Chapter 53

Ibang klaseng pagkabigla ang gumuhit sa dibdib ko noong narinig ko ang mga salitang iyon. Parang lumabas ang kaluluwa ko at nagsasayaw iyon bago bumalik sa akin.

Am I imagining things?

Napahawak ako sa aking bumbunan upang damahin ito, baka kasi mamaya ay napasama lang ang bagok ng ulo ko kanina kaya kung ano-ano na itong naririnig ko.

  "Sorry, 'di ko narinig ang sinabi mo," saad ko, sabay kamot sa ulo.

"Sabi ko natakot rin ako."

  "Ah, akala ko naman– ano?!" Napahawak ako sa bibig ko at hindi ko alam kung gaanong nanlaki ang mga mata ko.

Kung ganoon totoo ang narinig ko no'ng unang beses? Natakot raw siya! Pero saan naman? Halos mapatay na niya nga iyong lalaki! Baka naman iyon kinatakutan niya? Ang makapatay siya ng tao?

"N-natakot?"

   "Akala ko hindi kita nailigtas, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo."

Pasimple kong kinurot ang tagiliran ko pero napapikit lang ako at nasaktan, hindi ako nagising. I guess this is real, this is really happening...

    "Rafael?" I asked, full of hope.

He tucked some of the strands of my hair behind my ear, he shook his head and gave me a weak smile.

I tried to guess again, "A-are you Ares?"

      "I am Sebastian," he said.

Parang nawawala ako sa mga titig niya matapos niyang magpakilala, hinawakan ko ang mga kamay niya na nakadampi ngayon sa aking kanang pisngi. Habang unti-unting naman siyang lumapit kasabay ng dahan-dahan kong pagpikit.

"Elleonor, I heared the news from Perrie!"

Naglayo kami bigla noong biglang bumukas ng marahas ang pinto ng condo. Umayos ako ng upo at nag-iwas ng tingin kay Sebastian, umakto na para bang walang nangyari.

    "Are you alright?" Tanong ni Mommy at nagmamadaling lumapit sa akin.

Bahagyang nadali ng malaki niyang bag ang katawan ni Sebastian pero hindi niya ito pinansin. Itinulak pa nga niya ito na parang naiinis pa, hindi rin ito binalingan ng tingin ng aking ina.

Niyakap kaagad ako nito at hinalikan sa noo, "I'm glad your safe!"

"Me too Ma, I'm thankful that he saved me." I pointed towards Sebastian, he was looking at us emotionless.

Natigilan si Mommy sa ginagawa niya at tinitigan ito, sinuri niya si Sebastian mula ulo hanggang paa. Pagkatapos noon ay wala siyang sinabi at ibinalik lang ulit ang kaniyang buong atensiyon sa akin. "Mag-iingat kasi Elleonor! Huwag kang kung kani-kanino sumasama–"

Her nose crumpled in annoyance as he glanced sideway at Sebastian. That made my blood boil, "Ma, 'wag ka namang ganiyan..."

   Sebastian cleared his throat and fixed his collar, "Aalis nalang muna ako, mag-iingat ka Elle. Ikaw rin Mrs. Guiller."

Tumango si Mommy, gusto ko pa sanang pigilan siya pero nagmamadali na itong umalis. Baka na-offend iyon dahil sa ginawa ni Mommy, nakakaawa naman siya. Siya na nga itong tumulong sa akin pagkatapos ay ganoon pa siya itatrato ng nanay ko.

     "You offended him," I blurted.

“How are you feeling?" tanong nito, hindi pansin ang sinabi ko.

   Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin dahil napupuno na talaga ako, noong binabantayan ko si Sebastian doon sa hospital ay kung ano-ano'ng ugali ang pinapakita niya. Pati ba naman ngayon?

  "Ma tinulungan tayo ni Sebastian tapos ganoon mo siya itatrato?" Medyo naiinis na  sabi ko at pinagkunutan siya ng noo.

"Fine, you want to know the truth?"

Parang nagbangga ang inis namin ni Mommy sa isa't-isa. Nakapamewang siya ngayon ay magkasalubong na rin ang kilay. At anong 'truth' ang sinasabi niya? May hindi ba ako nalalaman?

      "Binigyan ako ng lalaking 'yon ng apat na milyon hindi dahil kay Michaella. That boy knows na hindi niyo anak ang batang 'yon."

Pinaningkitan ko ng mata si Mommy, "Kung gano'n nga bakit siya pumayag?"

      "Binigyan niya ako ng apat na milyon kapalit ng pangakong ilalayo kita sa kaniya. I think that boy hates you so much..."

Kung totoo man 'yon, wala pa rin naman palang pinagbago ang ugali ng Sebastian. Gagawin parin niya ang lahat mawala lang ako sa buhay niya, including paying my mother a huge amount of money. Pero ano 'yong kanina? Why– why did he tried to kiss me?

   "Ayoko na sanang sabihin sa'yo ito dahil ayokong masaktan ka anak. I'm sorry."

A week have past after the incident and I almost haven't noticed it, maybe because I was to consumed thinking about some things. The man who tried to kidnap me still wasn't speaking up. I also haven't hear anything from Sebastian, he had not contacted me these past few days. And I'm just a little worried– and confused.

  “May nagpadala na naman sa'yo ng bulaklak."

Ibinigay ni Perrie sa akin ang isang bouquet ng pink roses. May nakalakip doon na card, kinuha ko iyon at binasa.

     "Kanino naman nanggaling 'to?" tanong ko matapos mabasa ang nakasulat doon.

"Malamang kay Fib na naman, 'lam mo naman 'yon." Nagkibit-balikat siya at tiningnan ang ayos ko sa salamin. Patuloy naman sa pag-aayos ng buhok ko ang aking hair stylist para sa shoot mamaya.

I shook my head.

No, this isn't from Fib. Oonga't palaging nagpapadala sa kin 'yon ng bulaklak pero iba ito ngayon! Puro pula ang pinadadala noong lalaking 'yon at 'sorry' ang nakasulat sa mga card.

Iba ang nakasulat ngayon... The neat penmanship was also different but it was kind of familiar, I felt some strange sting in my heart while rereading the message. 

It read, 'I want to confess something.'

Si Fib nga ba talaga ito? Kung siya nga ito'y ano naman ang aaminin niya? Na siya ang nag-utos na kidnapin ako? Napatawa ako ng bahagya dahil sa aking mga naiisip. Hindi ako pleased sa ginawa ko kanina. Masyadong maraming tumatakbo sa isipan ko kaya hindi ako makapagpokus. Siguro nga'y napansin rin iyon ni Perrie dahil bigla siyang nanahimik.

Narito kami ngayon sa loob ng elevator na pababa na ng ground floor at hindi siya umiimik, siya rin ang may hawak noong bulaklak na ipinadala sa 'kin ng kung sino man. I heard the 'ding' sound of the elevator, a sign that we've already arrived at the ground floor.

   "Lily tapos na pala kayo," si Fib.

Lumakad kami ni Perrie palabas ng elevator, laking gulat ko naman dahil may hawak na naman si Fib na bulaklak. Kulay pula ang mga rosas na iyon gaya ng mga dating ibinibigay niya.

    "I wan't to confess something.." aniya.

"Oh, sabi sa'yo sa kaniya rin naman pala galing ito." Saad ng aking manager.

Nalukot naman ang mukha ni Fib noong mapatingin siya sa bulaklak na hawak ni Perrie, umiling muna siya at tsaka parang ninenerbiyos na ngumiti. 

"Hindi naman ako ang nagpadala niyan."

Parehong nalaglag ang panga namin ni Perrie dahil sa narinig, nagkatitigan kaming dalawa. Pagakatapos ay kaagad niyang binasa ulit 'yong card na nakalakip  doon, nagbabakasakali siguro na may nakasulat na pangalan ng kung kanino ito nanggaling.

"Sandali lang–"

   Hinila ako ni Perrie papalayo kay Fib, naiwan itong nakatayo doon sa may bukana ng elevator habang may hawak na isang bungkos ng mga pulang rosas. Kawawa ang hitsura nito doon kaya hindi ko napigilang lingun-lingonin siya.

    "Parang may ideya na ako kung sino ang nagpadala nito." saad niya.

“Sino?”

  Nakarating kami dito sa isang bakanteng kuwarto dahil sa kahihila sa akin ni Perrie, mukha itong isang conferrence room.

"Umalis na tayo dito, baka mapagalitan pa tayo."

Imbes na sumang-ayon sa sinabi ko ay pilit niya akong pinaupo sa isa sa mga swivel chair doon. Ipinatong niya rin ang bulaklak sa ibabaw ng mahabang lamesa.

Ano ba itong ginagawa niya? Akala niya ba pagmamay-ari na namin itong buong building eh nag photoshoot lang naman kami kanina sa rooftop nito!

     "He wants to confess nga 'di ba?" She smiled.

Naguguluhan akong tinitigan siya, "Si Fib?"

   "Ako ang may gustong aminin sa'yo."

Napalingon ako noong marinig ko ang boses na iyon, "Sebastian?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top