CHAPTER 36
Leave
"Ma'am, nandito na po tayo."
Napakurap-kurap ako ng magsalita ang driver ng taxing sinasakyan ko. I looked outside the window and true to his words, we are already here. The massive and towering gate of Damascus household is right beside us. Madilim na rin ang paligid at sa tantya ko ay ala-sais na ng gabi.
Hindi ko na matandaan kung paano ako nakaalis sa kotse ni Benj. I was overwhelmed with his confession that shutdown my senses. Namalayaan ko na lamang na nasa labas na ako ng kotse niya at pinaharurut niya iyon palayo. Kahit ang ibang sinabi niya ay hindi na pumasok sa isip ko.
All I can think about was the fact that he is not a gay. The man whom I trusted the most, the man who got to know me personally, the only man that I let myself be attached other than Drake and my father is a straight, and is not really the person that I assumed he is .
To make it worst, Benj betrayed and played with me.
Pinaramdam niya sa akin kung gaano ako katanga at madaling mapaniwala. Pinaramdam niya sa akin kung gaano kasaklap at kasakit ang maloko ng taong pinagkakatiwalaan mo.
"Salamat po."
Binigay ko kay manong ang limang-daan at hindi na hinintay pa ang sukli. Pagkatapos bumaba na ako ng sasakyan. Malungkot kong tiningala ang bakal na gate sa harapan.
Ang mga bulaklak na una kong napansin noon ay mas yumabong pa at bumulaklak. Kung noon, isang tingin lang sa paborito kong bulaklak ay napapagaan na nito ang nararamdaman ko, siguro magagawa ko nang ngumiti ng payapa at walang halong pait sa oras na ito.
The flowers in front of me is a sight to be hold. But sadly, kahit ilang pumpon pa siguro ng sunflowers o kahit maubos na ang lahat ng mayroon nun dito ay hindi mababago ang sakit na nararamdaman ko. That even my sweetest comfort is unable to lift up my mood and emotions.
I take a fortifying gulp as I walk with my reeling knees towards the entrance. The guard instantly opened the gate upon seeing me.
So, Dwayne didn't instruct them yet?
What will be his reaction if he saw me walking freely on his territory?
I just can't move out from here, wala rin akong ibang lugar na maaring mapaglipasan ng gabi bukod sa unit ni Drake. If only Benj and I are fine, sa kanila muna sana ako makikitulog kahit isang gabi lang. And speaking of Drake..
The phone on the pocket of my skirt vibrated, I fished it out and saw his name on the screen. I chewed on my bottom lip. I just left the school without him. Hindi ko na hinintay pa ang pagdating niya. Na kung tutuusin may usapan kaming susunduin niya ako. At kung wala pa ngang tumawag sa kaniya baka hindi na 'yon umalis at hinintay nalang ako.
I didn't answer the call and wait until it ends. Subalit, lumitaw muli ang kaniyang pangalan sa isang tawag. I sighed and shrugged my shoulders. Tinago ko ulit 'yon sa aking bulsa at hindi na nag-abalang sagutin ang tawag niya.
It aches me that we have to go through this misery. Hindi ba pwedeng maging masaya nalang kami? Couldn't they give us the chance to be together and let the love that we have for each other, rule us?
Walang kaalam-alam si Drake sa mga nangyayari sa buhay ko. At wala rin akong balak na ipaalam pa iyon sa kaniya. He has a lot on his plate already. I want him to focus on achieving his dreams instead of me.
I don't want him worrying over me, especially that he is a graduating student. Ilang buwan na lang matatapos na siya. Kaya ko pa naman, kakayanin ko.
Dahan-dahan kong tinahak ang malawak na daan patungo sa kanilang elaganteng bahay. The lights were dimmed and only the lights from the fountain was illuminating the whole place. Malayo pa man kitang kita ko na ang ilaw na nagmumula sa ilalim no'n. It was an extravagant fountain.
I stopped on my track when my chest sank all of the sudden. Parang pinapaala ang sakit na natamo ko at hindi ako binibigyan ng panahon para magpahinga. Why do I have this feeling that something bad will happen?
O, immune lang talaga ako sa sakit, at lahat nalang binibigyan ko ng kahulugan?
I smiled wearily, the fact that I will see Dwayne is enough reason for me to feel this way. It's like I don't have a place to feel at ease. Sa iskuwelahan at pati na rin dito, hindi na ako nabibigyan ng kapayapaan.
Muli akong naglakad ng may pa-iingat. For some unknown reason, my chest is hammering in a fast pace. Para itong may karera sa loob. Nagwawala and I started to feel uneasy. When I reached the front porch of the mansion, kusang tumigil ang paghakbang ng mga paa ko. Ramdam ko ang pamamawis ng noo at mga palad ko, looking at a familiar yellow language in front.
Dinambahan ako ng matinding kaba at emosyon nang makita sila tita Clarries, tito Emmanuel at tita Abigail na nasa bungad mismo ng pinto. Lahat sila ay nakatalikod sa akin.
From them, I narrowed my eyes to my things that is scattered on the ground. Bukod sa yelong luggage na sa tingin ko ay pinaglalagyan ng mga damit ko.
What is happening?
"T-Tita.."
I called their attention. My eyes if fixed on my things as confusion is eating me, at hindi ko nalang namalayan ang mga sumunod na nangayari.
Halos sumubsob ako sa buhangin ng may mabigat na kamay ang dumapo sa kanang pisngi ko. I whinced at the strong and severe contact.
"Honey!"
"Clarries!"
Tito Emmanuel and tita Abigail said in unison. Napatulala ako, hindi ma-proseso ang nangyari hanggang sa maulit muli ang pagsampal na iyon sa kabilang pisngi ko naman.
I gasped as I felt a painful sensation of the sudden impact. Umawang ang labi ko, I lightly touched my cheeks looking at tita Clarries with my eyes wide open.
"Hija.."
Agad na tumakbo sa direksyon ko si tita Abigail na may nag-aalang mga tingin. Hinawakan niya ako sa braso at hinila patungo sa kaniyang likod na parang pino-protektahan. Her worried expression tells me that something is not right.
Given na ang mag-asawang sampal na natamo ko kay tita Clarries.
"How could you do this to us, Angel? Pinagkatiwalaan ka namin, naging mabuti naman kami sa iyo, kaya bakit kailangan humantong sa ganito?" puno ng hinanakit na aniya.
Namumugto ang kaniyang dalawang mata na parang kagagaling niya lang sa isang matinding pag-iyak.
"T-Tita, I don't know what your talking about."
Nauutal kong tinuran, nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.. hanggang sa itaas niyang muli ang kamay.. as if she will slap me again..
"Umalis ka diyan, Abigail." tita Clarries dangerously said.
"Beat me, Clarries. You need to go through me before you could hurt this innocent lady, for the second time. Tama na ang dalawang sampal na 'yon, sobra pa nga." sagot ni tita Abigail habang mariin parin ang hawak sa akin.
"You are making me laugh, Abigail. She is not that innocent like what you are claiming for! She is a disgrace!" nababatid ko ang pagkagigil ni tita Clarries sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
Ramdam ko ang pamilyar na hapdi sa dibdib ko ng tuluyang rumehistro sa utak ko ang nangyari. Biglang pumait ang panlasa ko na kahit paglunok ay napakahirap gawin.
So alam na nila?
Did Dwayne tell them or it was a part of Benj's plan ?
"Calm down, hon.." sabi ni tito Emmanuel sa asawa.
"Calm down, Emmanuel? How the hell can I calm down after knowing this huh?!"
Napalunok ako ng galit na dinuro ako ni tita Clarries. Her bloodshot eyes sent shiver down my spine.
Galit na galit si tita Clarries na nakaharap sa amin. Na kahit si tito Emmanuel ay hindi siya mapakalma. Hindi na siya ang tita Clarries na laging nakangiti at kalmado. She is not the sweet aunt that used to caress my hair whenever she like it. Puno ng sakit at pagkamuhi ang kaniyang mukha ngayon na halos nanginginig na siya.
"Emmanuel, this bitch is the root of everything! Siguro wala nang pumapatol sa kaniya kaya sa anak mo nalang binubuhos ang init sa katawan!"
I lowered my head from what she said. Tears sprung on my eyes making my vision's blurry.
"Walang kang utang na loob, hija.." muling sinabi niya..
I looked like a scared puppy at the moment. My mind went blank and all I could think about is the fact that they loathed me now. Kaya ba nasa labas na ang lahat ng mga gamit ko?
Pinapalayas na rin nila ako?
I swallowed the huge lamp on my throat. I tried freeing myself from tita Abigail's hold but it tightened even more.
"Tita hayaan mo na po siya." nahihirapan kong bulong.
May nagbabara sa lalamunan ko na nagpapahirap kahit sa paghinga ko. My cheeks felts swollen and I know it's because of the slap I've received from tita Clarries. Hindi rin biro iyon at kahit wala na ang kamay niya doon, ramdam ko pa 'rin ang pamamanhid at hapdi ng pisngi ko.
"Stay right there, hija." tita Abigail replied.
Napakagat labi ako at nagsimulang mag-ulap ang paningin ko.
Don't I deserve a rest even for a second?
Ano ba ang mayroon sa araw na ito at sunod-sunod na kamalasan ang nangyari sa akin?
What have I done in my past life to experience this kind of misfortune?
Gusto ko lang naman maging masaya. Sinunod ko lang ang gusto at inaasam ng puso ko, mali ba 'yon?
Is loving Drake needs to be this strenuous and difficult?
Is love always feels like this?
"Why are you putting all the blame to, Angel? May kasalanan din ang anak mo dito, Clarries! They both did that deeds so spare this child and focus on your son!" sagot naman ni tita Abigail.
Hindi ko magawang mag-angat ng tingin. Hiyang hiya sa kanilang lahat, isabay pa ang pagpintig ng dibdib ko sa nakakalilong sakit.
I can hear tita Clarries heavy breathing as I let my tears flowed like a river. I silently wept it, making sure I am not producing any sound that might trigger her more.
"Hon, we can settle this thing when we are all calmed down. Not like this, hindi mo kailangan saktan ang bata." tito Emmanuel's soft voice echoed. Subalit, ramdam ko parin ang pait at paghihirap doon.
"No, Emmanuel your niece needs to face the consequences of her action. Hindi ako mapapakali at mananahimik nalang sa isang tabi." she said and paused like something came on her mind.
"What if they are doing that thing inside our house? Oh my goodness! I don't even want to think about it, Emmanuel!" nababatid ko ang pagkadiri at disgusto sa boses ni tita..
I released a long and sharp breath, taking all the courage left on me and face the victim of all of this. I harshly wiped my tears and forcefully removed tita Abigail's hands.
I appreciate her effort, but there is no need though. I deserve this, kung tutuusin kulang pa ang sampal na iyon sa lahat ng ito.
What we did is unforgivable that a sorry couldn't compensate to the weight of pain we've inflicted them..
Tita Abigail was taken aback with my action. Umiling ako ng subukan niyang muli akong lapitan. My knees wobble facing tita Clarries who is panting heavily. Namumula ang kaniyang mata sa pagpipigil ng luha.
Habang si tito Emmanuel ay seryosong nakamasid sa akin, malamig at nakakapangilabot. Nakasupurta parin siya sa asawa sa posibleng gawin nito.
"I-I'm s-sorry po... tita, tito.. pasensiya na."
I said with my trembling lips and shaking voice. There's no use if I will deny it. Sigurado akong alam na rin nila ang lahat ng dapat nilang malaman.
I looked straight to their eyes. A pang in my chest seeing the person whom I looked up to, being vulnerable and is breaking down.
"Why did you do that hija? Bakit sa anak ko pa, Angel?" tuluyang bumagsak ang mga luha sa mata ni tita Clarries.
It's more painful knowing that I am not the only one suffering. Hindi lang ako ang nasasaktan at masasaktan pa. Mas matatanggap ko pa kung ako nalang... Kung pwedeng kunin ang sakit na nararamdaman nila para mapunta sa akin, ginawa ko na..
Mapait akong napangiti sa tanong niya.. sa lahat ng tao bakit siya pa?
Why Drake, Angel?
Why my own damn cousin?
Sad to say that I don't have a concrete answer to that question. Hindi ko 'rin alam na sa dinami dami ng tao sa mundo, bakit kailangan pang mahulog ako sa isang sa taong mag-uugat ng malaking gulo.
"Y-You knew from the very start that he is your cousin.... Angel, hindi ka na iba sa kaniya. Halos sabay na kayong lumaki.. hindi ko maitindihan kong paano mo nagagawa ang makamundong bagay na 'yon sa sarili mong pamilya."
Tita Clarries voice cracked as she fight her tears but it was no use. Umaagos ang masaganang luha sa kaniyang mga mata.
"Honey.." masuyong hinahaplos naman ni tito Emmanuel ang likod ni tita Clarries sa parang pinapakalma ang asawa.
"Emman, wala tayong anak na immoral. My 'D won't do something like this, alam ko.. alam kong kagagawan lahat ito ng batang 'yan! Did you seduce my son, huh? Sigurado akong inakit mo ang anak ko para magawa ang karumaldumal na kasalanang iyon!" she shouted, full of wrath.
"No.. no tita, hindi po sa ganun.."
Umiling ako habang patuloy na umaagos ang mainit na likodo sa pisngi.
Now I understand Dwayne's attitude. Totoo nga ang kasabihang masamang magalit ang mababait. Tita Clarries is so sweet and caring, hearing her say those words to me was out of blue.
Hindi ako makapaniwalang kaya niyang magsalita ng ganun.
"At talagang itatanggi mo pa? You ungrateful creature!" she hissed.
Hinihingal at nanlilisik ang mata ni tita Clarries. Sinubukan niyang makawala sa hawak ni tito Emmanuel subalit hindi ito nagtagumpay.
"Goodness, Clarries! We can talk about this inside, hindi dito sa labas!" tinuran ni tita Abigail at saka ako hinawakan sa braso.
Tahimik lang akong umiyak habang patuloy si tita Clarriess sa paglalabas ng masasakit niyang salita.
"You bedded your own flesh and blood, you are worst than a slut!"
Her words linger on my head...
Yes, I know that tita... But only to your son, I am his whore... Drake's whore..
Nasa ganun kaming posison nang may humintong sasakyan sa harapan namin. With my blurry vision. I saw Drake stepping out of the car. His eyebrows were furrowed looking at us, especially to me.
"Mom, what's going on?" he asked in a baritone voice.
He tired approaching me but I shook my head and tita Abigail moved, as if protecting me from him.
Puno ng kalituhan ang mukha niya habang pinalilibot sa amin ang tingin.
I gulped and harshly wipe those damn tears.
Naging mabilis ang mga panyayari, hindi pa man tuluyang nakakalapit si Drake sa mga magulang ng bigla siyang sugurin ni tito Emmanuel ng isang suntok. Umawang ang labi ko sa pagkabigla kasabay ng panlalaki ng aking mata.
Sigaw ni tita Clarries ang umalingawngaw sa paligid.
"Dad.." umubo ng bahagya si Drake habang hawak siya sa kwelyo ng kaniyang ama.
Tita Clarries is crying hard while watching them. Mula naman sa loob ng bahay lumabas si Dwayne na hindi mababakasan ng emosyon ang mukha.
Hindi pa man nakakaahon sa gulat si Drake ay muling dumapo ang kamao ni tito.
Malakas akong napasinghap.
"Honey, stop it! Dwayne, awatin mo ang daddy mo! Anak.. awatan mo.." gumagaral na boses ani tita Clarries.
"Let him be, mom. He deserves the beating anyway." malamig na saad ni Dwayne, at nagawa pang makapamulsa sa harapan namin!
"T-Tito... tama na po.."
Sinubukan kong lapitan si Drake
ngunit, mahigpit na umiling si tita Abigail..
I silently cried looking at Drake's bruised face. Pumutok na ang gilid ng kaniyang labi..
"Fuck what have you done, Drake?! Tell me we didn't raised an immoral and sinner person!" malakas na sigaw ni tito.
Mabuti nalang at tumigil na siya sa pagsasapak kay Drake, at nasa tabi niya narin si tita Clarries. Ngunit, imbes na sagutin ang ama, sa akin dumapo ang paningin ni Drake. His eyes is full of concern looking at my face that is soaked with tears.
Hindi ko rin maawat ang mga tangina luha na 'to.
Malalam ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin, balewala ang pag-aalburuto ng ama. Humakbang siya, nagtangkang lapitan ako pero agaran akong umiling.
I also want to go near him but decided against it. This will just fuel their anger more.
Drake sighed, pinahid niya ang dugong naglandas sa kaniyang labi bago walang emosyong hinarap ang mga magulang. Umiiyak pa 'rin si tita Clarries.
"Dad, mom... I loved her.. I love Angel and no one, not even the both of you can stop u-"
Hindi natuloy ang sasabihin niya ng muling sunggaban siya ni tito.
"Are you out of your mind, Drake? She is your cousin for heaven's sake! Anong pagmamahal 'yang pinagsasabi mo?" tito said before punching his son straight on his jaw.
Impit akong umiyak nang halos sumubsob na sa lupa si Drake.
"Naisip mo ba ang sasabihin ng tita mo? They've entrusted their daughter to us, pinagkatiwala sa atin pero anong ginawa mo?"
"Emmanuel!"
Tita Clarries hold his arms. The veins on tito Emmanuel's arms and head were protruding, tanda ng matinding emosyon. Meanwhile, Dwayne just stood there, doing nothing.
"Tama na, please.. your hurting your son too much." tita Clarries sobbed..
"You better get your shit together, Drake. You are ruining your life! Hindi ganito ang pinalaki naming anak na mag-aabogado. Hindi makasalanan."
Hinihingal si tito Emmanuel, galit na galit ang mga mata.
"Emman, don't be hard on your son.. not like this please.." pakiusap muli ni tita Clarries.
Parang kani-kani lang, siya ang inaawat.. nabaligtad na ang sitwasyon .
On the other hand, I can feel tita Abigail's soothing hand on my back. Like she is trying to calm and stop me from crying.
"There's a lot of woman whose willing to warm your bed and satisfy your sexual needs, Drake. Why the hell it has to be your cousin?!" he asked.
"That's it dad. Marami nga sila pero hindi sila si Angel! Si Angel ang gusto, siya ang mahal ko at kahit ilang daang babae pa ang iharap niyo sa akin.. siya at siya parin ang pipiliin ko!" Drake said.
Seryoso siyang nakatingin kay tito Emmanuel, hindi alintana ang maaaring mangyari sa naging sagot niya. Tito Emmanuel's dark and bloodshot eyes is as cold as the night. Hindi ko inaakalang dito hahantong ang lahat.
Nasaan na ang salita kong ipaglalaban ko siya? Kung halos nanginginig na ako sa takot para sa aming dalawa.
"Tito.." I called, but it was tita Clarries who angerly snapped at me.
"Tumahimik ka riyan! Nakita mo ba ang nangyari dahil diyan sa kagagahan mo? You damn ruined my family, kung alam ko lang na mangyayari 'to, sana hindi nalang kita tinanggap sa pamamahay na ito!"
Napapikit ako sa lakas at tabas ng mga salita ni tita.
"Stop it, Mom! Wala siyang kasalanan dito, stop blaming her." Drake defended me. Kita ko sa mga mata niya ang kagustuhang lapitan ako, ngunit hindi niya magawa.
"Clarries, that's below the belt! Bakit itong batang 'to ang sinisisi mo, eh yang anak niyo ang lalaki." tita Abigail rebutted.
I lowered my gaze as realization sink in my head. Ito na ang naging kapalit sa lahat ng masasayang pangyayari sa buhay namin ni Drake. Because of our selfish reasons, because of this forbidden love.
I've expected this, inaasahan ko nang malalaman din nila ang lahat ngunit bakit ang bilis?
Hindi pa ako handa..
Isang bosena mula sa likod ang kumuha sa atensyon naming lahat. My throat were dry and my eyes sting so bad.
Isang puting kotse ang tumigil sa harapan namin, at ganun na lang ang gulat ko ng lumabas ang dalawang taong matagal ko nang hindi nakikita at nakakausap.
"Anong ginagawa niyo dito sa labas?" mula sa passenger seat, lumabas si mommy.
It's just so unfair that despite of everything, their sudden disappearance and all, she still has the nerve to act as if nothing happened.
Wearing a silk sleeveless dress with her designer handbag, mommy looks so stunning. Parang hindi dumaan sa isang krisis.
"Or are you all waiting for our arrival? Wala naman kaming pinagsabihan na darating kami ngayon." she sweetly smiled but momentarily stop when she noticed our situation.
Nawala ang ngiti sa labi niya habang tinitignan kami isa-isa. Her eyes meet mine and for a moment, I just want to run and hug her. Despite of everything, I missed her. I am longing for her..
Truly, a mother's care and affection is the best.
Na sa kabila ng lahat, hindi ko pa 'rin magagawang magalit sa kanila.. sa kaniya..
I glanced at my father, parang gumuho ang mundo ko ng makita ang malaking pinagbago sa kaniya. If my mother looks so elegant, my father was the opposite. Malaki ang binagsak sa katawan niya. His face looks so pale.
"Good thing that you're both here, gusto kong malaman niyo kung ano ang pinagkakaabalahan ng magaling niyong anak dito. I never thought someone like her will do this, totoo ngang laging nasa loob ang kulo." tita Clarries said with her gritted teeth.
I nibbled on my lower lip.
It seems that the heavens is really playing with me. Sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon pa sila dumating? Bakit hindi noon kung kailan kailangan na kailangan ko sila?
"Why hipag? What is wrong?" kuryusong tanong ni mommy.
Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa akin ni tita Abigail.
"Let's go hija. We can leave if you want." she whispered.
I stared at her for a second. She smiled at me while caressing my back and my arm.
Bakit mo ginawa to, tita?
Why is she being nice to me, instead of hating me? Mas maiintindihan ko pa 'yon kaysa itong pinagtatanggol pa niya ako..
"Clarries, sa loob na natin ito pag-usapan. Malalim na ang gabi.." narinig kong sabi ni tito Emmanuel.
At kahit hindi ako nakatingin, ramdam ko pa'rin ang titig ni Drake na halos tumagos sa kaluluwa ko.
"Hindi, they need to know the truth and I don't want to see that sinner's face in my own house! Nakakakilabot!"
My lips twitched. If I hadn't know her enough, iisipin ko nang hindi niya ako gusto at matagal nang may galit sa akin. But I understand where she's coming from. She is driven by her anger. Natural lang sa kaniya na magsalita ng masasama... and I deserve it, kulang pa nga siguro iyon.
"Anong sinasabi mo, hipag?" tanong ni mommy, nasa mukha ang pagtataka.
Napalunok ako bago mag-angat ng tingin. Sumalubong sa akin ang nag-aalalang tingin ni Drake, na sa kabila ng pagputok ng kaniyang labi.. ang pogi pa'rin.
Palihim kong kinastigo ang sarili. Seriously, Angel? Iyon pa talaga ang naisip ko, eh ito ngang nagkakagulo na.
"Hon, sa loob na natin ito pag-usapan. It's inappropriate talking in the front porch, this is a serious matter." tugon ni tito Emmanuel.
I swallowed hard when tita Clarries daggers stares went to me.
"Sige, but I don't want that lady to come with us." mariin niyang ani. Nakagat ko ang pang-ibabang labi and I'm afraid it will bleed.
"You will leave this house now, Angel. Bago pa kita kasuhan." pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya..
"Come with us, Drake." tito Emmanuel's voice is full of authority that you will regret not obeying him.
Akala ko pa susunod sa kaniya si Drake, subalit nagulat ako ng tawirin niya ang distansiya namin.
"Drake!" tito Emmanuel's voice thundered.
I tightly shut my eyes before opening it again.
"Go, Drake, o gusto mong mas magalit sila sa atin?" mahina kong bulong.
Good thing I am not crying anymore, but my chest felts so heavy.
He shook his head, "Are you okay? What happened to your face? Did they hurt you?" nag-aalalang tanong niya.
His jaw clenched looking at my swollen cheeks. He tried touching my face but I dodged it off.
"Hijo, sundan mo nalang ang mga magulang mo. Huwag mo nang palakihin ang gulo." si tita Abigail
He sighed, debating whether to go or not. Pinagmasdan ko ang mukha niya, pumutok na ang gilid ng kaniyang labi at may naiwan pang dugo doon. He also looked so worn out.
As much as I wanted to be with him, now.. I can't. Dahil sigurado akong hindi dito nagtatapos ang lahat..
"Let's go inside, huwag ka dito sa labas at mahamog.." puno ng lambing niyang tinuran, hindi alintana ang mahigpit na bilin ng ina.
I weakly smiled. Always my affectionate, Drake..
"Sundan mo na sila, ayos lang ako dito." mapait kong tugon.
Matagal bago siya makasagot at pinag-aralan lang ang mukha ko.
Ngumiti ako para ipakitang ayos lang talaga.
"Huwag kang umalis nang wala ako, wait for me okay?" he said with his husky voice..
"We are in this together. You hear me, Angel? Matatapos din 'to" desidido ang mukha niyang nakadungaw sa akin.
A warm feeling touched my heart listening to his promising voice.
Drake, your the best thing that ever happened to me. Sa lahat ng oras na magkasama tayo, iyon na ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko. And I will treasure the memories, until my very last breath.
Slowly, very slowly, I nod my head.. doon lang siya nakahinga ng maluwag at saka umalis para sundan ang mga magulang.
Meanwhile, my parent's approached me with confusion on their face.
"Anak, anong nangyari? And why are your things scattered on the ground?" tanong ni mommy.
I pressed my lips together, surpressing my mouth to say the unnecessary words.
"Just follow them mom, and you will know." I coldly said.
Hindi ko na hinintay ang sagot nila at agad tumalikod. I also didn't bother gathering my things aside from my yellow language.
Without saying anything, I walked away. Sa kabila ng pangakong hihintayin ko siya.. umalis ako ng hindi siya kasama..
Narining ko pa ang pagtawag sa akin ni mommy at daddy pero nagbingibingihan ako.
Maybe, I am destined to leave this place anyway. Na hindi naman pala dito ang lugar na para sa akin. Ang inaasahan kong taong magiging kakampi ko sa lugar na ito ay hindi pala totoo.
Benj fooled and betrayed me. He was the root of all of my heartaches. If only he hadn't taped us, if only he was true to himself.. if only I wasn't gullible and self-centered.. this won't happened.
Nakalabas na ako ng gate ng maramdamang may sumusunod sa akin. I looked back and saw tita Abigail holding my cute silver pouch.
"Why are you following me, tita?" Magaan siyang ngumiti
"Hindi ko hahayaang umalis ka nang mag-isa, delikado ang daan pag gabi." she softly said.
"Kaya ko po ang sarili ko.. bumalik nalang po kayo dun." I firmly said.
Muli akong tumalikod, nasa kanang kamay ang maleta habang sa kaliwa ang bag na gamit sa eskwela.
"Let's stay in a hotel for the night, tawagan ko nalang ang mommy mo para alam nila kung nasaan tayo."
Nagulat ako ng nasa likod ko pa pala si tita Abigail.
"There's no need tita, bumalik nalang po kayo."
However, tita Abigail remained standing. I waved my hand on the air, calling for a taxi.
"Sasamahan pa 'rin kita kahit kaya mo nang mag-isa. I know you are deeply wounded hija, if you want, you can share it with me. Mahirap kung sasarilinin mo lang ang bigat sa iyong dibdib."
Hindi ako nakasagot. Totoong sobrang bigat at sakit na ng puso ko.
Like, don't I deserve a rest? Napupuno na rin ako, sobrang sakit na halos mamanhid nalang ang buong katawan ko.
Hinayaan ko nalang na sumama siya sa akin. Odd right? Dahil simula noong nalaman ko ang ginawa niya sa mga anak niya, umiwas ako sa kaniya.. but look what happened now.. siya pa itong nandito at handang makinig sa lahat ng mga hinaing ko.
Nang may humintong taxi, hinayaan kong ang driver na ang maglagay sa bagahe ko sa compartment. I open the backseat and settled myself there. Habang si tita Abigal ay sa front seat naupo.
I stared outside the window. I am still overwhelmed of how things escalated so quickly. Parang kailan lang ang saya saya ko pa, pero sa isang iglap lang wala na akong titirahan.. sa isang iglap lang nawala sa akin ang lahat.
Si tita Abigail ang umasikaso sa lahat ng dumating kami sa hotel. Mabuti nalang at hindi sa hotel na dating pag-aari namin.
"O-order ako ng pagkain, hija. Anong gusto mo?" tita Abigail asked soon as we entered the room.
I shook my head, wala akong ganag kumain.
"Magpapahinga na po ako, tita." tipid kong sagot.
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong purihin ang kabuuan ng silid sa matinding pagod. All I want is to lay on the bed and sleep everything.
Pwede naman siguro akong magpahinga kahit isang gabi lang, right?
I heard her deep sigh. Basta ko nalang binuksan ang unang pintong nakita ng mga mata.
"Bibili padin ako para kung sakali mang magutom ka."
Tumango ako at saka pumasok sa kwartong nabuksan ko. Iniwan ko sa may pinto ang bagahe bago tumihaya sa hindi kalakihang kama.
I rested my head on the pillow.
I am so fed up, I expected this to happen since the beginning but why the fuck it still hurts like hell? Mas malala pa nga sa inaasahan ko ang naging reaksyon nila tita Clarries ngunit hindi ko pa'rin matanggap.
Why can't they understand?
Mas lalo kong binaon ang mukha sa unan ng maramdaman muli ang pamamasa ng magkabilang mata ko.
Parang may paulit-ulit na matalim na punyal ang sumasaksak sa dibdib ko.
I lost a family, I lost my friend, and now I'm afraid I a going to loss my parents.
Will they also hate me?
Will my mom will also slapped me?
Hindi rin ba sila makikinig sa magiging dahilan at sa panig ko?
Hindi ko namalayang nakatulogan ko na pala ang pag-iyak at kakaisip. Nagising lang ako ng marahas na nabuksan ang pinto at ang blangkong mukha ni mommy ang nabungaran ko.
"Fixed yourself, Angel. We are leaving in a minute. Sasama ka sa tita mo pabalik ng U.S."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top