Chapter 44
Matagal kong pinagmasdan ang puntod bago inayos ang mga bagong bulaklak na dala ko. Sinindihan ko ang mga kandila at bahagyang hinaplos ang pangalan na nakaukit lapida. Kakaibang bigat na naman ang naramdaman ko habang ginagawa iyon.
Bumabalik na naman kasi sa akin ang mga alaala na pilit ko ng kinalimutan. 'Yong pait at sakit na idinulot sa akin ng nakaraan ko.
“Siguro kung nandito ka lang... baka kinakaya ko ang lahat ng 'to? Raf...” Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko habang binabanggit ang mga iyon. Ilang taon na ang lumipas pero kahit kailan ay hindi ko na yata talaga malilimutan ito.
“Sana nayakap man lang kita.” nabasag ang boses ko dahil parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko.
“Mama bakit ka naiyak?” tanong ni Michaella at lumapit sa akin. Niyakap ko siya kaagad matapos punasan ang luha ko.
“May namimiss lang ako Mika.” ngumiti ako sa kaniya.
“Siya po ba?” Tinuro nito ang lapida kaya tumango ako at napangiti ng mapait.
“Rafa,” ani Michaella. Binasa niyang mabuti ang pangalan na nakasulat doon sa puntod.
“Ako rin Mama may namimiss! Miss ko na rin si Mommy Myra, sana gumaling na siya para makabalik na kami sa dati. Hindi na kasi kami nakakapaglaro.”
Kumirot pa lalo ang puso ko para sa pamangkin kong si Michaella. Napakabata pa niya pero malawak na ang pag-intindi niya. Anak siya ng pinsan kong si Myra na nasa rehab ngayon dahil sa drug addiction, isang taon na rin simula noong mapunta siya kila Mommy upang pangalagaan siya. Nakiusap kasi sila Tito at Tita na sa amin muna siya habang hindi pa maayos ang lahat.
Noong una ay ayaw ko pa siyang tanggapin dahil maaalala ko lang ang yumao kong anak na nasa puntod ito. Kasing edad na sana siya ito ngayon kung nabubuhay lang ito, pero hindi kasi siya sinuwerte dahil pagkapanganak ko pa lang kay Rafa ay hindi na raw ito nabuhay. Ni hindi ko manlang nahawakan ang bangkay niya noon, ayoko pang makita iyon dahil labis ang sakit na nararamdaman ko. Nawala na nga sa akin si Rafael, pagkatapos ang kaisa-isang alaala ng pagmamahalan namin ay binawi naman kaagad. Hindi ko kinaya iyon...
“Huwag kang mag-alala, babalikan ka ng Mommy mo.” ginulo ko ang buhok niya at hinalikan siya sa pisngi.
“Pero Mama parin kita ha?”
“Oo naman.” sagot ko sa batang ito.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya iniwan ko muna saglit si Mika para sagutin ang tawag. Napakunot kaagad ang noo ko noong marinig ko ulit ang malungkot na boses ni Perrie sa kabilang linya.
“Ano na namang nangyari?” bulong ko matapos ang isang malalim na pagbuntong-hininga.
“Ah-eh, natatandaan mo ba 'yong sinasabi ko na five million pesos na makukuha natin kapag nakuha mo 'yung endorsement?” nanginginig ang boses nito kaya lalo akong kinabahan.
“Oo, anong nangyari? Nakuha ba natin?”
Huwag naman sana tama ang iniisip ko. Mawala na lahat ng iba kong endorsements ay huwag lang iyon dahil kailangang-kailangan ko ang pera na 'yon, may mahalaga ako paggagamitan doon.
“Muntik na nga, kaso bigla namang naglabasan ang lahat ng issue tungkol sa'yo...“
Hindi ko na masyadong napakinggan ang mga sinasabi niya dahil bigla akong napahikbi. Kasalanan ito ng mga bashers na iyan! Pinagbintangan pa nila ako na ako raw ang nagpakalat ng scandal ni Fib at ni Georgina para mas masira ko ang career noong dalawa! Ang kapal naman ng mga mukha nila, kung tutuuisin wala nga akong pakialam sa mga iyan! Isang linggo pa nga lang nagiging kami ng gagong iyon!
Hapon na noong umuwi kami ni Michaella galing sa sementeryo, napahaba rin kasi ang pag-iyak ko at ayoko namang magmaneho ng lumuluha. Naabutan namin sa condo at si Mommy at Perrie na tila may seryosong pinag-uusapan.
“Mommy galing kami kay Rafa!” masiglang sabi ng bata at kumalas sa pagkakahawak ko. Bakas sa mukha ni mommy ang gulat ng bigla siyang yakapin nito.
“Michaella puwede bang doon ka muna sa kuwarto? Huwag kang makikinig sa usapan ng matatanda ha?” Hinawakan ni Mommy ang mukha nito bago siya halikan sa noo.
“Sige po!” sagot nito at dali-daling pumasok sa isa sa mga silid doon. Magandang bata si Michaella at malaki ang pagkakahawig niya sa pinsan kong si Myra.
“Perrie paano na 'yong endorsement?” baling na tanong ko sa aking manager.
Nakita ko kung paano nanlumo ang mga mukha nilang dalawa, yumuko si Mommy at tumingin sa carpeted na sahig. Tumikhim naman si Perrie at lumapit sa akin. “I honestly don't know.”
“Kailangan ko ang pera na iyon para sa pampapaopera ni Daddy, kulang pa ang naipon ko dahil sa pampapagamot niya.” my voice broke. Gusto ko lang naman kasi talagang makuha ang endorsement na iyon dahil malaking tulong iyon para sa amin.
“I'm sorry Mommy, I've failed you.” Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Nagtataka naman ako dahil parang hindi siya nanlulumo sa narinig, maya-maya ay bigla siyang nagsalita.
“A-anak kasi may napag-usapan kami ni Perrie.” sabi ni Mommy kaya nagpalit
ang tingin ko sa kanilang dalawa na magkatitigan ngayon. Para silang tahimik na nagtatalo kung sino ba ang magsasabi sa akin ng mga pinag-usapan nila.
“'Yong kompanya kasi na nag offer sa'yo noong deal, RSR motors.” ani Perrie.
“Ha?”
Napaatras ako, kung ganoon kompanya pala nila Sebastian ang nag-offer sa akin? On the second thought, mas mabuti nalang rin pala at hindi na natuloy iyon! Ang tagal na naming walang balita sa pamilyang iyon at ayaw ko namang makigulo pa ulit sa kanila. Pero sana lang talaga ay makahanap ako ng ibang paraan upang makakuha ng pampaopera kay Daddy.
“Anak napag-alaman kasi namin na isa na pala si Sebastian sa nagmamay-ari noon. That company is so successful–”
“Alam ko pero ano naman kung ganoon? Hindi ba nga't inurong na nila ang deal kaya wala na tayong magagawa.” sabi ko at humalukipkip.
Huwag na sana nilang hilingin sa akin na pilitin kong ilaban 'yong endorsement, kasi alam kong wala naman akong magagawa. Lalo pa at si Sebastian ang isa sa mga may-ari doon, palalayasin at itataboy lang ulit ako ng lalaking iyon. Siguro nga tadhana narin talaga na hindi iyon natuloy para hindi na kami muling pagtapuin, ayoko na rin naman kasing siyang makita pa.
Malaki ang galit ko kay Sebastian dahil hanggang ngayon ay sinisisi ko parin siya ng palihim sa lahat ng sakit na pinagdaanan ko noon.
“Hindi ba dati mo siyang kasintahan? Hindi ba siya ang ama ng anak mong si Rafa?” sabi ni Mommy habang titig na titig sa akin.
I gritted my teeth because of that thought. No! Rafael was my ex-lover, not that selfish Sebastian. They are different... I felt my tears slowly building up as the memories of the past is starting to sting my heart again. “Matagal na iyon My, kinalimutan ko na siya.”
“Pero kailangan natin ng tulong niya!” desperadang sambit ni Mommy. Unti-unti naring umapaw ang luha niya “Alam kong mahirap gawin ito, pero sana kahit para nalang sa Daddy mo.”
Mahirap talaga! Hindi niya alam kung gaano namin kinasusuklaman ni Sebastian ang isa't-isa! Ang taong iyon pa nga ang dahilan kung bakit ko napagpasyahan na umalis noon at iwanan ang lahat.
“Mommy galit na galit sa akin ang lalaking iyon! Malamang ay hindi pa nga ako pansinin noon kahit lumuhod pa ako sa harapan niya para magmakaawa!”
“Pero may anak kayo, gagamitin natin siya.” aniya.
Naguguluhan akong lumabi. “Mommy matagal ng patay ang anak namin ni Rafael.”
“Pero hindi niya alam 'yun.” si Perrie.
“Anak... Naisip namin na gagamitin natin si Michaella. Ipalalabas natin sa kaniya na anak niyo siya ni Sebastian. Pagkatapos–“
Napasinghap ako at napatawa na puno ng sarkasmo. “Mommy naririnig mo ba ang sarili mo?”
Gagamitin pa talaga niya ang walang kamuwang-muwang na bata para lokohin namin si Sebastian? Alam kong sobrang kailangan namin ng pera pero hindi ko naman hahayaan nalang na bastusin ang anak kong si Rafa pati narin si Mika.
“Elleonor pasensiya ka na pero desperada na talaga ako. Mamamatay ang Daddy mo kapag hindi pa tayo kumilos ngayon. Please anak.”
Umiling-iling ako at napatingin sa silid kung saan naroon si Michaella. Mali ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top