CHAPTER 13

First Day


Nakadilat ang dalawang mata ko sa ginawa niya. Paanong sa isang iglap narito na siya sa harapan ko na kung tutuusin pinag-planohan ko na siyang layuan?

Sumikdo ang puso ko ng hawakan ni kuya Drake ang baywang ko. It was only a smack dahil agad rin siyang humiwalay sa akin. But his arms remained on my waist, holding me in place. Sinamaan ko siya ng tingin habang ngisi lang ang isinagot nito sa akin. Umirap ako bago ilahad ang kamay sa pinto.

"Lumabas ka na," I said through my gritted teeth.

Hindi ko gusto ang ideyang nasa isang kwarto lang kami. Thought of him kissing me is raging in my head. At hindi 'yon maganda. I should stick to what is planned.

Ramdam ko pa rin ang labi niya sa akin, kahit na hindi naman iyon umabot ng isang minuto man lang.

"You're rude. Kararating ko lang, pinapaalis mo na ako." Umiling siya bago inikot ang kabuuan ng kwarto.

Wala akong dapat ipangamba dahil malinis at organisado naman ang mga gamit ko.

"In the first place, I didn't give you my permission to enter in my room." Tumaas ang kilay ko kahit hindi siya nakatingin.

Hindi niya ako pinansin sa halip ay umupo sa tantra sofa sa gilid.

"You bought this?" he asked playfully, completely ignoring my remarks.

Komportable siyang umupo sa gitna ng sofa while both of his hand was on his side.

"Of course not! Nakita mo ba akong dala-dala 'yan?" inis kong tanong.

He chuckled "Who knows baka malalim na gabi mo na itong dinala rito." Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya.

Ano naman ang mapapala ko kung magdadala ako ng tantra sofa dito?

"Ano ang tingin mo sa akin? At isa pa, anong masama sa sofang 'yan?" For me it's a normal thing only. Sadyang madumi lang ang iniisip ng isang ito.

He laughed "Nothing of course! Tinatanong lang naman kita, you're just so defensive." Natatawa niyang tinuran.

Pinagkrus ko ang mga braso sa dibdib. Pumunta ba siya dito para lang inisin ako?

"You better get out of here kuya. I need some rest." Mapang-uyam kong tugon.
I emphasize the word kuya para mainis siya at tuluyang lumabas.

Napakurapkurap ako ng biglang nagdilim ang kaniyang tingin. His jaw clenched and I fight myself to go near him and touch him. Like yesterday..

Gustong gusto ko talaga ang kaniyang panga. Every time it clenches, the way it move in an anger manner. Kahapon nagsawa ako sa parteng iyan ng mukha niya na halos hindi ko na bitawan. But yesterday is different from today.

"Here I thought we already understand each other." tiim bagang na sabi niya.  Napaiwas ako ng tingin.

Right. Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa nangyari kahapon. Umiwas din ako sa kaniya nang dumating kami sa takot na baka mahuli. Akala niya ayos lang sa akin dahil sa inasta ko. He thought we already have an agreement between our kisses.

"Nagkakamali ka kuya. What happened yesterday was only a spur of the moment."

"Fuck!"

Napaigtad ako ng bigla siyang sumigaw. Marahas siyang tumayo at tinahak ang distansya namin.

Nanlaki ang mga matang sinundan ko ang galaw niya. I've never seen this side of him. He may look dangerous but I know he is calm and sweet. Sometimes he will give me a cold treatment, kagaya noong nakaraan na halos hindi niya ako kausapin ngunit hindi siya pumapalya sa pag-aalaga sa akin. Now, looking at his darkened brown eyes, his brows shot up and the veins on his arms were protruding, ginapangan ako ng kaba.

My father didn't hurt me physically so was the other people back in Bicol. Hindi pa ako nasampal o kahit anong klaseng pananakit. Kaya gano'n na lang ang kaba ko ng mabibigat ang hakbang niyang pumunta sa harapan ko.

"What did you say?" Napaigtad ako sa tanong niya.

He's not shouting pero sa paraan ng pagsasalita niya. Malalim at may diin siguradong mabibigla ka.

Napapikit ako bago pinaglaruan ang dalawang kamay. I inhaled a large amount of breathe before opening my eyes. Lumambaot ang ekpresyon niya ng mapansin ang kaba ko.

"I..I'm sorry. I didn't mean it like that." He said, umiling ako ng sinubukan niyang hawakan ang braso ko.

I step backward, para bigyan ng distansya ang pagitan namin.

"I should be the one apologizing. I'm sorry for what I've done back in the cave. Hindi ko na dapat ginawa iyon." Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Tinitigan ko siya ng mariin para makuha niyang hindi ako nagbibiro.

Though, his eyes were begging for something.  I stared at his orbs for a minute. Because I believe in the supremacy of our own eyes. If our mouth can't say the appropriate words needed to say, our eyes take place. It's the one responsible for our true feelings to be revealed. Maloloko mo ang ibang tao, pero sa mata ng tunay na nakakilala sayo. They will eventually know the truth behind those sweet lies.

"I'm so sorry." Napakagat labi ako sa bigat at intesidad ng tingin niya.

He's not saying anything and I hope nakuha niya ang gusto kung sabihin.

"Why?" Paos nitong bulong.

I shook my head "We are both tired and maybe driven by the cold k-kaya nangyari iyon... Na hindi dapat." I trailed.

"What do you mean?" He asked with his jaw clenching.

I sighed deeply "Hindi dapat iyon nangyari, kuya. Isa 'yong kasalanan and I understand if you'll hate me. It was my fault anyway. If I hadn't kiss y—"

"What the fuck are you saying?" His voice thundered.

Napalunok ako. "I'm sorry but what happened in the cave should remain on the cave. I was not thinking straight and I.." I stop midway when I saw his Adams apple move.

"You're mistaken, baby. Nabigla kalang sa ginawa kong pagsigaw. I promised hindi na... I'll try my best to always be calm." He pleaded.

Umiling-iling ako. "Kuya listen," I gulped

"Damn! No! Just don't finish your sentence—"

I cut him off. "Ano ba, kuya! Hindi mo ba maintindihan? Hindi ko ginusto ang nangyari at hindi na dapat pang maulit iyon. Walang magandang maidudulot sa atin kung ipipilit mo lang din ang gusto mo.."

He tried to hold me, this time hindi na ako nag protesta. Gumapang ang dalawa niyang mahahabang kamay sa magkabila kong balikat. I shivered at his sudden touch. May suot akong damit pero ramdam ko pa rin ang init na hatid ng kaniyang mga palad. Pinilig ko ang sariling ulo sa iniisip.

"Please take it back.. Take it back hmm? Please baby." Napalunok ako sa pakiki-usap niya.

How can he be like this? Alam kong madali lang siyang makahanap ng ibang babae. Babaeng hindi bawal.. babaeng karapat dapat sa kaniya.

"K-Kuya kahit saang anggulong tignan mali iyon. Maling mali at hindi ko masisikmurang lokohin ang mga pamilya natin."  I tried to explain pero hindi sya nakinig. Sa halip ay binaon niya ang mukha sa aking leeg.

Napakislot ako. Tumatama ang kaniyang mainit na hininga sa aking balat. Pinigilan ko ang sariling mapapikit at hawakan ang kaniyang buhok.

"N-No. You can't order me what to do. Kahit itaboy mo ako, babalik at babalik pa rin ako sayo. Not after what happened yesterday."

Natulala ako. Hindi dahil sa naging bulong niya kung 'di dahil sa marahang paglapat ng labi niya sa balat ko.

"I don't fucking care to those shitheads. They can think whatever they want to think. I don't give a damn." mautoridad na aniya. "And our family.. I'm sure they will understand. We'll only take this slow.. just trust me." he murmured.

Para akong nakalutang sa ere. Hindi ko namalayan ang paghiwalay niya at paghalik sa noo ko sa mga sumunod na oras. Napabalik lang ako sa katinuan ng marinig ang pagsara ng pinto. Hapong hapo akong umupo sa kama. Nasapo ko ang sariling noo ng rumehistro sa ang lahat ng sinabi niya.  I groaned and shut my eyes before laying n the bed.

Days passed like a blur. Hindi ko na namalayan ang mga araw. Nanatili ako sa loob ng kwarto at hindi lumalabas liban kung kakain. Mabuti at laging hindi ko nakakasabay si kuya Drake sa hapag. Kapag bumibisita si tita nagdadahilan akong may ginagawa. Hindi naman siya nag-uusisa na malaking pinagpapasalamat ko. Hindi ko na rin nakita si kuya Drake matapos ang naging sagutan namin.

Ngayon ang unang araw ng pasukan. I'm still not wearing my uniform. Tanging dress na hapit sa katawan ang suot ko. Kulay krema siya na bumagay sa balat ko. I apply a minimum make-up before grabbing my designer bag. Nakalugay ang buhok ko.

Kahapon lang binigay ni tita ang mga gamit ko sa school. It was only few though. Organized naman akong tao kaya hindi na kailangan ng marami. I also bought my recorder. Para habang nag didiscuss si prof I can tape it. Of course I would take down notes. Nakasanayan ko lang na pakinggan muli ang lesson bago matulog for me to fully understand it. Iba lang ang ginawang notes.

It was seven thirty when I leave my room. Sabi ni tito may driver na maghahatid sa akin. I waited in the front door. I was checking my bag if my schedule was there when I felt a car stopped in front of me. Hindi na ako nag-angat ng tingin dahil alam kong ito na ang sasakyan ko.

"Thanks po," hindi ko nakita ang mukha ng driver dahil nasa likod na ito ng pintuan. Pagkaupo ko, nagpatuloy ako sa paghahanap.

Importante 'yon dahil nandoon na lahat ng schedule ko. Napahinga ako ng maluwag ng makitang nakaipit pala iyon sa isang notebook.

"Wear your seatbelt," Napalingon ako sa gilid ng may magsalita.

Gano'n na lang ang gulat ko ng makita si kuya Drake. After how many days, nakita ko ulit siya. Wait, siya ba ang sinasabing driver ni tito? Alam ko hindi eh, hindi magsisinungaling si tito.

"Why are you here?" gulat kong tanong.

He raised his brow. Nasa manibela ang dalawa niyang kamay. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya, he's wearing a white long sleeves. Nakabukas ang tatlo nitong butones at nakatupi hanggang siko ang manggas. I can see his white shirt underneath it. Ngayon rin pala ang simula ng klase niya. He's now on his last year.

"This is my car obviously." he answered with sarcasm. I rolled my eyes.

"Hindi ikaw ang dapat maghahatid sa akin. Where is he? Bababa ako." Sinubukan kong buksan ang pinto pero na ka-lock iyon. I sighed in defeat.

Masama ko siyang tiningnan habang tinaasan niya lang ako ng kilay. Sa huli umayos na lamang ako ng upo bago mag seatbelt. Mahigpit kong hinawakan ang bag na nasa kandungan. Now that we are in a close area, my heart pounded for an unknown reason. Namamawis ang gilid ng noo ko. And his words lingered on my head.

Kahit itaboy mo ako, babalik at babalik pa rin ako sa'yo.

Is this it? Nawala siya ng ilang araw na malaki ang pinagpasalamat ko. But somehow, there's a hallow feeling on my stomach during those days. Sa mga araw na hindi ko siya nakita.

Tumikhim ako "W-Where have you been?" I should strike a conversation. Nakakabingi ang katahimikan.

Saglit siyang tumingin sa akin bago ibalik ang tingin sa harap.

"Why? Did you miss me?" I can see a ghost of smile on his lips.

"'Di ba pwedeng curious lang?" Ngumisi siya. I am looking at is side way body. Kaya kitang kita ko ang nagiging reaksyon niya.

"Bakit ka naman curious sa akin? Last time I check you're eager in pushing me away." I pursed my lips.

Bakit ang dami niyang tanong? Gano'n ba kahirap na sagutin ang tanong ko?

"Nevermind," I said in annoyance.

He is partly true. Iniiwasan ko siya. Mali, dapat ko siyang layuan, sadyang hindi nagpapaawat ang munting tinig sa isip ko na alamin kung ano ang pinagkaabalahan niya nitong nakaraan.

His laughter echoed the whole space.
"Nasa bahay lang ako noong nakaraan. I only give you space to think." Nakatitig ako sa kaniya habang sinasabi iyon.

So nasa bahay lang pala siya at sinadyang hindi sa akin magpakita. For what? Para pag-isipan ang sinabi niya?

Hindi na kailangan dahil mananatili and desisyon ko. Hindi ko man siya magawang lubayan, I will refrain myself from crossing the line. Lulugar ako sa kung saan ako nararapat. Ang nangyari sa kweba ay mananatili sa loob ng kweba.

Inikot niya ang sasakyan papasok sa University. Hindi ko namalayan ang takbo ng oras. I sighed, mabuti na rin itong may pasok na. Sa gano'n hindi ko na kailangan tiising makita ang mukha niya araw-araw.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto. Inayos ko ang nagusot na damit bago magpatiunang maglakad. Trying to escape him. Or so I thought, dahil hindi pa ako nakakalayo ramdam ko na ang presensya niya sa tabi ko.

"Do you even know your room?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"I'm not dumb obviously. I have here my schedule. No need to worry." I rolled my eyes before getting that piece on my bag.

"I'll accompany you. This is your first time, mahihirapan ka." Umirap ako. Hindi na ako nagprotesta dahil may punto siya.

Hindi ko alam ang pasikot sikot sa loob ng University. Just like the first time, namangha ako sa ayos nito. I still couldn't believe something massive like this exist. That would be a hell for those engineers who built such extravagant school.

We passed the first building where I've enrolled myself. Dumiretso kami sa ikatlong malaking gusali. He didn't bother talking to me while walking. Karamihan sa nakakasalubong namin mag-aaral ay napapatigil. Sa presensya ba naman ng kasama ko. Some even greeted him, na hindi man lang niya pinansin.

Binasa ko ang unang schedule ko ngayong umaga. My first class will be at eight thirty and I still have thirty minutes for that. Sumakay kami ng elevator. Hindi marami ang lulan nito kaya hindi na kami nahirapan. The girls giggled when my cousin stood beside them. Malaki ang space pero siguro dahil sa kakaiwas ni kuya, pinili niyang pumwesto sa pinaka gilid. Habang ako nasa unahan.

"Good morning Drake!" the blonde girl blurted. Nasa gilid ko siya at hindi man lang nahiya talagang humarap pa kay kuya Drake na may malaking ngiti!

Ang mga kasama niya ay tumawa ng hindi man lang siya nagawang tignan ni kuya.

"What brought you here? This isn't your department." Pagpapatuloy niya.

I rolled my eyes. 'Di ba siya nakakahalatang ayaw makipag-usap ng huli?

She's petite but pretty alright. Wala namang pangit sa mundo. Pero nasubrahan siya ng make-up. Narinig kong bumulong ang isa niyang kasama.

"Girl stop it! Hindi ka pinapansin oh." Sinamaan niya lang ito ng tingin.

"Shut up!" She fired back.

Napahinga ako ng maluwag ng tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Ngumiti muna ang babae bago kami tuluyang lumabas ni kuya Drake.

"Sana all sikat." Panunudyo ko.
Sinamaan niya ako ng tingin at hindi na sinagot pa. Napatawa ako.

Bumungad sa amin ang malawak na pasilyo. Nasa ika sampung palapag kami at base sa nakasulat sa schedule ko, room 1015-A ang magiging classroom ko. May ilang mag-aaral ang nadadaanan namin na may mga sariling mundo.

"This will be your classroom."  We stop on the second to the last room of the hallway.

Sinilip ko ang loob at nakitang hindi pa marami ang naroon. Tumingala ako at tama ngang ito na ang magiging pangalawang tahanan ko sa mga susunod na buwan. Ngumiti ako sa kaniya na may seryosong mga mata.

"Salamat! Makakaalis ka na." Pagtataboy ko.

He sighed "We'll go home together. Susunduin kita, so you better don't try to escape."

I pouted, "Nasaan na ba ang driver na sinasbi ni tito? I don't want to disturb you."

"I am your driver. Wag ka nang magreklamo." Sagot niya, napasimangot ako lalo. Wala na naman akong kawala.

"I can ride a tax—"

"Don't even think of doing that. We have plenty of cars to use. So cut that nonsense of yours." Umawang ang labi ko.

How can he say something like that? Ang dali lang para sa kaniya ang magbitaw ng salita, without knowing kung ano ang magiging epekto sa pinagsabihan niya.

If he's going to blurt out such hurtful words I rather have him silenced.

Napansin niya siguro ang biglang pananahimik ko at bigla siyang bumuntonghininga.

"I'll fetch you later. Don't be stubborn." he said in his horse voice.

Napaiwas ako ng tingin. I think it's better if I will have my own car. Nasa tamang edad na ako, at isa pa marunong na rin akong magmaneho. I took a driving class back in Bicol sadyang hindi ko inisip ang magkaroon ng sariling sasakyan. May  driver naman kami so why bother? But now, I should reconsider the idea.

Napaigtad ako ng humalik siya sa ibabaw ng ulo. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang malamlam niyan mga mata. Humakbang siya paatras bago kumaway, hudyat ng pagpapaalam. Hindi ako nakasagot hangang sa dahan dahan siyang nawala sa paningin ko.

Huminga muna ako ng malalim. Kailangan kong mag focus sa pag-aaral not on him.

Nagkibit ako ng balikat bago tuluyang pumasok. I scanned the whole room for a seat. Siguro dahil sa first day palang at medyo maaga pa kaya hindi pa marami ang tao. Dumiretso ako sa gilid malapit sa may bintana. Walang masiyadong tao doon dahil karamihan sa kanila ay nasa bandang likuran.

Naupo ako bago tumingin sa labas. Students were all around the hallway. May kani-kanilang grupo, habang ako nandito sa loob mag-isa. I suddenly miss my friends. Ang mga gagang 'yon!

Nagpangalumbaba akong tumingin sa harapan. Maybe I should start making friends even if they were fake. Sanay na naman ako sa mga ganoon.

"Oy hi girl! You're so pretty." speaking of.

I arched mt brow when a guy approached me with enthusiasm. Iniisip ko pa lang, nandito na agad. I fake a cough before giving him my sweet smile.

Friendly.

Walang pasabi siyang umupo sa harap ko.

"Omg! Hindi ko akalain may kaklase akong diyosa!"

Binabawi ko na ang part na sinabi kung guy, he's a gay. Kahit hindi nag-aayos masasabi kong isa siya dahil sa pananalita at kilos. He waved his hand on the air. Naka polo shirt siya at ang buhok ay bagsak.

"Alam mo ba, may classmate tayong pogi." Pagku-kwento niya.

Feeling close na pinalo niya ang balikat ko. Napaigik ako sa tama ng kamay niya roon. Hindi niya nakita ang reaksyon ko dahil abala siya kakatingin sa may pinto na parang may inaabangan na tao

Napabuntonghininga ako. Yes, naghahanap ako ng makakaibigan pero hindi nalang kung makakakuha lang din ako ng sakit sa katawan

"Ayan na siya! Omg girl! Ang pogi." he exaggeratedly said. Hindi siya sa akin nakatingin but he's confident that I am listening to him attentively.

Napatingin ako sa sinasabi niyang pogi at gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita kung sino ito.

"Dwayne?"

I whispered but it seems to be louder than I thought because the guy look at my side.

"Yes babe, he is Dwayne. My Dwayne." he dreamily announced. Napangiwi ako. He's taking the same course as mine pala. Kaya hindi malabong magkaklase nga kami.

So much for my first day.

He smiled at me revealing his perfect teeth. Nilahad niya ang kamay sa aking harapan na parang nagpapakilala. I was hesitant at first but it would be rude if I'll keep him waiting. In the end, I welcome his handshake.

"I'm Benjie Gabriel Bautista. You are?" binawi ko ang sariling kamay bago ngumiti.

"Angel. My name is Angel Encinareal." he shrieked in delight.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng telepono ko. May sinasabi pa siyang kung ano pero nakapokus na ang atensyon ko sa cellphone. Binuksan ko iyon at nakitang may text galing sa hindi kilalang numero. Kumunot ang noo. Sino naman kaya ito?

I was contemplating whether to open it or not. But my curiosity overwhelmed me.

From: Unknown number.

Don't talk to other men, or go near them. You won't like it when I'm mad

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top