Chapter 56

Ilang araw rin ang dumaan na palagi akong hinahatid at sinusundo ni Sebastian sa tuwing may oras siya. Ang totoo ay naglalaan raw talaga siya ng oras para sa akin, oras para daw mas makilala pa namin ang isa't-isa.

Gaya nalang ngayon, nandito siya sa condo ko at pinanonood akong magluto samantalang itlog lang naman ito. Kinakabahan pa tuloy ako dahil pakiramdam ko ay tahimik niyang hinuhusgahan ang mga ginagawa ko!

   "Gumamit ka ng butter kasi mas maganda 'to kumpara sa mantika," ika niya.

"O-okay," Pinanood ko siya habang pinapahiran niya ng butter na nakatusok sa tinidor 'yong kawali.

    “Ako na diyan,” sabi ko.

Bahagya siyang umatras at hinayaan muli akong kumilos dito sa kusina, nanginginig ang mga kamay ko dahil nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko. Para kasing hinihintay niya lang akong magkamali kaya naiirita ako!

   "Doon ka na nga sa sofa! Naiilang ako sa'yo, Sebastian."

Tumawa siya ng mahina pero wala naman na siyang sinabi at sinunod na lamang ako. Ganiyan naman kasi talaga si Sebastian. Masunurin siya sa akin at wala akong naririnig na kapilyuhan o reklamo na nanggagaling mula sa kaniya.

'Di katulad noong iba niyang mga alter. Nako, kung si Ares siguro ang kasama ko ngayon ay baka nilandi pa ako niyan at bumanat pa ng mga linyahan niya. Kung si Rami naman siguro ay baka nagdrama pa ito ngayon. Ang problema lang kay Sebastian ay masyado siyang seryoso at maraming alam.

  "Hintayin mo munang uminit ang kawali," aniya.

Nakatuon na ang mga mata niya ngayon sa telebisyon at nakapatong ang dalawang braso sa sandalan ng sofa. Mukhang nagiging komportable na talaga siya rito, kahit ako rin naman ay nasasanay na sa presensiya niya.

Pagkatapos naming kumain ng umagahan ay dinamayan ko siyang manood ng pelikula sa telebisyon, umusog siya ng kaunti para mabigyan ako ng espasyo.

Tumabi ako sa kaniya at hindi ko mapigilang mapatitig sa napakakisig niya pa rin na mukha. Maganda na naman ang katawan niya noon pero mas lalong nadepina ito ngayon. He was wearing a dark grey shirt and sweatpants. It looks like he's really having a good time being here.

Mukhang napansin naman niya na tinititigan ko siya kaya lumingon siya sa akin. Ngumiti siya ng saglit sa akin bago itinutok muli ang mata sa pinapanood.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang may nagtatambol na naman sa loob nito.

Hindi ko alam. I don't know why are we like this. Our relastionship has no label yet I'm fine with it. Hindi ko alam kung bakit ganito kami sa isa't-isa.

Pero kung ano man ang mayroon kami ngayon ay pinasasaya ako nito, natatakot man ako at naguguluhan ay hindi ko maipagkakaila 'yon. Masaya akong makasama siya at malaman na may nararamdaman rin siya para sa akin.

Siguro nga natutuwa lang ako dahil naaalala ko si Rafael kaya ako nagkakaganito? Ewan.

   He licked his lips, “Elle, I've been dying to tell you this...”

“Ano 'yon?”

    “I want to meet your parents.”

I almost gasped and my eyes widened. He was still and was waiting for me to grant his request but my lips were shut like it was glued. I stood up from the sofa to chug some water because my throat felt dry after hearing those words from Sebastian.

Hindi naman sa nagpapakipot ako o ano. Technically, kilala na naman kasi siya nina Mommy noon pa. Naipakilala ko na si Rafael dati sa mga magulang ko. Hindi ko sigurado kung kaya kong gawin ulit 'yon ng para kay Sebastian naman.

Gaya nga kasi ng sinabi ko'y hindi ko alam kung saan patungo itong relasyon namin. Oo nga't masaya kami ngayon, pero paano bukas at sa susunod pa? Ilang beses ko ng naranasang masaktan ng dahil sa pag-aakalang panghabang buhay ang kasiyahang naidudulot niya.

Natatakot na akong umasa ulit, sinusulit ko nalang itong saya na nararamdaman ko habang narito pa. Nakakatakot ng magtiwala kay Sebastian...

  “Naiintindihan ko kung ayaw mo,” wika niya.

Sumunod pala siya sa akin dito sa kusina. Pinanatili kong nakaikom ang mga labi ko pagkatapos kong uminom ng malamig na tubig, iniiwas ko rin ang mga tingin ko at tumango-tango na lamang ako bilang pagsagot.

But my brows sloped upwards when he pulled out a ring from his pocket, it was the same ring that needed adjusting. Ibinalik ko na iyon sa kaniya dahil akala ko nga'y huling pagkikita na namin sa ospital at kalilimutan ko na siya.

Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinayaan ko naman siya. Kinagat ko ang labi ko habang pinanonod siyang isuot ang singsing sa daliri ko. Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko kasabay ng pagpuno ng kung ano sa puso ko.

 Nag-angat siya ng tingin, “Palagi kong nakakalimutan na ibalik sa ‘yo iyan.”

    “H-hindi naman sa akin ito, ibinalik ko na nga sa iyo 'di ba?”

“It's yours, it was always yours.” Dinala niya ang mga palad ko sa kaniyang dibdib bago siya muling tumitig diretso sa naluluha ko ng mga mata.

   “I'm really sorry for everything,” saad pa niya.

He held my chin and leaned slowly towards me. I closed my eyes and I felt the fireworks inside me explode when his soft lips touched mine. It was pure bliss, it felt like I was in cloud nine and I don't ever want to go off it.

     “You complete me, Elle.”

Nagtuloy-tuloy kami na ganito lang ang set-up. Sometimes he'll go visit me in my photoshoots and I do the same whenever he's at work. Palagi ko siyang dinadalhan ng lunch kahit hindi naman ako ganoon kagaling magluto, nag-aaral na naman ako at nanonood ng mga cooking tutorials sa internet.

Tuwing linggo naman ay iginagala parin namin si Michaella, I will miss bonding with her. Balita ko kasi ay umaayos na rin ang kalagayan ni Myra at ang ibig sabihin lang noon ay maaalagaan niya na ulit si Mika. Naiinggit lang ako sa pinsan ko dahil kahit papaano ay makakasama parin niya ang anak niya.

    “Kumusta ang presentation?” tanong ko nang marinig ko ang pagbukas-sara ng pinto.

Kadarating lang ni Sebastian at narito ako ngayon sa kaniyang condo. Naglilinis ng mga gamit. I also moved his other furniture, this unit was much wider compared to mine so that explains why I have sweat all over my body.

    “Hey, Sebastian?”

Tahimik lang siya, ipinatong niya ang kaniyang suitcase sa sofa at lumakad papalapit sa akin. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit.

      “May problema ba?” Tanong ko at hinimas ang likod ng ulo niya. Sinubsob naman niya ang mukha niya sa leeg ko at lalong humigpit ang kapit niya sa beywang ko.

“Sebastian, ano ka ba? Pawis na pawis ako, oh!” I tried to push him.

Sobrang lagkit ko na kasi talaga dahil kanina pa ako dito, hindi ko kasi malaman kung saang puwesto ang maganda kaya pinalipat-lipat ko ang mga gamit. Kaya naman kahit may air conditioner dito ay pinawisan parin ako.

     “Huy, Sebastian!”

He shushed me and he whispered into my ear with his deep hoarse voice, “I'm exhausted from all of them, I need rest.”

     “Edi mapahinga ka–“

“You give me peace, you're the one who's giving me strength.”

Pumikit na lamang ako at hinahayan siyang gawin ang gusto niya.

He's my happiness, my life.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top