Chapter 42
"The Dirty Little Secret"
//Sebastian//
Bata pa lamang si Sebastian ay alam na ni Teresita na may kakaiba sa anak ng kapatid niya, simula palang noong inampon niya ito. Noong mga panahon na iyon ay hindi pa lumalabas ang mga alter nito pero mayroon na itong dinaranas na kondisyon. Matindi ito kaya napilitan silang bumalik kay Don Ricardo, hindi na kasi niya kayang kontrolin ang ugaling 'yon ni Sebastian.
Kahit na tahimik na bata ay agresibo naman ito lalo na't pagdating sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Palaging napapatawag noon sa eskwelahan si Teresita dahil may sinaktan raw na bata si Sebastian. Noong tanungin naman niya ito tungkol doon ay tumawa lang ito at sinabing– “Tingnan ko nalang kung hahangaan niya pa ako.”
Noong una ay naguguluhan pa siya pero ngayon ay malinaw na sa kaniya ang lahat. Ayaw ni Sebastian na makatanggap ng pagmamahal at papuri galing sa ibang tao kaya naman nagiging agresibo ito. Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit walang ibang nagtatrabaho mismo sa loob ng mansyon, inilalayo lang niya sa tao si Sebastian dahil natatakot siya sa puwedeng magawa nito.
Ikinasa ni Sebastian ang baril matapos iyong punasan, nanatiling nakatayo si Teresita sa may pintuan habang pinagmamasdan ang anak na nakaupo ngayon sa tabi ng kaniyang sariling kama.
“Akala ko hindi na siya aalis at mapipilitan pa akong saktan siya.” Tukoy ni Sebastian sa babaeng ka-aalis lang ng mansyon. Si Elleonor 'yong babaeng itinaboy niya, ang babaeng minamahal ni Rafael at ng iba pang mga alter.
“S-sinabi ko naman sa iyo, tutulungan kitang sumuko siya.” nanginginig ang boses ni Teresita. Kahit matagal niya ng binabantayan si Sebastian ay natatakot parin siya, lalo na't may hawak itong baril ngayon.
“Tama, mabuti naman dahil malaki ang ibinabayad ko sa'yo.” tumawa si Sebastian kaya nanindig ang mga balahibo ni Teresita.
Oo nga at binabayaran niya si Teresita upang sumunod sa kaniya, pero lingid sa kaalaman niya'y kaya lang naman ito tumutulong at sumusunod sa kanya ay dahil itinuturing siya nito bilang isang tunay na anak. Kahit mabigat sa damdamin ni Teresita na ilayo si Elleonor sa kanilang pamilya ay ginawa parin niya dahil iyon ang gusto ni Sebastian.
Binalaan siya ni Sebastian na mayroong masamang mangyayari sa dalaga kapag hindi pa ito umalis kaya natakot siya. Napamahal na rin si Elleonor sa kaniya pero 'di hamak naman na mas mahal niya ang taong itinuturing na niyang sariling anak. Kahit hindi niya iyon ipinapakita.
“Alam mo ba kung saan nakatira ang kasintahan ni Aericka?” biglang tanong ni Sebastian. Tumayo ito at pinaglaruan pa sa daliri ang baril na hawak bago itinutok iyon sa noo ni Teresita.
“Huwag mong sabihing–“
Napangiti si Sebastian. Balak niyang barilin ang nobyo ng kapatid, mabuti nga kung mapatay niya pa iyon. Masyado kasi siyang tinitingala ni Aericka bilang isang nakatatandang kapatid at ayaw niya noon.
“Pero sobrang magagalit ang kapatid mo sa iyo.”
“Iyon nga ang gusto ko. Parang hindi mo naman ako kilala?” ani Sebastian bago iputok ang baril sa sahig sa may gilid lang ng mga daliri sa paa ni Teresita.
Ayaw niyang nakakatanggap ng kahit anong paghanga o pagmamahal na nanggagaling sa ibang tao. Kasi pakiramdam niya ay mahina siya kapag may nagbibigay sa kaniya noon, kaya nga gustong-gusto niyang mawala sa buhay niya si Elleonor. Nawawala siya sa sarili sa tuwing nandiyan ang dalaga.
“Sebastian, hindi ko alam. Pasensiya ka na.” yumuko si Teresita at nagpigil ng luha dahil sa takot.
“Kung gano'n lumayas ka at alamin mo kaagad.” maawtoridad na sabi nito at itinuro ang pinto ng kuwarto gamit ang kaniyang hawak na baril.
“Baste! Nariyan ka ba?” Sabay silang napatingin sa labas noong madinig ang boses na iyon.
“Babain mo siya roon Sebastian, ako na ang bahala rito.” ani Teresita at kinuha ang baril mula dito. Umigting ang panga nito at inayos ang manggas bago lumabas sa silid.
“Sebastian magiging masaya na tayo sa wakas! Narinig mo na ba ang balita na umalis na si Elle?” masiglang sabi ni Sandra hindi pa man tuluyang nakababa ang binata sa hagdanan.
Tinawanan naman niya ito na parang nag-aasar kaya napakunot ang noo ng babae. “May problema ba Baste?”
“Lumayas ka sa pamamahay na 'to, ayokong makikita kita dito.” matigas na utos ni Sebastian. Ni hindi manlang niya itinuloy ang pagbaba sa hagdan para lapitan ang babae. Ang babaeng ginamit niya upang paniwalain si Elleonor na may iba siyang 'mahal'.
“Ano ba'ng sinasabi mo? Nagpalit ka na naman ba ng katauhan?”
Suminghap at si Sebastian ng nakangiti. “Ilang beses na kita itinaboy noong mga bata pa tayo. Hindi ka ba nagtataka kung bakit bigla kong sasabihin na mahal kita? At tsaka ako parin ito, si Sebastian. Ang lalaking kailanman ay hindi ka magugustuhan.”
“K-kung ganoon ay ginamit mo lang ako?”
Pumalakpak si Sebastian simbolo na tama ang teyorya ni Sandra. Ang babaeng ito kasi, madaling mapaikot at mapaniwala, palibhasa ay masyado siya mahal. Umiling siya.
Ito ang nagagawa ng pagmamahal, ginagawang tanga at mahina ang mga taong nakararanas nito. Kaya nga ipinangako niya sa sarili na hindi niya mararamdaman iyon.
“Walanghiya ka Baste!” napagsigaw si Sandra dahil sa pinaghalong sakit at pagkapahiya sa sarili. Hindi niya inakala na niloloko lang pala siya nito dahil napakagaling nitong magpanggap.
Ngumisi si Sebastian. “You're right.”
Walang nagawa si Sandra kung hindi ang umuwi ng luhaan. Hindi manlang siya pinakalma ni Aling Tere kahit na nakita na nitong sobrang nasaktan siya dahil sa mga sinabi at inamin ng anak. Habang si Sebastian naman ay hindi maialis ang ngiting tagumpay sa kaniyang mga labi dahil umayon ang lahat sa kaniyang mga plano.
Madaling araw na noong biglang nagising si Sebastian sa loob ng kanyang silid, patay ang mga ilaw doon kaya kahit nakamulat siya ay wala siyang makita. Ngunit bigla nalang siyang namilipit sa sakit noong marinig niya sa kaniyang tenga ang pamilyar at malakas na tunog. Para iyong feedback sa mikropono na itinapat sa speaker kaya sobrang sakit noong sa kaniyang tainga.
“W-walanghiya kayo!” napahiyaw siya dahil sa matinding sakit. Sa pagpikit niya ay napunta siya sa isang lugar. Lugar kung saan naroon ang iba pang mga alter niya na naghihintay lang na maging front ng katawan.
“Wala na si Elle.” aniya sa mga ito.
“Anong ginawa mo?!” galit na tanong ni Rafael kaya napangisi siya.
“Wala akong ginawa.” naglakad si Sebastian palibot sa silid na may apat na sulok.
“Anong ginawa mo sa kaniya?!”
“Umalis lang siya bigla, katulad ng ginawa niya noon.” prenteng sagot nito at tinitigan isa-isa ang mga alter.
“H-hindi ako n-naniniwala! Ang sabi niya– S-sabi niya poprotektahan niya ako!” Napaluhod si Rami at lumuha. Hindi niya akalain na iniwan siya ni Elle gayong nangako ito sa kaniya. Ang babaeng dahilan kung bakit ginusto niya pang mabuhay ay pinatay ang puso niya, hindi manlang siya hinintay nito na lumabas nito.
“Nagpauto ka naman sa kaniya?” panunuya pa ni Sebastian kay Rami.
Biglang lumakas ang iyak ng isang batang alter. “Maglalaro pa kami! Bakit niya ako iniwan? B-bakit niya ako iniwan? Ang sama-sama niya!”
Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib noong masaksihan iyon, nalala ang mga panahong tuluyang nawala ang kanyang ina sa piling niya.
“A-akong bahala! Hahanapin ko si Elle, ibabalik ko siya dito. Tumigil na kayo, poprotektahan ko kayong lahat.” paninigurado ni Ares sa lahat pero hindi iyon ikinatuwa ni Sebastian.
“Hindi na puwedeng bumalik ang babaeng iyon sa buhay ko! Aalis at aalis lang siya! Hindi niya kayo totoong mahal kaya kalimutan niyo na siya!”
“Pakiusap Sebastian magpakumbaba ka na! Ako na ang bahala sa lahat ng ito, aayusin ko nalang ang lahat pagbalik ko.” mahinahong sabi ni Rafael kahit nag-aalala na siya kung nasaan ngayon si Elleonor.
“Hindi Rafael, ako ang bahala, mahahanap ko kaagad siya.” pigil ni Ares.
“Ako ang bahala sa buhay ko! Walang dapat mabuhay sa inyong lahat dahil mahihina kayo! Masyado kayong tanga at kayang mapaikot ng isang babae! Ako lang ang may karapatan!” pagkatapos sabihin iyon ni Sebsatian ay biglang bumalik ang napakasakit sa tengang tunog na iyon.
Muli naman siyang napamulat sa kaniyang kuwarto, pero sa pagkakataong iyon ay bakas na ang ngiti sa kaniyang mga labi. Mukhang magtatagumpay na siyang masolo ang katawan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top