CHAPTER 21
Invitation
Nagising ako kinabukasan dahil sa paulit-ulit ng tunog ng cellphone. I groaned and tried to cover my ears but it was no use. It keeps on ringing nonstop! Mabigat ang talupak ng mata ko bago dahan-dahang dumilat. I was then welcomed with an unfamiliar ceiling painted with color gray. Habang ang sa akin ay color yellow so malamang hindi ako nasa sariling kwarto.
I tried roaming my eyes everywhere, and the place is somewhat familiar. Napahawak ako sa sentido ng maramdamang kumirot iyon.
Damn hangover!
Napakislot ako ng may maramdamang mabigat na brasong nakadagan sa may bandang tiyan ko. Ang bango din ng taong katabi ko. Wait what?! May katabi akong natulog sa isang estrangherong silid?
My eyes widen in fraction. Biglang nawala ang antok ko at nilingon ang nagmamay-ari ng maskuladong kamay na sumasakop sa maliit kong tiyan. My world seems to stopped for a moment. I blinked and swallowed hard. Ilang beses kong pinikit ang dalawang mata ko, nag babakasakaling na mamalikmata lang ako. But heck! My own orbs are not making fun of me. He’s sleeping soundly. Bahagya pang nakaawang ang mapupula niyang labi. At hindi siya humihilik!
Uminit ang pisngi ko ng maalala ang nangyari kagabi. Ako pa mismo ang nag-udyok sa kaniyang hawakan ako. I can clearly recall what I’ve done last night. And it was the most embarrassing night I’ve ever had.
OMG Angel!
Bumalik sa alala ko ang kagagahang ginawa ko kagabi na parang isang video tape. The kisses, licking, sucking, nibbling and how I chanted his name repeatedly. Lalo nang paglaruan niya ang maselang parte ko. Nanghihinang napasapo ako sa noo. We really did it! He had sex, not just once at hindi ko na nga matandaan.
Payapa siyang natutulog sa tabi ko. Ang matigas niyang braso ay nakapaikot sa baywang ko. He is facing me sideways. I let out a sigh. What now? Paano ako aarte sa harapan niya? Hiyang-hiya ako lalo pa’t malinaw sa isip ko ang nangyari. He didn’t force me, I willingly give myself to him. At wala akong pinagsisihan doon.
It’s just.. I don’t know how to act in front of him.
"Good morning," he greeted me with his hoarse voice.
Nakapikit pa ang isa niyang mata. Hinigit niya ako papalapit at siniksik ang mukha sa leeg ko. We are covered with a comforter. Ramdam kong pareho pa kaming hubad sa ilalim nito. Mas malala dahil may bagay na tumutusok sa kanang hita ko.
"M-May tumatawag sa’yo, kanina pa tumutunog ang cellphone mo." The ringtone is not mine, so probably sa kaniya iyon.
"Hmmm.." he nuzzled in my neck. Medyo nakikiliti pa ako sa pagtama ng hininga niya sa balat ko.
Tumikhim ako, sinubukan kong igalaw ang binti para maiwasan ang bagay na patuloy tumutusok kanina pa, na nagpangiwi sa akin.
"What’s wrong?"
Nakatingala na siya sa akin habang bahagyang kinukusot ang mata. Pinikit ko ang mata bago huminga ng malalim.
"I.. I can’t move Drake." Maluha-luha kong tinuran.
Ramdam ko ang panlalambot ng buong katawan ko. Kahit siguro pag-upo hindi ko makakaya sa kalagayan ko ngayon. Para akong nasagasaan ng malaking truck.
Ang sakit ng buong katawan ko! Especially in my private part.
Napaahon siya bigla at sinuri ang mukha ko. I held the comforter firmly and covered my expose boobs. Nakaupo na siya ngayon at lantad ang maskuladong dibdib. Ang ibabang bahagi lang ng katawan niya ang natatabunan ng kumot.
"I said I can’t move! Hindi ko sinabing masakit ang mukha ko!" inis kong singhal.
Napangiwi siya sa naging sigaw ko. Nagkamot siya sa batok bago mag-iwas ng tingin. Kitang kita ko ang pamumula ng leeg niya.
"Paano ako makakauwi nito? Baka nag-aalala na sila tita."
Sinubukan kong umupo pero nabigo ako. Napabalik ako sa pagkakahiga ng kumirot ang gitna ko. Damn!
Hindi ko maiwasang mapahikbi. Hindi ko makaya, ang sakit... sakit. Mas malala pa ito ng ipasok niya ang kaniya kagabi.
"Hey.. don’t cry baby.. sshhh." nataranta niyang hinawakan ang mukha ko.
Guilt was written all over his face.
"I’ll tell my mom that you can’t make it today. You’ll stay here for the rest of the weekend, okay? Tahan na.." malambing na aniya.
Napapikit ako ng halikan niya ng paulit-ulit ang mukha ko. He gilave my face tiny kisses na parang inaalis ang sakit na nararamdaman ko.
"Kasalanan mo ‘to." hindi ko maiwasang suntukin bahagya ang dibdib niya.
My body aches like hell, sumabay pa ang ulo ko. Napalabi ako. Humigpit ang hawak ko sa comforter ng makitang halos nakadagan na siya sa akin.
He nodded like he understand my rants. "Yes, baby I know.. what do you want hmm?" masuyo niyang hinalikan ang ulo ko.
Gano'n lang, biglang nawala ang inis na nararamdaman ko sa kaniya. Kung bakit ba naman siya malaki, ‘di sana hindi ganitong halos biyakin ako ng buhay.
"I want to pee." I pouted. Kanina ko pa gustong maihi pero halos hindi ko nga magalaw ang buong katawan ko.
"Alright," Ngumiti siya bago walang pasabing umalis ng kama. Napaiwas ako ng tingin. Kahit nakita ko naman ang lahat sa kaniya, hindi ko pa’rin maiwasang mailang.
I can feel my cheeks blushing seeing his round ass. Pumunta siya sa cabinet na walang kahit anong saplot. Pagbalik niya nakasuot na siya ng puting boxer at plain shirt.
"Let me carry you,"
Napakagat labi ako ng maramdaman ang mainit niyang kamay sa likod ko. He crouched down on my side.
"Teka wala pa akong damit!" I hissed when he tried to move me out of the bed.
Tumaas ang kilay niya "Nakita ko na lahat yan, wala ka nang dapat itago." I glared at him and slightly punch his hard chest.
Nanatili akong nakahiga habang nasa likod at may binti ko na ang dalawa niyang kamay.
"Kahit na, damitan mo muna ako!" Sinamaan ko siya ng tingin na ngayo’y may pilyong ngisi sa labi.
"Baby you don’t need to be shy. Mas maganda ka nga kapag walang damit." may pilyong ngisi sa labi niya.
Naiinis kong pinalo ang braso niya. Ramdam ko ang init ng pisngi ko sa kahihiyan. Ang galing niya talagang mang-asar. Nang makitang halos magkulay kamatis na ako, natatawa siyang lumayo at pumunta sa malaki niyang closet. Hinabol ko lang siya ng tingin. Nang bumalik may dala na siyang puting t-shirt.
"Here," sabi niya sa matigas na boses.
Inirapan ko siya bago abutin ang damit.
"Walang underwear?" pahabol ko.
Sinesyahan ko siyang tumalikod. Napailing siya, pero sa huli tumalikod na rin.
Binababa ko ang comforter na nagtatakip sa hubad kong katawan at pinalitan ng binigay niyang damit. Malaki sa akin, obviously dahil ang laki niyang tao. Kapag tumayo ako, siguradong aabot hanggang hita ko.
"There’s no need if you’re going to pee," nakasimangot na sagot niya.
Hindi nalang ako sumagot. Binuhat niya ako ng may pag-iingat. Na parang natatakot siyang madagdagan ang sakit na nararamdaman ko.
Pinaikot ko ang braso sa kaniyang leeg hanggang marating namin ang banyo na nasa loob lang din ng kaniyang kwarto. Malawak ang loob, may salaming naghihiwalay sa bathtub, shower at toilet. Marmol ang sahig at salamin naman ang dinding. Agad niya akong binaba sa toilet, napakislot pa ako ng sumakit ang gitna ko nang tuluyan akong mapaupo dito.
"Sige iwan mo na ako dito," pagtataboy ko.
I don’t want him seeing me peeing.
"Will you be okay?" tanong niyang puno ng pag-aalala. Tumango ako.
Ramdam kong gusto nang lumabas ng nasa loob ko. Naninigurado niya akong tinignan. Tumango ako ulit ako.
He sighed heavily, before turning his back on me. Napahawak ako sa dingding ng unti-unti kong pinakawalan ang kanina pang nakaipon sa loob ko. My forehead suddenly creased in pain.
Hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng halos lumuwa ang lalamunan ko sa sigaw.
"Argh! Damn! Drake come back here!" impit kong sigaw.
--
Weekend passed like a blur. Sa loob ng dalawang araw na ‘yon, wala akong ibang ginawa kung 'di ang humilata sa kama. Drake never left my side, palagi niya akong hinahatidan ng pagkain at hindi ako pinapalabas ng kwarto. Kahit ang tumayo ay bawal. Which is a great help. Grabe ang sakit ng katawan ko, para akong binugbog ng ilang katao.
May bumisitang doctor para I-check ang private part ko. Luckily, babae siya at hindi naging mahirap ang ipakita ang masilang parte ng katawan ko. Ni-resitahan niya ako ng gamot at si Drake na mismo ang bumili.
Hindi na rin ako nakauwi sa mansyon. Dinahilan ni Drake na may sakit ako, na totoo naman. He just escaped the part of the reason why I got sick all of the sudden. Sa sumunod na araw, bumisita si tita na may dalang soup at ibang putahe. She was so worried, at sinisisi pa ang sarili.
"Your mother entrusted you to us, and look what happened."
That’s her reason but I told her I’m okay and she has nothing to do about this. Umalis agad siya ng maghapon.
Si Drake naman ay palaging sa kwarto nag-aaral. Minsan may meeting siya online dahil ayaw niya akong iwanan. Kahit anong kumbinsi kong maayos naman ako, in fact hindi naman siya magtatagal at agad uuwi. Mas pinili niyang online meeting nalang daw.
Ngayon, nakakatayo at nakakalakad na ako, 'yon nga lang paika-ika pa.
Lunes at may pasok ako. Katatapos ko lang maligo at nakasuot na ng school uniform. Nang bumisita si tita, ginawa iyong pagkakataon ni Drake para kumuha ng iilang damit at gamit ko sa mansyon.
Napatingin ako sa pinto ng marinig ang pagbukas no'n. Niluwa nito si Drake na busangot ang mukha. May dala siyang tray na may lamang pagkain.
"You don’t have to do this. I told you, kaya ko nang makapaglakad."
Binaba ko ang suklay sa kaniyang lamesa bago dahan-dahang magkalad sa sofa. Nilapag niya ang dalang tray sa center table. Umupo naman ako nang maayos, habang pinaghahain niya sa harap ko ang linutong bacon, fried rice at sunny side-up egg.
Nagsumikap siyang manood ng youtube tutorials kung paano magluto. Nakakatuwa ngang sa mabilis na panahaon, nakakapagluto na siya ng iba’t-ibang putahe.
"Thanks,"
I said and kiss him on the cheeks. Napangiti siya bago ako tabihan sa sofa. Katulad noon, isang plato parin ang gamit namin. Ang kaibahan lang, simula nang magkasakit ako siya na ang nagsusubo sa akin.
"I told you, you can skip your class for this day. Magpahinga ka na lang."
Sabi niya habang naghihiwa ng bacon.
Sinubukan kong agawin ang tinidor at kutsilyo pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Meaning, huwag akong makulit.
"Maayos na ang pakiramdam ko. Ikaw lang naman itong ayaw maniwala."
I rolled my eyes and open my mouth when he place the spoonful of rice and bacon in front of my mouth.
"Better to be safe than sorry baby." Aniya, napailing ako.
"Eh, maayos na nga ako, I don’t want to be absent and missed any lesson. Mahirap mangapa kung tanungin man ako ng prof at wala akong maisagot." inabot ko ang baso ng tubig.
"I will asked someone to lend you notes for the day." Muli akong napairap sa naging sagot niya.
Hindi pa naman ako mahilig manghiram ng notes, mas panatag ako kung gawa ko mismo.
"Basta papasok ako ngayon, period." humaba ang nguso niya na nagpatawa sa akin.
---
"Beb sinong naghatid sa’yo last Friday?" bungad sa akin Benj pagpasok ko sa room.
Umupo ako, para akong naglakad sa desyerto. Paika-ika akong naglalakad pero ‘di naman masyadong mahahalata. Kinuha ko ang panyo sa loob ng bag at pinunasan ang pawis sa noo.
"Pasensya na Benj, hindi kita naabutan sa couch ng bumalik ako galing CR, at ahmm..." I trailed,
Contemplating if I would inform him about Drake or not. Nang makita ang kuryoso niyang tingin, napabuntong hininga ako.
"S-Si kuya Drake.. sinundo ako ni Kuya Drake." Nag-iwas ako ng tingin, at kunwaring may sinusulat.
"Ay gano'n, ‘di mo man lang ako tinext akala ko may nangyaring masama sa’yo." nakapangalumbabang aniya.
Mariin akong pumikit. Nakalimutan ko na naman ang planong itext siya nang gabing ‘yon. Si Drake kasi, nilibang ako…
"I’m sorry. Nagalit kasi sa akin si kuya Drake.. at kinailangan ko pang suyuin." alanganin akong ngumiti.
Naningkit ang mga mata niya. Kinakabahan ako baka hindi niya tanggapin ang reason ko at magalit din sa akin. Pero nang makita ko ang ngiti niyang nakakaloko pagkalipas ng ilang sandali, napahinga ako ng maluwag.
"Ang laking tao na ng kuya mo, talagang sinuyo mo pa!" tumawa ito.
"Matampuhin kasi 'yon.. ahh tiyaka hindi ako nakapagpaalam, pinag-alala ko pa sila." Pagpapaliwanag ko, mabuti nalang at naintindihan niya.
Tumango siya. May linapag siya sa lamesa kong mukhang invitation card.
"Eighteenth birthday ng pinsan ko, punta ka ah." nalilito kong kinuha ang kulay pulang sobre.
Kinuha ko sa loob ang card at nakita ang pangalang Gwen Velasco, ang date ay sa makalawa na.
"Why?" wala sa sariling tanong ko.
I don’t even know her, tapos ngayon invited ako sa birthday niya? Hindi ko pa nga siya nakikita.
"Because I invited you?" patanong niyang sagot.
Sinimangutan ko siya.
"Yeah but I don’t know her, baka mamaya hindi alam ng debutant at ma outcast ako roon."
Kinuha ko ang card at nilahad sa kaniya. Umiling siya bilang pagtanggi.
"Ano ka ba! Kahit tignan mo ang nakasulat, pangalan mo 'yan. Sinabi ko na rin sa kaniya, at ayos lang. Pasaan pa’t nag paparty siya kung ‘di rin tatanggap ng bisita."
Natawa ako. Wala namang mawawala kung susubukan ko. In fact mas mabuti nga ito at malilibang ako. Isa pa, nandoon naman siya, may kakilala ako.
"You can invite your cousin. Para naman may escort kang papi diba." he said then winked.
Napailing ako, he’s really a fan of Drake. Sa huli, tinanggap ko nalang ang invitaton at linagay sa bag. Hindi nagtagal dumating ang prof.
The class went smoothly. Wala pang masiyadong pinapagawa except for assignments and advance reading.
Nang mag lunch, nagulat ako nang makita sa labas si Drake na may dalang pagkain. Which is galing mismo sa cafeteria. Papunta na sana kami ni Benj ng mabungaran sya sa labas ng pinto.
Nanatiling tahimik si Benj sa gilid ko habang nasa harapan namin ang idol niya.
"Binilhan na kita ng pagkain, ubusin mo yan." uminit ang pisngi ko ng walang pag-aalinlangan siyang lumapit at linahad ang biniling pagkain. Naka pack-lunch iyon.
Tutok ang mata niya sa akin, hindi man lang binibigyan pansin ang katabi ko. Kami nalang ang natitira sa classroom na malaking pinagpasalamat ko.
He urged me to take the food in his hands. Napalunok ako bago dahan dahang itong inabot.
"Thanks, uh."
Nag-aalala akong tumingin kay Benj. He is unusually quiet. Noon halos mangisay siya sa kilig tuwing nakikita si Drake pero ngayon nakaiwas ang kaniyang tignin at bahagyang nakakunot ang noo.
"H-Hindi n-niyo naman po.. kailangan gawin ‘to. Kaya ko pong bumili ng sariling pagkain k-kuya." tumaas ang sulok ng labi niya.
Pinandilatan ko siya ng mata. What if may ibang nakakita? We should be careful, hindi itong pasulpot sulpot siya.
"Hindi ka pa tuluyang magaling. It’s my responsibility to take care of you, and I see nothing wrong with giving you foods." straight niyang sagot.
Napabuntong hininga ako. Kahit anong sabihin ko, hind ako mananalo sa isang soon to be lawyer.
Tumaas ang kilay niya ng makita ang pagkabalisa sa mukha ko.
"I’ll be going," he said after a while.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Isang tango ang binigay niya sa katabi ko bago tuluyang tumalikod.
I bite my lip and look at the food on my hand. Nasa ganoong akong posisyon ng marinig ang pagtikhim ni Benj. Nanlaki ang mata ko sa kaba.
He narrowed his eyes on me, na parang binabasa ang nasa isip ko.
"Ah.. I-I was sick yes.. this ahm.. weekend, he’s just worried typical cousin." I chuckled to hide my nervousness.
Kinakabahan ako sa bigat ng tingin niya. Pailalim niya akong titigan, and for a moment hindi ko alam kung siya ba si yung masayahing Benj o hindi.
Mayamaya ngumiti siya bago ako akbayan. Napahinga ako ng maluwag, akala ko malalaman na niya.
"Wala naman akong sinasabi.” tumawa siya "Halika na lang sa loob, ako nalang ang pupuntang cafeteria para bumili ng pagkain. Hintayin mo nalang ako."
Nakatulala lang ako ng marahan niyang guluhin ang buhok ko. Nakangiti pa’rin siya ng magaan.
Hinayan ko siyang tangayin ako pabalik sa upuan. Napatingin pa siya sa pagkaing nasa harapan ko at kapansin pansin ang lalim ng buntong hininga niya.
Iyon nga ang nangyari. Naghintay ako hanggang bumalik siya at sabay kaming kumain. Ang awkward lang dahil hindi niya ako kinukulit. Paminsan minsan ko siyang pinagmamasdan na mukhang may malalim na iniisip.
Hindi siya ganito. Hindi ganito si Benjie.
Nang matapos ang klase sa hapon, akala ko hindi na muli akong kikibuin katulad ng dati ni Benjie pero napahinga ako ng malalim ng bumalik siya sa dating sigla.
"Bebe library tayo?" nakangiting sabi niya.
I fake my shock expression and covered my mouth with my hand. He pouted at my reaction.
Paalis na kami ng room. Pabiro naman niyang sinabunutan ang buhok ko, pero ‘di naman masakit.
"Gaga, tuwing Wednesday at Friday na lang ang practice ng mga players. Nabago schedule, kabanas! Mas mabuting magbabad muna tayo sa libro." mahaba niyang litanya.
Saktong bukas ang elevator kaya ‘di na kami naghintay pa ng matagal. May dalawang student ang nasa loob na.
"Okay, mas maganda nga ‘yon."
Tumabi kaming dalawa sa kanila. Mamaya pa matatapos ang klase ni Drake. Naisipan kong magpasama sa kaniya para bumili ng regalo sa pinsan ni Benj. Nakakahiya naman kung pupunta akong walang dala. Natanong ko na siya kung ano ang paborito ng pinsan, sabi naman niya kahit ano lang daw.
Nang bumukas ang elevator, bumaba na kami ni Benj at dumiretso sa locker para ibalik ang libro. Pagkatapos, pumunta nga kami sa malaking library ng university.
Kumuha kami ng tig-isang libro. Ang sa kaniya ay isang romance novel na naman. Napailing ako at ‘di nalang nagsalita.
Naupo kami sa lamesa malapit sa mga shelves ng libro. Tahimik kaming nagbasa. Sa sobrang tutok ko sa librong binabasa, hindi ko namalayan ang paglapit ng isang tao.
Nagtataka akong nag-angat ng tingin sa bulto ng lalaking nasa gilid namin. Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita siya..
"Surprised?" nakangisi niyang tinuran.
Napakurapkurap ako sa pagbabakasakaling namamalikmata lang ako. Ang lalaking kasama nila Jayson noong nakaraan, at ang muntik ng masuntok ni Drake noong kumain kami sa restaurant.
Ang blockmates ni Drake. So isa lang ang ibig sabihin, tapos na ang klase nila. Or kung hindi man baka nag cut lang siya.
"Anong ginagawa mo dito?"
Mahina ngunit may diin kong tanong. Nakakunot noo naring nakatingin sa kaniya si Benj. Mabuti nalang at ‘di niya kasama ang kabarkada niya. Pero hindi parin ako natutuwang nandito siya.
Mahina siyang natawa bago walang pasabing umupo sa katabi kong upuan. Umusog ako papalayo. Hindi kami close para tabitabihan niya ako.
"Grabe ka sa akin Miss, syempre studyante din ako. Gusto kong magbasa ng libro kaya nandito ako."
Ang ngisi niya ay hindi parin nawawala.
"Umalis ka, ang dami ng lamesa oh huwag mo kaming isturbuhin.”"
Inirapan ko siya na nagpalaki ng kaniyang ngisi. Napatingin ko kay Benj na tahimik parin hanggang ngayon. Nakatitig lang siya sa lalaki. I forgot his name, sa pagkakatanda ko nagsisimula sa D ang pangalan niya.
Hindi naman maipagkakailang may itsura ‘rin ang isang to. Kaya ‘di nakakapagtakang maging crush niya ‘rin. it’s just that, ayaw ko sa ugali niya. Masiyadong mayabang ang dating sa akin.
"Sungit mo talaga Miss, kaya gustong gusto kita eh."
Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan sa sinabi niya. Nakangiti siya sa akin ng labas ang ngipin.
I looked at Benjie, asking for help.
Parang doon lang niya napansing may kasama ako.
"Woah nandito ka pala bro." The guy bedside me said.
"Nabigay mo na ba ang invitation niya sa birthday ni Gwen?" agad nitong tanong.
Umawang ang labi ko sa narinig. Kilala niya ang pinsan ni Benj?
Tumango naman si Benj bago balingan ako ng tingin.
"He’s DenMark, half brother ni Gwen." pagpapakilala niya.
Humalakhak ang katabi ko. So it’s DenMark..
"Aww I’m so pleased. Talagang pinakilala mo ako sa magandang dilag na ito." hindi ko siya pinansin.
Nakatutok lang ang mata ko kay Benj. Hindi ko alam na matagal na pala niyang kilala ang taong ito.
"Actually kilala na niya ako pare, in fact kaibigan na nga niya ako." he blurted out.
My eyes brows shut up. He’s spitting nonsense. Kailan ko pa siya naging kaibagan?
I looked at him, completely annoyed.
"I don’t remember you, being my friend." masungit na sagot ko.
Ang mata niya ay puno ng aliw na nakatitig sa mukha kong binagsakan ng langit at lupa. I have a lot of questions in my head.
How come kilala pala niya si Benj pero hinayaan lang pagtawanan ng kabarkada niya?
Tumunog ang cellphone kong nasa tabi ng libro ko sa ibabaw ng lamesa. Lumabas ang pangalan ni Drake, kaya agad ko itong hinablot at pinatay.
Naabutan kong nakatingin si DenMark sa phone ko habang si Benj blanko ang mukhang nakatitig lang sa akin.
Madami akong tanong sa kaniya, but for now I will keep my mouth shut. Alam kong naghihintay na sa kotse si Drake.
I gather my things and stood up. Nakatingin silang dalawa sa akin. DenMark has a smirk playing on his lips while Benj was eyeing my action
"Mauna na ako sa inyo. Bukas nalang ulit Benj." ngumiti ako sa kaniya at sinuklian naman niya ako ng tipid ng tango.
Hindi ko na pinag-abalahang tignan si DenMark. Binalik ko ng maayos ang hiniram na libro.
Ngumiti ulit ako kay Benj ng dumaan ako sa pwesto nila. Magiging maayos lang siguro siya kasama ang isang ‘to. Since magkakilala lang naman pala sila.
Bago ako tuluyang makalayo, narinig ko pa ang sinabi ni DenMark na nagpatigil sa hakbang ko.
"Ikumusta mo ako kay kuya Drake mo ah?"
May kung ano sa paraan ng pagtawag niya ng kuya Drake. Pagkatapos malakas siyang tumawa, na naging sanhi para sitahin siya ng librarian.
Pinagkibit balikat ko nalang ‘yon at agad umalis. Tinext kong sa loob nalang ng kotse si Drake maghintay.
Hindi naman lingid sa kaalaman nilang sa kaniya ako sumasabay sa pag-uwi at pagpasok. Alam nilang magpinsan kami..
Pagdating ko sa parking lot, dumiretso ako sa kotse niya saka naupo sa passenger seat. Nasa driver seat na siya, pansin kong masama ang timpla ni Drake. His eye brows were furrowed and the way his perfectly angled jaw clenched proves my claim.
Nilagay ko sa backrest ang bag. I put my seatbelt on and gaze back at him. Nakatutok parin ang kaniyang mata sa daan. Hindi man lang ako nagawang tignan.
Napanguso ako bago hawakan ang kamay niyang nasa gilid. Doon siya natauhan at lumingon sa akin. His seriousness immediately vanished. He warmly smile at me before putting my hand on his lips and kiss it.
My heart pounded. In just his simple touch, yet he already gave me butterflies on my stomach.
"May problema ba?" malumalay kong tanong.
Ang malamlam niyang mata ay dumako sa akin. Mas bumilis ang tibok ng puso ko sa paraan ng pagtingin niya. Paulit-ulit niyang hinahalikan ang kamay ko.
Hindi parin umaandar ang kotse niya. Kampante akong walang makakakita sa amin dahil heavily tinted ang sasakyan niya.
"Nothing. Na miss lang kita."
I chuckled. Kinagat ko ang loob ng pisngi sa kilig. Gosh! Pabigbigla siya ah.
Natawa siya bago dumukwang at mabilis akong halikan.
He started the engine while still holding my hand.
"Are you fine now? Does it still hurt?" he asked full of worries.
Nakatingin ako sa dinadaanan namin.
"I’m okay, masiyado kalang OA!" inikutan ko siya ng mata.
Para siyang tatay kung mag-alala. Halos hindi na nga mabilang sa daliri na sinabi kong maayos na ako. Tapos heto panay pa ang tanong.
"Okay, that’s good to hear."
Naningkit ang mata ko ng makita may mapaglarong ngisi sa labi niya.
"And why are you smiling?"
He bite his lower lip before gazing at me through the rearview mirror.
Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon niya.
"I’m just glad you’re fine now." sagot niya pero may mapaglarong ngisi sa labi.
Napasinghap ako bago umiling. Hindi ko talaga maiintindihan ang takbo ng utak niya.
Instead of arguing, I close my eyes. I need some sleep, but I can’t. may trabaho pa akong dapat gawin pagdating sa bahay. Though, it’s not that heavy kailangan ko paring mag pokus. Makakabawi pa naman ako ng tulog, but my grades? I doubt.
I open my eyes when the car stops. Nasa garahe na kami ng kanilang mansyon.
Inabot kong muli ang bag sa likuran. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakatigin na’rin na pala sa akin.
I smiled and crouched down. I kiss him on the cheeks "Good night."
His lips turn ups. Aalis na sana ako ng hawakan niya ang pangga ko at pinalalim ang halik.
I open my mouth and hungerly accept his kisses. Napawak ako sa balikat niya ng sipsipin niya ang ibabang labi ko.
"I’ll see you later." he said when he let me go. Kumunot ang noo ko, but he just playfully winked at me.
Nang marating ang kwarto. I washed myself first, and did my evening routine. Nang tawagin ako para kumain, agad akong bumaba.
Nakaupo na ako sa study table at gumagawa ng assignments habang nakikinig sa recorder ng makarinig ng katok sa pinto. My brows shut up, I am not expecting anyone visiting me at this hour. However, thinking that it could be tita..
Inayos ko muna ang nighties na suot bago buksan ang pinto.
Umawang ang labi ko ng makita si Drake, his manly scent invaded my nostrils. Bagong ligo.
Bumaba ang tingin ko sa dala niyang libro at ilang highlighter pen.
"What are you doing here?" I trailed
Ngumisi siya at walang pasabing pumasok. He locked the door behind before smirking.
"I’m here to study, chill."
My eyes narrowed. Study huh?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top