CHAPTER 23

Gift

I smiled at the receptionist when we finally entered the exquisite lobby of The EHR. May malaking chandelier sa gitna at may iba't-ibang obra ng mga sikat na pintor sa dingding. Ang sahig naman ay pwedeng puwede nang gawing salamin sa kintab at linis.

Certainly our hotel.

We headed immediately to the lift. May tatlong elevator and we choose the first one. Bumaba ang kamay ni Drake sa baywang ko ng sandaling bumukas ito. His manly scent invaded my nostrils. Hindi ko maiwasang mapasinghot ng bahagya dahil sa nakakaadik niyang amoy. Our bodies were touching as we stand in the middle of spacious elevator. Walang ibang lulan kaya halos hindi na magkahiwalay ang mga katawan namin.

I press the seventh floor as it is where the party will be held. Napangiti ako sa nakikitang repleksyon namin sa dingding. Bahagya kong hinilig ang ulo sa dibdib niya at hindi naman siya nagreklamo. He looks so hot on his attire tonight plus he's not showing any emotion at the moment.

Diretsong nakatutok ang kaniyang magagandang mata sa pintuan nito. He's looking at our reflection too. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan niya, at hindi ko pa din kayang basahin ang laman ng isip niya.

When the elevator dinged I regain my composure. Lumayo ako sa kaniya ng bahagya na nagpakunot sa kaniyang noo. Napaiwas ako ng tingin saka tumikhim.

"B-Baka may makakita." I stammer.

Tumagilid ang ulo niya at walang pasabing hinapit ako sa baywang. I gasped and lightly push his chest.

"I don't give a fuck Angel. Hayaan mo silang mainggit." I rolled my eyes and choose to keep my mouth shut.

I then, encircle my arms on his as we made our way. Bumungad sa amin ang hall na puno ng decorative lights mostly from the shade of purple. Favorite color siguro ni Gwen ang purple.

Marami nang tao at karamihan sa kanila ay umuukupa na sa lamesa. May malaking hagdan na sa tingin ko lalabasan ng debutant sa taas. May ginawa din silang mini stage.

My eyes narrowed at the two guy approaching us. Papalapit na kami ng harangan kami ng kamay nila. They're on their black suit, looking so intimidating. Hindi pa man sila nagsasalita agad kong kinuha ang invitation card at binigay sa kanila. They scan the card thoroughly, pagkatapos giniya kami ng isa sa kanila papunta sa dagat ng mga tao.

Drake was not saying anything during the entire time. Iniwan agad kami ng dalawang maskuladong lalaki nang makitang maayos na ang lagay namin.

Marami ang dumalo so I assume hindi basta basta ang birthday girl. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan, hoping to see Benj to accompany us. Para kaming tanga nakatayo lang sa gilid.

"Where's your friend?" napakislot ako ng bigla siyang bumulong.

Nilayo ko ang sariling mukha bago mag-angat ng tingin. Sumalubong sa akin ang malalim niyang mata na mas lalong pinaganda ng kulay sa paligid.

I hold on to his shoulder tighter as my knees begun to tremble. Nanunuot sa sistema ko ang seryoso niyang tingin na kung hindi dahil sa hawak ko sa braso niya baka bagsak na ako ngayon.

I swallowed hard before averting my eyes away from him.

"Nandito lang yun, teka tatawagan ko."

Huminga ako ng malalim saka binaklas ang kamay sa braso niya. I get my phone from my clutch for a call. I was about to dial Benj's number when I spot him already walking towards us.

Napangiti ako bago muling ibalik ang cellphone sa bag. He looks so formal, ibang-ibang sa masayahin na Benj na lagi kong nakakasama.

"He's coming over"

Tumango si Drake saka tinignan ang bulto ng lalaking paparating. Ang gwapo niya ha. Lalaking lalaki, hindi binabae.

"Kailan kayo dumating? You could've called or text me girl para nasundo ko kayo." he hastily said when he approached us.

"It's okay ano kaba!" tumawa ako.

Katulad ni Drake, he's on his three piece suit. He then, looked at Drake in my side. Tumango siya dito na malaking kinagulat ko. I thought he's going to hand shake or manly hug him like their first meeting pero hindi.

"Let me lead you both to your table, the program will start in any minute." sabi niya habang nasa akin ang paningin "..pinagtitinginan ka na ng mga lalaki girl! Haba ng hair." I softly chuckled when he leaned in for a whisper.

Napailing ako at ngumisi lang siya. Ang bolero talaga.

Pareho kaming napatingin kay Drake ng marinig siyang tumikhim. I warily looked at him and saw his perfectly furrowed eyes brows.

Nakatingin siya sa akin na may nagtatanong na mga mata. Napangiwi ako, girls talk po yun.

I didn't mind him and nods at Benj. Nauna siyang maglakad, muntik ko pang mahila si Drake ng hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan. Pinandilatan ko siya ng mata at muling binalikan ng tingin si Benj na ngayon ay hinihintay na kami.

"Drake let's go, magsisimula na." sabi ko sa mahinang boses.

Naramdaman ko ang tingin ng ilan sa amin. Mga chismoso!

I tried dragging him again, napahinga ako ng maluwag ng kusang umabante ang kaniyang dalawang pa. I held my chin high as we passed through the crowds. Mainggit kayo!

We are following Benj's back as he made the way to our table.

Hindi kalayuan, nakita ko ang isang pamilyar na mukha ng lalaki. And I am not mistaken as I saw him smirked. Of course he's here, kapatid nga diba?

I shrugged and continue walking. Tumigil kami sa pabilog na mesa, malapit sa ginawa nilang stage. May apat na pares ng mga mata ang nandoon na nakatingin na din sa amin. Two girls and two boys. They're somewhat familiar, siguro nag-aaral din sila sa SMU at nakakasalubong ko, hindi ko lang matandaan.

"Ayos lang ba kayo dito, beb?" nag-aalalang tanong ni Benj.

Tumango ako sa kaniya. Magandang pwesto nga ang kinaroronan namin, dahil isang tingin lang makikita na kung ano ang magaganap mamaya.

"We're okay here Benj, thank you."

Nakita kong naghila ng upuan si Drake. Sinensyahan niya akong umupo pero nanatili akong nakatayo.

"Mabuti naman kung ganun. If you want some drinks don't hesitate to call the waiters okay?" tumango ulit ako sa habilin niya.

"Sit down,"

I can feel the goosebumps in my body hearing Drake's low and baritone voice on my ears. Hindi ko namalayang nakahawak na pala siya sa magkabilang baywang ko habang bahagyang nakayuko.

Sa pagkabigla, agad akong napaupo sa upuang hinanda niya. Ramdam ko ang biglang pagkabog ng dibdib ko. Sinamaan ko siya ng tingin na tanging ngisi lang ang sinagot.

He pulled a chair beside me and settled himself like a king. Napairap ako saka tinignan muli si Benj.
I saw him looking intensely at Drake. May kung ano sa tingin niya na nag pa-doble sa kabog ng dibdib ko.

"Uh sige na Benj baka kailangan ka doon, ayos na kami dito." sabi ko bago pa siya makahalata.

He tilted his head on my side before showing me his warming smile.

"Okay, balikan ko nalang kayo." ngumiti ako, akala ko aalis na siya pero nagulat ako ng lumapit siya sa akin at halikan ang pisngi.

"Enjoy the party bebe." sabi pa niya.

Hindi ko nagawang makasagot sa pagkabigla. Hindi naman niya ako hinahalikan sa sa pisngi ng ganun na lang. We are friends yes, but kissing was out of context.

Nanlaki pa'rin ang mata kong napabaling kay Drake na ngayon ay masama na ang timpla. He looks so pissed at halos magtagpo na ang kaniyang dalawang makakapal na kilay.

I sighed. Napalingon ako sa paligid bago inabot ang kamay niyang nakapatong sa kaniyang hita. Naka skirting ang bawat tables kaya alam kong walag makakakita. Kahit ang mga upuan ay may puting tela ding nakatakip.

He's eyes meet mine and all I can do is to smile. Bahagya pang nakabusangot ang nguso niya na mahinang nagpahagikgik sa akin. Selos siya eh.

Pinisil ko ang kamay niya, hindi 'rin ako nabigo ng makita siyang ngumiti at pinagsiklop ang kamay namin sa ilalim ng lamesa. Napailing ako, I pressed my lips together trying to hide my smile.

Hay Drake, what would I do without you?

My lips twitched when he drag his chair closer to mine. Ngayon halos magdikit na ang mga binti namin sa lapit. Palihim ko siyang kinurot, pero mukhang hindi naman siya nasaktan at nagpatay malisya lang.

May sariling mundo ang ibang kasama namin sa lamesa na malaking pinagpasalamat ko. Dumating ang waiter at magiliw na naglagay ng inumin sa kanila.

"You won't drink baby.."

I rolled my eyes when I heard his voice full of authority. Yun naman talaga ang plano, hindi ako iinom at hindi din magtatagal.

"Yes po, daddy" I playfully said.

Mahina lang yun, sapat lang na maririnig niya. Napangisi ako ng makitang natigilan siya at bahagyang umawang ang labi.

Huh, sugar daddy na kita eh?

His eyes darkened and flick with an emotion. Emosyong nakikita ko sa tuwing may pilyo siyang plano.

Naputol ang tinginan namin ng biglang magsalita ang emcee. Ngumisi ako sa kaniya saka tumingin sa entabladong ginawa nila.

She gave a brief introduction about the event. Pinasalamatan din niya ang mga taong dumalo. After a while, a melow music filled the hall. Lahat kami nakatitig sa itaas, hinihintay ang pagbaba ng debutant. The grand staircase has a red carpet in the middle where Gwen will pass by. May bulak lak din sa hamba ng hagdan.

As the music goes on its track, my eyes were fixed above waiting for her to descend from the stairs. And when she finally did, I can feel my jaw dropped to the floor.

Damn! She looks radiant even from afar.

"Ladies and gentlemen, let's welcome our lovely debutant with her supportive father Miss Gwen Rose Velasco!" We clasped our hands in response.

I can clearly hear their gasped in adoration as she confidently walks on the carpeted stair. She's smiling widely to the crowds, making her more looks gorgeous.

Ang ganda ganda niya sa gown na suot. Purple din ang kulay ng tube gown niya, na nagpatingkad ng kaniyang balat. Nakatirintas ang kaniyang buhok na umabot hanggang baywang. Beside her is man on his late forties I guess. Maybe it was her father.

Hinatid siya ng papa niya sa kaniyang upuan na nasa gitna mismo ng stage. Maganda ang pag kaka-organisado ng entabldo. She perfectly suits on her throne.

The program immediately started. We first prayed to the Almighty Creator. Pagkatapos nag pa games muna ang host ng Q& A. She asked questions about Gwen's favorite food, hobby, skills, nicknames and many more. Saka nagbigay ng message ang daddy niya which made her emotional. Mr. Rodrick Anthony Samanigo Velasco, her father.

The father's love will always be the best thing in this world. I'm glad I get to experience a fatherly care and affection. Kasi hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong makasama ang kanilang mga magulang. Humahanga ako sa mga babaeng nakakahantong sa legal age kahit wala sa piling nila ang kanilang magulang. To experience receiving warm message on their special day like this.

They are tough enough to conquer the world even without their patriarch.

The eighteenth roses followed. Kasama doon si DenMark ang half brother ni Gwen at si Benj. Hindi ko kilala ang ibang nakasayaw sa kaniya and her last dance was his father. Pagkatapos sumunod ang eighteenth candles and treasures. I listen attentively as each of them give her a memorable and heartwarming messages.

I can't help not to reminisce the time of my debut. It was held in Bicol, on our hotel. Kaunti lang ang dumalo at hindi kasing rangya nito. I don't remember having Drake at my eighteenth roses, siguro dahil hindi ko pa siya ganoong kakilala and I was too preoccupied of my guest that I didn't got to notice his presence.

Ang alam ko lang noon ay nakadalo sila tito Emmanuel, kaya hindi imposbleng hindi siya kasama. My eighteenth candles are my friends and some relatives, along with the treasures. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon.

That was the day where I turned an officiall lady. I was also asked by my parents kung gusto kong bumukod na agad kong tinanggihan. Living with them is my peace. I wouldn't waste any centavo on buying a condo unit when in fact our house is large enough to accommodate us three. Kaming tatlo lang naman ang magkakasama so why moving out?

When it was time for dinner, we ate silently. Some were dancing especially with the birthday girl.

Nagpunas ako ng bibig gamit ang tissue bago balingan ang katabi ko. Napanguso ako ng makitang umiinom na siya sa hawak na wine glass.

Pinagtaasan niya ako ng kilay ng makitang nakatitig ako sa kaniya. He gulped his drink first before putting the glass on the table, still holding his hand.

"Gusto mong sumayaw?" I sweetly asked.

Gusto kong maranasan ang makasayaw siya. Since I don't remember dancing with him during my eighteenth birthday, maybe this is our chance to experience such.

Naninimbang na tingin ang ginawad niya sa akin. I slightly protruded my lips when he doesn't say anything and continue to stare at my face.

Stop starring!

Alam ko namang aganda ako, patay na patay ka nga eh.

Mahina akong napatawa saka
tumingin ako sa gitna at nakitang sumasayaw ulit si Gwen. Hindi ko makilala ang kasayawan niya dahil nakatalikod ito.

"I thought we're not going to stay long?" matigas na boses na tanong niya.

Naningkit ang mata ko ng maamoy ang mamahaling inumin sa bibig niya. Sobrang lapit namin na kahit iyon hindi nakaligtas sa pang-amoy ko. Plus he doesn't smell like this earlier.

"Are you drunk?" I worriedly asked. He can't be drunk now, baka maaksidente pa kami sa daan.

He groaned before leaning on his seat.

"Of course not!" Sagot niya, nakahinga ako maluwag.

Mabuti naman, akala ko lasing na siya.

May sasabihin pa sana ako ng matigilan sa nakitang tao na papalapit na ngayon. He's grinning while closing the distance between us.

I deeply sighed. Ano na naman ang kailangan ng lalaking ito?

I was too engrossed on him making Drake looked at his direction too. His forehead creased at DenMarks sight.

Sino ba naman ang hindi kung ganitong malayo palang nakangisi na siya?

"Damn Angel, you looks hot as always!" he exclaimed when he finally approached us.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Nakatayo siya sa gilid namin, and some of the visitors were already eyeing us.

His eyes were on me, ignoring Drake's presence. Nag-aalala akong napatingin sa kaniya, ganun nalang ang kaba sa dibdib ko ng makitang halos pumutok na ang ugat sa leeg niya. His perfectly angled jaw nearly dropped out.

"What?" natatawang tanong ni DenMark ng samaan ko siya ng tingin.

He laughed humorously while tilting his head. Napatingin siya kay Drake at lalong lumaki ang ngisi niya.

Ano bang problema niya? Did he just came here to pick a fight? Alam kong hindi maganda ang samahan nila base sa una nilang pagkikita na kasama ako. They nearly punch each other at the restaurant mabuti nga at napigilan pa.

Hindi ko pa natatanong si Drake sa issue nila ni DenMark, and I don't have the energy to asked him, hindi naman ganun ka importnate si DenMark para pag-usapan pa namin.

"Chill dude, I'm not harassing your cousin. Grabe ka naman kung makatingin." he said and chuckled afterwards.

Napahinga ako ng malalim bago ipikit ang dalawang mata. We shouldn't make a scene here. This is a debut party and as far as possible they two must behave.

Napatingin ako sa mukha ni Drake na ngayo'y nagtatagis ang bagang. His eyes shouts danger as well. Nagpapasalamat lang ako na wala siyang ibang ginagawa bukod sa pamatay na tingin kay DenMark.

Nakapamulsa sa harap namin si DenMark na mukhang naaliw pa sa mga nangyayari. DenMark took a glance at the other people in the table and greeted them. Ibang-iba sa ginagawang pakkitungo sa amin.

"Leave us alone DenMark, we don't need you here." I said through my gritted teeth. Slightly annoyed dahil hindi kami nakapagsayaw ng dahil sa kaniya.

Napahawak siya sa dibdib at kunwaring nasasaktan sa sinab ko. I grimace at his action.

"Ouch Angel you're breaking my heart real quick." he fake his pained expression, acting so hurt.

Damn, ang laswa.

"The fvck Velasco! Move your ass out of here." matigas na boses na ani Drake.

Nanlaki ang mata ko sa biglaan niyang pagsalita. He's voice is not loud just enough for all of the people in the table to hear.

I weakly smiled at them when I saw their ogle stares. Pinandilatan ko ng mata si DenMark who looks unbothered by the attention we get.

Mula sa ilalim ng lamesa, hinawakan kong muli ang kamay ni Drake. He needs to calm down.

"Please leave our table alone DenMark, huwag ngayon."

Marahan kong pinisil ang kamay ni Drake para kumalma siya. I looked at him and smile hoping to ease his tension. He then sighed and intertwined our hands together.

"I am not doing anything wrong here Angel, kung tutuusin itong pinsan mo ang halos patayin ako sa sama ng tingin." muli siyang humalakhak na nagpainit sa ulo ko.

Why can't he just leave us alone? Ganun ba kahirap ang salitang iwanan kami? We are starting to catch attention, lalo pat malapit kami sa stage.

Palihim kong nilibot ang tingin at tama nga ako, most of them are already looking at us.

This is partly why I want to go home as early as we could. I couldn't afford seeing some of their eyes full of judgment. Dahil karamihan sa mga dumalo ay schoolmate namin, at alam kong sa kabila ng mga ngiti nila ay ang kanilang mga husga. Especially those who knows we're cousins.

"You-"

Naputol ang sasabihin niya nang muling nagsalita ang emcee. She introduced us to the band group that'll serenade Gwen. Tatlong kalalakihan ang pumunta sa harap at nagpakilala.

Wala doon ang atensyon ko kundi sa dalawang lalaki sa gilid ko. I inhaled a large amount of breath seeing DenMark grinning wildly. He cocked his head sideways, still wearing his infamous smirk.

"Well then, have a blast Angel and.."

I swear kung hindi lang marami ang tao baka kanina ko pa siya nakatikim. I don't really like his guts. At hindi ko alam kung ano ang problema niya sa akin at patuloy akong pinipiste.

"Damascus, you have a very pretty cousin, might as well befriend with her 'nu?" mariin akong pumikit at humigpit ang hawak sa kamay ni Drake. I can feel his body tensed.

Bakit ba siya nagpupumilit na maging kaibigan ko? It's not as if he doesn't have any friends. Kung tutuusin sobra pa nga.

"In you're fucking dreams Velasco! Huwag kang magkakamaling galawin siya" may pagbabantang saad ni Drake.

Mas lumaki ang ngisi ni DenMark. What does he really up to?

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Calm down Drake!

I glared at DenMark and he looks unaffected as he only shrugged his shoulder.

"Umalis ka nalang please." I beg again, hindi ko na ma-apreciate ang ginagawang pagkanta ng isang sikat na banda dahil sa ginagawa niya.

"Okay, see you around Angel." Still grinning, he stormed out of our table.

Napahinga ako ng maluwag.

I never thought something like this would happen. Buong akala ko hindi kami guguluhin ni DenMark dahil birthday mismo ng kapatid niya, pero hindi pala.

Pareho kaming tahimik na nakaupo, ramdam ko ang mabigat niyang paghinga. Hinimas himas ko ang kamay niya para kumalma.

After the song, sumunod ang pagbibigay ng mga regalo. Tumayo na kami bago maglakad sa gitna kung saan naroon si Gwen at ang magulang niya.

"Are you okay?" I mumbled.

His hands were inside his pockets as we made our way to Gwen. Seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin lang sa harapan.

"Yeah, let's make this fast. I don't want to stay here any longer." aniya sa baritonong boses.

Tumango ako. Gusto na ring makaalis. Kung hindi lang dahil kay Benj hindi ako nandito ngayon. He's so hard to resist. Ayaw ko siyang biguin, at isa pa hindi ko inaasahang mangyayari iyon. DenMark was so ass to ruin our moment.

Mahaba ang pila para sa pagbibigay ng mga regalo. Good thing nauna kami kaya hindi kami matatagalan.

I jerked when someone bumped on my shoulder. Nanlaki ang mata ko pero agad ding kumalma ng makitang si Benj lang pala.

"May after party tayo bebe, sama ka?" he asked. His eyes full of hopes.

Nalungkot ako dahil hindi ko iyon magagawa. Kahit sinabihan ako ni tita na pwede akong sumama, I can't find the energy to enjoy.

"I'm sorry but I can't. Aalis na kami kapag nabigay ko 'to."

I weakly smiled and showed him the paper bag in my hand. Drake remain silent but I know he's all ears.

"Ang aga naman! Come on Angel, let's have fun. Diyan lang naman tayo sa bar na pinuntahan natin." Sambit pa niya.

Uminit ang pisngi ko ng maalala ang nangyari noong huling punta namin sa bar. Hindi ko pa iyon naku-kwento sa kaniya, at wala akong balak. That was private.

Umusog kami ng matapos ang nasa unahan. Pagtingin ko sa nakita kong tatlo nalang at kami na.

Binalik ko ang tingin kay Benj na ngayon may malawak ng ngiti, hinihintay ang magiging sagot ko.

"Pasensiya na talaga Benj, hindi talaga pwede." bumagsak ang balikat niya sa narinig.

Tama nang dumalo na kami sa party, wala din naman akong ibang kakilala bukod sa kaniya. Hindi pa'rin ako mag e-enjoy.

Nang matapos ang nauna sa amin, agad kaming umabante. Benj walked with us.

"Sige hindi kita pipilitn." pagsuko niya.

He looked over me, to Drake. Nakita ko ang pagtango niya dito, bilang pagbati.

"Kung magbago man ang isip mo, alam mo naman kung saan ang bar right?" pag hirit pa niya. Natawa ako saka tumango.

Nang nasa harapan ko na si Gwen at ang magulang niya, literal na umawang ang labi ko. Na agad ko 'ring tinikom.

Gosh!

I was so starstruck. Ang ganda niya lalo na sa malapitan. Kung hindi pa ako kinurot ni Benj hindi ako makakabawi.

Napakurap kurap ako saka humigpit ang hawak sa regalo. Bigla akong tinablan ng hiya ng makitang nakatingin na pala silang lahat sa akin. Gwen's father looks so strict as he stood beside his daughter. Habang ang mama niya ay nakangiti.

Focus Angel, nakakahiya ka!

Napalunok ako. Hindi alam ang sasabihin.

"Relax baby, they won't eat you."

I shivered when Drake whispered on my ears. Paglingon ko ay may munting ngiti na sa kaniyang labi bago ko naramdaman ang paghawak ng kamay niya sa libreng kamay ko. Not minding if someone might see him. Pero wala na doon ang atensyon ko.

He squeezed it lightly making me close my eyes and took a deep breathe. Nagmulat muli ako ng mata at buong lakas na nagsalita.

"Happy birthday Gwen, welcome to the club."

I smiled and give her my gift. Ngumiti siya pabalik, showing us her booth dimples. Ang lalim niya at ang ganda niya..

Tinanggap naman niya ang regalo ko at nagpasalamat. Akala ko aalis na kami pero ganun nalang ang gulat ko ng biglang masalita ang papa niya.

"How's your dad hijo? I've sent him an invitation but sadly he declined." bumaling ang tingin ko kay Mr. Rodrick.

I was confused first kung sino ang tinatanong niya pero nang sumagot si Drake, doon ko napagtantong magkakilala sila.

"He's fine tito, may pinagkakaabalahan lang sila lately." he answered with full of respect.

Magkakilala sila, but how come ganun nalang ang tratuhan nila ni DenMark? And Drake called him tito, so ibig sabihin malapit ang pamilya nilang dalawa.

I study Mr. Velasco's features and he looked exactly like DenMark. Hindi maipagkakailang magkadugo nga sila. His eyes and nose plus his lips.

"Send my regards to your parents hijo. Sayang at hindi sila nakadalo." sabi naman mama ni Gwen. Magkamukha din silang dalawa. Both has soft features and chinky eyes.

"I will tita," sagot niya pabalik, nanatili akong tahimik sa gitna nila.

I glance at Gwen whose smiling widely at Drake. My brows furrowed. Pansin ko 'rin ang pamumula ng pisngi niya na hindi nagawang itago ng make-up niya.

"Happy birthday Gwen." Drake said next.

Shock is not the right word to describe what I feel when he grab something on his pocket. A color blue box and handed it to Gwen. She then accept the small box without hesitations.

It's nothing since it is only a gift and that is supposed to be normal, but why does I felt betrayed? Maraming beses ko siyang tinanong kung bibili ba siya ng regalo lalo na noong bumili kami. But he said no, hindi naman daw kailangan..

"Thank you, nag-abala ka pa. I thought hindi ka makakapunta, since you said you were busy when I invited you the last time." I feel my world stop with Drakes low chuckles.

Biting his lower lip, he shake his head.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top