sinasabi nilang katotohanan.

Hindi na ako dinalaw ng antok, kaya naman napag-desisyunan kong sa veranda nalang tumambay. I grabbed my silk robe before sliding the glass door. Yumakap sa katawan ko ang malamig na simoy nang hangin. Kung tama ang nakita ko sa orasan, alas-dos na nang madaling araw. The fog makes my body shivered in cold despite my robe.

Hindi naman sobrang lamig pero siguro dahil hindi rin ako sanay sa malamig na temperatura. Hindi pa rin ako nagkaroon ng pagkakataong lumabas sa loob ng dalawang buwan dito, nabigla yata ang katawan ko..

I sat on the rattan couch and gaze at the star. Nasa mataas na parte ako ng bahay kaya hindi naging mahirap sa akin ang pagmasdan ang langit at mga bituin. It was so beautiful.

Nakakatuwa lang silang tanawin. Back when I was in Bicol, I hadn't find the chance to appreciate the stars in the nigh sky, bukod sa wala akong oras, mahirap din dahil sa naglalakihang gusali. Kahit pa nasa isang subdivision kami nakatira, hindi ko nagagawang purihin ang madilim na kalangitan.

But now, seeing this I wish I did this earlier. Mas maganda siguro sa pakiramdam kung sana.. nandito lang si Drake...

A timid smile formed on my lips, I hug my body tightly when the wind blows. As much as I don't want to think that my parent's were not my biological parents.. a certain part of me is still puzzled.

Kung hindi nga sila ang tunay kong magulang, kung totoo nga na si tita Abigail ang ina ko, ibig sabihin hindi kami totoong magpinsan. Drake and I are not blood related or even doesn't share the same surname.

We totally didn't commit a sin.

Subalit, wala nang silbi kung totoo ba o hindi, dahil tapos na.. marami nang nasaktan..

I looked up and dried my cheeks. Damn right, walang kapaguran ang mata ko. I release a deep sighed and lay my back on the couch.

Kailan kaya ito matatapos?

O, siguro may katapusan pa ba ang lahat ng ito?

Nakatulugan ko nalang ang pagmamasid sa kalangitan dahil nang muli akong magmulat ng mata, maliwanag na.

I brushed the sleep off my eyes before standing. I wore my house sleepers and comb my hair with my fingers. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang suot na roba at saka pumasok sa loob. Dumiretso ako sa banyo para maligo. I need a warm bath to calm my system. Pinuno ko muna ng tubig ang bathtub bago nilagyan ng lavander soap.

Pagkatapos, hinayaan kong mahulog sa paanan ang roba at iniisa-isang tanggalin ang mga damit. I sighed in contentment when the warm water enveloped my body. Pinikit kong muli ang mata hindi para matulog.

Because the moment I close my eyes, image of Drake's smiling face crossed my mind. It's as if my cue to breakdown again. Because the next moment, I found myself sobbing just with the mere thought of him.

Tangina, ang sakit parin. Ang sakit sakit parin.

Isang oras o mahigit ang nilagi ko sa banyo. With only a white robe I went out of the room. Nagulat pa ako ng makita si mommy na nakaupo sa kama, may pagkain sa lamesa na nasa gilid niya.

I gulped and instantly avoided her gaze. As if she is not here. Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa walk-in closet. She didn't talk either. Maybe she asked for keys since I'd always locked my door.

Nagsuot lang ako ng cotton short at t-shirt katulad ng lagi kong nakasanayan. Paglabas ko nasa ganoon parin siyang posisyon habang mariing pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

"Kumain ka na muna, anak." her voice is so sweet yet cautious.

I shook my head before facing my vanity mirror. From my peripheral vision, she stand up and walks towards me. I was not surprised when she grabbed my comb before standing behind me.

This used to be her hobby back then. Palaging siya ang nagsusuklay sa akin kapag hindi busy. Akala ko pa hindi ko na ito mararanasang muli.

I remained my stoic face. Nagkatinginan kami sa salamin at pansin ko ang paglamlam ng kaniyang mga mata.

"Hon, you hadn't ate anything yet. At least kainin mo muna ang dala kong pagkain, anak." she broke the silence then smiled wearily.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatitig lang sa mukha niya sa salamin. That's when I notice our big difference in features. Her eyes is like that of Drake, hazel brown eyes while mine was amber. Matangos ang kaniyang ilong habang ang akin ay sakto lang.. not that pointed. Her hair was curly while mine was straight.

Marami.. marami pa ang pagkakaiba naming dalawa which I failed to notice in the start.

"Anak, huwag nang matigas ang ulo. Nag-aalala kami ng daddy mo."

"Busog pa po ako, ibalik niyo nalang yun sa baba." mahinang sagot ko

"No, don't give me that reason, Angel. Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo nauubos yang dala ko." she sternly answer.

I sighed and close my eyes. My head aches for an unknown reason.

"M-Mom, please.. just leave me alone for now. Bababa po ako kung makaramdam ako ng gutom." I insisted.

Pagod ko siyang tinignan, her eyes softened realizing how exhausted I am from all this bullshit. My swollen eyes can testify to that.

Ngunit, akala ko aalis na siya hindi pa pala. I almost forgot, this is Beatrice Damascus Encinareal I am talking, the woman who doesn't take no for an answer.

Hinuli niya ang pulso ko, instead of fighting back I let her do what she wanted. Pagod na pagod ako para pa makipagtalo.

She made me sit in front of my coffee table and instantly served the foods.

"Ito anak, paborito mo 'to diba? Linuto ko yang lahat." nakangiti niyang tinuran.

Napatingin ako sa sinasabi niya, it was a kare-kare, fried rice, bacon and ham with cheese. Sobrang dami para sa agahan, iniisip niya siguro na buong magdamag akong hindi kumain kagabi.

Without saying anything, I devoured the food silently. I appreciate her efforts and that would be rude of me if I won't eat even an spoonful rice.

Tahimik lang din si mommy na pinagmamasda ako.

"Sumabay nalang po kayo."

I said after a minute, nakakailang din kasi kong may nanonuod sa akin habang kumakain.

Nakangiti siyang umiling.

I nodded then resumed eating. Pagkatapos siya narin ang nagbaba ng pinagkainan.

"I will be back, anak. Kakausapin ka namin ng daddy mo." Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makasagot dahil agad siyang tumalikod.

Napalunok ako, rumagasa ang pait at kaba sa dibdib ko sa isipang kakausapin nila ako tungkol sa bagay na 'yon.

I drew a calming breathe as I paced back and forth in my room. My chest is hammering wildly and my tears were threatening to fall. Paulit-ulit akong suminghot para mapigilan ang paglandas ng mga ito ng tuluyan.

Wala pa man ay ramdam ko na ang pagkabasag ng kung ano sa loob ko. My inside were shaking and is in dept chaos.

I fight the urge to ran and jump off to my window, parang anumang oras hihimatayin ako sa tensyon.

I hope I didn't eavesdrop yesterday, by then I wouldn't know a thing about this topic. Sa paraang iyon, sana.. walang bumabagabag sa isipan ko na patuloy na nagdudulot sa akin ng sakit.

Eavesdropping won't really do me good. No matter how I cried myself to sleep, it didn't even lessen the pain in my chest.

Natigilan ako ng makarinig ng katok na sundan ng boses ni mommy.

"Anak, papasok kami ng daddy mo uh?" paalam niya.

I shut my eyes tight. This is now or never..

Bumukas ang pinto at niluwa nito ang mga magulang ko. My father is only wearing a white long sleeves and a black trouser, habang walang pagbabago sa damit ni moomy, a navy blue strappy dress.

Napalunok ako, ramdam ko ang pamamasa ng gilid ng mga mata ko. How I wish this happens when everything was still better.

Naupo silang dalawa sa couch habang ako ay sa pang-isang sofa na nakaharap sa kanila. I averted my gaze away from them, because if not I would breakdown any moment.

Walang nagsalita sa mga sumunod na minuto. Tumikhim si mommy.

"How's L.A honey? Nag-eenjoy ka ba, anak?" malambing niyang tugon.

Napakagat labi ako, wala nga siyang kaalam-alam sa mga nangyar sa akin sa kalipas na panahon.

"Fine po, but Philippines is much better and enjoyable for me." tugon ko habang nakaiwas ang tingin.

Napasinghap siya sa naging sagot ko.

"Don't you think living here is a great idea, anak? We could start a new, kahit saan mo pa gusto. May savings naman kaming naipon ng daddy mo." she stated. Tinago ko sa ilalim ng mesang naghihiwalay sa amin ang panginginig ng kamao ko.

"What do you think of Washington? Doon din ang kaibigan mong si Zaphanaih right?" she continued but I didn't bother answering her.

Wala sa plano ko ang magtagal dito. I want to go back home... I want to go back to him as far as possible. Kahit hindi ko siya masama, ayos lang. I am fine loving him from afar. Kontento na ako basta alam kong nasa iisang bansa nalang kami.

"U-uwi po ako ng Pilipinas."

I answered and looked straight to their eyes. Muntik ng pumiyok ang boses ko, may kung anong nagbabara sa lalamunan ko.

I witnessed how her expression changed. Kumunot ang kaniyang noo, nabahiran ng inis. Habang si daddy ay nanatiling walang pinapakitang emosyon.

"Besides, how about The EHR if ever we'll migrate here or in other parts of U.S permanently? Walang mamahala sa resort." I nibbled on my lower lip.

Nagpanggap akong walang alam, hindi parin naman nila sinasabi ang totoo. Mukhang wala din silang balak ipaalam sa akin.

Napalunok siya at saka binalingan ng tingin si daddy na nanatiling nakatitig lang din sa akin.

"We'll work on it, honey. What is more important is your welfare, a-ang pamilya natin." she answered.

Mapait akong napangiti.

"Beatrice.." mahina ngunit malamig na tawag ni daddy kay mommy.

His voice become stranger to me. Parang isang dekada ko nang hindi narinig ang boses niya, making me more emotional.

God, I missed him. I missed my parents so bad.

Mommy snapped at him, shaking her head.

"No, hon. Hindi natin pag-uusapan yan."

For the first time in my life, I saw how here eyes turn daggers as he looked at her husband. Ito ang una..

"Let us not prolong this, honey. Lahat tayo nasasaktan na. Your daughter is already suffering, that's enough already." malamig na tinuran ni daddy.

Napasinghap si Mommy.

"What are you talking about? Hindi tayo pumunta dito para sa usaping 'yan, we're here to make-up with our daughter. Hindi para sa walang kwentang bagay!" I can feel how irritated she is now.

Nagbaba ako ng tingin, alam ko na ang pinupunto ni daddy. Gusto niyang pag-usapan namin ang narinig ko kahapon.

"Beatrice for once and for all, let us end this! Kahit anong tago ang gawin natin, malalaman at malalaman din niya ang totoo. What's the point of hiding if she already heard it, first hand?" he said, frustration is now audible in his voice.

Bakit kailangan pang humantong sa ganito. They were the sweetest couple I've know so far, but here they are arguing because of me.

"Wala. Wala siyang dapat malaman at malalaman. She is my daughter alone. Why are insisting she's not?" namumula na si mommy habang patuloy parin na nagsasalita.

My father's softened seeing her teary-eyed.

"Of course, hon. Anak mo siya at walang aagaw sa'yo, but don't you think this is the right time? Twenty years is enough, Beatrice. Our daughter deserved the truth, hindi ko gustong may pamilya akong nahihirapan."

Umiling ako ng umiling. I want him to stop, I don't like where this conversation is going. Mas papaboran ko pa si mommy sa puntong ito.

I want to cover my ears. Hindi ko gustong makarinig pa ako sa kahit anong usapan.

"Mom, dad, magpapahinga po ako. Can you leave me already?" my voice cracked. Nakayuko lang ako, tinatago ang basang pisngi dahil sa luha.

Naring ko ang malakas na pagsinghap ni mommy, her breathing is uneven.

"I-I'm sorry, anak." she said

"Sorry it took us this long to talk with you, we are still figuring things out, hindi namin gusto ang ginawa niyo ng kuya mo."

I bite my lips suppressing my sobs. Rinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.

"The moment those words slipped on your tita Clarries mouth, I felt like I failed.. I failed as your mother. I failed as a family. Marami akong pinagsisihan na sana hindi ka nalang namin iniwan, pero anong magagawa ko? Tapos na, the least we could do is too guide you, to make things right at hindi maulit ang pagkakamaling iyon." she added.

Mahina akong napasinghap, puno ng luha ang mga mata ko. Sumisikip ang dibdib ko habang lumilipas ang ilang segundo.

"Please know that we are here, anak. You can count on us, okay? We love you, Angel. Hindi ka namin papabayaan."

Walang sinabi si daddy pero ramdam ko parin ang malalim niyang titig.

They both kissed the top of my head before leaving me alone. Nanghihina akong napaupo sa sahig. I clutched on my chest tightly, ramdam ko ang pamamanhid nun sa sakit.

Fuck it!

I don't know what to do anymore. I wanted to be blind from the truth, yet it is slowly killing me. Parang mas lumalala ang sakit habang patuloy kong iginigiit ang katotohanan. The more hideous it can be, the more painful in my part.

Gusto kong huminga kahit panandalian lamang.

The phone on my nightstand beep, wala sana akong balak sagutin iyon ngunit nagpatuloy ito. I sighed, tumayo ako mula sa sahig. I wipe the tears first before answering the call. It was a video call on the messenger. Tumambad sa'kin ang mukha nilang dalawa.

"Angel!" napangiwi ako sa malakas na boses ni Micah.

"Babe open your camera, hindi ka namin nakikita." sabi naman ni Zaph.

Sinadya kong hindi buksan ang camera ng cellphone dahil kung hindi mapapansin nila ang pamumugto ng mga mata ko.

Tumikhim muna ako bago magsalita.

"I'm good with off cam, Zaph. Hindi ba kayo nagsasawa sa mukha ko?" I said then laughed after, trying to mask what I feel.

Natahimik silang dalawa like I just said something wrong. Nakakunot ang noo ni Zaph habang nakatitig lang sa screen si Micah.

"What is it now, Angel? You were fine when we left, what happened?" si Zaph.

I nibbled on my lower lip. I guess so, but unforeseen things occurred.

"Wala, Zaph! Don't mind me, anyway how are you?"

I asked changing the topic. Pinagsigla ko ang boses ko para hindi nila mahalatang may mali nga.

"Open your camera, we want to see your face if you're telling the truth." she insisted, napasimangot ako. Sigurista talaga ang isang 'to.

"Parang tanga, Zaph! This is nothing serious."

Napalunok ako. If I had to fake it, I would in a heartbeat. I don't want them pitying me. Once is enough. Besides, they have their own life, nakakahiya naman kung maka-isturbo pa ako sa kanila.

Zaph sighed in defeat.

"Expect that we will be there tomorrow, babe. Sorry we had to leave, may urgent kasi dito sa bahay. At hindi ka namin tatantanan hanggat hindi ka mag-kwento." she rolled her eyes.

I chuckled,

"Ayos lang naman, gawin niyo muna ang dapat niyong gawin. I'm fine here."

Nag-usap kami ng halos isang oras. They suggested me to stroll around the place instead of sulking. I was hesitant at first but they have a point.

Pinatungan ko lang ng cardigan ang suot bago lumabas. I don't have any idea where to go, but there's always a first time in everything. Mas mainam na ito para panandaliang mawala sa isip ko ang lahat ng problema ko. That way, maiiwasan ko rin sila mommy..

Bumababa ako at nakita si tita Abigail na nakatulala sa living room. Nag-iwas ako ng tingin bago siya lagpasan, ngunit hindi pa nga ako nakakalayo ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Saan ka pupunta, hija?" her voice is barely palpable.

Napalunok ako, with my back on her I answered in my most coldest way.

"I will be back before lunch, tita. Pakisabi nalang po kay mommy at daddy." pinagdiinan ko ang salitang tita bago tuluyang linisan ang lugar.

Feeling discomfort, I walked in oblivion.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top