CHAPTER 17

Cheater

Hindi ako mapirme sa kinauupuan. Masama ang tingin ko sa kaniya na hanggang ngayon hindi man lang bumaling ng tingin sa akin.

How can he act like this?

He will demand me to talk to him, na kung tutuusin manloloko siya! I pity the girl. If I were her, I would kick his balls off, until he can no longer produce an offspring!

Such a cheater!

Ang kaliwang kamay niya ay nakatukod sa may bintana. He would sometimes tapped the steering wheel, like a bastard he is.

Kinuyom ko ang sariling kamao bago magpakawala ng malalim na buntong hininga. I can't believe magkasama kami ngayon. Sobrang inis na inis ako sa kan'ya, tapos siya heto at pa chill chill lang.

The nerve!

Even kuya Romel, hindi man lang ako nagawang tulungan.

Palihim ko siyang inirapan. Tinuon ko nalang ang mata sa labas ng bintana. Ganito naman palagi, laging s'ya ang nasusunod.

Paglipas ng ilang sandali, huminto ang sasakyan. Napuno ng kalituhan ang isip ko ng tumapat ang kotse niya sa parking lot ng condo niya. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magtanong ng unahan niya ako.

"Kailangan nating mag-usap." he said seriously. Tumaas ang kilay ko.

"Sa dami ng pwedeng pag-usapan, sa condo mo pa talaga?" mapang-uyam kong tanong.

I crossed my arms over my chest along with my legs. Nakita kong bumaba ang tingin n'ya sa suot ko. He smirk.

Nasiyahan siguro sa suot ko na siya mismo ang bumili.

Madilim na ang paligid at tanging light galing sa poste ng kuryente at lobby ng building ang nagbibigay liwanag sa amin. The light illuminated his face.

Napakagat labi ako ng makita kung gaano ka seryoso ang itsura niya ngayon. His perfectly defined jaw and pointed nose, na parang inaakit akong haplusin at halikan.

Napailing ako, muntik ko nang makalimutang galit nga pala ako sa kaniya.

Bumaba ang tingin ko sa kamay n'yang mahigpit ang hawak sa manibela. Galit siya? Para saan?

Wala siyang karapatang magalit, dahil kung tutusin siya mismo ang dapat may ipaliwanag.

Pagkaraan ng ilang sandali, tumaas ang sulok ng labi niya. "Hindi tayo makakapag-usap sa bahay, because I'm sure you will escape or lock yourself inside in your room." mababang boses na aniya, tinaasan niya ako ng kilay na parang nanghahamon. Umismid ako.

He started unbuckling his seatbelt. And I did the same.

I sighed, tama naman siya. Pero kung tutuusin wala naman kaming dapat pag-usapan. Naiinis lang ako kasi may girlfriend na pala siya, nagawa pa akong halikan. At may mga pa sweet words pa siyang nalalaman. Typical playboy!

Sinundan ko siya ng tingin ng bumaba siya at umikot sa passenger seat para pagbuksan ako. Nagdadalawang isip pa ako kung bababa o magmamatigas ang ulo. But then, naalala ko ang nagawa niyang pagkarga sa akin kanina. Sa takot na baka gawin 'din niya ito, agad akong sumunod. Sa kabila ng inis na nararamdaman ko.

Mahigpit ang hawak ko sa shoulder bag ng tahakin namin ang malawak na pasilyo ng building.

Nauna siyang maglakad habang nasa likuran niya ako. I can clearly see his back and broad shoulder. Nakasuot siya ng white long sleeves at slacks. Naka rolyo ito hanggang siko. Both of his hands were inside his pocket.

Ngumiti ako sa receptionist ng madaanan namin. She greeted us na hindi man lang nagawang pansinin ni kuya Drake. Inikutan ko siya ng mata, na parang nakikita niya.

Pinigilan ko ang sarili na tumakbo, dahil alam kong mahuhuli 'rin niya ako kahit hindi pa man tuluyang makakalabas. Ayaw kong maulit na naman ang eskandalong ginawa niya kanina. Nakakahiya 'yon, lalo pa't madaming estudyante ang nanunuod.

Napabuntong hininga ako ng tuluyan kaming makapasok sa elevator. Malawak ang loob nito, kaya halos hindi magtagpo ang balat namin.

Kahit ganun, ramdam ko parin ang lalim ng tingin niya. Hindi ko nalang ito pinansin. Nakapokus lang ang tingin ko sa numerong nagpapahayag kung nasaang palapag na kami.

The elevator dinged meaning we are in the right floor. Nauna ulit siyang lumabas. Napaling nalang ako bago sumunod.

May kinuha siya sa bulsa bago buksan ang unit niya. Nanatili akong nakatayo ilang metro ang layo sa kaniya. Nagdadalawang-isip kung susunod pa ba o hindi na. Nang makitang hindi ako nakasunod, kunot noo niya akong binalingan.

"What are you waiting for?" tanong niya sa mababang boses.

Palipat lipat ang tingin ko sa kaniya at sa pintuang hawak niya. Parang ngayon lang nag sink-in sa akin ang nangyari. Nasa harap kami ng bagong tirahan niya. Nang walang ibang kasama.

May nagpipigil sa akin na tuluyang pumasok. Once I enter his unit, who knows what could happen?
I'm terrified I might loss my mind if ever would I enter his territory. Last time I check, hindi naging maganda na kaming dalawa lang sa isang lugar.

I close my eyes tightly. Come on Angel think!

Napalunok ako bago dahan dahang tignan siya. His face was void of emotion. Ramdam ko ang panginginig ng sariling mga kamay. Pinagdaop ko ito ng mahigpit bago ilagay sa likod.

"How will I know if we will only talk?" I asked and he chuckled.

I bite my lips, his voice sounds so low and sexy.. alright. But, naiinis pa'rin ako sa kaniya.

He poke the inside of his cheeks. "You think so ill of me. Mag-uusap lang naman tayo, unless of course if you want to do something else."

Ang ngisi sa labi niya ay hindi pa'rin nabubura. Sinamaan ko siya lalo ng tingin.

Malakas akong napabuntong hininga bago tuluyang pumasok sa loob. I choose to stand near the door, para kung may gawin man siyang masama, madali akong makakalabas.

Nilibot ko ang tingin sa kabuuan, walang pinagbago mula nang huli kong punta dito. Dumiretso siya sa one-seater sofa. Umupo siya sa doon at pinagkrus ang binti. Nginuso ni kuya Drake ang upuan sa tabi niya.

Umiling ako, delikado yan Angel.

Sa halip na umupo katulad ng gusto niya, pinili kong isandal ang likod sa nakasaradong pintuan.

"So what now?" I asked in flat tone. I was looking at him straight in the eyes.

"You need to seat first. Mapapagod ka d'yan." sagot niya.

Ang dalawang kamay ay nasa gilid ng upuan, marahang tumatapik.

"No need. Hindi naman ako magtatagal, sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin." supladong ani ko.

He chuckled "Baby come here, hindi ako nangangain." suminghap ako sa narinig. Ayan na naman siya sa baby niya!

Biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari sa canteen. Kung paano siya lumandi, na hindi man lang iniisip ang mga taong nasa paligid. Kung paano niya ako nagawang halikan kahit na may jowa naman pala! At ngayon, may pa-baby pang nalalaman.

"Pwede ba kuya! Tumigil kana, 'di pa ba sapat ang isa at kailangan mo pa talaga ng reserba?" naningkit ang mga mata ko.

Kumunot ang noo niya na parang hindi alam kung ano ang pinagsasabi ko. Umayos siya ng upo at sinipat ako ng mabuti. Nakatagilid pa ang kaniyang ulo sa kaliwa.

"Ano bang pinagsasa—"

"Oh great! You fvcking cheater!"

I gritted my teeth. Ang lakas ng loob niyang magsinungaling. Nga naman, sino ba ang magnanakaw na umamin sa sariling kasalanan.

He abruptly stood up while I remained my stance against the close door. Ang dalawang kamay ay nasa baywang. Napansin ko ang matalim nitong tingin.

At siya pa talaga ang may ganang magalit?

"I don't know what you're talking about. And I am not a fucking cheater!" his voice thunder. Galit na galit ang kaniyang ekspreson.

Pagak akong tumawa. I bit my tongue, baka kung ano pa ang masabi ko.
Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Of course he will deny it.

"This talk is nonsense. Walang patutunguhan ang usapang ito." I said.

I was looking at his hardened expression. His lips were in a grim line. Nakakunot ang kaniyang noo habang gumagalaw ang pangga.

Napailing ako bago tumalikod. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang may marahas na kamay ang humawak sa braso ko. Napasinghap ako sa lapit naming dalawa.

"Walang lalabas sa kwartong ito." he said with finality.

Dahil mas mataas siya sa akin, nakatingala ako sa kaniya. Ang isang kamay ay nakahawak sa braso ko, habang ang isa ay nasa pintuan.

Natahimik ako ng mapansin ang distansiya naming pareho. Kitang kita ko ngayon ang makinis niyang mukha. It's like hindi pa siya nagkaroon ng tigyawat...

Just like me, he roamed his eyes on my face. Na parang kinakabisado ang mukha ko.

He has the beautiful eyes I've ever seen in my whole life. Hindi ko alam na may magugustuhan pa pala akong ibang kulay bukod sa green at yellow. His thick eyebrow were knotted in confusion. Bumaba ang tingin ko sa matangos n'yang ilong. Pababa sa kaniyang labi. Ang labing unang nakahalik sa akin.

I licked my lower lip unintentionally.

Bumalik sa mga mata niya ang tingin ko. Halos umawang ang labi ko sa intensidad na nakita. His eyes were just so intense than normal.

"Now baby, enlighten me with this cheating thing hmm?" he whispered.

Napalunok ako sa mababaw na boses niya.

"Sinungaling! You're not just a cheater but also a liar."

I tried to remain my stoic face. Trying hard to conceal my true feelings. Malakas na kumakabog ang dibdib ko. Alam kong dahil 'yon sa distansiya naming dalawa. Hindi ako pwedeng basta nalang magpadala sa mga salita niya. Hindi ako marupok.

Kumunot na naman ang kaniyang noo, na parang inaalala kung kailan nangyari ang binibintang ko.

Go, alalahanin mong mabuti. Nahuli na kita kuya.

"I don't have a girlfriend if that's what you are talking about." umasim ang mukha ko ng marinig na naman ang kasinungalingan niya.

Ang kapal ng mukha kuya!

Bahagya kong tinulak ang kaniyang dibdib. Halos hindi ako makahinga ng maayos sa lapit naming dalawa. Idagdag pang umiinit ang ulo ko sa tuwing nagsisinungaling siya sa harapan ko. Sinamaan ko siya ng tingin ng hindi man lang ito nagpatinag. Instead, he held both of my arms now.

"Oh fuck off! Hindi mo na ako maloloko!" halos lumabas na ang laway ko sa inis.

Tatanggapin ko naman na may girlfriend siya, it's just that he cheated her girlfriend with me. Kahit wala kaming relasyon, panlololoko narin ang paghalik sa ibang babae na hindi mo jowa. Niiinis rin ako sa sarili ko. It was partly my fault, kung 'di ko siya unang hinalikan. But he kissed me back! Alam niya sa sarili niyang may girlfriend na siya, 'di dapat lumayo siya sa tukso.

Napasinghap ako ng ilapit niya ang mukha sa sa akin. Nanlaki ang mata ko sa biglaan niyang paggalaw. I tried to step back, at halos mapumara ako ng wala na akong maatrasan.

"I said I didn't cheat! And why the hell are you cursing?" naipikit ko ang dalawa kong mata sa biglaan niyang pagsigaw.

Ang lapit pa naman ng bunganga niya.

I glared at him when I open my eyes again. "Eh sino yung babaeng kalandian mo kahapon sa canteen huh? May pa sweetest couple pang nalalaman. Hindi naman kayo bagay!"
I was breathing heavily. Siya pa itong magkakaila, siya na nga ang nahuli.

Natigilan si kuya Drake sa sinabi ko. Lumalim ang gatla sa noo niya, na parang inaalala kung sino ang babaeng tinutukoy.

I smirk. "Ngayon umalis ka sa harapan ko, hindi na ako natutuwa kuya."

Nakita ko ang pagbago ng kaniyang ekspresyon. He is now biting his lower lip, pinipigilan ang pagngiti. My forehead crease at his reaction. Siya pa talaga ang natutuwa nahuli sa panlolokong ginawa.

"Anong nakakatawa?!" sinubukan ko ulit s'yang itulak sa dibdib. Na ngayon ay umiiling-iling habang kagat ang ibabang labi.

Ang dalawang kamay n'yang nasa braso ko ay bumaba hanggang maabot ang dalawang kamay ko. He hold my hands softly. Kapansin pansin ang aliw sa kaniyang mga mata. Pinagtritripan na yata ako nito.

He looked at me with amusement. "She's not my girlfriend, believe me. Kaibigan ko lang 'yon." sabi niya, naningkit ang mata ko.

"Stop with your lies kuya! Wala naman akong pakialam kahit maghalikan pa kayo sa harapan ko."

May kung anong kumirot sa dibdib ko sa isipang 'yon. Gusto ko s'yang ipagdamot. I want all of him exclusively for me. Hindi ko gustong malapit siya sa ibang babae.

But then.. I am just his cousin.

"Is that the reason why you choose not to come with me this morning?"

His eyes softened when he look at me this time. Pinaglaruan niya ang mga daliri ko sa kamay.

"Of course not! Eh, may sariling driver naman pala ako, ikaw lang itong makulit." I denied.

Kahit ang totoo halos sumabog ang dibdib ko sa inis at selos na naramdaman.

He chuckled "Then why are you avoiding me hmm?" Masuyong tanong niya, nag-iwas ako ng tingin.

"I am not avoiding you kaya." Sagot ko, humalakhak siya.

Napatingin ako sa mukha n'yang bakas ang kasiyahan. His eyes twinkle in amusement. And it warmth my heart seeing him like this. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Malakas na nga yata ang tama ko.

I sighed and close my eyes. God bakit ang hirap? Bakit siya na pinsan ko pa?

Why him of all the people?

Napamulat ako ng maramdaman kong hinila niya ang kamay ko. Napabuntong hininga ako at hinayaan siya sa gustong gawin. Umupo siya sa one-seater sofa bago tapikin ang sariling mga hita. I raised my brow. Gusto niya akong umupo sa kandungan niya? No way!

Napanguso s'ya ng mapansin ang reaksyon ko. Akala ba niya bati na kami? Akala niya lang 'yon. Palihim ko siyang inirapan. Uupo na sana ako sa katabing couch ng bigla niyang hilain ang kamay ko.

Ang ending?

Nakapalibot ang braso niya sa baywang ko while I was seating sideways. I tried to stand up pero lalo niya akong hinapit. Sinamaan ko siya ng tingin. He pouted and rested his chin on my shoulder. Napasinghap ako, ano na naman ba ito kuya?

"Galit ka?"

I held my breath when I felt his finger slowly tracing my cheeks.

"Kuya, lumayo ka nga!" sinubukan kong ilayo ang ulo niya gamit ang hintuturo ko, pero iniwas lang niya ito. Napasimangot ako.

"That was Isabel, kaibigan ko lang talaga siya. She's taking the same course as mine, that's why we are always seen together." aniya ng may pag-iingat, afraid that I won't believe him.

"Huwag ako lokohin mo, sabi nga ni-"

"You will believe him than me?" nagtatampong tanong niya. Napairap ako.

Aba't ako pa ang da-dramahan niya?

"Kasi 'yon naman ang totoo! Nakikita nila kayong maglampungan kaya hindi nakakapagtakang mag jowa nga kayo." I said eagerly.

Kuya Drake pressed his lips together.

"I thought you trust me?" he asked.

Natigilan ako, nakatitig lang sa mata niyang nagsusumamong paniwalaan ko siya.

I remember when he ask me that on the cave. Sinagot ko siya ng walang pag-aalinlangan dahil 'yon naman talaga ang nararamdaman ko. I trust him, yes.

Pero ng makita ko silang magkasama..

"Believe me, wala kaming relasyon. If you want you can ask her yourself. O kahit yung ibang kaibigan namin." nagmamakaawa ang boses na aniya.

Nakatingin lang ako sa kaniyang mata. Binabasa kung nagsasabi siya ng totoo.

Huminga ako ng malalim before closing my eyes tightly. Stupid!

Paanong ganoon nalang ako kadaling naniwala sa sinabi ng iba? Nagmukha na akong chismosa. Pero hindi lang naman sabi-sabi 'yon, nasaksihan ko mismo 'yon. Na halos maghalikan na silang dalawa, nagsusubuan pa!

But then, hindi ko dapat siya hinusgahan ng dahil lang doon. How I hate those kind of people, pero ginagawa ko naman ngayon.

I sighed in defeat "Alright, I'm sorry. I thought-"

Napahinga siya ng malalim. Hinigit ako palapit na parang may distansiya pang namamagitan sa amin. Nanatili ang baba niya sa balikat ko, facing me.

"I was kinda offended when you called me a cheater. Baby, I would never do such thing. You got me head over heels." he chuckled against my ear.

Umismid ako, "Sasabihin talagang girlfriend mo siya, naglalandian ba naman." I rolled my eyes. Lalo siyang natawa. I can feel the tip of his nose on my cheeks.

"What do you want me to do? Tell me" napanguso ako sa babaw at lambing ng boses niya. Hinawi niya ang buhok kong nasa balikat.

"Wala, hindi mo naman ako girlfriend." I whispered.

I don't heve the rights to demand. Hindi ko siya pagmamay-ari, kahit kainin na ako ng selos na nararamdan.

"Then be my girlfriend," walang pag-aalinlangang sagot niya. Napasinghap ako.

Agad ko siyang nilingon, ang dalawang kamay ko ay nakahawak na ngayon sa magkabilang balikat niya.
Pansin ko ang pamumungay ng mata niya.

"Ayan ka na naman, eh." wala sa sariling binasa ko ang ibabang labi. Bumaba ang tingin niya doon. I saw how his lips parted.

Nahihirapan siyang huminga?

I looked at his red lips. Natural na natural ang pagkapula nun.

"Why? Walang masama sa sinabi ko." he answered with his hoarse voice. Nakatingin lang siya sa labi ko.

Napairap ako bago tinanggal ang hawak sa kaniya saka bumalik sa dating pwesto

"Alam mong bawal." mahina ngunit may diin kung tinuran.

I shouldn't even here in the first place. We can't be together, and that's the saddest reality. I can't let myself play with the fire. Na alam kong pareho lang kaming masasaktan.

Napalunok ako, ng maramdamang tumama ang mabango niyang hininga sa tainga ko. Nakikiliti ako doon.

"Lalo pa at mag-aabogado ka." dugtong ko, pero mukhang hindi nakikinig ang isang to.

Lilingon na sana ako sa kaniya ng maramdamn ko ang paghalik niya sa ibaibaw ng tainga ko. Napasinghap ako sa kakaibang sensasyon na naramdaman. Ang kamay niyang nasa tiyan ko ay marahang pumapaikot sa may puson ko.

"K-Kuya a-anong ginagawa mo?" I trailed. I tried distancing myself, pero lalo lang niya akong hinapit.

Bumigat ang paghinga ko ng maramdaman ang daliri niya sa balat ng tiyan ko. The room feels so hot all of the sudden. Ang panginginig ng binti ko ay hindi nakakatulong.

"Hmmm?"

Paulit-ulit akong napalunok ng halikan niya ang leeg ko.

Damn, Angel! Get a grip of yourself.

"Baby, stop pushing me away. Alam kong nararamdaman mo 'rin kung ano ang nararamdaman ko ngayon. It's not bawal. Liking someone was never been bawal." he whispered huskily.

Mariin akong napapikit. Nanghihina ako sa mga haplos at halik niya. Kahit paulit-ulit kong itatak sa isipan ko ang dapat kong gawin, lagi akong nabibigo.. all because of him.

Malakas akong napasinghap ng hawakan niya ang magkabilang tuhod ko ng isang kamay at hinimas 'yon. Hindi hadlang ang pantalon ko para maramdama ang init sa haplos niya. Hindi nakakatulong ang paminsan minsan niyang paghalik sa balikat ko.

My hearth throbbed. His breathing is now uneven.

Hinawakan niya ang panga ko bago iharap sa kaniya. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko. My breathing hitched when I saw his eyes.

Sari-saring emosyon, pero nangingibabaw ang..

"Don't think about my profession. I can handle that, but this.."

Gamit ang aking kamay, inilapat niya ito sa harap ng kaniyang dibdib. Alam kong ramdam niya ang palalamig 'nun. Napalunok ako, nakatitig lang kami sa isa't-isa.

"Mababaliw ako Angel, I can't take this anymore.." ramdam ko ang paghihirap sa boses niya, mariin siyang pumikit.

Ako 'rin naman kuya, pero anong magagawa natin? We've meet in crucial situation. Mapaglaro ang tadahana sa ating dalawa.

Nagungusap ang kaniyang mata na nakatingin sa akin. Why are you looking at me like that?

Kahit ako, hindi na alam ang dapat gawin. Naguguluhan na'rin ako kuya. Susundin ko ba ang sinisigaw ng puso ko, o ang nangingibabaw sa isip ko?

Napaigtad ako ng hawakan niya ang leeg ko. He touch my cheeks using his thumb. And I swear I fight the urge to close my eyes, as the feeling was overwhelming.

"If you're really determined to evade my feeling, then push me. Itulak mo ako nang magising ako sa katutuhanang sinasabi mo, cuz if not.." he trailed

Dumagundong ang kaba sa dibdib ko. He slowly parted my lips with his thumb. I shivered.

"An—"

Nanlaki ang mata ko ng bigla n'ya akong halikan. Hindi siya gumalaw, nakadampi lang ang kaniyang malambot na labi sa akin.

Nanghihina ako bigla, malakas lang talaga ang epekto n'ya sa akin. He hold my waist when he started moving his lips. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Itulak mo.

Sigaw ng isip ko, but then... marupok nga talaga akong tao.

I just find myself, kissing him back.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top