Chapter 49

Mag-isa ako sa unit ko ngayon habang nanonood ng balita, laman nito ang bagong disenyong kotse ng RSR motors. Talagang kilalang-kilala na sila, hindi lang dito. Pati na rin sa buong mundo.

  "This is an (AV) Autonomous Vehicle also called as self driving car. It has a variety of sensors to make sure that it moves safely..."

Habang nagsasalita ang isa sa mga engineer na nagdisenyo ng kotse ay hindi ko maiwasang hindi maalala si Sebastian.

Alam kong si Sebastian ang isa sa mga may ari ng kompanyang iyon ni Don Ricardo. Isa rin siya sa tumutulog na gumawa ng mga bagong sasakyan since he's an Automotive Engineer.

Napakasipag niya simula palang noon pero hindi siya mayabang. Hindi ko man lang siya nakikita sa mga interviews sa telebisyon. Sigurong  sadyang mailap siya sa tao sahil na rin sa nangyari noon sa kanya.

Pero kumusta na kaya ang lalaking iyon?

Apat na araw na rin kaming hindi nag-uusap simula noong nangyari 'yong sa sementeryo.

Tatayo sana ako upang kumuha ng tubig pero biglang tumunog ang ringtone ko, lalo kong naramdaman ang uhaw ko dahil nanuyot ang lalamunan ko at nanlaki ang mga mata ko noong nakita ko sa screen kung sino ang tumatawag.

     Bakit ako tinatawagan ni Sebastian?

Nakahalukikip ako habang pinagmamasdan siyang nakahiga sa hospital bed. Mahimbing siyang natutulog ngayon at may nakakabit sa kaniyang dextrose. Empleyado pala niya ang tumawag sa akin dito gamit ang phone niya.

Awa ang gumuhit sa puso ko. Wala raw kasing ibang laman iyong contacts niya kung hindi ang numero ko lang.

    "How are you feeling?" tanong ko kaagad noong mapansin ko na bahagya siyang kumilos. Lumapit ako sa kaniya habang nakahalukipkip parin at doon lang siya nagmulat ng mga mata.

   "Anong ginagawa ko dito?"

I heaved a sigh. "Nakita ka raw noong empleyado mo na walang malay doon sa opisina mo. At ayon sa doktor may dengue ka, kung saan-saang kuweba ka kasi nagsususuot. Iyan tuloy ang napala mo."

    Nag-iwas siya ng tingin at muling pumikit. "Anong ginagawa mo dito?"

Ako pa talaga ang sinungitan niya gayong kitang-kita naman sa aming dalawa na siya ang mas may kailangan sa akin. "You need me here."

  "No, I don't."

Nanginig ang mga ngipin ko dahil sa sinabi niya, pasimple kong ibinukas-sara ang mga daliri ko upang pigilan ang sarili ko na sakalin ang leeg niya. "Yes, you do."

  "Umalis ka na, kaya ko ang sarili ko." pagmamatigas pa nito.

    "Baka nga namatay ka na kung hindi ka pa nakita ng empleyado mo roon na walang malay sa opisina mo!"

     "Marami namang doktor–"

"Sebastian naman! Puwede ba kahit ngayon lang ay ibaba mo muna 'yang pride mo at tanggapin mo nalang muna ang pagmamalasakit ko? Hindi kita iiwan hangga't hindi ka pa gumagaling."

Bilang pasasalamat na rin ito doon sa apat na milyon na ibinigay niya sa amin para sa pagpapaopera ni Daddy. Hindi rin kasi ako mapapakali hangga't may utang na loob ako sa lalaking ito.

Tutal wala naman dito sa siudad ang pamilya niya at nasa probinsya ay ako nalang muna ang mag-aalaga sa kaniya hanggang sa bumuti na ang lagay niya.

Ipinatong ko ang bag ko sa may upuan sa may harapan ng hospital bed niya at kinuha ang wallet ko. "I'll buy some things for you."

    "Sinabi ko naman sa'yo na umuwi ka nalang."

Umiling-iling ako dahil hindi parin ako sang-ayon sa gusto niya. "Babalik kaagad ako, magpahinga ka nalang muna d'yan."

Pinahid ko ang luha ko matapos kong magdasal sa chapel sa loob ng hospital. Pinagdasal ko na sana ay bumuti kaagad ang kalagayan ni Sebastian. Kahit naman kasi sabihin kong kinasusuklaman ko siya at ayaw ng makita pa ay ayoko naman na tuluyan siyang mawala. I don't know if this is guilt or I'm just really afraid to lose him.

  Galing na rin ako sa isang supermarket at namili ng prutas gaya ng orange at papaya. Dalawang malaking bote rin ng tubig ang bitbit ko ngayon, bumili rin ako ng toilet paper at ilang biscuit.

Pagpasok ko sa kuwarto ni Sebastian ay nakapikit parin ang mga mata niya, kitang-kita rin sa kaniya na nahihirapan siya.

Hindi ako sanay na nakikita siyang nagkakaganito, ang huling nakita ko siyang naadmit sa ospital ay noong sinubukang magpatiwakal ni Rami. Ganitong-ganito rin ang pag-aalala ko noon.

    "Bakit bumalik ka pa?"

  Bahagya akong natigil sa pag-aayos at may dumaang pait sa puso ko. Ngunit imbes na indahin pa 'yon ay tumikhim nalang ako at nagpatuloy. Nagbukas ako ng isang bote ng tubig at kumuha ng isang orange.

Iniabot ko ang tubig sa kaniya habang binalatan ko naman itong prutas. "Uminom ka na para hindi ka madehydrate."

       "Umuwi ka na."

Natahimik lang ako sa pagbabalat. Ito na naman si Sebastian, nagsisimula na naman siya sa hobby niya na pagtataboy sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit simula palang nung ay galit na galit na siya sa akin.

"Go home, I don't need you here."

      "You do need me." Nakipaglaban ako ng titigan sa kaniya.

"I don't, just leave me."

  Bumuntong hininga ako. "Please naman hayaan mo nalang muna alagaan ka. At kung gusto mo akong mawala kaagad ay magpaggaling ka muna."

Kahit ngayon lang, kahit dito sa paraan na ito man lang ay mapatunayan ko sa kaniya na may paninindigan ako.

Kinabukasan ay umuwi na nga ako pero bumalik rin naman ako kaagad, pinilit ko siyang ibigay ang susi at address ng tinitirahan niya at ikinuha siya doon ng mga damit. Kumuha na rin ako ng sa akin dahil baka matagal-tagal pa ang pagkaka-admit niya dito.

Sabi kasi ng doktor ay mababa parin ang count ng platelet niya. Lumapit ako sa kaniya at sinapo ang leeg niya, bago ayusin ng bahagya ang buhok niya. Nagulat nang hawakan niya ang kamay ko, lalo ko tuloy naramdaman kong gaano siya inaapoy ng lagnat.

     "Why are you still here?"

"Becase you're still sick." agad na sagot ko.

Maya-maya ay naisipan kong ayusin ang mga damit niya, inilagay ko iyon sa isang closet dito. Parang kuwarto sa bahay kasi talaga itong pinag-admitan sa kaniya, carapeted and sahig, may t.v, may c.r, may sofa at may closet.

      "Wala ka bang secretary Sebastian? Bakit engineer niyo daw ang nakakita sa'yo doon?" tanong ko habang inaayos parin ang mga damit.

"You scared her."

       Kung ganoon 'yong babaeng kahalikan niya pala iyong sekretarya niya? Sino ba naman kasi na matinong boss ang makikipaghalikan sa empleyado niya sa oras ng trabaho.

   "That's your fault though. Ilang beses na akong nag-text sa'yo na pupunta ako pero hinayaan mo parin na abutan ko kayong naghahalikan."

Natawa siya ng maikli kaya napalingon ako, seryoso na kaagad ang mukha niya at kunwaring may pinagkakaabalahan. Siguro akala niya'y hindi ko narinig iyon na pinagtawanan niya ako.

    "Bakit sabi ng empleyado mo numero ko lang ang nasa cellphone mo?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

  "Nasa luma ko, naiwan ko sa condo." he said.

Tumango-tango ako at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. "Sige kukuhanin ko mamaya ay ilalagay ko lahat ng contacts diyan sa bago mong phone."

Inihanda ko sa tabi niya ang mga prutas na binalatan ko kanina habang natutulog siya. Iniabot ko rin sa kaniya ang isang tubig na tinimplahan ko ng solution upang maiwasan na madehydrate siya.

    "You don't need to do this Elle."

Nagkibit balikat ako. "I want to,"

   Gusto ko siyang alagaan. I want to stay even if he is constantly pushing me away... dahil ito ang bagay na hindi ko ginawa noon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top