Chapter 43
“Aba Elleonor ano na naman ba itong issue na ito? Araw-araw nalang ba?”
Elleonor?
Matagal ko ng kinalimutan ang pangalan na iyan, kasama ng mga masasama kong mga alaala sa probinsya na iyon. Ilang taon na rin ang lumipas simula noong pinili kong talikuran ang buhay ko doon. Pitong taon na rin ang nagdaan simula noong takasan ko ang lahat ng problema ko sa lugar na iyon. Marami na ang nagbago ngayon sa buhay ko at isa na nga ako doon.
Masasabi kong kuntento na ako ngayon dahil naabot ko na rin sa wakas ang pangarap ko. I've successfully created a name for myself in the modeling industry here in the Philippines. Pero kung gaano ko kabilis nakuha 'yong imahe ko ay ganoon rin yata kabilis na masisira. All thanks to this stupid bashers!
Nagtatagis ang mga ngipin ko habang nakatingin ng diretso sa flat screen tv sa harapan ko. Nakatingin ako sa sarili kong repleksyon doon habang pinipigil ang pag-ahon ng luha ko. Punong-puno na ng kontrobersiya ang buhay ko, puro paninirang puri nalang kahit sinusubukan naman naming pagandahin itong imahe ko.
“Wala naman talaga akong kinalaman doon sa hiwalayan ng Heidi at Dr. Gerard na iyan.” pagpapaliwanag ko sa manager kong si Perrie na tila problemado ngayon habang may binabasa sa kaniyang cellphone.
Ang mga tao naman kasi ngayon napakabilis kung manghusga! Palibhasa marami raw kasing fans ang babaeng iyon kaya heto at nadawit na naman ang pangalan ko sa panibagong issue. Sa pagkakatanda ko ay nagkamustahan lang naman kami ni Dr. Gerard, pagkatapos bigla nalang na trending ang pangalan ko at marami ng tumatawag sa akin na ahas! Kesyo nilandi ko raw ang nobyo ng paborito nilang artista kaya nakipaghiwalay ito doon.
“Buwisit naman kasi hindi naman ako artista pero nasho-showbiz ako.” sabi ko at napairap nalang sa hangin. May pa "photo evidence" ang ilang mga fans, kitang-kita naman sa litrato na hindi ko iyon! Hindi ko naman pinili na maging artista kahit maarte ako. I frickin' chose to be a model!
“You are a Celebrity Lily, so you should be careful! Lalo pa at dini-date mo ngayon ang isa pinaka kilalang actor dito sa Pilipinas, marami talaga ang pupuna sa iyo.” sabi ni Perrie at umiling-iling.
Isa pa 'yan! Kaya marami rin ako bashers ay dahil pinatulan ko si Fib. Marami tuloy ang nagalit sa akin na fans niya na akala mo'y inagawan ng boyfriend! Sinubukan ko lang naman na makipagrelasyon ulit dahil hindi na ako bumabata, kaso maling galaw 'ata iyon dahil parang masisira pa ang pangalan ko dahil sa kaniya.
I hate this showbiz world!
“Oh my God Lily...“ bulaslas ng model manager ko. Nag-alala kaagad ako dahil parang takot na takot at gulat na gulat si Perrie, nangiginig pa ang mga kamay niya at halos matumba na doon sa kinatatayuan niya.
“Bakit anong problema?” tanong ko at lumapit sa kaniya.
“They terminated your contract in Pen's Legacy!”
Ilang segundo bago ko lubusang maiproseso ang sinabi niya. Ilang beses ako napakurap bago nakapagsalita dahil parang tinakasan ako ng kaluluwa. Hindi pwedeng mangyari 'to! Ang ayos-ayos ng usapan namin pagkatapos magdedesisyon sila ng ganito?! Kailangan kong makausap ang mga iyon! Hindi ba nila papakinggan ang panig ko bago nila ako i-terminate?!
“'Yong ibang clothing line rin na naghahabol sa iyo nag-atrasan.”
Parang nanghina ako dahil sa sinabi niya, inagaw ko kaagad ang phone niya at binasa ang iba pang mga e-mails doon. 'Yong ibang mga kliyente namin at na dapat ay maiko-close na namin, ang mga gigs na dapat pupuntahan ko ay biglang naglaho ng parang bula.
Dali-dali akong nagpunta sa Building ng modeling agency na iyon kahit pinayuhan ako ni Perrie na huwag ko raw munang gawin. Ayaw pa nga sana akong papasukin noong receptionist pero nagpumilit ako. Kinausap ko ng masinsinan ang namamahala ng agency na iyon pero wala akong napala dahil sadya yatang matigas ang mga mukha nila. Puwede naman daw naming pag-usapan sa korte iyon kung gusto ko. Ang mga walanghiya! They can't just fire me because of a false accusation!
“Miss Lily totoo ba na ikaw ang dahilan ng hiwalayan nila Dr. Gerard at Heidi?”
Napakunot ang noo ko noong marinig ko ang tanong na iyon galing sa isang reporter na kanina pa ako sinusundan paglabas ko palang sa opisina ng dating modeling agency ko. They are still accusing me of being a third party between Dr. Gerard and that some 'famous' celebrity called Heidi.
“Pero 'di ba kaaamin niyo lang ni lang ni Fib Domingo na may relasyon kayo?”
Napabuntong hininga ako noong napansin ko na unti-unti na silang dumadami. Tuloy-tuloy lang sa pag-click ng camera at 'yong iba ay halos isubo na sa akin ang mga mikroponong itinututok nila sa akin.
“Totoo bang naging kabit ka ni Senator Diche noon?”
What the hell saan naman nanggaling iyon? Hindi ko papatulan ang matandang 'yon, nakakadiri. Halos palibutan na ako ng mga interviewer at paparazzi pero wala akong sinagot kahit isa sa kanila. Mga walang kuwenta naman kasi ang mga tanong na ipinupukol nila sa akin, paano ko naman 'yon sasagutin ng maayos?
“Miss Lily who are you wearing today?” tanong ng isa. Napangiti ako dahil sa wakas ay may sense na iyon, inayos ko ang shades ko at taas noon na tumingin sa kaniya.
“This is Brian Ortega's creation,” I smiled.
Tumayo ako ng tuwid at hinayaang mas makita nila ng maayos ang suot ko. I was wearing an all white outfit with a unique sequin work on it personally designed by my friend BDO. I was also wearing a white six inches stilleto shoes and it really made me taller.
Napairap naman ako noong mapansin ko ang isang reporter na halos matulala na habang pinagmamasdan ang parte ng dibdib ko na nakalitaw sa puting coat na suot ko. I am not wearing anything under this coat but a nipple tape, so it showed off my flat abs that I worked hard for and my diamond belly button piercing.
“You look gorgeous Miss Lily,” sabi pa ng isa.
I smirked sideways and flipped my hair before continued walking away from them. I know right? Hindi naman ako magiging kilala kung hindi ako gorgeous. Kahit puno ng problema ay alam kong maganda parin ako.
Paglabas ko sa building ay sumakay na kaagad ako sa kulay itim na van na naghihintay sa para akin. Mabuti naman at nakalaya na rin ako sa mga iyon!
Inilabas ko ang phone ko mula sa birkin bag ko para sana mag-check ng social media accounts pero kinuha iyon ni Perrie mula sa mga kamay ko. Madali lang niyang nagawa 'yon dahil magkatabi lang naman kami dito sa back seat.
Tinanggal ko ang shades ko at sinamaan siya ng tingin. “What the heck Perrie?”
“You shouldn't probably go online at this very moment,” aniya.
“Kung hate comment lang 'yan Perrie, hayaan mo na! Sanay na ako diyan, hindi na ako tinatablan–“
She cutted me off, “No it's not that, I'll explain everything to you later when we get home.”
Nang makabalik kami sa condo unit ko ay sinigurado muna niyang nakasarado ng mabuti ang pintuan bago bumaling sa akin. Nakaupo ako ngayon dito sa chic sofa ko at nakahalukipkip, hindi ko maiwasang mainis nahil sa ginagawa niya. Para siyang si Mommy ngayon, kung tutuusin mas mahigpit pa nga siya!
“What is it this time?” Ano na naman kayang brand ang nag-back out sa akin dahil sa kinasasangkutan kong issue ngayon? Saan na naman kaya ako pupulutin pagkatapos nito?!
“S-si Fib–“
“Oh anong nangyari kay Fib?”
Kalmado akong lumakad papunta sa kitchen counter at prenteng uminom ng tubig. Ngayon may issue na rin sila kay Fib? Kailan ba nila ako tatantanan?
“May scandal na kumakalat si Fib Domingo,” ani Perrie at hindi mapakaling ipinakita ang video sa akin. Naibuga ko ang tubig at nabitawan ang basong hawak-hawak ko dahilan para mabasag iyon sa tiles ng condo na ito.
Ano na naman ba itong nangyayari sa buhay ko?
Hindi pa ako nakakabawi sa pagkagukat ay biglang may nag ring ng doorbell, pinagbuksan naman iyon kaagad ni Perrie. Nanginig ang mga labi ko noong makita ko sila...
“Mommy a-anong ginagawa niyo rito?” tanong ko at napatingin sa batang kasama niya.
“Binibisita ka!”
“Mama Lily tingnan mo ang dami kong stars!” Masiglang sabi nito habang itinuturo ang pisngi at braso niya na may tatak na pulang marka.
Lalapit na sana ito sa akin para yakapin ako ngunit pinigilan ko kaagad siya. “Mamaya mo nalang ako i-hug baby Michaella ha? Baka kasi mabubog ka dito sa nabasag na glass.”
“Sige po Mama!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top