Chapter 45
“Hello good morning, Mama! Good morning din ate Perrie.” Yumakap si Michaella sa leeg ko mula sa likuran ng sofa. Hinalikan ko naman siya sa pisngi at pinaikot upang paupuin sa kandungan ko.
“Good morning rin Mika!” ani Perrie.
“Kumusta ang tulog mo?” tanong ko. Bahagya kong sinuklay ang buhok niya gamit ang aking daliri.
Nasa akin muna siya ngayon dahil binabantayan ni Mommy ang Daddy sa ospital. Mas lumalala na kasi ang kalagayan niya ngayon.
“Sobrang okay kasi excited na po akong gumala tayo sa mall at bumili ng maraming toys! Ay maliligo na po ako!”
Tumayo siya mula sa kandungan ko at masiglang nanakbo pabalik sa kuwarto. Umiling-iling na lang ako bago mapangiti.
“Wow, you really are a good mother!Siguro kung buhay lang ang anak mo napakabait rin noon at napakagwapo.”
Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Perrie. Nakakalungkot lang dahil hindi ko nagawang magpakananay sa sarili kong anak, hindi ako nabigyan ng pagkakataon. “Mag-aayos lang rin ako.”
“Sige, mag-iingat kayo ha?” sabi ni Perrie bago tumingin sa relos niya.
Tumango ako at tumayo na mula roon sa sofa. “Alright.”
Nandito na kami ngayon ni Mika sa mall at nakatayo ako ngayon sa isang sulok habang pinagmamasdan siyang pumili ng laruan. Hindi ko tuloy maiwasan na maisip ang anak ko.
Kung nabubuhay kaya siya anong paborito niyang pagkain, kulay at laruan? Magiging kamukha nga kaya siya ni Rafael? Makukuha kaya niya ang sipag at talino ng ama niya?
“Miss Lily! Puwedeng pa picture?” napalingon ako sa dalawang babaeng estudyante.
“Sure,” I smiled at them sweetly.
“I really admire you Miss Lily! Gusto ko rin maging katulad mo in the future!” sabi pa noong isa.
“You will, just believe in yourself. Ilang taon ka na ba?”
“Turning twenty one Ms. Lily, pero nasali na ako sa mga pageant– Sige na po baka nakakaistorbo na kami, thank you ulit sa time Miss!”
Tumango ako at nginitian ulit sila. Ganoon nga pala ang edad ko noong una kong nakilala si Rafael. Matagal na panahon na rin pala talaga ang lumipas bago ko napiling tahakin ang mundong ito. Dati siya lang ang inaasikaso ko, ngayon–
“Mika?”
Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko noong hindi ko makita si Mika kahit saang parte ng store ako lumingon. I swear she was just standing there!
“Michaella nasaan ka?”
Pinilit kong hindi maluha habang tinatawag ang pangalan niya. Nilibot ko ang buong store at tiningnan ang bawat likod ng rack at shelves ng laruan, nagtanong na rin ako sa mga tao kung may napansin ba silang batang babae pero wala daw.
Baka lumabas raw iyon ng store na hindi namin napapansin. Pinilit kong kumalma kahit kakaiba na ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi ay nawawalan na naman ako ng anak. Pakiramdam ko ay isa akong pabayang ina.
I have already informed a security guard and a mall staff to search for her but thirty minutes have passed and she's still not found.
“Huwag po kayong mag-alala Ma'am, makikita rin natin ang pamangkin mo.” sabi noong isang guwardya na may hawak na radyo at may kausap rin doon.
Nandito ako ngayon sa opisina at hinihintay na mahanap nila si Michaella, gusto ko sanang tumulong pero sinabihan nila ako na sila na raw ang bahala. Panay ang kiskis ko sa aking mga palad habang tinitingnan ang bilog na orasan na nakasabit sa puting dingding dahil hindi ako mapakali.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda kay Mika. “Please do your best to find her–”
“Mama!”
Napalingon ako sa may pinto ng opisina, kasabay noon ang pag-apaw ng mga luha ko. Lumakad ako papunta sa harapan niya bago lumuhod at yakapin siya ng mahigpit.
“Pinag-alala mo ako Mika! Saan ka ba nanggalling ha?” Inayos ko ang buhok niya.
“Mama 'wag ka po umiyak!” pinahid ng maliliit na daliri niya ang mga luha ko.
“Huwag mo ng uulitin 'to!”
“Sorry Mama, may nakita po kasi akong mascot sa labas kaya sinundan ko po. Tapos hindi ko po alam nawala na kayo, mabuti nalang tunulungan niya po ako makapunta dito sa'yo. Mabait po siya–” mahabang kuwento ni Mika habang tinuturo ang lalaking katabi lang ng isa pang guwardiya.
Tumayo ako at nag-angat ng tingin doon sa lalaki para sana magpasalamat pero bigla nalang umurong ang dila ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig, hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko ngayong nakita ko na ulit siya. Nagkita na ulit kami, pagkatapos sa ganito pa talagang sitwasyon.
Lalong nag-init ang gilid ng mga mata ko habang nakatitig sa kaniya. Walang siyang pinagbago, lalo pa nga yata siyang naging gwapo.
“Rafael,” Para akong sinasakal habang pinipiga ang puso ko. I shouldn't be feeling this way...
“Huwag mo ng pababayaan ulit ang bata.” aniya bago ako walang sabi-sabing lumabas sa opisina.
“Salamat po! Babye!” pagpapaalam ni Michaella kay Rafael. Kung hindi ko lang nakuha ang balanse ko ay baka natumba na ako dahil nanlalambot ang tuhod ko.
He's back in my life.
Isang linggo na ang lumipas simula noong magkita ulit kami ni Rafael, hindi ko na iyon sinabi kahit kanino at pinagsabihan ko si Michaella na huwag ikukuwento sa iba ang nangyari noon sa mall. Sinabi ko sa kaniya na sikreto nalang naming dalawa iyon.
“Akalain mo 'yon, in a span of one week lang nalinis na kaagad ang pangalan mo.” ani Perrie kaya napabalik ako sa aking ulirat.
Isang linggo nga lang pala ang tinagal noong isyu! Isa iyong malaking himala at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi niya ako pinabayaan. Akala ko talaga mawawala na ang career na pinaghirapan ko sa loob ng pitong taon!
Napangiti ako habang nanonood ng balita ngayon dito sa sala. Perrie is beside me and she was checking some things on her laptop. Mabuti nalang at umamin na ang nagpakalat noong scandal ay ang mismong kasama niya doon na si Georgina.
Ginawa niya raw 'yon dahil matindi ang galit niya kay Fib at nadamay nalang rin ako dahil ako nga ang ipinalit noong lalaki sa kaniya.
“I'm so glad that this is happening!” Gumagaan na ang pakiramdam ko. Sineswerte na naman yata ako.
Pagkatapos ay nagpa-interview na rin si Heidi at inamin ang totoong dahilan ng break up nila ni Dr. Gerard. Nag-public apology pa ito sa akin.
At kung titingnan nga ang social media ay trending na naman ang pangalan ko. Ngunit magaganda na ang mga sinasabi nila tungkol sa akin ngayon. They told me that they admire because I am a real life wonderwoman– who managed to stay strong despite everything.
“Ang dami na ulit ng agencies na gustong kumuha sa'yo! Malas lang talaga ng Pen's dahil binitawan ka pa nila.”
“Mabuti nga,” I chuckled. Mabuti nalang talaga at nangyari 'to, ngayon nalaman ko na kung sino talaga ang mga totoong tao sa buhay ko. Ang mga taong hindi ako iiwanan kapag sobrang hirap at bigat na ng lahat– mga taong hindi katulad ko...
I am wearing a velvety soft maroon gown with a plunging neckline and huge slit that displayed my left leg. I have to agree that it is quite revealing but I'm kind of used to it.
Sa pitong taon ko ba naman na pagiging modelo ay hindi pa ako masasanay?
I was busy drinking wine and watching a performance from across the stage when my phone rang. I clipped my curled hair to the back of my ear before answering the call. “Hello Mommy? Nasa event ako ngayon bakit ka napatawag?”
Maririnig ko sa boses niya na masaya siya kahit parang naluluha ito. “Anak mapapaopera na natin ang Daddy mo.”
Napangiti ako at nagpaalam muna sa nga kasama ko sa table na iyon bago pumunta sa isang sulok. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. “Talaga? Pero paano?”
Saan naman kaya nakakuha ng pera si Mommy?
Muli kong narinig ang boses niya sa kabilang linya. “Naalala mo ba 'yong plano na sinabi namin sa'yo noon? Ako na ng gumawa anak–”
“Mommy!” Gusto kong magmura noong marinig ko iyon. Bakit itinuloy pa rin niya gayong ilang beses ko na siyang pinigilang gawin iyon?! Bakit ginamit parin niya si Mika?! “Malalaman at malalaman niya 'yon Mommy! Pare-pareho tayong mapapasama kabang nabuking ang totoo!”
Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. “Pero anak binigyan niya tayo ng apat na milyon–”
“Uuwi ako Mommy, ibabalik natin ang pera na iyan!” Halos bumaon na ang kuko ko sa aking palad dahil sa matinding pagkuyom ko sa aking mga kamao.
“Pero–“ Ibinaba ko na kaagad ang tawag at hindi na siya pinakinggan pa. Mahal ko si Daddy at gusto kong matulungan siya, pero hindi sa ganitong paraan!
Dali-dali ako naglakad palabas sa venue at tinahak ang napakahaba at kulay gintong hallway ng hotel.
Hindi ako makapaniwalang gagawin talaga ni Mommy 'yon!
“Ahh! I'm sorry–”
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Hindi naman siya galit o ano pero parang may iba sa tingin na iyon, nakatayo lang siya sa harapan ko at para bang hinihintay na umalis ako roon. Bahagya ring umigting ang panga niya at nag-iwas ng tingin sa akin.
Nahihiya akong gumilid at pinagmasdan na lamang sila ng bodyguard niya na lagpasan ako, nakakapanliit kasi ang mga titig niya. He looked so authoritative. Sa suot nila ay mukhang imbitado rin silang dumalo sa event na ito.
Pumikit ako at humugot ng lakas ng loob. “S-sandali lang...” kinapalan ko na ang mukha ko.
Tumigil sila sa paglalakad pero hindi parin ako nilingon, kaya nagsalita ulit ako at umasa na pansinin niya na ako. “Puwede ba tayong mag-usap?”
May ibinulong siyang kung ano doon sa bodyguard niya kaya tumango ito at naunang lumakad papalayo sa amin. Seryoso siyang tumingin sa akin at marahang lumakad.
“Tungkol saan?” aniya.
“H-hindi mo anak si Michaella.” walang paligoy-ligoy na sabi ko.
Umangat ang isang sulok ng mga labi niya at tumitig sa mga mata ko na parang lalamunin niya ako gamit ang presensiya niya. “Alam ko.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top