CHAPTER 16
Talk
Pagkatapos ng klase sbay kaming naglakad ni Benjie papuntang parking lot. May sarili siyang kotse at sinabi pang pwede akong sumabay, na agad kong tinanggihan. Nakakatuwa nga at hindi siya nauubusan ng kwento na nagpagaan ng loob ko kahit paano.
"Sure ka na'ng hindi sasabay sa akin?" tanong niya ulit habang nakataas ang kilay. Hindi ko maiwasang mapangiti, ang bait niya talaga. Sakabila nito, nagawa pa ng dati niyang mga kaibigan na pagtripan siya.
Nakahawak na siya sa pinto ng kaniyang sasakyan, hinihintay ang sagot ko. Napalingon ako sa paligid, hindi kalayuan sa pwesto namin, nakita ko ang kotse ni kuya Drake.
"May susundo sa akin, mauna ka na."
Hindi pa niya alam na tumitira ako sa bahay nila kuya Drake at sabay kaming pumapasok. He only knew the part that he is my cousin.
Napabuntonghininga siya, "Tawagan mo ako kapag lumipas ang tatlumpong minuto na hindi dumating ang driver mo." habilin niya, tumango ako.
Lumingon-lingon pa siya sa paligid na parang sinusuri kung may magtatangka ba sa buhay ko.
"Ano ka ba! Walang kakain sa akin dito." I laughed, sinamaan niya ako ng tingin.
I'm really glad I have him. Kahit kaming dalawa lang ang halos magkasama, maayos na ako doon. Kumpara naman sa madami nga, hindi naman totoo ang pinapakita sa'yo.
Malawak ko siyang nginitian. Bagsak ang balikat niya bago tuluyang pumasok sa sasakyan. Bumuntonghininga muli ako ng maiwang mag-isa sa malawak na parking lot. Kuya Drake texted me earlier that he will be late. Hindi na lang ako nag-reply. Masama pa rin ang loob ko sa nasaksihan sa canteen. Kahit wala naman akong karapatan..
Nagbaba ako ng tingin sa sariling mga paa. Mabigat ang dibdib ko simula kanina. I didn't even know that the class ended. Lutang na lutang ako buong klase, at laking pasasalamat ko kay Benjie. Hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang mood ko, pero hindi naman siya nag-usisa pa. Instead, he will tell me some funny jokes, nonstop.
I shifted my weight uncomfortably. I checked the time, and it was already five thirty five. Bakit ang tagal niya?
Or maybe, may pinagkakaabalahan lang siya. With his girlfriend of course!
Sa kwento palang ni Benjie, matagal na silang may relasyon. And I hate him, he is cheater and a liar. He kissed me while dating another girl. Where is the justice in that? Kaya ganitong masama at mabigat ang dibdib ko. Akala ko pa naman iba siya sa karamihan. Turns out, mas malala pa pala siya.
Napatingin ako sa paligid, may nakita akong pwedeng maupuan na bato. Walang pagdadalawang isip ko itong linapitan. Umupo ako at tinignan ang mga taong unti-unti nang nauubos sa harapan ko.
Padilim na padilim ang paligid, until there are only three cars left in the garage. I sighed heavily. Napayuko ako. He should've texted me that he will be this late. 'Di sana nag taxi nalang ako or nagpasundo kay tito! Not this na pinaghintay niya ako ng halos dalawang oras! Hindi ko sinunod ang sinabi ni Benjie na i-text siya, nakakahiya. Kung sana sumukay nalang ako sa kotse niya..
Hindi kalayuan, nakita ko ang grupo nila kuya Drake na nagtatawanan. Just like what I saw earlier, they are five. Si kuya Drake kasama ang girlfriend niya na nangunguna. May pinag-uusapan sila at ang tatlo nilang kasama'y nagtatawanan. Ramdam ko ang kirot sa dibdib. They really looked good together.
Dahil nasa gilid na parte ako ng parking lot, at madilim na rin ang paligid hindi nila ako napansin.
"'Tol, sabay mo nalang si Isabel, madadaanan mo naman ang sa kanila." sabi ng isang lalaki. Hindi siya ganoon katangkad compared to the other two.
Napahinga ako ng malalim. Palingon-lingon si kuya Drake na parang may hinahanap. Hindi pa niya binubuksan ang sariling sasakyan, nanatili itong nakatayo sa harapan. Bukas na rin ang ilaw ng mga natitirang kotse.
I notice that the girl was looking at kuya Drake hopefully. Pero hindi ito napansin ni kuya dahil panay ang lingon nito sa paligid. Nag-init ang ulo ko, of course ihahatid niya itong jowa niya! Sino ba naman ako para unahin niya.
"I'm sorry I can't, I have someone with me." he said without looking at her friend. I pressed my lips together.
Damn you kuya! At ako pa ang magiging rason kung bakit hindi niya maihahatid ang girlfriend niya. Mariin akong pumikit. Dapat talaga nag taxi nalang ako.
"Sa akin ka nalang sumabay Isabel." I heard someone says.
I open my eyes and I was shocked when I was welcomed by kuya Drake's intense eyes. Nakakunot ang kaniyang noo, nasa baywang ang dalawang kamay. Napahinga ako ng malalim. Tumayo na ako bago dahan dahang humakbang papunta sa gawi nila. There's no point on hiding.
"Yes, since I'll be going with Anthony." the other girl said.
Pansin ko ang pagbagsak ng balikat noong Isabel. What's wrong with you kuya? Dapat ikaw ang maghahatid sa girlfriend mo. Hindi ang ibang tao.
"Pasensiya na, naabala ko pa kayo. May importanteng ginawa kasi si kuya." she said softly.
"Ano ka ba! This is nothing." the woman beside her says.
Hindi nagtagal nagpaalam sila sa isa't-isa. Leaving kuya Drake alone. Pinatunog niya ang sariling sasakyan ng makalapit na ako. I then open the door without looking at him. Once I was situated in the seat, I closed my eyes to avoid his possible rants. I'm not in the mood to play with him. Not now that my emotion is at it's peak.
"Sorry, I didn't know our meeting will be that long." malumalay na aniya, hindi ako sumagot.
I hate him. I hate liars. I hate cheaters.
Paano niya nagagawang makipaghalikan sa ibang babae kahit may jowa naman pala? And he has the nerve to become a lawyer!
Bukas na bukas, bibili ako ng sariling kotse. I have enough money for that. From my savings and allowance. Hindi naman ako magastos kaya alam kong makakabili ako, kahit second hand lang. As long as, I can get away with him. O, magpahatid sa driver nila tito, I'm sure marami sila. Kung tutuusin, hindi dapat siya ang kasama ko ngayon. He's just too manipulative.
Napabuntong hininga siya bago ko naramdaman ang paggalaw ng sasakyan. Thankfully, hindi na muli siyang nagsalita.
--
Agad kong binuksan ang pinto ng marating namin ang bahay. Mabibigat ang hakbang kong tinungo ang pintuan. I can feel him tailing me but I didn't dare to look back.
"Son can we talk?"
Napahinga ako ng maluwag ng tawagin siya ni tito nang nasa living room na kami. I greeted him good evening before ascending their grand staircase.
Padabog kong binaba ang bag bago dumapa sa kama. I exhaled a large amount of breath. Ayaw ko na siyang makita, kumukulo ang dugo ko 'pag nakikita ang pagmumukha niya. Kung pwede lang hindi na lumabas sa kwartong ito, gagawin ko.
I suddenly wish he will move to his unit tomorrow. The earlier the better.
I sighed for the nth time. Parang ang laki laki ng problema ko. And it's all because of him!
Tumayo ako sa kama bago dumiretso sa banyo. I clean myself and wore my pajamas. After doing my night routine, I lazily lay my back on the soft mattress of my bed. Nakatingala lang ako sa kisame. Mas lalong uminit ang ulo ko ng maalala ang nakita kanina sa canteen. They are almost kissing for heaven's sake! Take note, in public.
Pinagsisihan ko na tuloy ang pag-alis sa Bicol. I don't know what is the problem with our resort at kailangan pa nilang ilayo ako. Sa lugar na akala nila ikabubuti ko.
Napatingin ako sa pinto ng makarinig ng katok. "Ma'am pinapatawag na po kayo ni Ma'am Clarries para sa hapunan." I heard the housemaid said.
"Opo Manang, susunod na." agad kong sagot. Hindi ko na narinig ang sagot niya. Inayos ko naman ang sarili sa harap ng salamin.
Going downstairs means meeting him. Handa na ba ako roon?
--
Nasa hapagkainan na kami. I was silently chewing the food on my mouth. Pinag-uusapan nila ang paglipat bahay ni kuya Drake. May parte sa akin na hindi gusto ang ideyang hindi ko na siya makikita katulad ng dati, pero nangingibabaw pa rin ang inis ko sa kaniya.
"Hindi na ba kita mapipigilan 'D?" tita asked. Malungkot ang kaniyang boses, natural sa isang ina lalo pa at mapapalayo ito sa anak niya.
I remained my eyes on my plate. Walang naging komento si Dwayne at tito. Tanging si tita Clarries lang ang tanong ng tanong. I heard kuya Drake deep sigh. Pinigilan kong mag-angat ng tingin para tignan kung ano ang reaksyon niya.
"We've already talk about this mom." kalmadong ani niya.
"Bu-"
"Hon. hayaan mo na 'yang anak mo. He knows what he's doing." tito said.
Napatingin ako kay tita ng marinig ang malakas nitong pagbuntonghininga. Malungkot ang mata nitong nakatitig sa anak. Na parang mahirap para sa kaniya ang pakawalan ito.
I bite my lower lip and glance at kuya Drake. Nasa harapan ko siya, katabi ni Dwayne. He is looking at his mother softly.
Minsan napapaisip ako kung bakit pa kailangan humiwalay ng anak sa magulang kung sobrang laki na ng kanilang pamamahay. Their father built this home for them, and now that they have the means to buy their own condo unit, they will leave their parents alone.
Nakakalungkot.
Walang nagawa si tita kung 'di ang suportahan nalang si kuya Drake. He seems determined to leave the house, that even his mother failed to change his mind.
The next morning, I woke up earlier than usual. Plano kong magpahatid sa driver ni tito nang sa gano'n hindi ako sumabay kay kuya Drake. Kinausap ko si tito kagabi and he agreed. Sabi pa nga niya ay totoong may sarili akong driver, kuya Drake just insisted.
This weekend, I'll try to find a car. Magpapasama nalang ako kay Benjie para 'di mahirapan. Maaga pa, exactly five and I am sure kuya Drake is still sleep. Hindi pa ako nakakapag-umagahan, dadaan nalang kami sa coffee shop.
"Kuya let's go," sabi ko sa driver. He then open the backseat of the car and I entered in a hurry. Hindi ko pa alam kung ano ang pangalan niya, I'll ask him later.
Malakas ang tahip ng dibdib ko. I felt like I just did something illegal and the cops are hunting me.
"Kuya dumaan muna tayo sa coffee shop malapit lang po sa University." I requested, he nodded acknowledging my request.
Sumandal ako sa backrest ng sasakyan bago ipikit ang mga mata.
Avoiding him is a nonsense idea. We are living in the same roof, attending the same university and he is my cousin. So that was completely useless. Pero ngayon aalis na siya sa bahay sa susunod na linggo, magagawa ko na ito. I'm confident na hindi niya ako kukulitin, kasi may girlfriend na siya.
Bumili muna ako ng iced coffee at pancakes bago tumulak sa SMU. I don't have other choice but to eat inside the car. Since maaga pa, dumiretso ako sa library. And thankfully, 24 hours itong open. Siguro dahil kakasimula palang ng klase kaya wala pang masiyadong tao sa loob.
Dumiretso ako sa shelves at naghanap ng mababasang libro tungkol sa naging pag-aaral namin kahapon. Napangiti ako ng makita ang hinahanap. Instead of sitting on the table, I choose to sit on the floor. Wala pa namang tao kaya sigurado akong walang makakakita sa akin.
Nagbasa ako habang paminsan-minsan tinitignan ang oras, baka mamaya ma-late pa ako.
Habang lumilipas ang minuto, parami ng parami ang mga mag-aaral. May pagkakataon akong natutulala at hindi naiintindihan ang binabasa.
I tried to focus, dahil lumilipad sa ibang dimensyon ang utak ko. Thankfully I succed.
Nag-inat ako, I think I had enough for the lesson. Muli kong tiningnan ang orasan at saktong 7:30 na. Tumayo na ako bago pagpagin ang suot. This time, nakasuot ako ng white pants and gray tank top. Not bad though, siguro kailangan ko lang sanayin ang sarili sa ganito.
Binalik ko sa lalagyan ang libro bago tahakin and daan palabas.
"Angel!"
Napatigil ako sa paglalakad ng biglang may sumigaw sa pangalan ko. Nasa pasilyo na ako sa building namin. Karamihan sa mga estudyanteng naroon ay napapatingin na rin sa sumigaw.
Napapikit ako, pwede naman akong tawagin na hindi sumisigaw. Ang lakas lang ng energy nang bakla.
"Bruha ka, kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo!" I groaned when he slammed his hand again on my shoulder.
"Good morning too." I said before rolling my eyes. Nagsimula ulit akong maglakad habang nakasunod siya sa akin.
Marahan kong hinimas ang sariling braso na kaniyang pinalo. Hindi pa nga nag-iisang buwan, nanakit na ang braso ko kakapalo niya.
"Ang lutang mo girl! I've been calling you countless of time, hindi man lang lumingon!" sabi niya na may bahid ng pagtatampo.
I frown, hindi ko naman narinig na tinawag niya ako. Or maybe, sadyang wala lang ako sa sarili. Nagkibit balikat nalang ako at piniling hindi siya sagutin.
Napasimangot siya. "Alam mo ba may chika ako." excited na sabi niya pagpasok namin sa room.
Napahinga ako ng malalim bago umupo. Chika in the morning eh?
Kahit hindi ko sinabing interesado ako, nag kwento siya. "Nakita kong bumaba si Isabel sa kotse nang kuya Drake mo! Girl, lalong uminit ang init ang kwento sa kanila! They look really sweet." Aniya na tila kilig na kiliy, habang ako nawindang sa narinig.
Mapait akong napangiti, yeah. They are indeed sweet.
Nasa harapan ko siya, nagniningning ang mata na parang kakakita lang niya sa paborito niyang artista. "Sobrang alalay pa ni Drake kay Isabel na parang takot madapa!" dagdag niya.
I gulp and fight the urge to cover my ears as my heart clenched in pain. My stupid heart can't accept the fact what he's telling. Alam kong simula palang, iba na ang nararamdaman ko kay kuya Drake. That everytime I see his hazel brown eyes, my hearts beats erratically than normal. Na sa tuwing lumalapit siya, sa tuwing nararamdaman ko ang haplos niya, nakakalimutan ko ang mundo. Nakakalimutan ko kung saan ako dapat lumugar. Nabablangko ang utak ko at hindi nakakapag-isip ng tama.
Kasi hindi ko naman hahayaang halikan niya ako ng ganun lang kung wala akong nararamdaman.
And this should be stop.
Pero sino ang niloko ko?
"At al-"
Napahinga ako ng maluwag ng dumating ang professor namin sa unang subject. Napaayos siya ng upo habang ako ay tahimik na nakinig.
Wala ako sa sarili buong oras sa klase. Hindi ko nga namalayang lunch break na pala. Mabuti na lang at may recording ako na pwede kong pakinggan mamaya. That's why even after how many years, hindi ko pa rin nakakalimutan ang magdala nito.
"Nagbaon na ako Benj, sorry hindi kita masasamahan." Inunahan ko siya sa sasabihin niya. Handa na siyang kaladkarin na naman ako.
That was a lie. Hindi nga ako nakapag-almusal ang magbaon pa kaya?
Ayaw ko lang na makita ko na naman sila. Seeing them, will only break me.. for sure.
Napasimangot siya, hindi ko maiwasang mapatawa. "Go, or if you want bumili ka ng pagkain at dito mo nalang kainin."
Kaming dalawa nalang ang natitira sa classroom. Kahit wala akong dalang baon, sasabihin ko nalang na natapos na ako habang wala pa siya. I just don't have the appetite.
Napabuntong hininga siya. Sa huli, lumabas para bumili ng pagkain.
Nakatutok lang ako sa harapan na parang may interesanting bagay ang naroon.
How can he do this to me? In the first place, bakit ko hinayaang mangyari sa akin ito?
Nagbaba ako ng tingin at nakita ang bracelet na binili ko nang unang punta namin sa La Grenda na siya mismo ang nagsuot. Ever since then, hindi ko pa ito natatanggal. I'm afraid he will be mad at me if I do so.
I chuckled. Shame on you Angel! Shame on you.
What happened in the cave was pure lust. Wala ang girlfriend niya at ako ang naroon. Ako na pinsan niya.
Pero kasalanan ko rin naman kung hindi ko siya unang hinalikan hindi na yun nasusundan.
That is why I'm trying to solve all of these. Pabor pa nga sa akin kung tutuusin dahil may girlfriend na siya. Hindi na ako mahihirapan.
But then, imbes na magsaya..
"Hiwalaya mo na 'yan, hindi ka no'n mahal."
Kumunot ang noo ko ng biglang may umupo sa pwesto ni Benjie na nasa harapan ko.
"What do you need?" I asked through my gritted teeth.
Ngumisi siya na parang aliw na aliw sa naging reaksyon ko. Mas lalong uminit ang ulo ko ng malala ang nangyari.
"I haven't properly introduce myself Miss Encinareal. I am DenMark Velasco by the way." He extended his hand for a handshake.
May malaking ngisi pa rin na naglalaro sa kaniyang labi. Tinitigan ko lang 'yon, walang balak tanggapin.
Yes, ito ang Velasco na nanggulo sa amin noong isang gabi. And I hate the fact na ang dali lang niyang sumulpot sa harapan ko na parang kaboti.
"Do I look like I care?" I asked with my arch brow, he chuckled.
Nang mapansin na wala akong balak tanggapin ang kamay n'yang nakalahad, binaba niya ito. Tumayo siya bago paikutin ang upuan. Ngayon, magkaharap na kaming dalawa. He crossed his arms over his chest.
I sighed. Ang tagal naman yata ni Benjie?
"Ang cute mo talaga! I just want to be friend with you." he added, the smirk on his face never fades.
Naalala ko bigla ang sinabi ni kuya Drake. He's not someone whom I could befriend with. He's dangerous. Kahit na ang gaan lang niyang magsalita, and he looks fine. Pero, kabarkada siya ni Jayson so hindi nga nakakapagtakang pareho ang ugali nila.
May problema na nga ako, dadagdag pa ba siya?
"Hindi pa naman ako namamalimos ng kaibigan." Sabi ko bago ikutan siya ng mata.
He laughed humorously. "I really like your guts. So wild," nakangisi niyang tinuran. Nakatingin siya sa akin na parang nanghahamon.
"I don't have time to play with you. Umalis ka na." pagtataboy ko. He bite his lips, naroon pa rin ang tuwa sa mga mata niya.
How dare him calling me wild? Sa inosente kung ito?
Natatawa siyang tamayo. Nabigla ako roon, I thought he'll stay longer. Na tipong papahabain ang usapan at mang-iinis.
"Fine," Pinagpagan niya ang sarili na parang may nakakahawa akong sakit. What the hell?
He stood proudly in front of me. He smirked more when he saw the irritation in my face.
"A little piece of advice Miss Encinareal. Galing sa pogi mong kaibigan, be careful. Baka mahuli ka," a smile was plastered in his face. Na halos makita na ang perpekto niyang ngipin.
Kumunot ang noo. Anong pinagsasabi niya?
Tumatawa siyang lumabas ng classroom. Wala sa sariling kinapa ko ang dalawang braso, biglang nanindig ang mga balahibo ko.
He's damn creepy! Baliw nga talaga ang isang iyon.
--
Napangiti ako ng marinig na naman ang reklamo ni Benjie. Papunta na kami ngayon sa library, ako na ngayon ang humahatak sa kaniya. Panay ang reklamo at busangot ang mukha. Tutal tapos na ang klase namin sa araw na ito, naisipan kong magbasa. Syempre, kasama ang nag-iisang kaibigan ko.
Imbes na umuwi at makita si kuya Drake, mas mabuti nalang 'to.
"Angel! Pupunta pa ako sa mga jowa ko."
I laughed. Gusto niyang pumunta kami sa field at manood sa mga football players.
"Alam ba nilang jowa mo sila?' napasimangot siya na lalo kong ikinatawa. Hindi pa marami ang tao na malaking pinagpasalamat ko. Pati sa pagkuha ng libro, hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya.
Napailing ako ng kumuha siya ng romance novel. Isa iyong sikat na libro. Hindi lang academic books ang mayroon sa library, may mga novel rin na karamihan makikita sa national book store. Hindi na lang ako nagsalita, mabuti nga at malilibang siya sa halip na puro reklamo. Umupo kami sa sahig, kahit marami pa namang bakanteng mesa.
"Why are you so engrossed with books? Hindi naman habang buhay mag-aaral ka." Natigil ang akma kung pagbuklat sa libro sa tanong niya.
I looked at him like he just asked the most ridiculous question.
"Benj, purque hindi habang buhay ako mag-aaral hindi na ako magbabasa. Girl, hindi ako makaka-graduate kung hindi magbasa!" Ginaya ko ang boses niya.
He laughed. "Alright, mabuti nga ito at ng may makopyahan ako." I leered while he begun reading his novel.
Kita mo, instead of reading academic book which will enhance his knowledge about our topic, he prefer those fictional stories. Nagkibit balikat ako bago simulang magbasa. Minsan naririnig ko ang munting tili ng katabi ko na parang kilig na kilig.
Mariin akong napapikit ng ilang minuto na akong nakatutok sa libro at wala pa akong naiintidihan. I glanced at my side and saw Benjie grinning mindlessly. I sighed, wala ring silbi ang pagpunta namin dito kung lumilipad lang ang isip ko
Tumingin ako sa orasang nasa kamay ko. It's already quarter to five and we should be leaving by now. Hinugot ko ang cellphone, I text si kuya Romel the driver. Tinanong ko kung nasaan na siya at nasa labas na raw ito.
Sinabi ko kay Benjie na umuwi na kami, malaking ngiti naman ang sinagot nito. Binalik muna namin ang libro bago lumabas.
Nag-uusap kami habang naglalakad. Nalaman kong ang mommy at daddy niya ay nasa manila. He choose to study here, cuz of his grandmother. Tumutulong siya sa pag-aalaga dito. May dalawa pa siyang kapatid na nasa syudad.
"Kayo lang dalawa ng lola mo ang nasa bahay?" I curiously asked. Malapit na kami sa parking lot, at kita ka si kuya Romel na nag-aabang sa akin.
He shook his head, "Yong tita ko kasama rin namin sa bahay. In fact, isa siya sa mga professor dito." nakangiti niyang ani. Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam 'yon. He laughed at my reaction. We stopped in front of his car. "Yep, mabuti nga at may katuwang ako sa pag-aalaga kay lola. She's kind, alam kong magugustuhan mo siya."
I chuckled, "Sige, pakilala mo ako sa susunod." ani ko, tumatango-tango siya. Nagpaalam ako at tinignan na lamang ang papalayo niyang sasakyan.
Tumalikod na ako at maglalakad na sana papuntang sasakyan ng biglang may humawak sa braso ko. I gasped in surprise. Ramdam ko ang init na dumaloy sa katawan ko. His calloused hand linger in my skin radiating an unexplainable heat.
Nanlaki ang mata kong nilingon ang taong may hawak sa braso ko. Bigla akong napaatras ng mabungaran ang madilim na anyo ni kuya Drake. His eyebrow were furrowed. His jaw was clenching, and I can feel his veins protruding the way he held my arm. Ang maganda niyang mga mata na gustong gusto kong tignan ay kasing dilim ng kalangitan sa tuwing walang buwan o kahit mga bituin.
"We need to talk," sabi niya sa baritonong boses.
Napalunok ako, nakatitig lang ako sa mata niya. Hindi alintana ang dilim at talim ng titig nito.
"I-I'm going home na. Let's talk some other time." Mariin akong pumikit ng mautal.
Wala akong kasalanan, so dapat hindi ako nakakaramdam ng ganito. Kung tutuusin, ako nga dapat itong nagagalit!
Sa isipang 'yon, tumuwid ako ng tayo. I held my chin high and glared at him.
"Of course, you're going home with me." mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya. His voice were stern.
Sinubukan kong tanggalin ang hawak niya, na mas lalong nagpa-igtng ng kaniyang pangga.
"No! May sarili akong driver. Kuy-" napaigtad ako ng walang pasabi niya akong binuhat na parang isang sakong bigas.
He cut me off again! Damn this man!
My eyes were wide open. Unable to process what just happened. Nang matauhan, nagpumiglas ako. Paulit-ulit kong pinagpapalo ang kaniyang likod. Subalit, hindi siya nagpatinag at patuloy na lumakad. Mas dumagdag ang inis na nararamdaman ko.
"Kuya ibaba mo ako!" sigaw ako ng sigaw na ang ilan sa mag-aaral ay napapatingin sa amin.
Hindi ko sila pinansin. Hindi ko magalaw ang dalawang paa ko dahil mahigpit ang hawak niya dito.
"Kuya!" I nearly cried due to frustration.
Bigla nalang siyang susulpot at bubuhatin ako na parang walang ibang tao. He must be out of his mind!
Nasaan ang jowa niya? Hindi itong ginugulo niya ako!
Nadaanan pa namin si kuya Romel na tango lang ang ginawa kay kuya Drake. Halos mapanganga ako ng hindi man lang siya tumulong.
Narinig ko ang pagbukas niya sa kaniyang sasakyan, bago ako ibaba. Lalabas na sana ako ng dumaan siya sa mismong harapan ko. Like the hell? Pinagkasya niya ang sarili kahit ang sikip sikip. Nahigit ko ang sariling hininga ng maamoy ang panlalaki niyang pabango. I shook my head.
Hindi ako marupok.
I glared at him when he seated himself on the driver seat. I tried to open the door but it's lock. Mariin akong pumikit. Gosh!
Mommy help me..
Nagmulat ako ng mata at sinalubong ang tingin niya. Walang mababakas na katuwaan doon. He is looking at me with those expressive and hooded eyes. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. para akong mabibingi sa lakas ng kabog nito. Ramdam ko ang butil ng pawis sa noo ko. Napailing siya na parang disappointed bago walang pasabing pinaharurut ang sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top