CHAPTER 37
Daughter
When I was young, I’m a great fan of Disney movies and cartoons even up until today. I dreamed to have the same love stories like that of Cinderella, Beauty and the Beast, Snow White and so much more. I admired how they fought for their love endlessly and have their happy ever after.
Nasa kabila ng kagipitan at problema, hinaharap nila ito ng may determinasyon at tiwala sa sarili. Katulad ng palagi kong naririnig, walang problemang hindi naso-solusyunan. He gave us the struggles which He knows we have the ability to conquer it all.
From then, I have always believed that leaving is not a solution to whatever difficulty someone is facing. Bakit pa aalis kung kaya namang mapag-usapan?
Gayunman, kinain ko lamang ang lahat ng sinabi at pinaniwalaan ko.
"Ladies and gentlemen, welcome to Los Angeles International Airport. Our local time is 4:08 in the morning."
I was blankly staring at the window not saying anything, feeling nothing but an excruciating pain.
“On behalf of Esguerra Pacific Airways and the entire crew. I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice morning everyone!”
They say time heals all the wounds. Habang lumilipas daw ang panahon, makakaahon at makakalimutan rin ang hinagpis sa puso ng isang tao. Yung tipong gigising ka nalang isang araw, malaya ka na sa matinding paghihirap na kinahaharap mo.
Nonetheless, I'd say it doesn’t apply to everybody. It only depends on the person itself.. Dahil sa loob ng halos dalawang buwan kong pananatili dito sa Los Angeles California, walang pinagbago sa nararamdaman ko. It even worsen, feeling homesick in the four corner of this room.
Dalawang buwan na nang mapagdesisyunan kong sumama kay tita Abigail pabalik dito sa L.A. Kasama niya dito ang pangalawang asawa na si tito William Alexander Quijano.
Simula noon, hindi pa ako lumalabas ng bahay. I don’t even have the slightest idea how the the place I currently lived in looks like. Naalala ko pa ang panahong iyon na napadpad ako dito. It was in the twenty-fourth in the month of November. The same day that everything was revealed, the same day that my parents, family despised and loathed me up until today. My parent’s never talked to me like they used to before. They treated me coldly, merely existing..
Yes, they didn’t question me about what happened that day, but just how they treat me was the worst. Mas gugustuhin ko nalang na magtanong, sigawan, o kahit saktan kaysa itong parang hindi nila ako kilala.. parang wala silang anak…
Hindi na ’rin ako nagkaroon ng pagkakataong kwestyunin ang ginawa nila sa negosyo katulad ng hindi nila pag pag-aasiwa sa kasalanang ginawa ko..
I never got the chance to bid my goodbye to Drake, as everything happened too fast. Parang sinadyang hindi ako makapagpaalam o makita man lang siya para sa huling pagkakataon.
And I miss him.. I miss my Drake.
But what can I do? Ito ang pinili kong paraan para malutasan ang gulo..
Being coward..
I also don’t know how I managed to leave the Philippines. Nang sabihin ni mommy na aalis kami—ako.. wala akong nikatiting na pagtutol. Hinayaan ko sila sa gusto nilang mangyari, nawalan na ako ng interes.
And maybe, it was because of too much emotional pain, the fear and sadness.
Sa loob din ng dalawang buwan, palagi lang akong nagkukulong sa kwarto. Lumalabas kong kakain at bumabalik din agad. But most of the time, tita will bring me foods because I was too drained to even move on my feet.
I was unfunctional, literally.
Tita Abigail will always visit me from time to time, encouraging me to go out and enjoy my life but I would always declined. Katulad ngayon, I was sitting on my bed, against the headrest and tita Abigail is right beside me.
“Hija, wala ka ba talagang balak lumabas man lang? The city has a lot to explore instead of locking yourself in this room.. at saka, hindi mo ba ipagpapatuloy ang pag-aaral mo?” tanong niya bago maupo.
Tipid akong ngumiti bago umiling. Right now, I don’t have plans on going out anytime soon. I just don’t feel like having fun, thinking that I just ruined a once happy family. Thinking about the damages and loss.. I don’t have the heart to enjoy.
Hindi nakakaya ng konsensya ko na nagliliwaliw habang ang mga naiwan sa Pilipinas ay naghihirap, miserable. Maayos na ako sa apat na sulok ng kwartong ito. Okay na sa akin ang tahimik na umiyak at pagsisihan ang lahat ng mga ginawa ko. Umaabot sa puntong halos mamanhid ang katawan ko sa tindi ng sakit na nararamdaman.
“Maybe next time, tita.” I whispered
“About my studies naman po, sa susunod nalang po siguro…” dugtong ko habang nakatingin sa sariling mga kamay.
I played with my fingers, feeling down and sorrow realizing that I just abandoned my dreams..
Malakas na bumuntong hininga si tita Abigail. Sa ilang ulit niyang pabalik balik dito, palaging iyon ang tinatanong niya. There will also time she would persuade me to tell her how I feel and that it’s fine opening up to her, yet I couldn’t find the strength to do so.
Sa kabila ng katotohanang naging mabuti at maalaga siya sa akin, hindi pa ’rin mawala wala sa isipan ko ang ginawa niya sa mga anak.. kapalit ng pera.
I am trying to be civil towards her, para nalang sa kabutihang ginawa niya sa akin. Hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit apektadong apektado ako.
Her husband is part of the army here in, L.A. Kaya hindi nakakapagtakang ang laki din ng bahay nila dito. Her life now is different on the past like what she told me. Siguro kong nakilala na niya ito noon, bago niya pa nagawa ang bagay na ‘yon… baka masaya silang isang pamilya.
“Hmm tita, sila mommy po hindi po ba bibisita?”
Mahigit dalawang linggo na ’rin ang nakalipas simula noong bumisita sila dito. Pero sa tuwing ganun, hindi pa ’rin nila ako kinakausap… nawawala ding silbi ang pagbisita nila.
Malungkot na ngumiti si tita Abigail. Doon palang alam ko na ang sagot.
“Baka sa susunod na linggo, hija. Huwag kang mag-aalala darating din yun, they missed you for sure.”
A weak smiled was plastered on my face. I doubt if they even missed me.
“Please think about it again. We could do something about your studies, para hindi masayang ang ilang buwan mong pag-aaral sa Pilipinas.” dugtong niya.
“Sige tita, pag-iisipan ko po.”
Pagkatapos nun, nagpaalam na din siya. While me, I slowly laid down and tucked the comforter around my body. This is was my usual routine in the past few days. Kakain, tutulog, nakahilata, nakatitig sa kisame. I couldn’t help but to wonder on the people that was left on the Philippines.
As per Drake, walang oras na hindi siya pumapasok sa isip ko. Katulad ng mga tanong na hanggang katanungan na lamang
Kumusta na kaya siya?
Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?
Maayos na ba sila nila tita Clarries?
More importantly, did he misses me too?
Is he mad for the decision I've take for the both of us?
Nawala nalang ako bigla na parang bula. I left him hanging. I left him in the middle of the chaos that we’ve created. Iniwan ko siya ng walang paalam… iniwan ko ang taong mahal ko sa kabila ng pangakong maghihintay at lalaban kami pareho.
I didn’t open my phone for updates either. I also flushed my sim on the toilet for possible connection that may lead me to him. Dahil kilala ko ang sarili ko, baka hindi ko nalang namalayan pabalik na pala ako sa Pilipinas, para sa kaniya. It aches me knowing how fucked up our situation is. How powerless I am for not fighting for him.. for our relationship..
Maybe, this ill-fated love is really bound to end. We are the perfect example of the lyrics pinagtagpo pero di tinadhana.
The next day, the hallow feeling on my stomach grow even wider. Pinaghalong pangungulila, panghihinayang, pait at hinagpis.
Napatulala ako saglit sa kisame ng kwarto bago napag-desisyunang maligo. I was wrapping my wet hair with a towel in front of my vanity mirror when my door suddenly opened. Kumunot ang noo ko dahil kumakatok naman si tita Abigail sa tuwing papasok at gusto akong kausapin.
Mula sa salamin, lumingon ako sa pinto para makita kung sino ang dumating. To my surprise, I saw two grinning lady running towards me and without a warning clung her hands around my neck. The other was on my arms. Nahulog ang towel na dala-dala ko sa biglaan nilang paggalaw.
"I miss you, girl!"
They said in unison.
“Wala ka talagang balak sabihin sa'min nasa iisang bansa lang pala tayo, nu? Bruha ka!”
I can’t help but to leered at Zaph response. Nanatili parin siyang nakahawak sa braso ko, habang si Micah nanatili ding nakalambitin sa leeg ko.
“OMG! Angel, humiyang ka yata?” sabi naman ni Micah. As far as I can remember sa Japan pa ang isang ‘to, kaya paanong narito na sa harapan ko?
Yes, this two are my bestfriends, silang dalawa ang bukod tangi sa mga taong nakikipagkilala sa akin. We’re friends since high school and I can say, they were my greatest companion in this lifetime. Sila ang na-kwento kong lumuwas sa Pilipinas dahil mga sawi sa pag-ibig.
“Micah, parang unggoy naman ‘to kung makalambitin.”
I rolled my eyes and remove her hands. She giggled before standing on her own feet. Si Zaph naman ay basta nalang humiga sa kama.
I sighed and resumed what I was doing, facing the mirror again.
“Anong drama natin girl? Nasawi ka narin ba, kaya nandito at nagmumukmok sa kwartong ‘to?” sabi ni Zaph at kahit hindi ako nakatingin alam kong nakangisi na sila ngayon.
They are too excited for me to be broken and experience the other side of love, first hand. Naalala ko pa noon, lagi nila akong tinutukso dahil wala pa akong nagiging jowa. Well, mabuti na yun kaysa maging katulad nilang naloko lang ng mga hindi marunong makuntentong lalaki.
“Masagana ba ang bataan at halos lumuwa na yang dibdib mo?” nag-init ang pisngi ko ng marinig si Micah, at may halong halakhak pa ang bruha.
See? Imbes na kumustahin ako nagawa pa akong tuksuhin.
Mga taksil!
Ibinalik ko sa lalagyan ang suklay at hindi na nagawang mag blow dry dahil sa kanila.
I face them while my hands is on my hips. Pasimple kong tinignan ang dibdib, napangiwi ako sa nakita. I was wearing a black spaghetti strap top, sobrang exaggerated lang ng hapon na ‘to dahil hindi naman lumuluwa ang dibdib ko. Sakto lang, average type..
Si Zaph ay nakasandal na sa headrest ng kama habang si Micah ay nakaupo sa dulo nito, yakap yakap na ang unan ko.
“What are you doing here? Saka paano niyo nalamang narito ako?” I curiously asked. Dahil wala naman akong pinagsabihan kung nasaan man ako ngayon.
“What happened ba? If not for your tita, we wouldn’t know you’re here.” si Zaph
“So ano, naloko ka rin ba ng first boyfriend mo? Anong hitsura, hot ba? Nako, sinasabi ko sa’yo, Angel dapat worth it yang iniiyakan mo. Dapat mas yummy pa yan kay Cristian Grey ng Fifty Shades!” sabat ni Micah.
I deeply sighed and massaged my temple. Hind pa nga nag-iisang oras sumasakit na ang ulo ko.
Micah has a Japanese blood. Papa niya ang taga Japan at mama naman niya ang pinay. Sa aming tatlo siya ang mas bubbly, maingay at pasaway. But she’s cute. She has a shoulder-length blonde hair, chinita din ang mga mata.
Honestly, she could pass as a Japanese actress. Mas nangingibabaw dito ang dugong hapon. While Zaph's parents were from the Philippines, pero mayaman din ang mga ito. Zaph on the other hand, has a tanned skin. Morenang morena siya at masasabi mo talaga siyang isang pinay sa isang tingin lang.
Naupo ako sa couch na kaharap lang ng kama ko.
“Aren’t you two busy? Sa pagkakaalam ko, sobrang dami niyong kailangan gawin na halos ayaw nang umuwi sa Pinas.” sunod sunod kong sagot.
A part of me was glad seeing them again after a year. I must admit, na-mimiss ko rin silang dalawa. I miss bonding with them but with the context that I’m in. I’m afraid I can’t enjoy and accompany them for the rest of their vacation here.
“Nagsasawa na ’rin ako at puro singkit lang ang nakikia ko. Besides, a friend need’s me. Nagulat nga ako nang tumawag si Zaphanaih at pinapalipad ba naman ako dis-oras ng gabi! Aba, malala!”
Si Micah ang sumagot, tumawa naman si Zaph
“Hoy mahiya ka sa kagandahan ko, ‘di man lang nag-abalang magpahid ng laway nang sumagot sa tawag ko, napakapangit!” si Zaph habang tumatawa pa’rin, sumimangot naman si Micah.
“Excuse me, hindi ako tulo laway habang natutulog!” Micah defended herself.
Napailing ako, this is one of the reason why I missed them. Yung kakulitan at jamming naming tatlo.. hindi ko inasahang magkikita pala pa kami dito.
“Anyway, tita Abigail called me, Angel. Nag-aalala daw siya at hindi ka na lumalabas dito sa lungga mo, I was even shocked to know that you’re in U.S now. Care to share?” tanong ni Zaph
“Paano niya nalaman ang tungkol sa inyong dalawa? I didn’t tell her about the two of you naman.” I asked again.
“Girl that’s what we called connection okay? Sa yaman ba nang tita mo, or maybe nagtanong siya sa mommy mo..” sagot naman niya, tumango tango ako
“So kung ‘di pa pinaalam sa amin ng tita mo, wala ka talagang balak magsabi sa amin?” ani ni Zaph, nanatili siya sa kama habang si Micah ay lumapit at tumabi sa akin.
“Not that, I was planning to call you naman.. now, is not the right time pa.” I sincerely told them.
“Kailan kapag mabaliw kana, ganun?” muli si Zaph na may kasamang pag-irap.
If Micah was the happy go lucky one in the three of us, Zaph is more on a serious type. Siya lang naman ang hindi sineseryoso ng ka-partner.
Natigilan kami ng makarinig ng katok, tumayo ako bago lumapit sa pinto. Binuksan ko ito at nakita si tita Abigail.
“Breakfast is ready mga hija, kain muna tayo.” nakangiti niyang tinuran.
I glanced back at my friends, waiting for their response.
“Thank you po, tita but we’re good. Kakain lang din po namin bago nagpunta dito.” si Zaph ang sumagot.
Napatango si tita bago balingan ako ng tingin.
“Ikaw, hija? Kain ka na muna.” she softly invited me. Puno parin ng pag-aalala ang mata niya.
“Ah busog pa po kasi ako.. baba nalang ako mamaya.” I answered.
Hindi ko din gustong iwan ang dalawang ito.
“Alright, hahatidan ko nalang kayo ng snacks.” her shoulders fell.
“Thanks tita.” she only smiled and turned her heels around.
Isinara kong muli ang pinto bago naglakad pabalik sa sofa. I sat beside Micah.
“Why is your eyes so puffy and swollen? My god, Angel! Don’t tell me, pag-iyak lang ang ginagawa mo sa loob ng dalawang buwan dito?” tanong niya habang sinipat ang mukha ko.
Nag-iwas ako ng tingin. Feeling ashamed that they had to see me like this. Noon, ako pa ang nag-aadvice sa kanila tungkol sa ganitong usapan, sa pag mo-move-on at hindi pag-iyak, tapos ngayon hindi ko man lang ma-apply sa sarili ko.
“Are you okay, babe?” Micah asked again,
Based on my peripheral vision, I saw Zaph standing and walking towards us. Pinagigitnaan nila ako sa mahabang couch.
“What happened really, Angel? Nag-aalala kami lalo na’t hindi naman tatawag si tita kung hindi malala ang pinagdadaanan mo.” si Zaph na may kasamang paghaplos sa likod ko.
“Babe we’re here, you can voice it out. Makikinig kami..” sabi ni Micah, wala na ang panunukso sa boses niya. Maybe she realized how shitty I am.
“I-I’m okay, you don’t have to worry about me.” nagpilit akong ngumiti.
Not that I don’t trust them.. it’s just the fear that is consuming me.. natatakot akong kamuhian at pandirihan din nila ako katulad ng iba.. natatakot akong mawalan din ako ng kaibigan.
“You’re not a good liar, you know that? We’ve known each other for years, Angel. Kilala ka namin, kaya alam naming may problema ka.. come on, tell us.” malambing na pinalibot ni Micah ang braso sa baywang ko. Nasa kanan siya habang sa kaliwa si Zaph na nakahilig naman sa balikat ko.
I smiled inwardly, I am really grateful having them. My girls may somewhat crazy but they’re sweet. Katulad ngayon, and I honestly miss this gesture of them through the years of their absence.
“What are friends are for ba? You were there during our breakdowns back in the Philippines and even the distance, you didn’t failed to show us your undying support and care. Hayaan mong kami naman ang gumawa sa lahat ng kabutihang ginawa mo para sa amin.” sabi naman ni Zaph.
I released a deep and sharp breath. Contemplating whether to tell them or not. They’ve been so good to me, kaya hindi ko maintindihan ang sarili kung ano ang nagpipigil sa akin na mag-kwneto sa kanila.. maybe it was the trauma and dread kicking in?
I’m afraid they will judge me for the decision I’ve take that leads me to where I stand now. I’m terrified they will also distance theirselves upon knowing my story. Knowing how dirty and slutty I am like what they say... Katulad ng ginagawa ng sarili kong mga magulang.
They were my parents, my own flesh and blood and yet they still choose to played deaf of hearing my explanations and side. Mga magulang ko na ‘yon, ah paano pa sila?
“What’s refraining you? Spill it out at nangangati na ang dila ko para sa mala Oscar kung payo, hehe.” untag ni Micah matapos ang ilang segundong katahimikan.
“You will also hate me, for sure.” I said bitterly.
They both snorted. Pareho nilang tinangggal ang pagkakayapos sa akin pero nanatili pa’rin sa upuan.
“Napaka-judgemental ni, Angel! Nakakasakit ng damdamin.” napangiwi ako ng magsalita si Micah.
“Ganito lang talaga tayo sa paningin niya, Mics. Mga mapanghusgang nilalang..” sabat ni Zaph.
“True Zaph, napakasama na ng ugali nitong kaibigan natin. Purque hindi na tigang—”
“Micah!” hysterical kong tawag sa pangalan niya. I can feel my cheeks turns crimson red.
“Oy namumula ang gaga, sana all hiyang!”
Zaph teased me too and they laughed together, as if I am not just here.
Napasimangot ako.
“Pero seryoso ano nga? Don’t think negatively and spill the beans, saka mo na sabihing galit kami sa’yo, hindi mo pa nga sinisimulan eh.” Zaph sternly said.
Napalunok ako, kapag ganito na siya wala talaga akong ibang choice kung ‘di ang magsimula. Dahil hindi nila ako tatantanan hanggat hindi nakukuha ang gusto.
Kaya sakabila ng pangamaba at takot, sa kabila ng panginginig ng kalamnan at labi ko… I’ve started narrating everything. Wala akong tinira, lahat, simula umpisa hanggang sa dahilan kung bakit ako napunta dito.
“All my life, I isolated myself away from men because they’re just a pain in the ass. Given your experiences, natakot akong sumubok sa isang relasyon.. but then Drake came.. unexpected things happen. The wall that I built for myself was no use whenever I am with him. Pinakita niya sa akin kung gaano kasarap at kasaya ang magmahal at mahalin. For a short period of time, my feelings grew even deeper to the point that I can’t conceal it anymore..” my lips quivered, remembering about the consequences clenched my heart..
“I love him.. mahal na mahal ko si Drake, kaya pinili kong magpakalayo-layo muna. Tell me what I did is right.. tama naman ako diba?” I hopefully looked at them, my eyes blurry with tears.
Ito na ang hinihintay ko, mas mainam nga na nasasabi mo sa iba ang problema mo. It felts like a weight was lift on my chest. Masarap sa pakiramdam na may nasasabihan ng hinagpis at sama ng loob.
I’ve expected them to shout or perhaps hate me, yet the opposite happened. Yinakap ako nilang dalawa. Si Zaph ay nasa tabi ko habang si Micah nasa paanana ko, nakapulupot ang kamay sa baywang ko. Sa ginawan nila, tuluyang bumuhos ang mga luha sa mata ko. I didn't restrain myself from crying ugly.
They didn’t talk for a few minutes and just remained hugging me. Na parang sinasabing hindi ako nag-iisa.
The warmth touched my heart and soul. I am such a lucky girl for having the two of them
Hanggang sa tuluyang huminto ang pagbagsak ng mga luha ko, hindi nila ako binitawan.
“Dalaga na ang bunso natin, Zaphanaih. Kaya naman pala blooming dahil lagi naman palang nadidiligan.” tudyo ni Micah, napasimangot ako.
“True, Mics hindi katulad mong dry season na.” Zaph fired back, Micah then pouted his cute lips.
I chuckled lowly.
“Walang masama ang magmahal. Love is an extreme feelings that blinds us from reality. Dahil sa pagmamahal nawawalan tayo ng pakialam sa iba, sa posibleng maging kahinatnan basta kasama mo ang taong mahal mo. But babe, you loved the wrong person and in unacceptable circumstances…” si Zaph habang nakahilig sa aking braso, ramdam ko ang kaseryosohan sa boses niya.
“We understand your family’s reaction. Dahil kahit saang anggulo mong tignan, it was a mistake. There’s no enough reason to justify your sinful affair with your cousin.” patuloy niya.
Natulala ako, akala ko sapat na ang rason na mahal niyo ang isa’t-isa para lang matanggap nila. ..
“Bruha ka naman kasi, sa ganda mong ‘yan sigurado naman akong madaming magkakandarapa sa’yo bakit sa pinsan mo pa ka nabaliw?” Micah teased, hindi ako nakasagot.
“Lintek na pag-ibig talaga ‘yan, kasalanan din ito ni cupid eh, aasinta nalang doon pa talaga sa taong lagi mong nakakasama sa iisang bubong. Napaka tamad maghanap ng iba!” she blurted out.
“Hayaan mo, Angel. We’ll help you from moving on with him, okay? We are here, you are not alone.. lilipas din ang panahon magigising ka nalang na hindi naman pala siya ang totoong mahal mo. That you are just curious how it felt to be in-love and to be loved, makakalimutan mo rin siya.” si Zaph muli..
I hope so too, Zaph.. I hope so..
“Oo nga, pasaan pa’t malaking bahay naman ‘to. Pwede kaming mag sleep over ng isang taon nu?” tinuran ni Micah.
I laughed.
Malaking bahagi rin ang pagpunta nila dito. For a moment, I forgot how miserable I am. Natutunan ko muling ngumiti kahit sa panandaliang panahon.
Isang linggo ang lumipas at sa loob noon palagi lang kaming nasa kwarto ko. We watched, bond, ate and all. They even invited me to some tourist destination in L.A, but I instantly shook my head in disapproval.
Pinunan namin ang halos dalawang taong hindi pagkikita. It was helpful, dahil sa kanila naiwasan kong mag-isip at balikan ang masasakit na sandali sa Pinas… because of them, my attention were removed from Drake.. or so I thought.
Matapos ang isang linggo, bumisita muli sila mommy at daddy. I don’t have any idea how they managed to travel given that our source of income were taken away from us.
Wala rin sila Micah at Zaph, umuwi muna but they will come back immediately.
I was walking in the long hallway of the third floor in this mansion looking for my parents. Gusto kong maging maayos na kami. I don’t like how they are treating me. Parang wala lang ako dito, para lang akong isang hangin..
Katulad ngayon, kahapon pa sila dumating pero ni isang beses hindi man lang ako kinumusta o kahit bigyan ng isang ngiti.
What happened causes a great drift to us. Nagalit, pinandirihan, hinusgahan.. I don’t know..
Pagkatapos ng ilang buwan, nagkaroon na ako ng lakas para harapin at kausapin sila.
I don’t care if they will going to hurt me for as long as they will looked at me like before. I miss them. That’s a fact.
Nakita ko ang isang pinto na bahagyang nakaawang. Kumunot ang noo ko dahil may naririnig akong pag-uusap doon. I can even hear tita Abigail’s sounds of pain. I didn’t mean to eavesdrop pero may parte sa aking nagtutulak na puntahan ang silid.
Kanina ko pa din sila hinahanap sa buong kabahayan pero hindi ko nakita. Seems like they’re here. Dahan dahan akong naglakad na hindi gumagawa ng tunog. The room is in the corner, ang panghuling silid sa pasilyong ito.
My brows furrowed, bakit umiiyak si tita?
Mula sa siwang ng pinto, hindi ko sila nakikita pero sapat lang na marinig ang pinag-uusapan nila.
“K-Kuya.. nahihirapan na ako, let’s tell her the truth already.” tita Abigail said in between her cries.
“Nababaliw ka na, Abigail? Hindi pwede! Pumayag lang naman kaming sumasama ang anak ko sayo dito dahil wala na kaming ibang nakikitang paraan para solusyunan ang problemang ito.. hindi, hindi pwede yang hinihiling mo!” sagot ni mommy.. the frustration is very evident on her voice.
“K-Kuya..” her voice broke.
Bumilis ang pagpintig ng puso ko sa posibleng marinig.
“Pinagsisihan ko naman lahat, handa na akong pagbayaran ang ginawa kong kasalanan noon. Please allow my daughter to acknowledge me as her real mother.. sobrang hirap na ang lapit lapit niya lang ngunit hindi ko siya maabot… alam kong galit siya..alam ko.. pero babawi ako sa kaniya, kuya... pakiusap."
Just by hearing her voice, I know tita's hurting badly.. ngunit, Sino ang sinasabi niyang anak? May alam sila mommy sa anak niya?
“No! Ako ang ina! Ako lang, hindi ikaw. Matagal mo na siyang pinabayaan kaya wala kang karapatang magreklamo sa kung ano mang nararamdaman mo ngayon! Ginusto mo yan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top