Chapter 54

Sebastian was wearing a blue buttoned down shirt, gray pants, a brown leather belt and a pair of expensive shoes. He was looking even more handsome because of that damn smile.

Standing in front of us confidently and gorgeously, Sebastian combed his fingers through the strands of his hair. That made me grasp tightly to the armrest of this swivel chair.

Napalunok ako at pinaningkitan si Perrie. Itinaas naman niya ang dalawang daliri sa may mukha niya. As a sign for 'peace' while grinning from ear to ear.

   “Anong ibig sabihin nito Perrie?”

“Na surprise din ako! Kanina lang kasi niya sinabi kaya nakiride nalang ako.”

My goodness, I feel betrayed! Kaya pala bigla siyang natahimik kanina? Habang ako naman ay balisa sa kaiisip kung sino ang posibleng nagpadala ng sulat at bulaklak na 'to.

      “You should've told me!”

“I told her not to,” Napalunok ulit ako nang magsalita si Sebastian. Naglakad pa ito papalapit sa amin at dahil doon ay amoy na amoy ko ang pabango niya na mukhang nagkakahalaga pa ng malaki.

   “Sige na, maiwan ko na muna kayo.” si Perrie.

Tumango naman si Sebastian sa kaniya bago tumingin ito sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Napairap ako. Talagang iiwan pa ako ng sarili kong manager? Pagkatapos nila akong pagkaisahan na dalawa?

Tumayo ako mula sa upuan para sundan palabas si Perrie sa conference room na ito. Nahawakan naman kaagad ni Sebastian ang braso ko at muli akong pinaupo. Naghila siya ng isa pang upuan sa may tabi ko at iniharap iyon sa akin.

  “Please, listen to me.”

“A-ano ba kasi 'yon?” Tumingin na lang ako sa bulaklak na nakapatong sa lamesa. Kaysa sa mga mata niya 'no? It will just make me feel awkward.

Hawak niya sa magkabilang gilid ang armrest nitong revolving chair kaya hindi ako gaanong makaiwas.

       “Look at me,”

Kita ko mula sa gilid ng mga mata ko kung paano niya ako titigan. We're so close, I can even feel his hot breath whenever he tries to speak.

I gritted my teeth, “Sabihin mo nalang ang gusto mong sabihin, makikinig naman ako.”

       “Tumingin ka muna sa akin,” aniya.

“Hindi naman mata ang pandinig ko.” Napalunok ako.

Pakiramdam ko tuloy ay teen ager ulit ako dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon!

He sighed heavily, “I know this sounds crazy... but I think– I think I'm catching feelings for you.”

Napatingin na ako sa kaniya. I don't know what to react to that.

    “I-I know you're shocked, I was too.”

Hindi ko talaga alam ang dapat maramdaman ko, tanging mabilis lang na pagtibok ng puso ko ang naiintindihan ko.

  “Alam kong marami akong nagawang mali sa'yo. Itinaboy pa kita noon kaya maiintindihan ko kung mas magagalit ka pa sa 'kin ngayon.” Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa arm rest.

Gusto kong magsalita pero hindi ko naman masisip kung ano ba ang gusto kong sabihin. Parang bumaluktot ang dila ko ngayong kaharap ko siya.

    “You see Elle, I grew up not believing in love because it reminds me of what happened in my past. I respond negatively to it, I push people away because I believed that feeling will only make me vulnerable.”

I know, he suffered emotional pain and childhood trauma. That even caused to trigger his D.I.D.

   “Seven years ago I pushed you away because I couldn't accept the fact that I'm already catching feelings for you. I was scared to be a slave of my own feelings– but I realized that I was far more scared to lose you.”

Nag-init ang gilid ng mga mata ko habang nakikinig sa mga paliwanag niya. Parang pinipiga ang puso ko at hindi ko alam kung ano ang pinaka dahilan nito.

Ang alam ko lang ay nasasaktan ako, nasasaktan ako para sa aming dalawa.

   “Akala ko kapag nagtagumpay ako na mailayo ka sa iba kong mga alter ay magbabago na ang pakiramdam ko para sa ‘yo. Sinubukan kong kalimutan ka at sinubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na galit lang ang nararamdaman ko  para sa ‘yo.”

Hindi ako mapakali dito habang nakikinig sa kaniya.

   “I tried hard to convince myself that I hate you. Pero heto ako ngayon–“

Umiling ako. Hindi ko maipaliwanag itong gumugulo sa akin. Gusto kong magalit sa kaniya dahil hindi niya inisip ang mararamdaman ko noong nagpasya siyang itaboy ako. Hindi niya naisip ang mararamdaman ko sa pitong taon na hinayaan niya akong mag-isa.

Pero naaawa rin ako sa kaniya at naiintindihan ko ang kalagayan niya, dahil alam kong naguguluhan rin siya noong mga panahon na iyon. He was suffering in a mental disorder caused by trauma.

I know it was not easy for both of us.

   ”–sana maintindihan mo ako, kahit ako sa sarili ko naguguluhan na.”

     “Matagal na kitang inintindi,”

Magulo pa rin ang isip at puso ko pagkatapos ng mga pag-amin ni Sebastian. Tamihimik lang ako dito sa passenger seat, nakatingin sa madalim na kalasada at mga ilaw na nangagaling sa mga sasakyan.

Pasimple kong tiningnan siya. I can't really explain what I'm feeling right now. Hindi ko talaga alam kung dapat ba akong matuwa.

Madaling araw na akong nakatulog sa kaiisip ko dito sa nararamdaman ko. Ngunit kinailangan ko pa rin na gusmising ng maaga ngayong araw. Recognition day kasi ni Michaella ngayon at nangako ako sa kaniya na sasamahan ko siya.

Si Perrie ang maghahatid sa amin ngayon papunta sa school, kasama ko dito si Michaella sa backseat at inaayusan siya ng buhok. Nakauniform na rin siya ang nagpalagay ng kaunting lip gloss. Hindi parin kami nag-uusap ni Perrie.

Nang makarating kami sa School ay hindi ako mapakali, lalo na noong nakita ko ang sasakyan ni Sebastian na nakaparada dito sa parking lot. “Perrie ano na naman 'to?”

“Sorry, hindi ka naman daw kasi makausap kagabi.”

Eh sa hindi ko nga kasi alam ang sasabihin ko! Alangan namang makipag-kwentuhan ako kay Sebastian ng casual 'di ba? Mas mabuti na nanahimik na lamang ako.

       “Uy si Mokong po 'yon ah!”

Natawa si Perrie sa biglang pagsigaw ni Michaella, nakaturo ito sa labas. Nakatingin kay Sebastian na kabababa lang rin ng sasakyan niya.

   “Bakit naman mokong ang pakilala mo?” tanong ni Perrie na natatawa pa rin.

Inirapan ko siya at bumaling dito sa bata, inayos ko ang bangs nito. “Mika, 'di ba sabi ko sa ‘yo huwag mo siya tatawaging ganoon?”

Napanguso siya at napahalukipkip, "Eh ano po ba dapat?”

     “Daddy,”

“Perrie ano ka ba?!” saway ko kaagad dito.

       “Bakit po Daddy?” Tumayo si Mika sa kotse at sumilip kay Perrie sa driver's seat.

   “Kasi partner siya niyang Mommy Elle mo,”

    “Talaga po?” manghang tanong nito.

I face palmed, “Don't listen to her Mika.”

    “Alam mo ba may baby pa nga sila–“

“Si Rafa?”

   “Shut it Perrie, tara na Mika baka mahuli ka pa.”

Bumaba na kami sa sasakyan, hinawakan ko kaagad ang kamay ni Mika at nagmamadaling naglakad para iwasan si Sebastian.

      “Daddy tara na po!” sigaw ni Mika sa direksyon ni Sebastian.

Dahil naman sa gulat ay natapilok ako, mabuti nalang at hindi naman malala ito. Nakaayos kaagad ako ng tayo at hinila ulit ang kamay ni Mika.

Pero hindi siya gumalaw, talagang hinihintay niya na makalapit sa amin si Sebastian. Ngiting-ngiti ang batang ito at kumakaway.

     “Daddy nakita mo po 'yon? Muntik na madapa si Mama! Lampa daw po talaga siya sabi ni Tita Perrie.” Tumatawa-tawa siya habang nagkukuwento, narinig ko rin ang mahinang pagtawa ni Sebastian kaya nag-init lalo ang mga pisngi ko.

Biglang kinuha ni Mika ang kamay ko at ang kamay ni Sebastian tapos pinilit kaming ipinaghawak. Nag-angat kami ng tingin sa isa't-isa, no one was smiling. Both of us were confused.

     “Partners daw po kayo sabi ni Tita Perrie,” she giggled.

“I am sorry,” he whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top