Chapter 6
Kanina pa ako nakatitig dito sa cellphone ni Tita, hindi na kasi nagreply si Raf sa akin pagkatapos ko siyang tanungin ng 'Bakit naman?'
Nag-sorry kasi siya, sabi niya baka daw hindi na niya ako ma-contact. Kahapon pa ako naghihintay sa sa got niya pero hanggang ngayon ay wala parin.
“Raf anong nangyari na sa'yo?” Bulong ko sa hangin habang nakatingin sa maliit nsa screen habang may hawak naman na timba sa kabila. Nako! Mukhang mas mapapagod ako nito ngayon. Wala kasi akong inspirasyon.
“I'm not going to marry that guy! In fact, I don't even care if my father wants it!”
Napatigil ako sa harapan ng hacienda noong makarinig ako ng boses ng isang babae. Punong-puno yun ng accent, mukhang fresh from the states ang lola mo.
“You need to– Sebastian– and Don Ricardo they go to your house in US now and you people plan the wedding. Maiinis ang mga yon kapag nalaman nilang wala ka na doon!” I heard Aling Tere, struggling to speak to the girl.
“I don't care! I'm not going to marry at sixteen!” Nanlaki ang mata ko nang marinig 'yon.
Teka nandito si Aericka? Nandito yung anak ni Don Ricardo? Ibinaba ko ang hawak kong timba at sumilip sa nakaawang na double door. Maikli ang buhok nung babae, maputi siya at matangkad. Mukha siyang hindi sixteen years old sa ayos niya. Tapos ang ganda pa ng make up niya, talo ako teh.
Pero bakit naman ipakakasal kaagad ni Don Ricardo itong nene pa niyang anak? Sinong matinong ama ang gagawa nun?
“Aray!” Hindi kinaya ng double door ang bigat ko kaya nagbukas ito at natumba ako sa marbled na sahig.
Napatingin si Aling Tere sa akin at yung babaeng anak nga yata talaga ni Don Ricardo.
“Elle anong ginagawa mo dito?” Kunot noong tanong ni Aling Tere. Ngumiti ako sa kanya at napatingin kay Aericka, inirapan ako nito at naglakad papunta sa hagdanan. Hindi na naman ako pinansin ni Aling Tere at sinundan lamang si Aericka.
“Please Aericka you do it for Sebastian, he is so good and hardworking for Don Ricardo. His effort will waste if you not coming back.” Humawak sa batok si Aling Tere na mukhang hirap na hirap ng mag-ingles. Kahit siguro ako'y duduguin ang ilong kapag 'yang batang 'yan ang kausap ko.
Pero ano daw? Do it for Sebastian?! Si Rafael ba ang gustong ipakasal ni Don Ricardo sa anak niya? Hindi pwede!
Napahawak ako sa dibdib ko.
“There is nothing you could do to change my mind Teresita.”
Aba't walang galang ang batang ito, Teresita talaga?
“Bumalik ka nalang doon para hindi naman masayang ang pagpunta niya sa U.S!” Mukhang nagagalit na rin si Aling Tere dito kay Aericka.
“Edi ikaw!” Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa ginawa niyang pagsigaw ng tagalog. Parang pumilipit kasi ang dila niya nang sabihin niya 'yon, pero nalulungkot kasi ako sa mga narinig ko.
Dali-dali akong lumabas sa hacienda, naiwan ko na ang timba doon at ang trabaho ko para maghanap ng pwedeng pa-loadan nitong telepono ni Tita.
Ilang ulit kong tinawagan si Rafael para sana tanungin siya tungkol dito, pero cannot be reached. Sinubukan kong pigilan ang sarili kong mag-isip ng kung anu-ano dahil ayokong pagdudahan siya. Pero...
Pinaasa lang ba ako ni Rafael?
Napamura ako sa hangin. Bakit niya ako liligawan kung ikakasal na naman pala siya? Bakit niya hihilingin na hintayin ko siya kung pagbalik niya may iba na pala siya?
“Ang gago mo Rafael.” Pinunasan ko agad ang umalpas na luha ko.
Akala niya ba hindi ko malalaman 'yun?
Kung hindi ko pa narinig si Aling Tere magtatanga-tangahan parin ako at hihintayin siyang bumalik. Kahit pa sabihin niya na hindi naman niya gusto ang anak ni Don Ricardo mali parin e! Ang kapal ng mukha niya! Balak niya pa akong gawing kabit?! Pasalamat nga siya at hinayaan ko siyang pumasok sa buhay ko.
Hindi ko akalain na kaya niyang gawin ang bagay na 'yon sa akin.
“Elle ikaw ba 'yan?”
Napatingin ako dito sa lalaking humawak sa balikat ko. Si Arthur pala iyon, bumaba siya sa motorbike niya at lumapit sa akin.
“Arthur kamusta?” Pinilit kong ngumiti sa kaniya.
Kumunot ang noo ko nang hindi siya sumagot at tinitigan niya lang ako, pagkatapos ay luminga-linga siya sa paligid.
“May problema ba?” Tanong ko at inilagay sa bulsa ng palda ko ang cellphone.
“Hinihintay ko yung lalaki na laging sumusulpot 'pag kinakausap kita.” Alam kong si Raf ang tinutukoy niya.
“Ah wala 'yon.”
“Kaano-ano mo ba yun? Daig pa tatay kung mambakod.”
Napabuntong hininga ako.
Naalala ko na naman ang ginawa niya. Ang kapal talaga ng mukha! “Wala kaming koneksyon ng lalaking 'yun. Ewan ko ba ba't ganun 'yon.”
“Baka may gusto sa'yo.” Tumawa siya at humawak sa tiyan.
“Bahala siya, hindi ko naman siya type.” I chuckled. Medyo na gu-guilty ako sa sinabi ko. Pero si Raf nga hindi nakokonsensiya sa ginagawa niya sa akin. Deserve niyang itanggi!
“Hindi pa tayo nakakapag-usap ng maayos 'no? Lagi nalang kasing may sumisingit.”
Tumawa ako ng peke sa sinabi niya. Nararamdaman ko na medyo mayabang ang isang ito, siguro kasi may ipagmamayabang siya.
Napatingin ako sa motorsiklo niya na mukhang mamahalin. Naalala ko tuloy yung kay Raf, pogi din ang motor nun e. Siguro bigay ni Don Ricardo sa kaniya?
“Sa'yo yan?”
“Yeah, wanna ride?”
“No thanks.” Tipid akong ngumiti.
Iba talaga yung awra ng pagiging mayabang niya kay Raf. Pero mas okay na 'yan! Kesa naman sa katulad ni Rafael Sebastian na manloloko!
“Come on, mabagal lang akong magpatakbo.” Tinitigan ko ang nakalahad niyang kamay.
“Please?”
“Saan naman tayo pupunta?” Hindi ko alam kung tamang sumama ako dito kay Arthur.
“Sa bayan gusto mo?”
Inaya rin ako ni Raf na pumunta sa bayan. Sabi niya ililibot niya daw ako doon pagbalik niya. Buwisit na Rafael 'yan!
“O sige okay lang kung ayaw m–“
“Tara! Pumunta tayo do'n.” Tumango ako at ngumiti kay Arthur. Siguro kailangan ko rin magkaroon ng mga bagong kaibigan para naman maibaon ko na sa limot ang lalaking 'yon.
“Thank you for trusting me Elle.”
Nakakainis talaga!
Nakasimangot lang ang mukha ko hanggang makarating kami ni Arthur sa bayan. Nasira talaga ang mood ko dahil sa nangyari kanina, mukhang hindi ko na ma aayos 'to. Bahala na 'yung trabaho kong 'yon! Magpapakasaya nalang muna ako ngayon dito.
“Arthur umiinom ka ba?”
“Sorry?” Gumalaw ang kilay niya.
Ay hindi pala siya pwede uminom dahil magmamaneho pa siya ng motor. Badtrip lang naman ako ngayong araw pero ayoko pa namang mamatay.
“Wala, nevermind.”
Nandito kami ngayon sa palengke ng bayan. Napakaraming tao dito gawa nga ng tanghali ngayon, tsaka first time ko rin makapunta sa palengke. Ang gulo-gulo pala talaga at ang ingay.
Ngayon parang alam ko na kung saan nanggaling 'yung mga sinasabi ng teachers ko noom kapag magulo kami sa classroom.
“Nagugutom ka ba? May alam akong masarap na kainan dito.”
Ipinarada niya ang motorsiklo niya sa gilid ng isang tindahan.
“Are you going to leave that here?” Tinaasan ko siya ng isang kilay.
“Oo, mabait naman ang mga tao dito.”
Edi ako lang talaga ang masamang ugali dito, sinabi ko na kasi hindi talaga ako bagay dito e!
“What the hell.” Nakita ko si Sandara! Teka anong ginagawa niyan dito? Ngayon pa talaga kung kailan nandito kami ni Art?
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan na makita ako ni Sandara na kasama ko itong si Arthur.
Yumuko ako at sinadyang takpan ng buhok itong mukha ko.
“Elle may problema ba?”
Nako tinawag pa nitong ulul na 'to ang pangalan ko! “Tara na Arthur puntahan na natin 'yung sinasabi mo.”
Nagmamadali ko siyang hinila hanggang makalayo na kami kay Sandara. Hindi naman siguro niya ako napansin dahil nakikipag tawaran pa siya ng mga paninda?
“Hey!” Halos mapatalon ako sa gulat nang tapikin ni Arthur ang braso ko.
“You're acting strange.”
“Ah sorry, nagugutom lang talaga ako.” Ngumiti ako sa kaniya.
“Okay lang yon.” Inayos niya ang buhok ko at pinisil ang ilong ko. “Tara!”
Dinala niya ako dito sa isang maliit na karinderya, halos puno narin ito sa dami ng kumakain. Mabuti nalang mayroon pang bakante para pag-pwestuhan naming dalawa.
Maya-maya nagsimula ng dumating yung mga pagkain na in-order ni Art. Menudo yata itong pinili niyang ulam.
“Kain na, kanina ka pa hindi mapakali.”
Tumigil ako sa kakalingon sa may daanan.
Bakit ba kasi ako natatakot na makita ni Sandara? Wala naman akong ginagawang masama, hetong si Raf nga ang may ginawang masama sa akin!
Alas sais na ng hapon nang makabalik kami ni Arthur sa hacienda, nilibre niya ako ng damit at tsinelas. Napaka-galante pala ng lalaking iyon, sabi niya pa sa akin na sana may susunod pa.
Dito ako nagpahatid sa hacienda para sana humingi ng tawad kila Aling Tere sa pag iwan ko sa trabaho ko.
“Aericka?” Napatakip ako sa bibig ko at nagtago sa likod ng hedge malapit sa fountain nang makita kong lumabas sa pinto 'yun anak ni Don Ricardo.
Luminga-linga siya at nagmamadaling lumabas habang may dala-dalang maleta. Tatakas ba siya? Mukhang ayaw talagang magpakasal ng batang ito.
Half of me wants to stop her. Pero mas gusto kong tumakas siya, kasi parang yung bahagi rin ng utak ko sinasabing tama lang na tumakas siya. Tama lang na umalis siya at magtago para hindi na matuloy ang kasal nila ni Rafael.
Nagtago si Aericka sa isang halaman sa tapat ng pinto, mukhang pinababantayan na siya ni Don Ricardo para hindi siya makatakas.
Lumapit ako doon sa nag-iisang bantay na nakatayo sa daanan at kinausap ito.
Takte? Bakit parang tinutulungan ko ng tumakas ang dalagitang 'yan?
“Kuya?”
Nagkunot ang noo nitong lalaki na naka-suit and tie, mayroon pa siyang earpiece sa tenga.
“Ano 'yon?”
“Alam mo ba kung nasaan si Aling Tere?”
Hinawi ko ang buhok ko at ngumiti sa kaniya, nakita ko naman sa peripheral view ko na nagsimula ng lumakad si Aericka.
“Hindi ko alam.” Masungit na sagot nito.
“Eto kuya tingnan mo relo ko glow in the dark.” Pinilit kong ipilig ang ulo niya nang mapalingon siya.
Pero hindi ko na siya napigilan noong pangalawang pagkakataon, pareho kami kasing napalingon nang mag-start ang isang motor.
“Hoy!” Dali-dali nitong hinabol ang dalagita pero hindi niya nagawa dahil pinaharurot nito ang motorsiklo.
Bakit hindi niya habulin ng motorsiklo niya? Anong klaseng bodyguard siya? Napakadali naman niyang takasan.
“Puta pare tinangay 'yong motor ko! Dalian mo baka hindi pa nakakalayo!” May kung sino siyang kinausap habang nakahawak sa batok niya.
“Sige boss uuwi na ako.” Pagpapaalam ko na nakakunot noong bodyguard na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top