Chapter 55

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan si Sebastian at Michaella dito sa playground ng eskwelahan. Katatapos lang ng recognition at hinila kaagad kami ni Mika papunta rito upang makipaglaro.

Kahit parang may puwang pa sa puso ko'y alam ko naman na kahit papaano ay masaya ako ngayon. Todo ang pagbabantay ni Sebastian sa napakalikot at napakakulit na batang si Mika, hindi maipagkakailang magiging mabuti talaga siyang ama sa pagdating ng araw.

Napatawa ako ng bahagya habang pinapanood ang ekpresyon ng mukha ni Sebastian. He looked confused, kanina pa siya ganiyan. Halata talaga sa kaniya na hindi siya sanay na makipaghalubilo sa ibang tao.

Kaya pala napakasungit niya at grabe kung makapagtaboy sa akin noon! Ang totoo pala ay natatakot lang siyang magmahal at makaramdam ng pagmamahal, natakot siya dahil tumatak sa isipan niya na balang araw ay mawawala rin iyon... Biglang gumuhit ang awa sa lalamunan ko kaya napalunok ako, nag-iwas ako ng tingin at ibinaling ito sa iba pang mga bata na naglalaro.

Siguro ay hindi man lang naransan ni Sebastian kung paano maging isang normal na bata? Kaya siguro nabuo ang alter niyang si Tutoy upang makabawi ito sa mga bagay na hindi niya naranasan noon dahil sa trauma.

Maya-maya pa ay napalingon muli ako sa gawi nila, nakalagay ang mga kamay ni Sebastian sa bulsa ng kaniyang pantalon at prenteng binabantayan parin si Mika.

"Mama!" Tuwang-tuwa na sigaw nito matapos niyang magpadulas sa slide. Napalingon rin si Sebastian sa gawi ko at mataman itong tumitig sa akin.

Hanggang ngayon ay naiilang parin ako sa kaniya dahil hindi ko parin alam kung anong problema. 'Di ba dapat ay masaya akong inamin niya na ang totoo niyang nararamdaman? Bakit kasi ganito? Bakit hinahanap-hanap parin ng alaala ko si Rafael? I know that they are the same but...

Nang makalapit ako sa kanila ay ngumiti ako saglit kay Sebastian bago umupo upang pantayan ang lebel ng taas ni Mika.

Inayos ko ang bangs ng bata bago nagsalita, "Let's go home na, mukhang pagod na si Da- Daddy."

I can't believe I just called him 'Daddy', I want to slap myself at this very moment! Nakakahiya ito, baka kung anong isipin niya dahil nakiki-daddy ako.

"Pero Mama," lumabi sa harapan ko si Mika at nagsimula ng magtubig ang gilid ng mga mata niya. Naiintindihan ko ang bata. I know she misses bonding with her parents. Palagi nilang ginagawa iyon linggo-linggo lalo na noong maayos pa ang kalagayan ng Mommy Myra niya.

    "I'm sorry Mika-"

"I'm fine," malamig na tugon ni Sebastian.

Tiningala ko siya at pinaningkitan ng mata pero hindi niya ako pinansin.

  Ano naman kayang binabalak ng isang ito?

"Where do you want to go?" tanong niya sa bata.

Mika's face lit up with excitement, tumayo ako at pinagpag ang jeans ko bago inayos ang kulay puti kong blouse. Humalukipkip ako at sinuri ng mabuti ang mukha ng lalaking ito.

He just smiled at me then fixed his sleeves before carrying Mika in his right. I felt a sudden jolt of electricity when his other hand touch my waist.

Marami ang napatingin sa aming mga bata pati ang mga magulang nila. Hindi naman kasi maipagkakaila, sa ayos namin ngayon ay mukha kaming larawan ng isang masayang pamilya.

"Sa mall po gusto ko ha?" ani Mika.

Tumango si Sebastian at ngumiti bago kami tumungo papunta sa sasakyan niya. Habang naglalakad kami ay sumagi na naman sa isip ko si Rafa, ang sarili naming anak ni Rafael. I felt pity for my son because he never had a chance to experience this kind of attention from his own father.

"Pasensiya ka na," napalingon ako saglit kay Sebastian.

Narito na kami ngayon sa mall at naglalakad papunta sa isang Japanese Restaurant na ni-request ni Mika na kainan. Sa katunayan nga ay nauuna pa ito ngayong maglakad sa aming dalawa. We were just watching her jump and walk from excitement.

I frowned, "Saan naman?"

"Baka kasi naiilang ka na sa akin, kahapon ka pa walang imik."

Natumbok niya ang totoong nararamdaman ko kaya hindi na naman ako makapagsalita. Mabuti nalang at narating na namin ang Japanese Restaurant at sumigaw na sa tuwa si Michaella. I was kind of saved by the bell.

Pinili naming umupo sa pinakadulong table, umupo naman si Mika sa tabi ni Sebastian. Nakakatuwa dahil mukhang nagkakasundo talaga silang dalawa.

"Do you want shrimp tempura Mama?" tanong nito.

   "Baby, I'm allergic to shellfish."

Nagkatinginan kami ni Sebastian matapos kong sabihin iyon. Isinarado niya ang menu at tumawag ng isang waiter, lumapit naman kaagad ito sa kaniya.

He explained to her that I was allergic to shellfish and asked her what's the best food to order to avoid triggering my reaction. That was just a simple gesture and yet it makes my heart flutter.

"Mama bakit hindi ka po nakain ng sushi?" inosenteng tanong ni Mika.

"I don't really like eating those,"

Sa katunayan nga ay wala nga akong masyadong makain dito dahil sa shellfish allergy ko, mabuti na ang nag-iingat. Ayoko ng maulit 'yong dati, lalo pa't 'di naman alam ni Sebastian ang gagawin kapag nagkataon. Hindi naman kasi siya si Rafael.

"Daddy subuan mo nalang po si Mama,"

Natigil kaming dalawa ni Sebastian at nagtinginan dahil sa pinagagawa sa kaniya nitong bata.

I smiled at Mika, "Baby, hindi ko naman kailangang subuan-"

"Open your mouth,"

Nagulat ako sa sinabi ni Sebastian. Nakahanda na siyang isubo sa akin 'yong sushi na nakaipit sa kaniyang chopsticks.

Nag-init tuloy ang mukha ko at walang nagawa kundi ibinuka ko nalang ang aking bibig. I awkwardly smiled at him then I pretended to look around the Sakura themed Japanese restaurant while chewing.

Bakit naman kasi kung ano-ano ang naiisip nitong si Michaella e? Baka mamaya paghalikin pa kami nito!

"How was it po Mama?" she was jolly.

"M-masarap," tumango-tango ako habang ngumunguya parin. Sinubukan kong hindi mapasulyap kay Sebastian pero hindi ko magawa. He was grinning from ear to ear and that made me blush even more.

Pagkatapos naming kumain at maggala sa mall ay inihatid na namin si Michaella sa bahay nila Mommy. Hindi ko na rin pinababa si Sebastian sa sasakyan niya at sinabi kay Michaella na isikreto muna ulit na nakasama namin si Sebastian ngayong araw.

Hindi pa kasi ako handa at hindi ko pa talaga maintindihan itong nararamdaman ko. Para talagang bumalik ako sa pagkadalaga at takot na umamin sa magulang...

   "Salamat ulit," saad ko pagkasakay ko sa passenger seat.

"Elle, salamat rin."

Tumitig ako sa kaniya matapos kong ayusin ang aking seatbelt.

  "Salamat sa pagpaparamdam mo sa akin nito," he said staring directly into my eyes.

Lalong gumulo ang isip ko dahil sa mga sinabi niya, may takot parin sa puso ko at hindi ko na yata talaga maaalis ito. "Sebastian..."

His adam's apple moved, "Sana– sana pala noon pa ako sumubok– Ahh!"

Pumikit siya ng mariin at napadaing, napahawak rin siya sa kaniyang sentido pagkatapos ay may kinuha siyang container ng gamot sa glove compartment nitong sasakyan.

    "Anong nangyayari sa ‘yo?" maging ako ay natataranta na, inalis ko ang aking seatbelt at tinulungan siyang kumuha ng pill sa hawak niyang container.

Nanginginig ang mga kamay niya at kitang-kita na ang ugat sa leeg at noo niya, namumula na rin siya marahil sa sakit na nararamdaman. Mabuti nalang pala at hindi pa niya napaaandar itong sasakyan, kung hindi ay baka naaksidente na kami.

Napahiyaw siya at sumubsob sa manibela matapos isubo ang gamot, ilang minuto siguro ang lumipas bago humupa ang sakit na nararamdaman niya.

Napatitig ako sa nakayukong si Sebastian habang hinahagod ang likod niya. Inabot niya ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit habang kumukuha parin siya ng lakas.

Hindi kaya inaatake na naman siya ng sakit niya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top