Chapter 46

Napamaang ang bibig ko dahil sa sinabi niya, bahagya akong umatras at pinagkunutan siya ng noo. Kung alam niyang hindi niya anak si Michaella ay bakit binigyan pa rin niya si Mommy ng ganoon kalaking halaga?

Napalunok ako dahil nilabanan niya ng tingin ko at hindi talaga siya nagpatalo, he still even had that devilish grin in his perfectly sculptured face.

      “P-pero bakit–”

“Dahil gusto ko lang.”

       “Ibabalik ko nalang pera mo.” sabi ko't nag-iwas na ng tingin sa kaniya. Hindi ako naniniwala sa dahilan niyang 'yon, seven years ago he wanted me gone– tapos babait siya bigla at tutulungan ako dahil sa gusto niya lang? Sino bang niloloko niya?

“Bahala ka,” aniya.

      “Ikaw ba si Rafael?” nanginginig pa ang boses ko nang itanong ko ang bagay na iyon sa kaniya. May kaunti parin sa parte ko na umaasa na nandyan parin si Rafael, na hindi parin niya ako nakakalimutan. Baka, baka sakali lang na kaya mabait siya sa akin...

“Sebastian, I'm cured.” paglilinaw niya.

   Uminit ang gilid ng mga mata ko pero hindi ko hinayaan ang sarili ko na lamunin na naman ng lungkot. Kung wala na nga talaga si Rafael ay tatanggapin ko nalang iyon kahit mahirap. Nagawa ko na namang magtiis ng pitong taon, kayang-kaya ko na ito. “Ah gano'n ba? Sige, I'll be going–”

     “Babe!”

Pareho kaming napalingon ni Sebastian kay Fib, gwapo rin iyong tingnan at maganda ang suot niyang tuxedo. Malinis rin ang pagkakaayos ng buhok niya at tuwid na tuwid ang tindig, malaki ang ngiti niya sa akin para bang handa na akong salubungin at hawakan pa sa aking beywang.

      “Fib...”

  Ang lalaking ito ay naturingang boyfriend ko, pero wala man lang sinabi upang ipagtanggol ako noong kumalat ang scandal niya! Inakusahan pa ako ng mga fans niya na ako raw ang may kagagawan pero nanahimik lang siya! Ang kapal rin talaga ng mukha.

“Babe sabay na tayong pumasok–”

    “I'm sorry, I'm with him.” Pinutol ko kaagad ang kung ano mang sasabihin ng lalaking ito na puro kamanyakan lamang ang alam. Akala niya siguro'y hindi ko napansin na paglapit pa lamang niya'y sa dibdib ko na siya nakatingin.

  Iniangkla ko ang ang mga braso ko sa braso ni Sebastian, halata naman ang pagkagulat sa mukha ng dalawang lalaki. Naramdaman ko rin na nanigas sa pagkakatayo niya si Sebastian dahil na nga rin sa pagkabigla sa mga ikinilos ko.

“But babe–” si Fib.

Tumikhim si Sebastian at magkasalubong ang kilay niya noong tumingin siya sa akin bago naglipat ng tingin kay Fib, napaatras ang lalaki dahil doon.

Gaya nga ng sinabi ko'y kakaiba ang mga mata nito, he exudes power and authority. Manliliit ka nalang talaga at mahihiya sa sarili mo kapag si Sebastian ang tumitig sa iyo ng ganiyan.

Natahimik na lamang si Fib habang naglilipat ng tingin sa amin, para bang hinihintay niya na bigyan ko siya ng isang eksplenasyon.

      “Fib we're over, tara na Sebastian umuwi na tayo.” sabi ko at inirapan si Fib.

Nagpapasalamat naman ako dahil hindi na nagreklamo si Sebastian at nagpatinaod na lamang siya palabas ng hotel. Sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin ngayong gabi. Talaga namang giniginaw ako dahil na rin dito sa suot ko, labas na nga ang cleavage at likod ay labas pa ang kaliwang hita ko.

Huminga ako sa aking mga palad at kiniskis iyon bago yakapin ang sarili ko. And Raf– Sebastian was just standing here right beside me, he was just looking at me like I'm the weirdest person that he ever saw in his entire life.

I raised my brow.

     “Bakit?” sabay naming tanong sa isa't-isa.

“Ikaw na,” si Sebastian at tumingin sa malawak na parang parke sa harap ng hotel. Mayroong malaking fountain doon sa gitna na pinalilibutan ng mga ilaw, ang mga puno naman ay pinalibutan mga kulay dilaw na mini lights. Parang pasko...

        Bumuntong hininga ako bago nagsalita. “Bakit ginugulo mo na naman ang buhay ko?”

“Same question.”

Napatingin kami ni Sebastian sa mga mata ng isa't-isa at mayroon akong pamilyar na naramdaman doon. Hindi ko maipaliwanag pero magaan iyon.

Pero sa tuwing naalala ko ang pangalan niya'y bumabalik na naman sa akin lahat ng pinagdaanan ko. Kung tutuusin hindi na nga lang iyon dahil kay Sebastian, kung hindi dahil na rin sa lahat ng alter niya. Ibinuhos ko ang sobrang pag-iintindi ko para sa kanilang lahat at halos wala na akong itinira sa sarili ko.

  Imagine me seeing Rami trying to kill himself, Sebastian kissing another girl, Ares hurting someone to feed his ego, Tutoy acting like I'm his playmate and then Rafael giving me false hope that we can end up together.

Halos mabaliw ako noong mga panahon na 'yon, pagkatapos nawala pa ang anak ko. Wala akong ibang kakampi noon kung hindi ang sarili ko, walang kahit sinong Rafael, Sebastian, Rami, Ares o Tutoy sa buhay ko noong mga panahon na iyon kaya hindi ko na dapat maramdaman pa ito para sa kaniya.

Hindi dapat katulad niya ang minamahal ko.

     “Ayoko ng makita ka, hindi na kita mahal. I fucking hate you that I wish that I hadn't met you at all! Sobra mong ginulo ang buhay ko at hindi kita mapapatawad!” Lalo nilang ginulo ang magulo ko ng buhay noon, pinasaya niya lang ako saglit at pinaniwala sa isang kathang-isip.

Napansin kong nagtagis ang mga bagang niya. “Great,”

Lumakad siya palayo sa'kin at tanging natanaw ko nalang ang likod niya habang papalayo ng papalayo. Maybe, this was the closure that we really need.

Nakakapang-init talaga ng ulo, hindi ko inaasahan na kailangan ko na namang lumapit kay Sebastian. Nasayang lang ang pagtataboy ko sa kaniya kagabi. Pero mas mabuti na sigurong alam niya kung gaano ko siya kinasusuklaman, sagad na sagad iyon sa buto at totoong hindi ko siya mapapatawad.

Ginamit ko lang naman siya para makatakas kay Fib pero kung anu-ano ng issue ang lumabas tungkol sa amin. Kesyo nag one night stand daw kami o 'di kaya'y engaged na, kumakalat pa ang letrato namin na magkasama kaya naman sinadya ko talaga dito sa opisina niya. At 'yong pampaopera ni Daddy naibalita na rin na galing sa kaniya!

Kaya nga palalabasin ko nalang muna na nasa 'dating status' kami kasi kung anu-ano na naman ang iisipin ng mga iyon tungkol sa akin.

   “You do realize that I don't really care–”

“Wala rin naman akong pakialam!” sagot ko.

  Ang kaso lang kasi ay katatapos ko lang sa issue ko, pangalawa ay ayoko ng madamay pa sa buhay ng Fib na iyon. Tapos kawawa naman si Michaella, baka kung anu-anong marinig niya mula sa ibang tao kapag inakala talaga nilang ibinenta ko ang sarili kong katawan sa lalaking ito.

   “I see, you want to use me. Pero ayokong tulungan ka, maaari ka ng lumabas sa opisina ko.” aniya. Seryoso siyang bumaling sa mga papeles na nakalatag sa lamesa niya.

       Look at this asshole!

Akala niya ba'y magpapatinag ako sa kayabangan niya ngayon? Nagpatagal pa ako ng kaunti sa office niya, kahit hindi na ako makapaghintay na lumayas dahil hindi ko na matiis ang awra niya. Kung hindi lang para sa career ko'y hinding-hindi ko na talaga siya kikitain.

     “H-hindi  na yata kasya Sebastian!” napangiwi ako dahil sa hapdi, kanina ko pa kasi sinusubukan itong ipasok.

“It will fit, nagkasya na naman 'yata ito dati sa'yo.” aniya at parang nagagalit pa sa akin. Aba bakit parang kasalanan ko pang hindi magkasya sa akin 'to?

     “Aba ewan ko! Baka naman para sa ibang babae talaga 'yan!”

“I am certain that this was made for you.” sabi nito at ikinulong sa mga palad niya 'yong singsing na may malaking diamante sa gitna.

Nakita daw niya iyon at naisip niya na baka pinagawa iyon ng alter niyang si Rafael para sa akin. Sayang nga lang at hindi na niya iyon naibigay pa sa akin, iniwan ko kasi siya.

Pinagmasdan ko kung paano bumalik si Sebastian sa kaniyang swivel chair at nakakunot ang noo na sumandal roon. Parang basura lang niyang ipinatong ang singsing doon sa desk niya.

Tingnan mo nga naman talaga itong lalaking ito, hindi marunong magpahalaga! Lumapit ako doon at kinuha muli ang singsing, nakaunot noo naman siyang tumingala sa akin.

“Akala ko ba hindi kasya?” aniya.

       “Edi ipagkakasya ko.” Ipapa-adjust ko nalang ito bilang pagrespeto nalang rin sa ama ng anak kong si Rafa.

Nakakainis, kung  bakit kasi magsalita ako'y parang pumanaw na si Rafael? Gayong heto naman siya sa harapan ko at buhay na buhay, pero kasi... ganoon na rin siguro 'yon kaso mukhang wala na talaga siya.

“Bahala ka,”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top