Chapter 48
Tahimik lamang ako ngayon dito sa passenger seat ng sasakyan ni Sebastian. Naroon naman sa backseat si Mika at natutulog na ng mahimbing. Wala ng nagawa si Sebastian kundi ang ihatid kami dahil hindi naman ako makakapagmaneho ng maayos.
Hindi din daw kasi makakasundo si Mommy o si Perrie. Ang alam ko kasi ay natuloy na nga ang pagpapaopera kay Dad. He had CABG with a double valve replacement surgery and I think it costed about 1,136,640 pesos, then he'll be staying at the hospital for eight days. Sana talaga ay maging maayos na ang lagay niya.
Narinig kong tumikhim si Sebastian kaya nilingon ko siya. Nakatingin siya sa kalsada at nakatiim ang bagang, pokus siya sa pagmamaneho pero parang may gusto siyang sabihin.
"Ano 'yon?" tanong ko.
"Ibibigay ko nalang ang reseta sa'yo bukas."
Tumango ako at sumandal, muli ay binalot na naman kami ng nakakabinging katahimikan. Hindi na rin niya binuksan ang stereo para magpatugtog dahil nga natutulog si Mika at baka maistorbo pa ito.
My God, this is awkward!
I licked my lips and bit my lower lip. "Uhm... kumusta nga pala kayo ni Sandra? Bakit iba na ang babae mo?"
Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa dami ng puwede kong itanong ay iyon pa ang pumasok sa isip ko! Ano naman ba kasi ang pakialam ko kung may iba na siyang babae? Wala naman talagang namamagitan sa amin.
Hindi nga kami magkaibigan ng lalaking ito kung tutuusin. Nadala lang naman ako ng emosyon ko kaya nakapagwala ako ng 'di oras kanina. Hindi naman talaga ako nagseselos.
I was just carried away because I thought that we're really dating and– he's still Rafael.
"Nakipaghiwalay ako sa kaniya."
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa isinagot niya. "You what?"
Akala ko ba'y mahal niya si Sandra?! Noong umalis pa nga ako ay parang walang makakapigil sa relasyon nila. Tinuruan ko pa nga ang sarili kong intindihin na wala na talaga siya sa akin.
Kaya nga sa loob ng pitong taon na 'yon ay iniisip ko na nakabuo na sila ng pamilya. Tapos ngayon ay malalaman kong iniwan pala ni Sebastian si Sandra?
"Pumunta ako sa ibang bansa at doon nagpatuloy sa therapy, nag-aral din ako ako para makapag-manage sa kompanya." Iniikot niya ang manibela upang iliko iyong sasakyan, parang umikot rin ang puso ko dahil sa nalaman.
May magandang naidulot rin pala ang paglayo ko. Gumaling na siya at wala na yata talaga ang mga alters niya. Nakakalungkot lang dahil hindi manlang ako nakapag-paalam ng matiwasay sa kanila noon.
Ngunit masaya na rin ako para kay Sebastian. Siguro naman ngayon ay makakapamuhay na siya ng normal, hindi katulad noong magkarelasyon kami. Siguro, sa wakas ay mahahanap na niya 'yong taong para talaga sa kaniya. Kahit hindi na ako.
Ginising ni Sebastian si Mika habang binuhat naman niya ako papunta sa condo. Wala ng masyadong tao ngayon dito dahil alas onse na rin ng gabi.
Ganoon katagal kaming natiis ni Sebastian bago siya nagpasya na ihatid kami. Kung hindi pa siya pinilit ng bata ay iiwan pa nga yata kami nito doon sa opisina niya. Wala talaga siyang pakialam.
Pagdating namin sa unit ko ay pumasok na agad si Mika sa kuwarto dahil antok na antok na raw ito. Nakaupo naman akong ibinaba ni Sebastian dito sa couch.
"Salamat Sebastian,"
Hindi siya sumagot o kahit na tumango, daig ko pa ang may kausap na bato dahil sa asta niya. Magkasalubong ang kilay niya at naghahanda ng umalis, itinutupi niya ngayon ang dulo ng manggas ng kaniyang polo.
Bumuntong hininga ako. Naiintindihan ko naman siya. Wala naman kasi talagang dahilan pa para magtagal siya dito. Wala naman talaga siyang responsibilidad sa akin, wala naman na talagang kami.
"Sebastian,"
"Aalis na ako,"
May kirot akong naramdaman sa puso ko noong marinig ko ang mga katagang iyon. Masakit parin talaga kahit naiintindihan ko.
"Magpahinga ka na, aalis na ako." Diretso siyang naglakad palabas at hindi na ako muli pang nilingon. Dahil doon ay hindi niya na napansin ang pagpatak ng luha ko.
Halos tatlong araw na rin ang nakalipas simula noong nakaapak ako ng bubog, buti nga at medyo naghihilom na itong tahi ko sa paa. Bumubuti na rin ang kalagayan ni Daddy. Katunayan nga'y kagagaling ko lang doon sa ospital. Tapos naisipan ko na pumunta rito sa sementeryo para bisitahin ang puntod ni Rafa.
Napuno ako ng pagtataka noong makitang may bagong lagay na basket ng bulaklak sa puntod ng anak ko. Lumapit kaagad ako roon at sinuri iyon. Hindi ko naman natatandaan na may iniwan akong ganito.
"Ah Tatang, napansin mo ba kung sinong naglagay nitong mga bulaklak?" Lumapit ako sa isang matandang caretaker at itinuro 'yong puntod ni Rafa.
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking palad ng dahil tirik na tirik ang araw, ganoon rin naman ang ginawa nitong kausap ko.
"Ang alam ko lalaki ang naglagay niyan d'yan kahapon."
Lalaki? Napalunok ako at napahawak sa aking dibdib. Posible kayang– pero bakit at paano niya nalaman?
"Natatandaan niyo ba kung anong itsura niya?" tanong ko pa.
"Hindi ko kasi gaanong nakita ang itsura dahil medyo malabo na itong mata ko at nakasuot pa siya ng sumbrero. Basta matangkad siya kaysa sa'yo, maganda ang tindig at matangos ang ilong, parang foreigner."
I nodded and gave him a confused smile. "Salamat,"
"Oh– hayan na pala siya!"
I immediately turned my head to see the person who he was pointing his fingers at. My eyes widened and my heart almost burst when I saw his face. I suddenly felt the tears welling up in the corners of my eye.
He slowly closed the door of his sports car, gazing directly at my direction with his light hazel eyes that makes my knees go weak. His dark thick eyebrows was sloped downwards and it made him look serious although the obvious shock was written all over his perfectly defined sun-kissed face.
"Siya 'yong nang-iwan ng bulaklak kahapon Miss Lily."
"Anong ginagawa mo dito?" My voice sounded like as if he's not welcome to be in this place.
I was mad– and really hurt. My heart hurts for my son and my anger fuels because of this man. I couldn't accept the fact that this was the only way that my son could ever get as close as having a complete family.
"Elle,"
Pinahid ko ang luha ko habang nakaluhod sa harapan ng puntod, si Sebastian naman ay nakatayo dito sa gilid ko at bahagyang nakayuko.
"Wala na siyang buhay noong pagsilang ko palang sa kaniya." Iyon lang ang tanging paliwanag na nasabi ko.
Bumaba rin siya at lumuhod upang magsindi ng panibagong kandila. Ni minsan hindi ko naisip na mangyayari ang tagpong ito. Na makakasama ko siya sa harap ng puntod ng anak ko. Na masasabi ko sa kaniya ang lahat at mawawala ng kahit kaunti ang tinik na nakabara sa lalamunan ko.
"Sobrang hirap ng pinagdaanan ko, akala ko nga hindi ko kakayanin. Nawala na si Rafael sa akin, nawala pa pati ang anak ko. Alam mo bang paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung may mali ba sa akin at puro kamalasan nalang ang nangyayari sa buhay ko?" Tinitigan ko ng maigi ang walang ekpresyon niyang mukha, nakatiim lamang ang mga bagang niya at blankong nakatitig sa apoy ng kandila.
"Alam mo naman siguro kung gaano kasakit ng mawalan ng mahal sa buhay 'di ba? Paano pa kaya ako na isang ina na nawalan ng anak?"
Masama pa ang loob sa akin ni Mommy noong mga panahon na iyon, wala akong kakampi at masasandalan. Wala akong makausap tungkol sa lahat ng problema ko. I was alone for years.
"Sebastian ang totoo niyan ay galit na galit ako sa'yo, galit ako sa'yo hindi dahil hindi mo ako gusto. Galit ako sa'yo kasi alam kong hindi naman kita pwedeng sisihin sa sakit mo– hindi kita lubos na masisi sa lahat ng kamalasan na nangyari sa buhay ko."
"I-I'm sorry,"
"Sana nga bigyan ako ng lakas ng loob ng Diyos para matanggap ang lahat ng ito. Kasi kahit ilang beses kong sabihin na naiintindihan kita ay nasasaktan parin ako." Pasikip ng pasikip ang dibdib ko habang inilalabas ko ang lahat ng sama ng loob ko.
"Sana maintindihan ko Sebastian kung bakit hindi mo ako pinili. Sana maintindihan ko kung bakit itinaboy mo lang ako at hindi mo manlang sinubukan na mahalin ako."
Masakit dahil sa ganitong paraan ko nalang mabibigyan kompletong pamilya ang anak ko.
I turned this hurt into anger because I don't want to admit that I still loved him who ever he is. We stayed like this until evening and it's just pure silence. No one wanted to talk.
Walang naglakas loob sa amin na bumasag sa katahimikang iyon, katahimikang nabibigay ng kapayapaan sa aming dalawang kinamumuhian ang isa't-isa. Tanging ang buwan at ilaw ng bagong sinding mga kandila ang nagbibigay ng liwanag sa amin, maririnig ang mga kuliglig sa paligid.
"Uuwi na ako." Tumayo ako mula sa damuhan at inayos ang mga gamit ko. Hindi niya ako nilingon, mataman lamang siyang nakatitig sa puntod kaya iniwan ko na lamang siya doon.
Alas otso na pala ng gabi, halos apat na oras rin ang itinagal ko rito sa sementeryo. Naglakad ako ng malumanay palabas. Hindi na ako natakot dahil maliwanag naman at bukas ang ilaw ng ilang mga mausoleum.
Hindi ako natatakot na makakita multo dahil mas ikinatatakot ko na mabuhay na naman ang kahibangan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top