CHAPTER 18
Kiss
Naging mabilis ang paglipas ng mga araw. Dalawang linggo na ang lumipas mula noong nangyari sa condo unit ni Drake. Yep, hindi ko na siya tinatawag na kuya, cuz everytime I would call him that, he would always kiss me! I am not complaining at first, pero nang tumagal pinagbantaan niya akong hindi lang halik ang ibibigay niya if ever he will hear me calling him kuya. Natakot naman ako, kaya hindi nalang ako umulit.
After the incident, we are now officially couple. I know mali itong ginagawa namin, at kung titingnan sasabihin madali akong bumigay. Pero sabi nga nila, we only lived once. We can’t waste time if we feel the same way towards each other.
I like him and he likes me back. Can’t we be true to ourselves for once?
Kahit gano'n maingat pa rin kaming hindi mabisto nila tito. Sometimes, pagtapos na siya sa readings at kahit busy siya lalo na ngayon, ako nalang ang pumupunta sa condo niya. Lumipat na siya ilang araw na ang nakakaraan. Minsan naman tuwing bumibisita siya sa bahay, nasa kwarto lang kami.
I’d never thought I would be this happier. I treasure every moment we’re together. It was like a dream. Hindi ko nga namamalayan ang takbo ng oras. Hindi maiiwasang kabahan lalo pa’t sa sitwasyon namin. I exhaled a large amount of breath. Whatever will happen, I know we are on this together. Hindi ako iiwan ni Drake…
Katatapos ko lang maligo and I’m on my nighties when I heard my phone ringing. Kinuha ko ‘yon habang nagsusuklay. I smiled when I saw my mom’s name. I answered it immediately.
["How’s my baby doing?"] bungad ni mommy. Mahina akong napatawa. Umupo ako sa kama habang sinusuklay ang buhok.
Galing ako sa condo ni Drake. Umuuwi pa naman ako, at hindi doon natutulog. Sometimes, we will cuddle in bed and talk about random things. Minsan ‘rin habang may binabasa siya, nasa likuran niya ako habang nasa sahig siya nakaupo. I will then, comb his hair. Hindi naman siya nagrereklamo. If we’re about to eat naman, minsan pinagluluto ko siya. Itlog at pritong manok lang ang alam kong lutuin at syempre kanin. But most of the time, nag-oorder lang kami ng since hindi rin siya marunong magluto.
"I’m fine mommy. How about the two of you?" This past few days, I forgot to call them at night, like the usual.
I heard her deep sigh. ["Ayos lang kami anak. Don’t worry about us."] malambing niyang tinuran.
"That’s good to hear. Magpapahinga po kayo mommy, especially si dad. Don’t stress yourselves—"
["Of course hon. Stop with your lectures."] Natawa ako.
I can imagine her rolling her eyes on the other line.
["I called to inform you that we’ll visit you next week."]
Malawak akong napangiti. I miss them. Mabuti nalang at naisipan nilang bisitahin ako.
"Great! I’ve missed you so much. Parang gusto ko nang hilain ang mga araw." narinig ko siyang tumawa.
["We missed you too. Wala na kaming maingay dito."] she answered.
Nag-usap pa kami ng ibang bagay. That’s us, hindi nuubusan ng usapanan. Close ako sa kanila ni daddy, I didn’t hesitate telling them my stories and they will listen attentively. May pagkakataon lang talaga at usapin ang hindi ko kayang sabihin sa kanila.
After the call, I blow dry my hair. Hindi ako mahilig matulog ng basa ang buhok. I believe if ever I do that, I’ll get a headache. ‘Yon ang laging sinasabi ni mommy. Kaya nakalakihan ko nalang ang ugaling ito. Pagkatapos, sumandal ako sa headboard ng kama. Napanguso ako ng maalalang hindi ko nakita ngayong araw si Drake. Naging mas busy na siya ngayon kumpara sa nakalipas na araw. I understand, dahil kahit ako mararanasan ko rin yun. It’s just that,
I miss though.
I sighed. Ang clingy ko naman masyado. Parang kailan lang, iwas na iwas ako sa kaniya tapos ngayon, isang araw lang na hindi nagkita nagrereklamo na. Bago ako tuluyang matulog, I texted him good night. Hindi ko na hinintay kong sumagot ba siya o hindi.
Kinabukasan, sumabay ako kina tita kumain ng breakfast. Nasa gitna kami ng pagkain ng biglang pumasok si Drake. Nanlaki ang mata ko, bakit ang aga niya?
"Good morning everyone!" bati niya. Lumapit siya kay tita at humalik sa pisngi.
"Good morning ‘D, kain ka muna." Tita Clarries said with a smile.
Eventually, natanggap na niyang bumubukod na ang anak. On the first week, talagang halos araw-araw niyang binibisita si Drake. Pero nang lumaon, tinatawagan nalang niya ito. That’s when I started coming to his place.
"Sure, nagugutom na rin ako." he answered before grabbing a chair beside me. He smiled at me, at sa tingin ko ngiwi lang ang nasagot ko dito.
I bite my lower lip. Nilingon ko sila tito at tita, napahinga ako ng maluwag ng hindi napansin ang ginawa ni Drake. This is not his usual spot, lagi silang magkatabi ni Dwayne. Pero ngayon..
"Kuya sasabay ako sa’yo ngayon, tinatamad akong mag drive." Dwayne said while looking at his brother.
Sumubo ako ng kanin habang hinihintay ang magiging sagot niya. I know he's here for me, para sabay kaming pumasok. Ayos lang naman na kasabay namin si Dwayne. Sa backseat nalang ako uupo.
"Not going to happen. Don’t be lazy, that’s the reason why cars were invented." Seryosong sagot ni Drake, napasimangot naman ang kapatid.
Hindi nagsasalita sila tito pero alam kong nakikinig sila.
"Tinatamad nga ako kuya. Parehong University lang naman ang pupuntahan natin."" Dwayne reasoned out.
"Angel is going with me, so back off. Umiiral na naman yang katamaran mo." Masungit na sagot ng katabi ko.
Napailing ako, hindi ko pa sila nakitang hindi nagbabangayan. Iyong una sa sandwich ngayon naman ito.
Sabagay, hindi ko nga pala sila madalas makitang magkasama, at kung makita man laging nagsasagutan.
"Come on bro, may sariling driver si Angel." tumingin sa akin si Dwayne, agad akong napatango dahil sa biglaang galaw niya.
I get the glass of water, and drank it straight. Ramdam ko ang tingin ni Drake. "Ayos lang ako D—Kuya, kay kuya Romel nalang ako magapahatid."
Mariin akong napapikit. Muntik na ‘yon. Pumayag ka nalang kasi Drake, kasiya naman tayo sa tatlo kung gusto mong sabay pa rin tayo.
"I said no Dwayne. Bakit ka pa bumili ng sasakyan kung ‘di mo gagamitin?"
Segunda ni Drake.
"Tsk—"
"Boys, stop it. Nasa harap tayo ng pagkain." Malumalay ng saad ni tita na nagpatahimik sa dalawa.
Napailing si Dwayne habang si Drake ay parang walang nangyari.
Napabuntonghininga ako, nitong mga nakaraang araw lagi akong hinahatid sundo ni Drake. Totoong may sarili akong driver sadyang mapilit lang siya.
Aabutin ko na sana ang hotdog ng bigla itong kinuha ni Drake para sa akin. "T-Thanks po kuya,"
pagpapasalamat ko.
Pinandilatan ko siya ng mata, mabuti nalang at busy sila tita sa sariling kinakain. Tumaas ang sulok ng labi ni Drake, mas lalo ko s’yang pinanlakihan ng mata.
"You’re welcome… baby."
Muntik ko na siyang kurutin sa ginagawa. He said the last words without sound, pero alam ko pa rin dahil lagi ko itong naririnig tuwing magkasama kami.
Ang pilyo!
Nakasimangot na sumunod sa amin si Dwayne, hindi talaga pumayag si Drake na sa amin na siya sumabay. Binuksan pa ako ng pintuan bago siya umikot patungong driver seat.
Sinamaan ko siya ng tingin ng sandaling makapasok na s’ya sa loob ng sasakyan.
"What?" natatawa n’yang tanong.
"Stop calling me baby whenever we’re home. Marinig ka pa ni tita." I rolled my eyes before putting my seatbelt on.
We should be careful, baka mamaya palayasin ako nila tita. Or mas malala pa.
"If that is so, then will you also stop calling me kuya?" he negotiated.
Sinimulan n’yang paandarin ang sasakyan palabas ng garahe. Bumusina siya ng isang beses bago tuluyang mabuksan ang kanilang gate.
"Hindi naman kita tinatawag na kuya ah, only lang kung nasa bahay at school tayo." paninindigan ko.
"Then you can’t stop me calling you baby, like how you can’t stop yourself calling me kuya." Rinig ko pa ang pandidiri niya ng bigkasin ang kuya. Na imbes na mainis, natawa ako.
Hmm... him and his ego.
Pagdating namin sa school, hinatid n’ya ulit ako sa classroom katulad ng nakasanayan. Bahagya s’yang lumapit sa akin at pasimpleng hinalikan ang sentido ko. Natawa ako, pabiro ko s’yang kinurot sa tagiliran. Ang tigas ah. Hindi pa naman marami ang tao at nasa parteng dulo kami ng pasilyo.
"I’ll pick you up this afternoon. Let’s go to my place." sabi niya. Nakatingala ako sa kaniya kahit may suot naman akong heels.
"Aren’t you busy? Wala ka ng babasahin?" I asked. Nasa gilid kami ng may bintana. Kung titignan, para lang kaming normal na magpinsang nag-uusap.
"Nah, it’s fine na miss kita eh." he said before chuckling.
Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Well, na miss ko din naman siya. Kaso baka marami pala siyang ginagawa.
"Sige na, pasok ka na." Aniya, tumango ako bago tuluyang pumasok sa classroom.
Nilingon ko ulit siya na hinihintay ang pag-upo ko sa sariling upuan. Both of his hands were on the pocket of his slacks. Nakasuot siya ng long sleeves na puti, katulad ng lagi kong napapansin. Medyo magulo ang buhok na hindi nagpabawas sa kan’yang tindig. I smiled sweetly at him while waving my hand. Napailing siya habang pinipigilan ang ngiti.
Dumiretso ako sa upuan. Nandito na si Benjie na hindi ko na pinagtaka. Lagi s’yang maaga. At nang minsan tinanong ko, nakakapagpaganda raw ng mukha ang maagang gumigising.
Iba talaga siya..
Hindi rin nagtagal, dumating ang aming professor at nagsimulang mag discuss. Tahimik kaming lahat na nakinig hanggang matapos ang klase.
"BENJ, I want carbonara and water please, thank you."
I smiled and gave him my money. Tumango siya at kinuha ang perang nakalahad. Agad s’yang tumalikod at pumunta sa counter. Nasa canteen kami ngayon para sa lunch break. Katulad ng nakasanayan, laging s’ya ang bumibili ng pagkain at naiiwan ako sa lamesa para bantayan ang mga gamit namin.
Medyo maingay ang canteen kumpara nitong nakaraang araw. Hindi ko na din nakikitang magkasama sila Drake at Isabel na kumakain. Kung pumupunta man ang grupo nila dito ay laging sa amin ni Benjie sumasama si Drake. Naalala ko pa ang malaking pagtataka sa mukha ng mga kaibigan niya noon, pero mukhang nagpaliwanag naman si Drake sa kanila.
I looked down on my phone when I felt it vibrating. Nakita kong tumatawag si Drake. Walang pagdadalawang-isip ko itong sinagot.
["Hey baby,"]
Mababaw na boses na aniya sa kabilang linya. Napakagat labi ako, okay Angel. Huwag kang kiligin.
I cleared my throat "Where are you?
Nasa cafeteria na kami." sagot ko.
Rinig ko ang pagbuntonghininga niya. Tinignan ko ang entrance ng canteen sa pag-aakalang paparating na siya. Pero hindi ko siya nakita. Wala din ang mga kaibigan niya.
["I’m sorry baby, we have a meeting at the library now."] he said apologetically.
Napanguso ako, hindi pa nga nagkakalahati ng taon ganito na sila ka-busy. Nakita kong papalapit na si Benj dala ang order naming dalawa. Sinenyasan ko siyang ilagay nalang ang pagkain sa harap.
"Oh gano'n ba. Sige, just don’t forget to eat your meal." pagpapaalala ko.
Inirapan ko si Benj na tinaasan ako ng kilay.
He chuckled ["Yes ma’am. You eat a lot, huwag mag diet."]
Linagay ko sa kabilang tainga ang cellphone ng makitang nakikinig sa tabi ko si Benj. Pinandilatan ko s’ya ng mata. Sasagot na sana ako ng marinig ang boses ng babae sa kabilang linya na tinatawag ang kaniyang pangalan.
["’D halika na, nasa labas na sila’t ikaw na lang ang hinihintay."]
I close my mouth when I heard Isabel’s voice. Kilala ko na ito dahil lagi siyang sumasabat tuwing ganitong nagpapaalam si Drake.
["I need to go baby. I’ll see you later."]
Nagmamadaling pinatay niya ang linya. Kumunot ang noo ko, slightly irritated. Hindi pa nga ako nakakasagot pinatay na ang tawag.
Malakas akong bumuntonghininga bago ibaba ang sariling cellphone. I trust him. Alam kong walang namamagitan sa kanilang dalawa.
Hindi ko lang talaga maiiwasang makaramdam ng ganito. Lalo na sa tuwing naririnig ko ang boses ni Isabel na parang hindi pa gustong kinakausap ako ni Drake. Kahit hindi naman niya ito intensyon
"Si kuya Drake mo?" Napatingin ako kay Benj ng itanong niya ‘to. Tumango ako, kinuha ang tinidor at sinimulang lantakan ang carbonara.
"Hindi s’ya makakasabay?" tanong niya ulit, nagsisimula na ring kumain sa order na adobo at kanin.
I chewed the food in my mouth before answering his question. "May meeting sila sa lib." I shortly answered. He nodded.
Mabuti nalang at ‘di na muli siyang nagtanong. Pagkatapos kumain dumiretso kami sa locker para kumuha ng libro. Sa room na kami nagpahinga hanggang dumating ang guro. I listen attentively while my recorder was still on.
Pagkatapos ng klase, dumaan muli kami sa locker para ibalik ang kinuhang libro. May libro kasi kami sa isang subject tuwing hapon.
"Girl samahan mo naman ako." nagtataka kong tinignan si Benj sa sinabi. Nakanguso pa siya na parang nagpapacute.
"Saan naman?" Tanong ko. Maayos kong linagay ang gamit pagkatapos sinara ang sariling locker.
May duda na ako kung saan, pero sana naman mali ang hinala ko.
"Sa field, hehe."
I rolled my eyes at his answer. Sabi na eh, sa mga football player na naman ang target nito. Sumandal ako sa nakasarang pinto ng locker bago pinagkrus ang braso sa dibdib.
"Why are you so into football players? Ayaw mo sa basketball players?" natatawa kong tanong.
Napasimangot siya. Gwapo naman si Benj, kung tutuusin hindi mo mapaghahalataang bakla siya dahil sa pananamit at hitsura. It’s just his voice and gesture. Medyo kulot ang buhok niya, makapal din ang kilay at pilikmata. Matangos ang ilong at manipis ang labi. Kung tutuusin mas maputi pa siya sa akin.
"Sawa na ako sa mga basketball players. Gusto ko ng bago." Aniya, saka maharot na tumawa.
Mabuti na lang pinagsabihan ko na siya noong nakaraan na iwasan ang pagpapalo sa akin. Hindi rin biro ang bigat ng kamay niya ah.
"Okay sige, wala naman akong gagawin." Pagsuko ko. He grinned. Basta talaga usapang gwapo.
Habang naglalakad, hindi ko maiwasang maisip ang mga nangyari. Parang kailan lang, kadarating palang namin nila mommy dito sa Bicol para ihabilin kay tito. Nagdadalawang isip pa ako noong una, pero syempre magulang ko sila. Alam kong para sa ikabubuti ko ang ginawa nilang pag-iwan sa akin dito. I may have grown up already, but I still can’t say no to my parents.
I’ve got to know my cousin and of course my long time playmate which turns out to be Drake. Then unexpected things happened. Hindi ko namalayang habang kasama ko siya, may nabubuong maling pakiramdam na pala sa loob ko. Nag-plano akong iwasan siya, which I failed terribly. I just can’t resist him.
And now, I’ve get tired fighting over my own feelings. Nakakapagod lalo na kung ‘di mo talaga nakikita ang sarili mong mapagtatagumpayan ito.
"Upo ka dito bebe, baka sabihin mo pinagod kita." sabi ni Benj nang marating namin ang pinaglalaruan ng mga players.
Nasa dating pwesto kami kung saan kitang kita ang mga naglalaro. Halos mabingi pa ako kakatili nitong katabi ko. There are also other students watching the practice, mostly girls.
Habang lumilipas ang oras, nababagot ako sa kinauupuan. Si Benj lang naman ang ganadong ganado. May patalon talon pang nalalaman.
Kaya naman kinuha ko na lang ang cellphone para may mapaglibangan. I took a picture of Benj grinning widely and post it on my instagram story with a caption of;
'Look how crazy he is over his boyfriendS’
Napatawa ako, I highlighted the S since marami sila. He looked unbothered when I showed him my post. Nakangiti pa nga eh. Napailing ako. The power of love.
I started scrolling on my account. Natigil lang when someone DM me.
@Drake_27
It should be my face on your story, not him 🙄.
Napangiti ako sa ginamit niyang emoji. I typed my reply instantly.
Ako:
He's cute kaya.
Hindi pa siya nakakapagreply nang mag type ulit ako.
Ako:
You done with your acads?
@Drake_27
So you mean I’m not cute? 😓
I chuckled. Ang seloso amp. Gwapo ka naman ah. Pero hindi ko nalang 'yon sinabi, baka lumaki pa ang ulo eh.
@Drake_27
Yep. I’m done where are you? Let’s go home now.
Napalingon ako kay Benj na hanggang ngayon tutok na tutok ang mata sa panonood. His lips were even parted due to his admiration.
"Benj okay ka lang ba rito? Uwi na kasi ako." I stated. I’m sure nasa parking lot na si Drake ngayon.
"Ang aga naman!" reklamo niya.
"Anong maaga? Alas singko na oy!" depensa ko.
"Mamaya na bebe, hatid na kita." Nakangiti niyang tinuran.
Binalik niya agad ang atensyon sa pinanood na naglalaro. Nanlaki pa ang kaniyang mata habang may nakakalokang ngiti sa labi. Mukhang kilig na kilig. Napatingin ako sa tinitingnan niya, wala namang bago. Mga players na naghuhubad nang damit.
"Benj naghihintay na sa akin si kuya Drake sa parking lot. Nakakahiya naman kung maghintay pa siya ng matagal."
I bite my lip. I hope my alibi will works. I really wanna be with him. Nagkasama naman kami kanina but it was only a short period of time.
He pouted. "Diba pwedeng mauna nalang si kuya mo bebe? I can’t bear leaving them in this situation." umawang ang labi ko sa gulat.
Parang nasa malalang kalagayan ang mga tinutukoy niya sa paraan ng pananalita niya. He was even acting so hurt at kunwaring may luhang tumatakas sa mata niya. Na kung tutuusin, hubad na kalalakihan lang naman ang pinanunuod niya. It’s not as if he’s not a man.
Sa inis ko, ako naman ang pumalo sa braso niya. Napangiwi siya.
"May bukas pa Benj. Promise I will accompany you, kahit hanggang umaga pa." I joked, but it seems he take it seriously.
Nagliwaag ang mukha niya at kahit labag sa loob, s’ya na mismo ang humila sa akin patayo. "Alam mo gusto ko na talagang umuwi eh." Umikot ang mata ko sa narinig. Eh kung tutuusin ayaw pa niyang magpaawat sa akin kanina.
"Hindi pa malabo pandinig ko bebe. Hanggang umaga bukas ah?" Napatingin pa siya sa mga naglalaro na parang pinapaalam sa kanila na babalikan niya ang mga ito.
Napailing ako, hindi talaga maawat ang tao kapag in-love. Well, ang kaso ni Benj ay harot-harot lang. Maharot kasi.
"Oy grabe ka naman, sabi ko hanggang mag-uwian hindi umaga. Ano ako zombie?" natatawa kong asal. Pinaningkitan niya ako ng mata.
"HAHAHA funny girl! Walang uwian bukas." He said with finality.
Napailing ako. Bakit ko ba kasi sinabi ‘yon? Hanggang pagdating namin sa parking lot, hindi ako tinantanan ni Benj sa hanggang umagang usapan. Mukhang na e-excite pa sa mangyayari. Nauna na siyang umalis lulan ng kaniyang sasakyan. Nakita ko si Drake na nakasandal sa hood ng kaniyang kotse. Nag-angat siya ng tingin mula sa cellphone ng maramdaman ang paglapit ko.
Saglit akong napatigil sa paglalakad ng makita ang kabuuan n’ya. Ang isang kamay ay nakatukod sa likod habang ang isa ay nakahawak sa sariling cellphone. He looked bored on his stance. Seryoso niya akong tinignan na halos tumagos sa kaluluwa ko. Despite the distance, I can still feel his hot gaze. Hinihipan din hangin ang kaniyang buhok.
I bite my lip, why are you damn hot Drake?
I was back on my reverie when I felt my phone vibrating. Kinuha ko ito at nakitang tumatawag siya. Natawa ako, eh ang lapit ko nga. I shook my head. But in the end, I answered his call.
["What?!"] mataray kong sagot, narinig ko s’yang tumawa.
Nagsimula ulit akong maglakad. May ilang estudyante ang nasa kanikanilang kotse, naghahanda ng umalis.
["You're damn gorgeous."] he blurted out.
I can feel my cheeks burning. Alam ko namang maganda ako, but really Drake?
He chuckled when he saw my reaction. I pouted and ended the call without having a second thought. Tumawag lang ba siya para inisin ako? Nakangisi pa s’yang sinalubong ako. Inirapan ko lang siya. Alam talaga niya kung paano ako pikonin. Alam niyang nahihiya ako kapag tinatawag niya akong maganda.
Natatawa niyang binuksan ang passenger seat. Padabog naman akong umupo para kunwari galit.
I crossed my arms over my chest. Hindi ko siya tinapunan ng tingin hanggang maramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan.
"Alright, I’m sorry okay? Ang pikon naman ng baby ko." Hindi ko siya pinansin.
He know I won’t talk to him. Laging ganito kapag iniinis niya ako. Ginagamitan ng malambing na boses at mabulaklak na salita. At sa huli, imbes na magalit ng tuluyan, napapangiti nalang.
"Order muna tayo?" sabi niya ng madaanan ang restaurant na lagi naming binibilhan ng pagkain.
"Huwag na, magluluto na lang ako." hindi ko pa rin siya tinignan. Sa gilid ng aking mata, nakita ko ang pagtango n’ya.
Until we reached his unit, no one dared to talk. Mas lalong nadagdagan ang inis ko ng hindi man lang niya ako sinuyo. Talagang hinayaan lang niya ako na nag-eemote! Linagay ko sa sofa ang bag na dala bago dumiretso sa kusina. Kompleto na ang kagamitan niya dito. Puno na din ang dalawa niyang refrigerator.
Alam kong nagpapalit siya ng damit sa itaas. Kumuha ako ng manok at hinugasan ng tubig. Nakasuot pa rin ako ng school uniform. White blouse with necktie and knee-length checkered gray skirt with blazer. Wala naman akong dalang damit na pwedeng palitan.
I was about to chop the chicken when I felt a strong hand encircling my waist. "Lumayo ka, nagluluto ako." I commanded.
Pero imbes na sundin, he place his head on the hallow of my neck. I stiffened. Ramdam ko ang munting halik na ginagawad niya sa balat ko.
"Galit ka pa?" he asked softly.
Mariin akong napapikit. Binaba ko ang hawak na kutsilyo at hinarap siya. Ganito ako karupok pagdating sa kaniya. Agad naman niyang pinalibot ang braso sa baywang ko. His hair was dump, fresh from shower. I can smell his manly perfume mixed with his shower gel. Napanguso ako, paano ako magagalit kung ganito na s’ya kabango? Samanatalang ako amoy pawis pa siguro.
"You’re always teasing me." sumbong ko. Pinaikot ko ang braso sa leeg niya.
As we get closer, I’ve become more and more comfortable around him. At lagi naman niya akong inaasar.
Natawa siya "Ang cute mo kasi kapag kinikilig." he touch my cheeks using his finger.
I rolled my eyes. Ramdam ko na naman ang pamumula ng mukha ko.
"Kita mo, inaaway mo na naman ako!" pabiro kong hinampas ang dibdib niya.
Dumukwang siya hanggang magkapantay na ang mukha naming dalawa.
"Stop doing that." sabi niya sa paos na boses. Natigilan ako. Anong stop?
"Ang alin?" I asked confused. Wala naman akong ginagawang masama ah, siya nga itong may kasalanan.
"Stop being so cute. Nanggigil ako sa’yo!" he exclaimed.
I whined when he pinch my cheeks.
"Parang tanga Drake, don’t pinch my cheeks." reklamo ko.
He only laugh at my misery. I glared at him. "Aw where does it hurt hmm? Saan baby? I’ll kiss it nalang." he check my cheeks seriously.
Na parang malala nga talaga ang natamo ko. Napalabi ako. Heto na naman siya. Talo na naman ako.
Nag-angat siya ng tingin at doon ko lang napansin ang posisyon namin. His face is too close to mine. Dahil nga sa ginagawang pagsuri sa mukha ko, sobrang lapit na ng labi naming dalawa. I can feel his hot breath, making my legs turns into jelly.
His hazel brown eyes looked at me with so many emotions. And somehow, it mirrored mine at the moment. Napalunok ako ng paulit-ulit habang palipat lipat ang tingin sa kaniyang labi at mata. Habang ganoon din ang ginagawa niya. He licked his lower lip. It become more reddish than usual. He then, place both of his hands on the side of my neck.
"Can I kiss you?" he whispered huskily.
I tightly close my eyes. Seriously Drake? Do you really need to ask that? Akala naman n’ya first kiss namin! Na halos hindi na nga mabilang sa daliri ang ginawa niyang paghalik sa akin.
I sighed deeply. Kinawit ko ang dalawang braso sa kaniyang leeg. Ang taas mo naman.
"If you want to kiss me, do it immediately. You’re ruining the moment." I said, he only answered me with a smirk.
Minutes later, I found myself in sitting in the kitchen countertop, french kissing him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top