Chapter 52

"Nakakakaba naman 'yang kuwento mo Lily! Sigurado ka bang lasing siya noon?"

"Ayaw talaga akong tigilan ng Fib na 'yan." masama ang baling ng tingin ko ngayon sa mga bulaklak na nakapatong sa coffee table dito sa condo.

Ayon kay Perrie ay dinala raw iyon ni Fib kagabi, pagkatapos ay nagtanong raw ito kung nasaan ako. Naawa naman daw siya kaya sinabi na niya. Kaya rin naman pala nalaman ng lalaking 'yon kung nasaan ako at bigla na lang siyang sumulpot doon sa madilim na parking space.

"I'm so sorry, hindi naman kasi lasing 'yon noong nagtanong siya." wika ni Perrie at dinampot na 'yong bouquet para dalahin sa may counter doon sa kitchen. Alam niya kasi na naiirita na ako roon.

"Kahit na, alam mo naman na ayaw ko siyang makausap." sagot ko pa.

Ibinagsak ko ang sarili kong katawan sa sofa at sumandal doon bago pumikit. Umiling-iling ako noong maalala ko ang hitsura ni Fib kanina. Mukha ngang hindi pa natulog iyon. Mabuti nalang at nakaalis ako kaagad.

'Di naman sa nilalait ko buong pagkatao niya pero kasi sa hitsura niya kanina'y mukha siyang walang gagawing matino.

"Grabe pagod na nga ako tapos masisira pa ang araw ko!" Singhal ko sa hangin.

Bahagyang natawa si Perrie at tumikhim, "Napagod ka? Oh anong napala mo?"

Parang nabingi ako dahil punong-puno ng sarkasmo ang tinuran niyang iyon. Kaya naman heto ako't nakunwari nalang na hindi ko iyon narinig. Nanatili akong nakapikit at nagtulog-tulugan na lang.

"Edi nagpagod ka lang talaga sa pagbabantay doon sa ex mo. 'Di ba wala kangang napala?"

Kumislot ang mga kilay ko at nagtagis ang mga ngipin ko. Hindi ko gusto itong nararamdaman ko! Bakit ako naiinis sa sinabi niya? Totoo naman na wala talaga akong napala.

Isa pa ay hindi naman ako naghihintay ng kapalit! Hindi ko naman hinihiling na mahalin niya ako- wala ako akong hinihiling na ganoon!

"Tumigil ka na Perrie, noong isang araw ka pa." puna ko habang nakapikit pa rin. Kaunting-kaunti nalang ang pasensiya ko at halatado na iyon sa tono ng pananalita ko kahit pinilit kong maging kalmado.

Tumawa ulit siya ng mahina, "Ikaw rin tumigil ka na."

Sunud-sunod ang araw na walang palyang nagpapadala ng bulaklak si Fib. Pagkatapos ay marami na rin ang nakakapansin sa social media na napababayaan na nito ang kaniyang sarili.

If I know, he's just obsessing about me because he didn't even got the chance to touch me.

That pervert!

"Here may bago na namang bulaklak." Iniabot sa akin ni Perrie ang isang bouquet pulang rosas.

Hindi ko iyon pinansin inilabas na lamang ang cellphone ko para mag-check ng social media. Wala namang kakuwenta-kwenta ang mga ito, puro tsismis lang.

"Hala siya..." bulaslas ko. Laking gulat ko kasi noong biglang rumehistro sa screen nitong cellphone ko ang caller I.D ni Sebastian.

Nanginginig kong sinagot ang tawag at nagpaalam muna sa team. "Bakit napatawag ka?"

"Elle?"

May maliit na ngiting sumilay mula sa mga labi ko noong marinig ko na ang buo niyang boses mula sa kabilang linya. "Yes, it's me."

"Naiwan mo ang singsing mo." saad nito. Nakikinita ko ang mukha niyang nakasimangot kahit boses lang ng bugnutin na ito ang naririnig ko.

"Iniwan ko talaga 'yan, ibigay mo nalang sa iba." malamig na tugon ko. I just figured that I shouldn't be keeping that ring because it will just remind me of Rafael.

"No-"

I ended the call then headed back to the team to continue the shoot because I heard my manager and the photographer's voice already calling out my name. The photo shoot went so smoothly, some of the staff are also saying that I nailed it and I looked amazing in every swimsuits.

Nandito ako ngayon sa may parking lot at kanina pa rin ako napapraning. Hindi ko mapigilan na lumingon ng lumingon habang naglalakad ako papunta sa kotse. Mukhang na trauma yata ako kahapon ng dahil kay Fib kaya naman nagkakaganito ako.

"Shit!" Napamura ako't napapikit dahil sa gulat noong biglang may tumunog na malakas na busina ng isang sasakyan. Nabitawan ko pa tuloy ang susi ng kotse ko at napunta iyon sa ilalim nito!

Dapat pala talaga'y hindi ako lumaklak ng kape kanina!

Yuyuko na sana ako para damputin iyong susi ko pero biglang may humila sa braso ko at tinakpan ang bibig ko gamit ang isang panyo. Impit akong sumigaw at walang magawa ang pagpupumiglas habang hinila ulit ako nito papunta sa isang madilim na parte.

Hindi ko makita ang buong mukha nito dahil sa suot na itim na bonnet. Kinalmot ko ang kamay niya at sinubukan kong alisin iyon sa bibig ko para makahingi manlang ako ng tulong.

Dahil sa pagpupumiglas kong iyon ay sinuntok niya ako sa sikmura. Nanlambot ang tuhod ko at maduwalduwal ako dahil sa ginawa niya. Mabibilis niyang binuksan ang pinto ng backseat ng isang sasakyan at marahas niya akong ihinagis sa loob ng kotse.

Dahil doon ay tumama pa ang ulo ko sa kung saan, pagkatapos ay isinalampak niya ng malakas ang pinto nito para makulong ako. Nagsisigaw ako sa loob nito at pinagpapalo ang bintana pero parang imposible na may makarinig sa akin.

Nanghihina akong tumitig sa lalaki mula dito sa mga bintana. Lalong umapaw ang kaba ko noong makita kong bubuksan niya na ang driver's seat.

Napapikit na lamang ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko. Siguro nga'y katapusan kona. Naghalo-halo na itong nararamdaman ko ipagpapasa-Diyos ko nalang ang lahat ng ito.

Napamulat ako nang biglang may lumagabog sa kotse, malakas iyon at nanginig pa nga itong buong sasakyan. Nawala rin bigla 'yong lalaking nakaitim na bonnet.

Matapos ng ilang segundo ay biglang may nagbukas ng sasakyan. Bumungad sa'kin ang mukha ni Sebastian, nagtatagis ang mga ngipin niya at magkasalubong ang mga kilay.

May hawak-hawak rin siya ngayon na dos por dos, mukhang may dugo pa ngang tumutulo sa dulo noon. Natulala ako habang pinagmamasdan siya, pakiramdam ko'y ayaw ng gumana ng maayos ang utak ko.

Ayaw ng gumalaw ng katawan ko dahil masyado na rin akong nanlalambot sa lahat ng nangyayari.

"Ayos ka lang ba?" napapaos na sabi niya at naglahad ng kamay.

Imbes na tanggapin ko naman iyon ay sinunggaban ko siya ng isang mahigpit na yakap. Gusto ko sanang magpasalamat sa kaniya pero paghagulgol lang ang nagawa ko. I burried my face into his shoulder and I felt his hands on my back supporting my weight.

Pagkagaling namin sa police station para kuhanan kami ng mga pahayag ay inihatid ako ni Sebastian pabalik sa amin. We kept everything private as long as possible because I don't want to be involved in another issue.

Hindi rin makasagot 'yong lalaking sumubok na dumakip sa akin, dinala iyon sa hospital. Parang gigil na gigil kasi si Sebastian noong paluin nito ng dos por dos ang ulo nito. Kaunti nalang ay makakapatay na siya at natakot ako doon.

Pinakuha na rin niya ang footage ng cctv at iprinisita iyon sa mga pulis para makita nila kung ano talagang nangyari.

Mabuti nalang talaga at dumating si Sebastian, mabuti nalang at nakita niya ako at nailigtas... Hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon kung wala siya doon!

Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako dahil sa nangyari, "Salamat talaga,"

"Sigurado ka ba talagang ayos ka lang?"

Tumango ako, gusto niya pa sanang ipacheck ako sa ospital pero tumanggi na ako. Gaya nga ng sinabi ay ayoko ng masangkot pa ulit sa issue. Gusto ko nalang malaman ng pribado kung sino ang may pakana nitong tangkang pag-kidnap sa akin.

"Natakot lang ako Sebastian."

"Ako rin," tugon niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top