Start of A New Life
"Buwisit na buhay 'to!"
Hindi ako abagay sa lugar na ito! Hindi ako nababagay na maglakad sa batuhan habang may bitbit na palanggana.
I am princess, for fuck's sake!
Pagkatapos ngayon maglalabada na lang ako sa ilog? Ni hindi nga ako marunong magkusot ng damit! Baka mamaya'y mabali pa itong mahaba at magaganda kong kuko!
And also, I am certain that I was born to shop for designer clothes, not wash them!
Gosh, I really miss my old lifestyle. I swear I'll have my revenge when they least expect it, I'd crush them just like what they did to my father's company.
Hintayin lang talaga nila akong makabangon ulit, babalik ako sa pagiging buhay prinsesa ko.
"Uhh."
Nakarinig ako ng malakas na paglagaslas ng tubig na parang may umahon na kung ano sa ilog. Muntikan ko pa nga na mabitawan itong bitbit ko, pero kaagad rin namang nabawi ang pagkabigla ko at napalitan ng nakakapanindig balahibong kaba.
Kasi hindi ako mapakali sa posibilidad na mayroon pang ibang tao dito bukod sa akin. Or worst, hindi pa tao ang makaharap ko. Ano bang tamang gawin? Baka pag tumakbo ako'y habulin pa ako ng kung ano mang nilalang iyon at maging katapusan ko na.
Sumilip ako sa gilid nitong pinagtataguan kong malaki at malumot na bato upang mapawi ang kuryosidad ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil tama nga ang hinala ko! Hindi isang tao ang umahon sa ilog- kun'di isang anghel!
Tumutulo pa 'yung tubig mula sa buhok niya papunta sa kaniyang katawan. Kumikinang-kinang pa ang mga 'yon dahil sa sinag ng araw. His body is well built, parang maingat na inukit iyon ng isang talentadong eskulptor.
Damn! Ang laki pa niyang tao, sa tantsa ko ay six footer ang isang ito.
Hindi naman ako mahilig sa gwapo pero parang pumapalakpak ang buong kalamnan ko habang pinagmamasdaan siya. He looks so unreal, mas gwapo pa siya sa mga celebrities.
"Ah, ang sakit!" Napadaing ko at napahawak sa aking balakang dahil nawalan ako ng balanse.
Napaatras kasi ako noong damputin nito ang isang tuwalya at pinunasan ang sarili niya, 'eto bumagsak tuloy ang pwet ko sa batuhan.
"May tao ba r'yan?"
Dahan-dahan akong gumapang nang naramdaman ko ang yabag na papalapit dito sa pwesto ko, medyo masakit ang posisyong ito para sa tuhod ko pero imbis na indahin pa iyon ay sumilip na lang ako sa gilid ng malaking bato para sipatin ulit ang lalaki. I can't get enough, sobrang gwapo talaga kasi.
"Where is he?"
"Sino?"
"'Yong lalaki kanina doon." Anas ko at luminga-linga ngunit nabigo ako na makita siya dahil mga puno at bato na lang ang nakita ko. Baka naman sumisid sa ilog?
"Sino, ako?"
Parang nanigas ang buo kong katawan na may halong panginginig, tumingala ako at mabilis na pinasadahan ang mukha niya. Noong makumpirma ko na siya nga 'yong lalaki ay nagpatay malisya na lamang ako.
"Sinisilipan mo ba ako?"
"Ofcourse-not! Maglalaba kaya ako dito!" Matapos kong sabihin iyon ay napatingin ako sa may ibabang bahagi ng katawan niya na nakatakip na ngayon ng tuwalya. Buti naman.
"Talaga lang ha?" He asked smirking.
Tumayo ako at pilit na nag-iwas ng tingin para hindi na ako gaanong mapahiya.
Pero hindi ko talaga maiwasang titigan ang katawan niya dahil parang malaking magnet 'yon sa mga mata ko!
"Bakit hindi ka makasagot?" Itinukod niya ang dalawang kamay niya sa malaking bato upang makulong ako sa pagitan ng matigas na bato at katawan niya.
Napalunok ako. "Hindi nga sinabi ako naninilip at tsaka bakit ko naman gagawin 'yon?! Heller sino ka ba?"
Hindi ako gumagalaw dahil ilang pulgada lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa at kaunti na lamang ay mahahalikan ko na siya.
"Ikaw sino ka ba at anong kailangan mo sa akin?" Nagsalubong ang makapal na kilay niya at kung nakamamatay lang siguro ang mga titig ay inaanod na ang bangkay ko sa ilog.
"Alis nga!" Tinulak ko ang dibdib niya at dinampot ang mga labahin kong nahulog kanina. Naramdaman kong nakasunod parin ang tingin niya sa akin hanggang makarating ako sa tabing ilog.
"Magagalit ka ba kung ako naman ang manonood sa'yo?" Tumawa siya ng mahina pagkatapos sabihin iyon.
"Wag mo nga akong kausapin at lumayas ka na rito! Tapos ka na naman diba? Shoo!" Inirapan ko siya at binugaw siya na parang langaw gamit ang kamay ko.
"Panonoorin nga kita."
Nararamdaman kong umakyat ang dugo ko sa aking mukha, pakiramdam ko rin na first time ko na makaramdam ng hiya.
"Hindi mo ako pwedeng panoorin dahil hindi naman ako tv show!" Alam ko naman na iniinis lang niya lang talaga ako at mas mabuti kung hindi ko na siya pansinin pero napipikon kasi talaga ako.
"Pero parang nanonood ka ng concert kanina?"
"Ew, no!"
Tumili ako nang makita ko na humahakbang na naman ang mga paa niya patungo rito. Kasabay noon ay dumampot ako ng medyo malaking bato.
"Subukan mong lumapit at ibabato ko talaga sa pagmumukha mo 'to!
"May sinasabi ka?" Humagalpak ito habang dinadampot ang mga damit niya na nakalagay 'di kalayuan sa pwesto ko.
"W-Walang nakakatawa!" ani ko habang nauutal-utal pa sa hiya dahil akala ko ako ang lalapitan niya. Siguro kung makikita ko ang sarili ko sa salamin ay sobrang namumula na ito. Namumula at nagmumura na sa inis!
"See you around." Kinindatan pa ako nito bago umalis kaya halos madurog na sa mga palad ko itong batong hawak ko.
+++
This story is not intended as a substitute for the psychological advice of psychiatrists. The reader should consult an expert in matters relating to his/her health, and particularly with respect to any symptoms that may require diagnosis or medical attention.
+++
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top