Chapter 41

Habang nakatayo ako doon sa tapat ng pinto ay biglang lumakad si Sebastian patungo sa akin. Lalong sumikip ang dibdib ko habang iniisip ko palang ang mga sasabihin niya. Malamang ay pipilitin na naman ako nitong hiwalayan si Rafael.

     “Nakapagdesisyon ka na ba?” malamig na tanong niya. Katulad iyon ng mga tingin niya. Kahit konting awa para sa akin ay wala akong makita doon.

“Rafael... Bumalik ka na please–“

        “Hindi ka niya maririnig.”

Gusto ko siyang sampalin nang sabihin niya iyon. Napakadamot niya! Kahit manlang ba sa ganoong paraan ay hindi pwedeng marinig ni Rafael ang mga hinanakit ko? This is unfair! Walang ibang makapagbigay ng payo sa akin kung ano ba talaga ang dapat kong gawin sa sitwasyon na ito.

Kailangan ko na ba talaga siyang iwan? Ulit? I don't want to listen to Sandra but there is a part of me that is agreeing to what she said. Naduduwag na naman ako at hindi naman dapat mangyari 'yon, ipinangako ko kay Rafael na ipaglalaban ko siya. Na hindi ko na siya iiwanan ulit.  Pero...

Mataman ko siyang pinagmasdan, ang lalaking ito. Siya pa rin naman si Rafael. Alam ko iyon pero ibang-iba naman sila. Ni hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kamuhian dahil pilit niya kaming ipinaglalayo ni Raf o dapat na magpasalamat kasi iminumulat niya ang mga mata ko sa reyalidad.

   He chuckled. “Ganito ba ang gusto mong set up?”

Napasinghap ako. “Sebastian uuwi nalang ako.”

     “Gusto mong magpakasal tayo kahit iba ang mahal ko. Paano 'yon? Payag ka na hati kayo sa akin?” Tumawa siya na parang nanunuya pa. Epektibo naman iyon dahil talagang naaasar ako doon.

Pero may punto siya, mahirap nga iyon. Magiging mukhang masama si Rafael sa tingin ng iba, iisipin nila na nambabae si Raf sa tuwing pumupunta si Sebastian kay Sandra. Tsaka paano nalang nga kung magkaroon na kami ng mga anak? Paano ko ipapaliwanag sa munting isipan nila ang lahat ng ito? Kung ako nga'y nahihirapan ng intindihin ang kalagayan niya, paano pa kaya sila?

       “Hindi katulad ko ang dapat minamahal. I don't deserve love.”

Pero mahal ko na siya, hindi ko naman pwedeng turuan nalang basta-basta ang puso ko na kalimutan nalang siya.

      “Bitawan mo nalang si Rafael.”

Hindi ko alam kung paano! Hindi ko alam kung kaya ko pa ulit gawin, pero kasi... Hindi ko rin alam kung kaya kong mabuhay ng maayos kasama siya. “B-basta– ipapangako mo sa akin na mag-iingat ka palagi. Kahit iyon nalang Rafael, please. Kahit ibaon mo nalang ako sa limot.”

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Sebastian dahil sa sinabi ko. “Ibig bang sabihin nito ay pinapalaya mo na siya?”

Marahan akong tumango, kahit masakit. Ito naman siguro ang tamang paraan? “P-puwede ba kitang mayakap kahit saglit lang?”

Umigting ang panga niya at marahang tumango. Dahan-dahan akong lumapit sa matipuno siyang katawan at inakap siya ng mahigpit. Heto na yata talaga ang magiging huling yakap na ibibigay ko sa kaniya.

Nakatayo lang siya at hindi iyon ibinalik sa akin. Humihikbi akong iniatras ang sarili ko bago hulihin ang mga tingin niya, hinawakan ko pa ang mukha niya upang magawa iyon. “Mahal na mahal kita pero iiwan na kita gaya ng gusto mo.”

I claimed his lips while my tears are falling down, then I stopped when I felt his hand on my back. “Huwag kang mag-alala, magpapakalayo-layo na rin ako.”

Alam ko kasi na hindi ko kayang tiisin si Rafael. Baka magbago na naman ang isip ko kapag bumalik na naman siya, makakalimutan ko na naman ang lahat ng sakit at gulo na ito kapag napasaya na naman niya ako.

Kinabukasan ay napagpasyahan ko ng bumalik doon pero hindi para kausapin si Rafael, si Sebastian o kahit na sino pang alter. Narito ako ngayon sa library kasama si Don Ricardo, kasalukuyan siyang nakaupo sa isang swivel chair at ako naman ay nasa silya sa tapat ng lamesa niya.

    “Akala mo ba talaga titigilan ka ng anak ko kapag lumayo ka?” mayabang siyang tumawa at umiling. “Alam mo naman sigurong matigas ang ulo ng mga iyon? Si Aericka nga'y nagawa akong takasan, isipin mo pa ang kayang gawin ni Sebastian.”

“Alam ko iyon.” Alam kong babalikan ako ni Rafael at susundan niya ako kapag nalaman niyang iniwan ko na naman siya. Sigurado akong gagawin niya iyon dahil minsan ko na itong ginawa sa kaniya. Ang iwanan siya ng walang paalam, kaya nga rin ako nandito para solusyonan 'yon.

      “Kung gano'n gusto mo lang sabihin sa akin na hindi na tuloy ang pagpapakasal niyo?” Nilaro nito sa kaniyang daliri ang mamahaling ballpoint pen na hawak niya.

Umiling ako at tinitigan siya ng diretso, buo na ang loob kong gawin ito. “May hihingiin akong pabor kaya ako nagpunta rito.”

Ito lang ang naisip kong paraan para tigilan na rin ako ni Rafael. I need to do something stupid so he would hate me.

     “Tell me what is it?”

“Sabihin niyo sa kaniya na iniwan ko siya para sa pera. Tell him that I willingly asked you for money as an exchange for leaving him. I want you to tell him that– I didn't really love him...“ Tuluyang tumulo ang luha ko habang diretso parin na nakatingin kay Don Ricardo. Pinunasan ko kaagad 'yon at ngumiti. “Please?”

Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko at nag-iinit ang mga sulok ng mga mata ko. Hindi siya sumagot, tumango siya pero parang hindi siya sang ayon doon sa mga pabor na hiniling ko. Alam ko namang napakasama noon, sobra kong masasaktan si Rafael. Pero iyon lang ang naiisip kong paraan... Nakilala niya ako bilang isang mukhang pera kaya hindi siya mahihirapan na paniwalaan iyon.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin bago ako nagpaalam kay Don Ricardo. Kinausap ko na rin si Aericka at Nanay Tere tungkol sa desisyon ko at hindi na naman nila ako pinigilan. Alam kong iyon rin naman kasi ang matagal na nilang gusto, ang iwanan ko si Rafael.

Wala si Sebastian ngayon dito sa Hacienda at hindi na ako nag-abalang hanapin pa siya, nag-iwan naman ako ng sulat kay Tita Rita at ipinapaabot 'yon sa kaniya kung sakaling pumunta siya rito ng wala na ako.

    “Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo?” tanong ni Tita Rita. Nakatayo siya ngayon sa may hamba ng pinto ng kuwarto. Pinapanood niya akong mag-impake ng mga damit na dadalahin ko sa pag-alis ko dito.

Pumikit ako ng bahagya at pinalis ang luha  ko para hindi na 'yon bumuhos pa lalo. “Ayoko na Tita...“

         “Ano ba kasi ang ginawa niyang kasalanan? Mukhang ayos naman kayo noong mga nakaraang araw.”

Ayos naman talaga kami ni Rafael, mabuti nga sana kung siya nalang ang nandito ngayon. Kung sana siya nalang ang palaging nandiyan, kaso hindi naman puwede iyon. Masyadong mahirap. “B-baka kasi hindi lang kami para sa isa't-isa kaya ganito, mas mabuti pang umalis nalang ako.”

Inihatid ako ni Tita Rita sa sakayan, maging siya ay naluluha na rin habang naghihintay kami. Hindi ko akalain na magagawa ko ang desisyon na ito. Pero alam kong hindi na naman ito para sa sarili ko nalang ngayon. Hindi na ako nag-iisa sa laban na ito, para ito sa aming dalawa ni Rafael.

      “Mag-iingat kayo doon ha? Huwag mong kakalimutan na kumustahin ako rito, mag-isa lang ako.” Hinaplos ni Tita ang likod ko.

“Tita makakaasa ka, mag-iingat ka rin dito.” I gave her a weak smile before entering the bus.

Tinulungan ako ng kundoktor na buhatin ang maleta ko at umupo ako doon sa pinakamalapit na upuan sa tabi ng binata para kumaway muli kay Tita.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim, muli lang akong nagmulat nang maramdaman kong umandar na ang bus. Tinanaw ko ang magandang tanawin sa labas at muling pinahid ang kaunting luha na nagbabadya na namang tumulo gamit ang likod ng aking daliri.

Sa wakas ay iiwanan ko na talaga ang lugar na ito. Ang lahat ng alaala namin ni Rafael ay ibabaon ko na sa limot, kalilimutan ko nalang na minsan ko siyang nakilala at sumaya sa napakaikling panahon. Ituturing ko nalang iyon na isang napakagandang panaginip at siya ay isang anghel doon.

Ibinigay niya ang halos lahat para mapasaya ako at nagpapasalamat ako doon. Pero hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal niya. Dahil isa lang naman ang hinihiling niyang matanggap mula sa akin at hindi ko pa 'yon nakayang ibigay. Hiling lang naman niya na huwag ko siyang iwan ngunit ginawa ko parin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top