CHAPTER 10

Cave

I was stunned, na hindi ko namalayang nasa harapan na kami ng nakangising photographer. I can feel my cheeks burning. Sure akong nasaksihan nila ang naging pag-uusap namin kanina.

"3..2..1.. smile!" Untag ng photographer.

Alanganin akong ngumiti ng marinig ang click ng camera. I’m sure as hell mukha akong timang doon.
Tumingin ako kay kuya Drake na seryosong nakatingin sa harap. Suot na niya ngayon ang headband. I bite my lower lip.

Ang cute niya talaga.

Mabilis akong tumingin sa harap ng gumawi ang tingin niya sakin. Uminit ang pisngi ko.

What if nakita niya ako?

"Ma’am usog pa po kayo. Ang layo niyo sa boyfriend niyo." Tudyo ng staff na babae.

I shifted my weight uncomfortably. Napapansin ko, madalas kaming pagkamalang mag boyfriend. Mukha ba talaga kaming mag jowa? O, talagang malisyoso lang ang mga tao?

Nevertheless, lumapit pa rin ako sa kaniya na may malaking ngiti. I should look pretty. We are too close that our body were almost touching. Ngumiti ako sa camera, and what I didn’t expect, is him—putting his arm over my shoulder and lightly pulled me.

Ang babae na nasa gilid ay may malaki na rin ang ngisi—nanunudyo. Hindi ko nalang pinansin—pilit hindi pinansin ang hindi normal na pagtibok ng dibdib ko.

Nang matapos, tulala akong lumabas. Hawak ko ang halos sampung larawan na nakuha samin. Si kuya Drake na ang bumayad sa lahat, including the headband. Sinubukan kong mag-ambag, mabuti nalang at may bente pesos ang bulsa ng shorts ko pero ‘di niya pinansin ang nakalahad kong pera.

Naghintay ako sa kaniya ng ilang sandali sa labas, hindi rin nagtagal lumabas siyang seryoso pa rin ang mga mukha. Tinanggal na niya ang suot na headband, habang ang sa akin ay nanatili sa ulo ko.

"Where do you want to go next?" unang tanong niya ng makalapit sa akin. He brush his long finger on his hair. I shrugged. Wala naman akong alam sa mga dapat puntahan dito.

"I think it’s better if we go home muna. We still have a lot of time to stroll. Isa pa, pagod na ako." Mahinang sagot ko. He then nodded, and without a word, he walks away.

Pagkauwi, dumiretso ako sa kwarto, feel ko nalang matulog. Nakakapagod rin pala. Naririnig ko pa ang pagtawag ni kuya Drake sa’kin, na hindi ko pinansin.

Kinabukasan, I woke up earlier than usual. Nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan. I face palm remembering that I skip dinner again last night. Lagot ako nito.

I hurriedly do my morning routines. Hindi ko alam, pero kinakabahan ako. Like someone is mad at me for not eating my meal last night. Na may ginawa na naman akong masama.
At hindi ko gusto ang sinisigaw ng isip ko. I don’t like the idea of him showing his cares in me..

I must be paranoid.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Katatapos ko lang maligo, and I wore my usual pambahay clothes. A t-shirt and a short. Napahinga ako ng malalim ng makitang walang tao sa labas. It's as if I am expecting something—or someone.

Medyo na dismaya lang ako na wala pala ang inaasahan kong nag-aantay sa akin o papagalitan ako like the last time. It’s partly my fault though. If I didn’t expect something, I won’t be this disappointed.

Ang solusyon para hindi masaktan, ay hinding hindi umasa. Never expect, never demand. Masiyado lang talaga akong illusyonada.

When I reached the dining room, foods were already served. I silently eat my breakfast. Paminsan-minsan, napapalingon sa bungaran ng pinto. Hoping to see the man that filled my thoughts since the day my foot landed in this vicinity. Pero natapos nalang akong kumain, at nakabalik sa kwarto hindi ko nakita si kuya Drake.

I get my phone on my room and hurriedly went to the garden. Yesterday, I didn’t have the chance to visit here. Na busy lang masyado. Ngayon, mas gumaan ang pakiramdam ko ng makita ang mga paborito kong bulaklak.

Umupo ako sa palagi kong inuupuan. The surrounding was so serene. Good thing hindi masiyadong mainit sa balat ang sikat ng araw. Pinanood ko  ang nagsasayawang bulaklak sa harapan. They are exquisitely beautiful as the blue sky.  I was drown on my thoughts that didn’t notice a man, standing beside me.

"Hindi ka na naman kumain kagabi."

Sumikdo ang dibdib ko ng marinig ang  baritonong boses na iyin. Dahan dahan akong lumingon sa aking gilid at sumalubong sa akin ang nakasimangot na mukha ng pinsan ko.

Nakasuot siya ng white t-shirt at simpleng ripped pants. Bigla akong pinagpawisan lalo na nang makita ang namumutok niyang braso. Ilang metro lang ang layo ni kuya Drake sa akin, at katatapos ko lang din naman maligo. Pero bakit ang init sa pakiramdam?

"I’m sorry. I was so exhausted that I barely got off from bed." I said  before my eyes lifted on his face. I saw how his lips pursed.

"Even so, hindi mo dapat pinapabayaan ang kalusugan mo." nasungit nitong sambit.

I bite the inside of my cheeks. Para akong studyante na nahuli ng teacher sa paraan ng pagpapangaral niya sa akin.

I should be irritated by now. Kasi hindi ko naman sinadyang hindi magising kagabi para kumain. And in fact, he has no say on what I’m doing. Well maybe, perhaps yes kasi sa kanila ako nakatira. Pero hindi naman makatarungan na halos mukha ko na siyang tatay!

However, I felt completely the opposite. Hindi ako nagagalit with the thought of him, lecturing me. Without thinking, tumayo ako at lumapit sa kaniya. Kumunot ang noo niya sa biglaan kong ginawa. I smiled sweetly at him.

"Yeah, okay I’m sorry. Talagang hindi ako nakapag set ng alarm kagabi kaya hindi ako nagising para kumain."

That’s true. Sa sobrang kapaguran, gusto ko na lang ang humiga buong magdamag. I don’t know but I feel like explaining to him. Hindi ko rin alam kung bakit. Pakiramdam ko lang.. ayaw kung nagagalit o nagtatampo siya sa akin. Mabigat sa dibdib.

Well, he’s my cousin anyway.

Kuya Drake raised his brow. I, then grinned. "Promise me, hindi mo na uulitin ‘yon." 

"Yes!" Tumango tango ako agad. Akala ko pahahabain pa niya ang usapan.

Napabuntonghininga siya bago umupo sa pwesto ko kanina. Ako na ngayon ang nakatayo habang siya naka cross pa ang binti.

"Alright, good to hear that. Sana hindi ka lang hanggang salita."  He said narrowing his eyes on me.

I pouted, "Of course! Hindi naman ako paasa." Tinaasan niya ako ng kilay.
"Tiyaka ‘di ba nga, pumayag na akong tuparin ang napag-usapan natin kahit wala akong maalala." Pinagtagpo ko ang mga palad sa likod.

Even without the fragrance of my memories. May nag-uudyok sa akin na tuparin ang lahat ng iyon. Na parang malaking bahagi ang mga pangako na iyon sa pagkatao ko.

" I hope so too." Umiling niyang tinuran.

Sumimangot ako "Hey! I’m telling the truth."

Nakita kong nag-rolyo ang dalawang mata niya. "Yeah, whatever floats your boat." 

Napasimangot ako, "Can I sit here?" I asked instead, pertaining to the space beside him. He then nodded, malawak akong ngumiti bago umupo.

The bench here is not that spacious. Saktong pang dalawa lang kaya naman halos magdikit na ang mga braso namin.

"What are your plans for today?" tanong niya. I decided to look in front.

"Wala pa eh, ikaw? Ano ba ang dapat kong gawin ngayon?"

Aside from the fact na wala akong alam sa mga lugar na magagandang puntahan dito, wala akong maalala sa mga pangarap kuno namin noon. I’ll leave the decision to him.

"Kung alam ko lang ang mga dapat puntahan, hindi mo ako makikita dito for sure." I uttered before chuckling.

"Then, I have a place in mind. Gusto mo bang puntahan?" anunsyo niya na nagpalawak sa ngiti ko.

Sunod sunod akong tumango pagkatapos tumayo ako habang hindi mabura ang ngiti sa labi.

"What should I wear? I mean okay na ba ito?" I motion my hand over my body. Hindi ko gustong ma-out of place na naman. I dressed accordingly, depending on the situation.

Tumaas ang kilay niya. "Why? Anong gusto mong suotin kung gano'n?" may bahid ng inis sa boses niya. I laughed nervously.

"Sabihin mo muna sa akin kung saan tayo pupunta. So I can choose what to wear."

"Suotin mo nalang kung ano ang gusto mong suotin. Just be sure it won’t show much of your skin."

Napasimangot ako, I want to wear bikini especially if we’re going on a beach! Pero dahil hindi naman niya sinabi. Hmmm.. let's see.

Tumakbo agad ako papasok ng kabahayan. I’m excited as hell! It’s like hindi ako gumala kahapon sa sobrang sayang nararamdaman. Muntik pa akong matalisod sa pagmamadali!
Inisa-isa ko ang mga damit sa walk-in closet. I grab three types of swimsuit. Nilatag ko lahat sa kama para pumili.
Kahit hindi niya sabihin, my instinct told me we’ll go on a beach. But unlike before, dapat handa na ako.

Paano ko nasabi? Dahil base sa research ko kahapon, beaches ang ipinagmamalaki ng Tacloban. Other than hotels and other vacation haven.

Napanguso ako habang pinagmamasdan ang isang cut out suit na bigay pa ni mommy, a plunge neckline and one shoulder suit. Lahat magaganda at daring. But I choose the cut out one. A one-piece wity flattering and eye catching cut outs. The color is black and I find it hot. See through ang nasa bandang tiyan ko at ang likod ay may mga paikis-ikis— the strap.

Nagsuot lang muna ako ng short at cardigan para madaling matanggal mamaya. I wore a minimal make-up since matatangal lang ‘din naman siya. I gather my things on my purse. When everything’s settled, lumabas ako.

My jaw literary dropped when I saw kuya Drake outside my room. Nakasuot siya ng white hoodie and a denim short. Kahit mainit naman sa labas pinili pa talaga niyang mag hoodie! Pero kahit gano'n, hindi maipagkakailang mapapalingon talaga ang makakasalubong niya sa daan.

I never thought someone can make me drool over a jacket. Parang gusto ko nalang maging hoodie.

Tamad niyang ginulo ang magulo na niyang buhok. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuan ko. Parang bigla akong inuhaw. I’m always confident with my look. Pero ngayon, sa paraan ng pagtingin niya. I’ve suddenly grow anxious with how I look. I have a feeling na dapat maganda ako sa paningin or like I should be looking presentable whenever around him.

Tumikhim ako, para siyang natauhan at biglang nag-iwas ng tingin. I saw his adams move. "Let’s go?" ani ko, tumango lamang siya at nagsimulang maglakad. Napailing ako.

What happened to him? Hindi naman siya gano'n katahimik noong nakaraan. He always has his reason. Na handang makipagtalo sa akin like we're on a court. Naalala ko pa noong nag-agawan sila ni Dwayne ng pagkain. Pero ngayon, hindi na masalita!

Pinagsawalang bahala ko na lang iyon. Tatanungin ko na lamang siya mamaya. Nasa sasakyan na kami. We are both silent. Gusto ko siya ang unang mag bukas ng usapan. But it seems na wala siya sa mood. Napatingin ako sa suot. Hindi man lang ba niya ako pupurihin? I know I look good, I’m confident on this department. At hindi ko  rin alam kung ano ang meron sa akin. That I’m silently hoping for his compliment.

Matapos ang nakakabinging katahimikan, tinanong ko siya kung saan kami pupunta. Hindi na naman familiar ang daan na tintahak namin.

"We’re going on a cave."

My eyes twinkle in amusement. My god! I can’t believe we’re going somewhere depth and mysterious!

Malawak ang ngiti kong bumaling sa kaniya. "Malayo pa ba?" the excitement in my voice is clearly audible.

Nakatingin ako ngayon sa mukha niya. He’s just so perfect. To the point na sobrang imposible! Bagay na bagay siya sa suot niya. mukha siyang hindi mag-aabogado sa lagay na ‘yan.

"Malapit na tayo. Just sit and relax." Natatawa niyang tinuran. I can't help but to giggle. Hindi ko maiwasan hindi masabik.

"Hala kuya!" I suddenly shout. Mukha siyang nabigla sa sigaw ko.

Nag-aala niya akong tinignan, habang ako nagpapanic na. "W-Why—what’s the problem?" mahinang tanong niya. Mababatid pa rin ang pag-alala

"Wala tayong dalang pagkain! Dapat kasi you’ll inform me in advance. Tuloy wala tayong makakain." Nakanguso kong tinuran.

Siguradong magugutom ako lalo na kung malayo ang lalakarin. Hindi ko nga alam kung may tubig kaming dala.

He sighed "Next time huwag kang biglang sisigaw. Muntik ng masira eardrums ko Angel!"

Lalo akong napanguso ng hindi niya makuha ang sinabi ko.

"I sai—"

"I know. I know. Don’t worry okay? May pagkain sa likod at tubig." He assured me.

Pumalakpak ako sa tuwa. Gosh! He’s always ready. Malawak ang ngiti akong dumungaw sa kaniya at pinahinga ang ulo sa balikat niya. I felt him stiffened.

"You’re the best kuya." Malambing kong tinuran. I encircled both of my hands on his. Hindi siya sumagot but I know he’s listening.

"I never thought I would be this happy. Back when I was in Bicol, gustong gusto kong libutin ang buong lugar. Yet, all I did was to party with my plastic friends." I laughed to add humor.

Maraming magagandang lugar na dapat puntahan sa Bicol, pero hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon. I was busy with my studies and my social life. Though every Friday lang kami nakakagala tuwing gabi. Simula noong umalis ang dalawa kong kaibigan, malimit na akong makagala sa aming lugar.

Though some of my new companions often invited me to beach and such  but I don’t feel like it joining them. I don’t like the idea of going out without my two buddies.

"Honestly, akala ko hanggang bahay lang ako pagdating ko rito. Hindi ko inaasahang sasamahan mo akong mamasyal." Humina ang boses ko. My eyes are fixed on the stirring wheel.

He didn’t answer. I urged to continue. This is what I like. Iyong taong handang makinig  kahit walang kabuluhan lahat ng pinagsasabi ko.

"I never thought someone like you, will waste his time for my caprices." Marahan kong tinatapik ang hintuturo sa balikat niya. Narinig ko naman ang mabigat niyang buntong hininga.

"I’m always here for you, remember that." He said wit his hoarse voice.

Tiningala ko siya. Kagaya ng lagi kong napapansin sa kaniya, kunot na naman ang dalawa niyang kilay. Na parang may nang-aaway sa kaniya.

I silently chuckled "And I know and I thank you for that. Thank you kuya." I whispered.

Tumingin siya sa gawi ko. The severity of his gaze brought me to another dimension.  I was so focused on his eyes that I didn’t notice our lips almost touching. Bumaba ang tingin ko roon. His red lips were protruding. Ang unfair, kahit wala naman siyang nilalagay doon, bakit ang pula pa rin?

Wala sa sariling napakagat labi ako. I wonder..

Umangat ang tingin ko. Na mumungay ang kaniyang matang nakatitig din sa akin. O tamang sabihin, sa labi ko.
Bumilis bigla ang tibok ng dibdib ko. May kakaiba sa tingin niya eh. Parang may mali.. sa pakiramdam ko.

My hands started sweating as he leaned in. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na anumang oras lalabas na. I kept my eyes on his. Habang siya ay nasa labi ko lamang nakatingin.

Nang halos magkadikit na ang mga labi naming dalawa. "K-Kuya," halos manginig ang boses ko.

Para siyang natauhan at agad na lumayo. Madilim ang kaniyang tingin habang pababa taas ang kaniyang dibdib. Nagtatanong ang matang iginawad ko sa kaniya.

What’s that?

Hahalikan niya ba ako?

I should be angry with that thought. Pero bakit iba na naman ang nararamdaman ko? I can feel the butterflies in my stomach and the fast pace of my heart never subside. Rinig ko ang ilang beses niyang pagmumura habang hindi mapakali sa kinauupuan. Tumingin ako sa labas. Hindi ko namalayang kanina pa pala kami nakahinto. Good thing tinted ang sasakyan na ito.

Red stained my cheeks realizing what we just did. Hindi ko siya magawang tignan.

"Let’s go. We’re here." He said in his raspy voice. Tumango ako bago buksan ang pintuan. Dala ko pa rin ang maliit kong bag na naglalaman ng ilang cash at cellphone.

Pagkababa ko, kausap ni kuya ang bantay. Agad akong lumapit sa kanila. Nagbayad siya para sa entrance naming dalawa and good thing pwedeng magdala ng pagkain sa loob.  I don’t have any idea what the cave looks like. But I have a feeling it isn’t an ordinary cave just like I thought.

Bumalik si kuya ng sasakyan at hindi man lang ako pinansin! Nakanguso akong sumunod sa kaniya. He’s now getting the food he prepared. Hindi ko maiwasang tumawa ng makita ang mga slice ng sandwiches.

"What’s funny?" Tinikom ko agad ang bibig ko. Umiling ako habang pinipigilan ang ngiti. I remember how epic they were because of sandwich.

Nang makuha na lahat, binitbit niya iyon sa dalawang kamay. Iyong mga pagkain ay nasa kaniyang kanan, habang ang tubig sa kaliwa. Napakagat labi ako ng magsilabasan ang ilan sa mga ugat ng kaniyang kamay.

He is sexy, alright.

"Mauna na po kami ‘La."  Nakangiti niyang tinuran sa nagbabantay. Hindi pa naman siya ganoong katanda, but I guess that’s for respect.

"Aba’y sige hijo. Ingat kayo sa daan."
Habilin ni lola na may malawak ang ngiti. Tumingin siya sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya at bumati ng magandang umaga.

"Mag enjoy kayo hija. Mabuti nalang hindi marami ang tao ngayon." She continued

"Opo, thank you po."

Pagkatapos noon ay agad kaming nagsimulang maglakad.

"Kuya malayo pa ba?" tanong ko sa gitna ng paglalakad.

Kanina pa kami sa daan. I can’t help asking him dahil kanina pa rin ako dinadapuan ng lamok. Medyo mahirap pa naman ang daan dahil halos mabato. Hindi naman siya mainit dahil sa mga puno nagbibigay proteksiyon.

I groaned when another mosquito bite me.  Nilingon ako ni kuya Drake at hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Bumaba ang tingin niya sa binti ko na halos pantal-pantal na. I pouted.

"Hindi mo naman kuya sinabi na sa bukid tayo pupunta. Sana nagsuot ako ng mahaba!" reklamo ko.

Binaba niya ang mga dala at lumapit sa akin. "I’ve already warned you of that. Sadyang matigas ang ulo mo." He hissed.

Mas lalong humaba ang nguso ko sa naging komento niya. "W-What are you doing?" Tanong ko ng tangka niyang huhubarin ang suot niya.
"Ngayon ka pa talaga maghuhubad? Gosh mamaya nayan kuya!  Inuubos—"

Hindi ko talaga gusto ang pinuputol ako sa pagsasalita. Pero nang lumapit  siya sa akin, at dahan-dahang pinalibot ang manggas ng hoodie sa baywang ko. Kusang tumikom ang bibig ko. Hindi siya sa akin nakatingin bagkus sa kung paano niya maitatali ang manggas ng kaniyang damit sa beywang ko.

I didn’t expect him to do this. "P-Paano ka?" I stammer.

Ngayon tanging sleeveless tee nalang ang kaniyang pang-itaas. Napaiwas ako ng tingin. Masyadong makasalanan ang katawan niya.

"I’m fine. Suotin mo muna iyan para hindi ka makagat ng lamok." I smiled at his sweetness.

"Thank you," I whispered

Nagsimula na ulit kaming maglakad. Ilang kastigo na ang ginawa ko sa sarili na hindi tumingin sa braso ni kuya Drake. It is distracting! Sa wakas, matapos ang ilang minutong paglalakbay huminto kami sa tapat ng isang madilim na kweba.

"Do we need to go inside?" kinakabahan kong sagot. Ang dilim-dilim ano pa kung sa loob na?

"Silly of course. Nasa loob ang kweba hindi dito." Natatawa niyang tinuran. I slightly punch his shoulder. Ang pilosopo.

"Pero ang dilim e, kita mo." Tinuro ko pa ang pasukan.

He chuckled "May mga lights sa loob, huwag kang mabahala."

Doon lang ako napahinga ng maluwag. Not bad at all.

"Ano pang hinihintay natin? Tara na!" I exclaimed. Hindi ko maramdaman ang pagod sa paglalakad. Gusto ko nang makita ang loob.

Napailing si Kuya Drake bago kunin ulit ang mga dala, but this time nasa isang kamay nalang ang mga  iyon. Pagkatapos, inangat niya sa ere ang libreng kamay.

"Alright let’s go. Hold my hand."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top