CHAPTER 14

Somewhere

Natapos ang klase na halos pagpapakilala lang ang nangyari. Some professors didn’t attend the class. Ano nga ba ang aasahan ko? Palaging ganito sa tuwing unang araw ng pasukan. Pero meron rin namang agarang nag papa quiz! Good thing it didn’t happen.

"Saan ka girl? Maaga pa, arat sa field maghanap ng gwapo!" Nakangiti si Benjie na naghihintay sa akin. I was arranging my things to leave.

"Ahm.. ikaw na muna Benj, may gagawin pa ako." nagsusumamo ang boses na ani ko.

Since maaga pa naman, naisipan kong magpunta muna sa library. I decided to read some books for tomorrow’s lesson. Nabigay naman sa amin ang syllabus kaya alam ko na ang dapat basahin. Pero imbes na umalis, pinulupot nito ang kamay sa braso ko.

"Ano ka ba! Huwag kang kj girl! Minsan lang ‘to kaya sulitin mo na." Pagpupumilit niya.

Anong minsan eh, hindi pa naman kami ga-graduate. May dalawang taon pa siya para maghanap ng gwapo.

"I’m really sorry. But I need to read some books at the library." Inikutan niya ako ng mata. Nasa balikat ko na ang bag at gusto na sanang lumabas but here we are.

"Ang boring ng life mo! Huwag puro libro ang inaatupag. Ako nga minsan lang magbasa, nakapasa." sabi niya bago kumindat.

Napailing ako. Alam ko ang responsibilidad ko bilang isang mag-aaral. I separate my personal caprices to my studies. I party when I’m free, and I often read books. Madami akong kailangan pag-aralan lalo na at hindi ako nakapagbasa nitong summer. I was busy exploring my youth.

"Really Benj hi—"

"Hep! Hep! Shut up ka na. Pupunta tayo sa ayaw o sa ayaw mo." Napasimangot ako ng kaladkarin niya ako palabas.

Hindi pa nga ako pinapasagot!

"Huwag kang sumimangot. Marami doong fafa at siguradong mag-eenjoy ka!" Napangiwi ako ng muli niyang hampasin ang balikat ko.

Sa bahay hindi ako pinapalo, sayo lang pala huh Benjie?

Satsat siya ng satsat kung gaano karami ang mga pogi sa paaralang ito at kung paano siya naiinis na kaibigan lang daw ang tingin ng mga ito sa kaniya. Tumatango na lang ako at hindi nagkomento pa. Pagkalabas namin sa gusali marami ng mga estudyante ang nagkalat sa paligid, may mga sariling mundo. Ang iba ay nasa mga bleachers.

Napadaan kami sa grupo ng kalalakihan na nasa gilid ng oval. May tumawag sa pangalan ng kasama ko kaya naman tumgil kami.

"Hoy bakla! Pakilala mo naman kami sa kasama mo." said the guy with a piercing on his right ear.

I look at them with confusion. They are five on the group, although the two boys were focus on their phone and not giving a care about his surrounding. Nakaupo ang dalawa sa bleacher habang ang tatlo ay pawang nakatayo.

Hinawakan ko ang kamay ni Benjie na nasa braso ko. Tinitigan niya ako. I look at him in the eyes. Umaasang makukuha ang nais iparating. Hindi ko gustong makipag-usap sa kanila. Hindi ko gustong makipagkilala. I am not being judgemental but the way they look at me.  I felt uncomfortable.

"Sapak gusto mo?" Tinaas  ni Benjie ang kamao na parang nanghahamon. Hindi ako nagsalita habang umalingawngaw ang malakas nilang pagtawa.

"Oh I’m scared! Sapakin mo ‘ko, please."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng lalaki na sa tabi ng tumawag kay Benjie. Kulay dilaw ang buhok nito at nakita ko rin ang hikaw na nasa dila nito nang magsalita. Kinilabutan ako sa nakita. Paano nila nakakayang maglagay ng hikaw sa ganoong parte ng katawan? Mas matatanggap ko pa kung sa tainga pero ang sa loob ng bibig?

Malakas na tumawa ang isa "Ang damot mo naman. Akala mo hindi bakla." Nagpanting ang tainga ko sa narinig.

Is it really necessary to humiliate our peers? I get it, we have varied perceptions in life. May pagkakataong hindi ka tatanggapin ng mga tao at mayroon ding handang umunawa at tumanggap. Subalit, hindi naman kailangan ipahiya ito sa harap ng ibang tao. Mas mabuting sarilinin nalang nila ‘to. Especially if it has the capacity to hurt the person involved.

Plus, ako ang tinutukoy niya.

"How old are you guys?" I asked making Benjie stiffened. Hindi niya inaasahang sasali ako sa kanilang usapan. Lalo na’t mahigpit pa rin ang hawak ko sa balikat niya.. like a scared puppy.

I can’t stand watching others disrespect him. Kahit ngayon lang kami nagkakilala, kahit palagi niyang pinapalo ang braso ko, alam kong mabuti siyang tao.

Sumipol ang lalaking may piercing sa tainga. Bakit hindi nalang nila gayahin ang dalawang kasama nila.

"Hi miss! I’m Jayson Alexander Reyes. You can call me babe." Kumindat  pa siya matapos sabihin ‘yon.

"Are you dumb? I’m not asking for your name idiot." Tumawa ang dalawa niyang kasama na nakikiusyuso.

I crossed my arms over my chest. Narinig kong bumulong si Benjie.

"Angel let’s go na. Huwag mo na silang patulan." hindi ko siya pinansin at tinaasan lamang ng kilay ang lalaki.

"Shit ang bangis!" I heard the other guy says. Sinamaan ko siya ng tingin.

Humakbang pasulong ang nagngangalang Jayson. Kiniskis pa nito ang sariling mg palad bago ngumisi.

Creepy.

"I’m still young miss. Single and always ready for a mingle." I rolled my eyes.

Baduy!

"Oh I see. Young and fresh, eh?" Hinawakan ni Benjie ang balikat ko pero hindi ako nagpatinag. Muling sumipol ang dalawa niyang alagad sa likod. "Sweet. Young and stupid." I added, the smile on his faded.

Kumunot ang noo nito na parang hindi alam ang sinabi ko.

"Didn’t your parents teach you the basic moral and courtesy since you were kids? Or maybe perhaps yes, sadyang mga wala kayong galang."
I narrowed my eyes to his group.

Ngayon, ang dalawang lalaki na busy sa kanikanilang cellphone ay nakatitig na rin sa amin. Na parang nanunuod lang ng pelikula. Jayson eyes darkened in anger. He looked pissed but the hell I care.

"Do you even know the word respect? Ang tatanda niyo na, daig niyo pa ang bata kung umastang walang pinag-aralan." I saw this Jayson balled his fist.

Tahimik ang mga kasama namin. Pero ramdam ko pa rin ang hawak ni Benjie sa kamay ko na anumang oras handa akong hilain palayo. I tried to stifle my smile remembering the person who doesn't want to be respected.

Lumigon ako sa paligid, laking pasasalamat ko ng walang pumapansin sa amin. Siguro dahil nasa malayo na parte kami at may sarili silang ginagawa. Hindi ko rin alam kung saan ako dapat dadalhin nitong kasama ko at umepal ang grupo nitong Jayson.

"Sorry to burst your bubble but the guy you’re pertaining as bakla, you’re all nothing compared to him.” I raised a brow.

Kita ko ang pamumula nito dahil sa kahihiyan. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang handa nang manuntok.

I smirk. "What? You’re going to punch me?" hamon ko. I tried go near him but Benjie hold my hand.

"Ang yabang akala mo maganda." said the other guy.

I laughed without humor. Napapansin ko, iyon ang problema ngayon ng mga tao. Purque hindi kagandahan, mamaliitin na agad. It’s like only those gifted once have the privileged to be accepted  without doubts in this society. They will welcome you with open arms. And it suck!

"Coming from the guy who’ve just asked for my name earlier." I smirk more when he suddenly tried to approach me but the blonde boy  with piercing in his tongue stop him.

"Girl stop it! Hayaan mo na ang mga ‘yan!" Benjie said for the nth time, hindi ko siya pinansin.

Mariin ang titig ko sa tatlong kalalakihan na masama na ang tingin sa akin. Hindi lang pala magagaling na doctor, engineer at lawyer ang nanggagaling sa paaralang ito. Kasama rin pala ang mga tarantadong katulad ng grupong 'to.

"You piece of sh—"

"Jayson stop."

Natigil ang akmang paglapit ni Jayson ng tumayo ang lalaking may salamin na kanina tutok na tutok sa sariling cellphone. Nakasukbit ang bag nito sa balikat. Kulot ang kaniyang buhok. His voice was low, but dangerous.

"Hindi dapat sinasaktan ang mga babae, sabi pa nga nila minamahal ‘yan." Kumunot ang noo ko, and here I thought he's different from this three.

Indeed, birds on the same feathers, flock together.

"I’m sorry miss. Badtrip lang itong mga kasama ko, diba pareng Benjie?" Tumingin siya sa akin bago ngumiti. Parang nataranta pa itong kasama ko at agad akong hinaklit sa braso.

"Ah oo! Tara na, tara na!"

Napailing ako bago magpakaladkad na naman. Napansin ko pa ang pagkaway ng lalaking may kulot ang buhok habang may ngisi sa labi.

"Ano ka ba Angel! Dapat pinabayaan mo na ang mga ‘yon!" Binawi ko ang brasong hawak niya at hinimas ito. Hindi pa natatapos ang araw ganito nang sakit ng katawan ang natamo ko. Thanks to him.

"What do you want me to do then? Hayaan silang bastusin ka sa harap ko?" I flatly ask.

Napahinga siya ng malalim. Tumigil kami sa isa sa mga bleacher ng school na kita ang naglalarong mga football players. Kahit unang araw palang, may training na sila.

Padabog akong umupo. Hindi ko rin naman gustong makipag-usap sa kanila. I just felt the need to stand for him. Ano naman ngayon kung bakla siya? Gays nowadays are also a big asset in our country. Na kung tutuusin mas may silbi pa sila kumpara sa ibang kalalakihan.

Wala silang papel sa buhay niya kaya maiging tumahimik nalang sila.

"Sanay na ako sa mga gano'n. Don’t worry, I’m fine." I glared at him.

I didn’t buy what he says. Kasi alam ko, those people who proclaimed they are okay was never really fine. It was the complete opposite of what they feels.

"Not because you are okay, you’re already numb from the pain." he was taken aback.

Bumuntonghininga ako bago hawakan ang kamay niyang namamahinga sa kaniyang kanang hita. He’s not looking at me. Nakatingin lamang siya sa harap, kung saan may mga naglalaro.

"You don’t have to pretend when you’re with me. You don’t need to fake a smile. I am here.. I can listen to your rants and outburst." I sincerely announced. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kaniyang hita. "Kahit ngayon lang kita nakilala, I know you are a good person. Handa akong makinig Benj, nandito lang ako."

Maybe it was the experience. I can tell whether a person was faking his or her action. I’ve meet a lot of people doing that. Sa Bicol palang marami na akong nakilala, and I hate that feeling. Looking at him now, I know he’s not a fraud. Mas maganda nga kung may makakasama ako dito sa loob ng dalawang taon.

"Ang sarap." he answered out of context.

"Huh?" Nalilito ko siyang tinignan. Pagkatapos ng mahabang sinabi ko, ‘yon lang ang isasagot niya?

He pointed something using his lips. Naguguluhan kong sinundan ang tinitignan niya. Kumunot ang noo ko nang makitang ang mga player ‘yon na wala nang suot na damit.

"Alin ang masarap?" I curiously ask.

For the nth time, nakatanggap na naman ng palo ang braso ko. Napangiwi ako.

"Gaga ka! Ayon oh, ang yummy nila!" He screamed, only we can hear. I glared at him.

"Kailangan mo ba talagang mamalo?" Tumawa siya bago ilagay ang dalawang kamay sa baba at titig na na titig sa mga nagpapahingang mga players.

"They are so cute." he complemented while day dreaming over them. I pouted, hindi man lang pinansin ang sinabi ko.

"Nakinig ka ba sa sinabi ko kanina?" pagbabalik ko ng usapan.

Sa kakatitig niya sa mga yummy , nakalimutan na niya ang pinag-uusapan namin kanina.

"Alin doon?" his brow shot up in confusion.

I rolled my eyes. See? He’s not listening at all. Sayang lang ang laway ko doon.

"Nevermind! Mag pokus ka nalang diyan sa panonood mo." He laughed but didn’t say anything.

Nanatili kami roon nang ilang minuto bago napagdesisyunang samahan ako sa library. Mabuti at napilit ko siyang umalis na, ayaw pa niya noong una dahil maaga pa daw pero hindi ko siya tinigilan. Papalapit na kami sa panghuling gusali bukod doon sa isa pang nakahiwalay ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Napahinto kami bago balingan ang taong nagmamay-ari ng boses.

"Oh my!"  Bulong ni Benjie pero dahil magkalapit kami dinig ko pa rin.

Halos mapamura ako sa isipang hahampasin na naman niya ako. Napahinga lang ako ng maluwag ng hindi ako makaramdam ng sakit braso. Papalapit sa amin si Kuya Drake na may hawak na libro. Nakasukbit sa kaniyang balikat ang bag. He’s now only wearing his shirt tucked on his pants.

Tumigil siya sa harap namin. "Let’s go." agarang sabi niya.

"May  gagawin pa ako, mauna ka na." sagot ko.

Napasnghap si Benjie. Right, hindi pa pala niya alam kung ano ang ugnayan ko sa mga Damascus. Kumunot ang noo niya bago balingan ang kasama ko. Napatingin ako kay Benjie na ngayo’y may nanlalaking mga mata. Napailing ako.

"By the way kuya, this is Benjie. Benjie meet my kuya Drake." Pinagdiinan ko ang salitang kuya.

I didn’t bother looking at his reaction. I was paying attentive on Benjie’s. Baka mamaya hampasin na naman ako nito.

"Nice to meet you bro." Umawang ang labi ko sa naging sagot ng bakla.

He even offer his hand for a handshake. Kahit ang boses ay pinatigas. Lihim akong napatawa.

Damn you Benj!

Tumikhim ako ng hindi man lang tanggapin ni kuya Drake ang nakalahad na kamay ni Benjie. Nakatitig lang siya sa akin na halatang nawawalan na ng pasensya. Nagkakamot sa batok na binaba nalang ni Benjie ang sariling kamay. I laughed. Ayan, landi pa!

"You go ahead kuya. Sasabay nalang ako kay Dwayne."

Which I know is impossible to do. Hindi pa kami nagkausap at wala rin akong number niya. Kahit kanina sa loob ng klase, hindi man lang siya bumati o ngumiti man lang sa akin.
Naramdaman ko ang pagpalo ni Benjie sa likod ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Gagawa at gagawa talaga siya ng paraan, mailabas lang ang kilig na nararamdaman.

He has this looks of you have a lot of explaining to do. I just shrugged my shoulder and look at my cousin.

"I said let’s go Angel! Don’t make me repeat my words." he said with finality. Na parang dapat ko talaga siyang sundin.

"Pero may gagawin pa ako! Sasamahan pa nga ako ni Benjie. Right Benj?" Binalingan ko siya ng tingin at pinanlakihan ng mga mata.

Umayos ka girl. Nataranta siya bago sunod na sunod na tumango. I smiled widely.

"See? It’s still so early. I can go home by myself if that what's bothers you." Tumiim ang kaniyang panga. Senyalis na nagagalit na siya.

I unconsciously hold Benjie’s arm for support. His eyes were too intense. Napabaling ang tingin niya doon na mas lalong nagpadilim ng kaniyang tingin. His adams apple move in a furious manner. Napalunok ako.

"You will come with me or I will carry you?"

I repeatedly curse inside my head.
Hindi naman niya ako kailangan ihatid sundo. May sarili akong mga paa! I am not a fvcking damsel in distress.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. "I gotta go Benj. Sorry bukas nalang ulit." Ngumiti ako sa kaniya.

He smiled and nods his head. Kumaway pa ako bago magsimulang maglakad. Completely annoyed.
Instead of arguing, I chose to oblige. Who knows baka tutuhanin niya ang sinabing buhatin ako, marami pa naman ang nakakakita. In the first place, he always wins.

Naramdaman ko ang pagsabay  niya sa akin sa paglalakad. I fasten my pace but his legs are longer than mine. Na halos isang hakbang niya lang ang sa aking dalawang hakbang.

"Why are you with him?" irritation filled me with his question. Don’t tell me pagbabawalan niya pa akong makipagkaibigan?

"He’s my friend." It's like he was asking the most stupid question he could ask for.

Katulad ng kaninang umaga ang ilan sa mga mag-aaral ay napapalingon sa amin. What’s there to look? Hindi naman pogi itong kasama ko!

"Stay away from him. I don’t like the idea of you being with him all the time." Napatigil ako sa paglalakad at masama ang tinging iginawad sa kaniya.

Seryoso ba siya? Ang babaw naman ng dahilan niya!

"Wala siyang ginagawang masama for pete’s sake!" dahil sa pagmamadali, hindi nakakapagtakang nakarating agad kami sa parking lot.

"Pwede kang makipag kaibigan sa kaklase mong babae. You have plenty of them."

Binuksan ko ang pinto ng passenger seat bago malakas na sinara iyon. I put my seatbelt on. He’s unreasonable.

"Why don’t you befriend them instead?"

Nakataas ang kilay na tanong ko nang sandaling makaupo na siya sa driver seat. Sinamaan niya ako ng tingin. He put his bag and books to the backseat. Nag-iwas ako ng tingin ng walang pasabi niyang tinanggal ang suot na t-shirt.

"I’m serious Angel, don’t play with me." Basta nalang niyang tinapon ang hinubad na damit sa backseat. May kinuha siya sa compartment na gray shirt printed with a designer logo.

"Sa tingin mo nagbibiro ako? Hindi pwedeng diktahan mo ako sa kung sino ang magiging kaibigan ko." I almost shout.

Huminga siya ng malalim na parang pinapakalma ang sarili. Hindi pa umaandar ang sasakyan. Kung mga babaeng plastic lang pala ang tinutukoy niya, mas mabuting mag-isa nalang ako sa buong taon. Nagsawa na ako no'n sa Bicol.

"It’s for your own good. I—"

"For my sake really? Para sa akin ba talaga o para sa ‘yo? You’re threatened by those men trying to get into my pants! You are ridiculously possessive over nothing! Do you even own me in the first fucking place?" Mabilis ang paghinga ko matapos sabihin 'yon. I don’t like the idea of him ordering me that and those. May sarili akong desisyon, hindi na ako bata.

Natigilan siya. It looks like hindi niya inaasahang sasabihin ko ‘yon. Natigilan rin ako ng dumaan ang sakit sa mga mata niya. He knows that for sure, but why do I have this heavy feeling watching him like this?

Maya-maya napailing siya. Nakatitig lang siya sa akin na parang hindi makapaniwalang kaya kong sabihin ‘yon. He, then sighed before maneuvering the car. Hindi na siya muling sumagot.

Mariin akong napapikit sa ginawa. I was harsh, yes. But I can’t take it back. Nasabi ko na, hindi na pwedeng mabawi. My sorry may ease the weigh of it, but still, it already got over his system.

I bit my lips. Nagdadalawang isip kung magsasalita ba o ano. I was staring at the window. Tanging mabibigat lang na aming paghinga ang naririnig sa buong sasakyan.

The atmosphere felt heavy. I am at fault I know, pero iyon ang totoo. He doesn’t own me, so  do I. Whatever his plans is, it needs to be stop. Walang mangyayaring maganda kung ipagpatuloy niya ang sinasabi niya noong nakaraan.

"We’ll eat first before going home." his baritone voice filled the air.

Napatingin ako sa kaniya na ngayo’y nakakunot ang noong nakatutok sa harap. It’s like may kaaway siyang inaabangan. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mahigpit na hawak niya sa manibela.

"It's early for a dinner." Sumulyap siya sa akin bago muling ibaling ang tingin sa harapan.

"Then let’s wait until it’s time for dinner."

Umiling ako. "Umuwi nalang tayo at doon maghapunan." I suggested, but it seems he have already plan this out.

"No, we're going somewhere"

And we are back with his somewhere thing.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top