Chapter 5
"I miss you Elleonor." Napangiti ako sa text na nabasa ko dito sa de-keypad na cellphone ni tita Rita.
Hiniram ko muna ito sa kanya at idinahilan sila Mommy at Daddy. Sinabi ko sa kaniya na gustong-gusto ko na kasi silang makausap, baka kasi tumawag na naman sila sa bahay ng wala ako.
Well that was partly true. Pero ang totoo nyan ibinigay ko lang naman ang number ni tita kay Raf. Nadukot kasi ang cellphone ko nang lumuwas ako papunta dito. Kaya tiis-tiis muna ako magpipindot.
"Manigas ka dyan." Nakangiti kong reply sa kanya. Nandito ako ngayon sa kubo at nagpapahinga. Tapos na rin naman kaming magpakain ng mga hayop.
Hanggang ngayon kinikilig parin ako doon sa ginawa ni Raf kahapon. Inaasar kasi ako kanina ng iba pang mga trabahador e!
Napatingin ako sa cellphone nang bigla na naman na tumunog ito. "Ingat ka dyan Elleonor."
"Hija." Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang lumapit sa akin si Aling Tere.
Pipigilan niya na ba ako na makipag-mabutihan sa anak niya?
"Aling Tere."
Alam ko naman na hindi ang tipo ko ang gusto niya para anak niya. Siguro nararamdaman niya na masama ang ugali ko?
"Alam kong nagugustuhan ka ni Tutoy." Umupo siya sa tabi ko.
"O-opo."
Ngumiti siya sa akin.
"Gusto niyo po ba na layuan ko ang anak niyo?" Mautal-utal na tanong ko dito. Hindi ko nga alam kung saang lupalop ako kumuha ng lakas ng loob para maitanong 'yon dito kay Aling Tere.
"Gusto ko na rin ang gusto ng anak ko. Hindi naman ako kontrabida sa ikasasaya niya." Tinapik niya ang braso ko.
Medyo nakakahiya lang dahil umilag ako, akala ko kasi hahampasin niya ako!
"Pero sana kung papasok kayo sa isang relasyon, pag-isipan niyo munang maigi kung gusto niyo ba talaga ang isa't-isa. Ayokong magkasakitan kayong dalawa."
Napakurap ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na hindi ako sigurado?
Natatakot kasi ako na baka nga nao-overwhelmed lang ako sa kilig na nararamdaman ko kapag malapit si Raf sa akin. "Sige po, tatandaan ko 'yan." Tumango ako.
"Tsaka eto sasabihin ko na sa'yo. Seloso 'yang si Tutoy, hindi lang niya pinapahalata."
Natawa kami ni Aling Tere sa sinabi niya. But I couldn't erase the worries in my head. Paano nga kami ni Raf?
Biglang nag-ring ang cellphone ni Tita, agad ko naman na sinagot ang tawag na iyon at nagpaalam kay Aling Tere.
"Hello Mommy?" Lumayo ako ng bahagya sa kubo.
"Anak kamusta ka na diyan? Nakaka-kain ka ba ng maayos?" Naramdaman ko ang pagod sa tono ng pananalita ni Mommy, medyo napapaos na rin siya. Parang kinukurot ang puso ko sa bawat salitang naririnig ko mula sa kaniya.
"Ayos lang ako dito Ma! Kayo ni Daddy kamusta ba kayo? Kailan tayo magkikita-kita ulit?" Pinunasan ko agad ang luha na tumulo na sa mga pisngi ko. Pinilit kong maging masaya ang tono ng pananalita ko kahit parang may bumabara na sa lalamunan ko.
Ayokong nahihirapan sila, kung pwede lang na ako nalang ang pumalit sa kinalalagyan ng Daddy ko ginawa ko na.
"Anak." Her voice craked. "Hindi kasi ganon kadali 'yon e."
"Ano ba kasi talagang nangyari Mommy?" Hindi ko talaga alam kung anong nangyari. Ang huling kita ko lang sa kanila ay noong may mga pumuntang pulis sa bahay at isinama si Daddy.
"Don't worry Elle, we're doing our best to prove them that you're father is innocent."
Dapat pala hindi na ako pumayag na pumunta dito sa probinsiya. Mas kailangan pala nila ako doon. "Pupuntahan ko kayo dyan Ma."
"No please! Ingatan mo nalang ang sarili mo dyan anak, ayokong mamroblema ka pa dito."
"But Mom-"
"Please baby, I love you." 'Yon nalang ang huling sinabi ni Mommy bago patayin ang tawag.
Bakit parang tinuturing parin nila akong bata? I am already twenty two years old for goodness sake! Gusto ko lang naman na tulungan sila, pero paano ko gagawin 'yun kung hindi ko naman alam ang problema?
"Kumain ka na ba?" Nanatiling walang reaksyon ang mukha ko nang mabasa ko ang text na 'yon na nanggaling kay Raf.
Tumunog ulit ang cellphone at nabasa ako ang isa pang mensahe na galing sa kaniya. "Wag kang magpapalipas ng gutom."
I couldn't be bothered to reply to his texts because I was too consumed by my thoughts. Nanatili lang akong nakatanaw sa malayo.
Sunod-sunod ang messages na natanggap ko mula kay Raf pero hindi ko na iyon pinansin hanggang sa tumawag na siya.
"Ayos ka lang ba Elleonor?" I felt happy and sad at the same time when I heared his voice.
"Raf..." Pumiyok ang boses ko.
"May nangyari ba? Anong problema?"
Hindi ako nakasagot sa mga tanong niya. Tanging impit na iyak nalang ang lumabas sa bibig ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
Ang hirap magpanggap na matatag sa harap nila Tita! Hindi ko na kasi kayang itago ang lahat ng nararamdaman ko! Wala akong ibang kaibigan na mapagsasabihan kundi si Raf lang, tapos wala pa siya dito sa tabi ko ngayon.
Narinig ko sa kabilang linya na napamura siya sa hangin. "Elleonor ano bang nangyari ha?!"
"N-nadapa ako." Pinahid ko ang luha ko at ngumiti na para bang nakikita niya ako. Ayoko palang magkwento sa kanya. I don't want to be more attached to him. Lalo na ngayong hindi pa ako sigurado sa kaniya.
"Elleonor ilang araw nalang..."
"Yes I know! Tsaka hindi ako umiiyak dahil sa'yo ha! Nadapa talaga ako." Ngumuso ako.
Narinig ko ang sexy na pagtawa niya mula sa kamilang linya. "Wala naman akong sinasabi."
Syempre alam ko iyon na naman ang iniisip niya! Pangalan niya nalang ang nasabi ko kanina bago ako umiyak e! "Mayabang ka kasi tsaka baka mag-aasume ka na naman."
"Talaga lang ha?" Nai-imagine ko ang mukha ni Raf habang sinasabi niya iyon. "Malulungkot ako Raaf." Pilit niyang ginaya ang tono ng pagsasalita ako.
"Nakakainis ka alam mo ba 'yon?" I hissed. Hay! Thank you for making me smile Raf!
Sana nararamdaman niya na napapasaya niya ako kahit hindi ko sinasabi.
"Gusto ko talagang inisin ka para hindi mo ako makalimutan."
Mabuti na rin pala at wala siya dito ngayon?! Nakakahiya kasi kung makikita niya na sobrang nangingiti ako sa mga sinasabi niya.
"Naiisip ko yung ngiti mong abot tenga Elleonor." He chuckled.
"Hindi ako nangiti!"
"Sabi mo e-" He paused for a second. "-Sige sa susunod nalang ulit, may gagawin lang ako. Bye."
Tumango ako na para namang makikita niya 'yon. "Sige ingat-"
Ibinaba na niya kaagad ang tawag. Siguro importante talaga 'yung gagawin niya doon? Sana naman hindi siya gaanong pahirapan ng Don Ricardo na iyon.
"Elle kamusta?" Lumapit sa akin 'yung anak ni Mang Ely.
Hindi ko matandaan ang pangalan niya kaya ngumiti muna ako sa kaniya. Nasa dulo na ng dila ko e! "A-ah Sandara!"
"Sandra." Tumawa siya.
Sandra pala! Pero ayos na 'yon, kasi malapit na naman ang nasabi ko e.
"Gusto mo bang ipasyal kita sa orchard?"
"Sige?" Gusto ko sanang tumanggi pero sobrang lawak ng ngiti niya, ang ganda rin pala niyang babae lalo na pa malapitan. Simple lang siya, mukhang mabait, masipag at masiyahin.
Naalala ko tuloy noong makita ko na magkausap sila Raf. Ano kayang tingin ni Rafael sa kaniya?
"Matagal na ba kayong magkakilala ni Rafael?" I don't want to sound like a jealous girlfriend, my goodness!
"Oo magkababata kami." Sinundan ko siya sa paglalakad.
I crossed my arms over my chest.
"Napakasipag niyang si Baste, wala na siya halos pahinga kapag nagtrabaho siya. Kahit anong utos niyan ni Don Ricardo susundin niya."
Ganoon pala ka-dedikado si Raf para sa hacienda na ito at kay Don Ricardo? Kaya pala pumunta kaagad siya sa Maynila nung sinabi nito na kailangan siya.
"Wala bang naging anak si Don Ricardo?"
Natigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin ng nakakunot ang noo.
"What?" I asked. Tagal-tagal sumagot e.
"Ahh akala ko! Meron pa siyang anak, si Aericka. Anak nila ng Señora Aranda."
Babae pala ang anak ni Don Ricardo. Pero bakit parang hindi ko naman nakikita ang mga iyon sa pagpapabalik-balik ko dito sa hacienda? "Eh nasaan sila?"
"Wala na si Señora, namatay siya 16 years ago nung pinanganak niya si señorita Ricka. Nasa ibang bansa naman ang Señorita ngayon at doon nag-aaral."
Ang dami ko namang natu-tutunan dito kay Sandara!
"Ang swerte ng anak ni Don Ricardo." Akalain mo 'yon? Mapupunta sa kaniya ang lahat ng ito sa tamang panahon.
Tumawa siya at nagsimula ulit maglakad papunta sa orchard. "Kung ako ang papapiliin ayokong maging ama 'yon."
Choosy pa siya? Ayaw niya kay Don Ricardo? Sabagay mabait naman si Mang Ely e. But my Daddy is the best!
"Napaka strikto noon, gusto lahat pulido. Parang ang hirap maging anak niya, kailangan perpekto ka." Sunod-sunod parin nasabi niya.
Edi kawawa naman pala si Aericka? Napatingin ako sa malayo at napanguso.
"Ikaw bakit ka napunta rito?" Parang napapagod na sabi ni Sandara, medyo malayo-layo na rin kasi ang nilakad naming dalawa.
"Vacation. Dito muna ako habang may inaasikaso 'yung parents ko." Pagsisinungaling ko.
"Sinabi ko na nga ba mayaman ka! Bakit ka pa nagtatrabaho dito?"
Eh bakit ka ba nangengealam? "Gusto nila na matuto akong magsikap."
Ngumiti siya sa akin at tumingala sa langit, sinalubong niya ang hangin sa mukha niya. "Ako din nagsisikap ako para matulungan sila Amang Ely."
Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko.
"Ayoko naman kasing umasa na may lalaking darating para sa akin upang iahon kami sa kahirapan. Gusto ko ako ang gagawa noon para sa pamilya ko."
Parang sinampal ako sa mga pinagsasabi niya. She's really better than me in everyway. Siya ang deserve ng mga lalaking katulad ni Rafael, hindi katulad ko na mukhang pera.
"You'll reach it." Saad ko na lalo pang nakapagpangiti sa maamo niyang mukha.
I wish could be like her.
"Go Sansan!" I cheered.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top