Chapter 9


"Salamat nga pala sa paghatid sa akin Baste."

Halos mawala ang itim ng mga mata ko noong sabihin iyon ni Sandra pagbaba niya. May patapik-tapik pa siya sa braso ni Rafael na para bang gusto yakapin 'yun.

Ang totoo nga nyan nakalimutan ko na kasama pa pala namin siya, ang landi kasi nitong si Rafael akala ko tuloy nahulog na si Sandra sa daan dahil sa inggit.

Nandito na kami sa may harap ng palengke, mabuti nalang at aalis na si ate gurl dahil umay na ako sa pa-attitude niya.

"Walang anuman."

"Ah saan pala kayo kakain mamaya?"

Wag niyang sabihin na sasabit na naman siya sa amin? Unggoy teh?

"Dyan sa kainan nila Kuya Toti-"

Ano ba 'yan?! Bakit sinabi pa ni Raf kung saan kami kakain? Hindi ba niya nararamdaman na gusto lang magpapansin nito sa kaniya?

Humawak pa si unggoy sa kanyang tiyan, natutukso tuloy akong sikmuraan siya. "Puwede ba akong sumabay sa inyo?"

Lalong kumulo ang dugo. Obvious na obvious na. Hindi na talaga maipagkakailang sumisingit ito sa aming dalawa ni Raf.

"Ha? Sige." Sagot nito.

At ako? pinili ko nalang manahimik dahil baka kung ano pang masabi ko sa Sandrang ito.

Bumaba ako sa motorsiklo at lumipat na sa likod ni Raf. Umikot-ikot kami dito sa bayan at ilang pamilihan, pero nakita ko na naman ang mga ito noong kasama ko si Arthur na mag-gala. Nagi-guilty tuloy ako dahil pinapagod ko pa itong si Raf.

"Gusto mo bang pumunta sa orchard?"

Hindi ko masyadong naintindihan 'yon dahil nakatulala lang ako sa mga taong nasa gilid ng kalsada na nadaraanan namin.

"Ha?" Hinigpitan ko ang pagkakahawak ng kamay ko sa beywang niya.

"Sabi ko kung gusto mong dalahain kita sa orchard?"

"Nakapunta na ako doon e."

"Talaga? Sinong kasama mo?"

"Si Sandra, ang ganda-ganda nga e. Ang daming bulaklak tapos mga hedge na hugis puso, mga statue tapos ang taas nung gate na mukhang pinaghirapan din talagang disenyohan." Sunod-sunod na sabi ko. Maganda kasi talaga! Sayang nga't wala akong cellphone para makuhanan ng letrato ang mga 'yon.

"Maganda talaga doon." He proudly said.

"Ang cool!"

"Magkaibigan na pala kayo ni Sandra." I felt a sincere joy in his voice.

Iyon nga ang akala ko!

Akala ko magiging magkaibigan talaga kami dahil ang bait-bait niya noong araw na 'yun. Hindi naman pala! Mukhang ayaw naman talaga akong kaibiganin noong kababata niyang 'yon.

"O bakit parang natutuwa ka?" Naiinis ako kasi parang ang saya-saya niya na sa tought na magkaibigan kami.

"Kasi nakikipagkaibigan ka na." Mapang-asar na sabi nito.

"Nakikipag-kaibigan naman talaga ako 'no. Sila lang talaga ang lumalayo habang tumatagal. Ewan ko ba sa mga iyon, naiinsekyur ata sa akin." Hinawi ko ang buhok kong nililipad ng hangin.

"Edi sa akin ka lang pala talaga masungit?"

"Hindi kaya ako masungit sa'yo!"

"Siguro kaya mo ako sinusungitan noon dahil crush mo na kaagad ako."

Wow? Ang kapal ng mukha.

"Oh 'di ba? Hindi ka makasagot, ibigsabihin totoo."

Gumuhit ang mga ngiti sa aking labi habang tiningnan ang mukha niya mula dito sa likod. Pumikit ako at sinalubong ang hangin na dumadampi sa aking mukha.

"Totoo nga Rafael, I was already attracted to you." Hindi ko na iyon itinanggi kasi alam kong halatang-halata na naman talaga.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Nagmulat ako ng mata at nakita ang mga ngiti sa gilid ng kaniyang mga labi.

Hindi ko alam pero parang pinana talaga ako ni kupido noong unang beses na makita ko siya. I was immediately attracted to him without even knowing his name.

I know that it wasn't a romantic meeting but at that moment I felt something inside me. Hindi ako attracted sa kanya dahil sa mukha niya o katawan niya, may mga manliligaw naman ako doon sa Manila na gwapo at matipuno rin na tulad niya. There's just something about him!

Noong una hindi ko alam kung ano 'yon, pero ngayon parang sigurado na ako.

"I like you Raf."

At mas lalo ko 'yung napatunayan noong mga araw na kasama ko siya lalo na noong umalis siya. Hindi ko alam kung mabilis ba? Pero ito talaga e, ito nga talaga ang totoong nararamdaman.

"Basta papatunayan ko sa'yo na karapat-dapat ako diyan."

Tumigil kami sa kainan ni Toti, mas sosyal ang mga ayos nito kumpara sa sa karinderya na kinainan namin ni Arthur na halos katabi lang nito.

May glassdoor kasi ang isang to at kitang-kita mo talaga ang view sa labas, pwede ring pang instagram ang lugar na ito dahil sa mga magaganda nilang lamesa at upuan. Talagang nagcocompliment sa moody brown na theme nila.

Ayun nga lang, hindi pinag-isipan ang pangalan.

"Bakit dito mo pa ako dinala? Mukhang mamahalin dito." Bulong ko sa gilid niya.

"Sabi ni Nanay ganito ganito daw talaga ang nanliligaw?"

Hindi naman talaga kailanganng magpa-impress. "Iparamdam mo lang na mahalaga ako sa'yo okay na 'yun, hindi mo na kailangang gumastos."

"Kaya gusto kita Elleonor e." Pinisil niya ang ilong ko ngunit dumiretso parin siya sa counter.

Nahihiya ako sa sarili ko dahil kay Raf. Kung alam niya lang talaga ang dahilan kung bakit pabago-bago ang desisyon ko sa kanya, siguro'y lalayuan niya ako. Gusto ng mayamang lalaki nitong nililigawan mo Raf.

"Ts." Buwisit dumating na siya.

"Huy Baste nakita ko ang motorsiklo mo sa labas! Nandito na pala kayo."

Panira talaga diya kahit kailan!

"Anong gusto mo?"

Sasagot pa lamang ako sa tanong sa akin ni Rafael ay nagsalita na itong si Sandra na para bang siya ang tinanong nito.

"Garlic butter shrimp nalang."

Napatingin sandali sa kanya si Raf ngunit bumalik ulit ito sa akin. "Gusto mo rin ba noon Elleonor?"

"Ah hindi, actually I'm allergic to shrimp." Umiling ako. "Bulalo nalang, malamig naman din kasi."

"Sandra pwede mo bang baguhin ang order mo?" Tanong ni Rafael.

"Bakit naman Baste?" Nagsalubong ang kilay nito.

"Kasi baka ma-contaminate ang kakainin niya."

"Pero gusto ko noon. Hindi naman siya ang kakain, ako naman. Diba ayos lang naman sa'yo Elle?" Ngumuso pa ito.

Wala na kaming nagawa ni Raf dito sa kaartehan ni Sandra, ibinilin nalang niya sa staff na ingatan ang pagluluto sa pagkain ko upang iwasan ang cross contamination. At natutuwa naman ako dahil pinapakita talaga niya na may pakialam siya sa akin.

"Edi hindi ka pa pala nakaka-kain ng hipon? Hindi mo alam ang lasa?" Tanong ni Sandra.

Nandito na kami ngayon sa table at dumating na rin ang mga orders namin. Magkatabi sila at nasa harapan naman ako ni Rafael.

"Nakatikim na ako 'di ko lang tanda ang lasa, twelve years old ako noon. Doon ko rin nalaman na allergic ako sa shellfish." Sagot ko at sumipsip ng bulalo. Sarap-sarap talaga!

Si Raf naman ang tinanong niya. "Baste nahanap na ba si Aericka?"

Naalala ko naman kung paano nakatakas si Aericka. Ilang araw na siyang nawawala ano na kayang kalagayan nu'n?

"Hindi pa nga e."

"Sana mahanap na siya." Sabat ko kaya napangiti sa akin si Raf. Siguro pinapahanap rin talaga ni Don Ricardo 'yon sa kaniya.

Bigla namang tumunog ang cellphone niya. "Sasagutin ko lang ito."

Lumabas si Rafael sa restaurant, pnanood ko siya mula dito sa glass door habang may katawagan sa cellphone. He's wearing all black, itim na jacket, shirt, pants, sapatos. At ano kayang kulay ng underwear niya?

"Elle." Napatingin ako kay Sandra.

"Kumain ka nito." Inilagay niya sa plato ko 'yung hipon na nabalatan niya kaya nalukot ang mukha ko.

'Luh! "Hindi nga pwede."

"Para hindi ko sabihin na niloloko mo lang si Raf dahil may Arthur ka na."

Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito? Hindi ko magagawang lokohin si Raf! "Wala kaming relasyon ni Arthur!"

"Edi kainin mo 'yan para patunayan-"

"This isn't a thing to joke about! Allergic nga ako d'yan!" Pilit kong pinahina ang boses ko dahil nakakahiya sa iba pang mga kumakain. Inalis ko rin sa plate ko ang hipon na inilagay niya.

Ano bang akala niya sa allergies? Kati-kati lang? "Excuse me, maghuhugas lang ako ng kamay." Madiin na sabi ko sa kanya. Napatungo nalang siya at hindi na umimik.

Akala niya ba tanga ako para gawin 'yon? Girl I wouldn't risk my life because of that. Kahit samahan ko pa siyang magsumbong ng mga kasinungalingan niya kay Rafael!

Tsaka ano bang tingin niya sa sarili niya? Kontrabida sa mga pelikula? Mukhang nalason na ang utak niya dahil sa pagkakagusto niya kay Rafael. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin pagkatapos kong hugasan ng mabuti ang mga kamay ko.

"Paano ka ba nakaabot dito? Look at you." Parang baliw na pagkausap ko sa sarili. Pero kung may baliw man dito ay baka si Sandra 'yun.

Lumabas na ako sa comfort room. Naabutan ko si Raf na nakaupo doon at nakikipag-usap kay Sandra.

"Hi!" Lumapit ako sa table at umupo.

Buwisit nagseselos ako! Bakit ba kasi nakikipagtawanan pa siya dito sa babaeng 'to? Kung anu-ano kasing kinekwento ni Sandra na alaala nila noong mga bata pa sila, mukhang natutuwa naman si Raf.

Syempre hindi naman ako makakarelate doon dahil hindi naman ako lumaki dito! Gusto ko tuloy umiyak, ang sakit kayang ma out of place, lalo na dito sa date pa talaga namin ni Rafael.

Kung umalis nalang kaya ako? Total mukhang invisible na naman ako sa kanila.

"Elleonor ikaw naman-" Hindi natapos ang sasabihin ni Raf dahil nagsalita na naman si Sandra. Kanina pa ganiyan ang ginagawa niya!

Napawi ang ngiti ko kay Raf at ganoon din siya.

"Baste naalala mo ba noong pinagalitan tayo ni Nanay Tere dahil puro putik ang uniporme natin?" Natutuwang sabi nito ngunit hindi na siya pinansin ng kausap niya dahil nakatitig lang ito sa akin.

"Baste!" Pilit niyang kinuha ang atensiyon nito.

Napakamot naman ako sa bandang leeg ko na kitang kita dahil naka-kulay puting off-shoulder ako.

"Kain na tayo." Ngumiti ako sa kaniya.

Tumahimik nalang si Rafael hanggang sa matapos kaming kumain. Inaayos niya na ang motorsiklo niya sa kabilang kalsada at nakatayo kami ni Sandra dito sa gilid ng kainan. Binigyan niya ako ng isang malapad na ngiti, hindi ko na naman 'yon nagantihan nang mangati ang hita ko. Madali ko lang naman 'yon na nakamot dahil nakapalda ako.

Putakti nangangati talaga ako! "Ang kati." Malat na sabi ko, narinig naman 'yon ni Rafael. Kaya napamura siya at dali-daling lumapit sa akin. I feel my lips tingling and my breathing starts to become heavier.

Binuhat ako ni Rafael papunta sa kabilang kalsada kung nasaan ang motorsiklo niya.

Naiiyak na rin ako sa halo-halong nararamdaman ko. I can't take this! "Dadalhin kita sa hospital Elleonor, h'wag kang mag-alala."

Napapikit ako at lalo nalang umagos ang mga luha ko. Ni hindi ako makapagsalita dahil sa lahat ng ito!

    "Teka lang Baste paano naman ako?"

"Pwede ba Sandra umuwi ka nalang mag-isa mo?!"

Pati ako ay natakot sa ginawa niyang pagsigaw, parang ngayon ko lang siya nakita na nagkaganyan. Hinawakan ko ang braso niya upang pakalmahin siya kahit ako man ay nahihirapan na.

"Fck! I'm sorry Elle!"

Sa harapan niya muli akong pinaupo, hindi ko alam kung paano niya nagawang magdrive ng maayos habang ang isang kamay ay nasa may beywang ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top