Chapter 40
Huminga ako nang malalim upang humugot ng lakas ng loob. Sa bawat paghakbang ko at pagliit ng distansiya namin sa isa't-isa ay parang unti-unting nawawalan ng hangin ang baga ko. Kahit nanlalabo na ng mga mata ko dahil sa luha ay tanaw ko parin ang kinatatayuan niya sa mga oras na ito.
My tears were building up, my palms were sweaty and my heart's feeling heavy because of beating so fast. I was wrong when I thought that the only day I would experience this feeling this way was on my wedding day. But rather excitement and joy, I was feeling heartbroken and scared.
Sa kwadrang ito ko sila unang nakita na masayang nagkikwentuhan. Hindi ko inakala na mauulit ito at makakaramdam ako ng matinding sakit at inggit. Patuloy lang sila sa pag-uusap at hindi pansin ang presensiya ko, parang ang saya nilang dalawa sa piling ng isa't-isa at pakiramdam ko ay magiging kontrabida lang ako kapag itinuloy ko pa ang paglapit sa kanila.
Natigilan ako sa paghakbang noong hawiin ni Sebastian ang buhok ni Sandra at marahang hinawakan ang mukha nito. Pareho silang pumikit at unti-unting naglapat ang kanilang mga labi. Para ako sinaksak ng punyal sa dibdib habang nabibingi sa ingay ng mga kabayo dito sa loob ng kwadra. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa.
I wiped my tears and turned my back because that kiss was my last straw. I couldn't and I wouldn't want to talk to them anymore. Seeing them like that gives me a feeling of drowning and falling at the same time, I'd never even knew that it was possible.
Kahit ilang beses akong pumikit ay hindi ko mabura sa isipan ko ang nakita ko, hindi ko maialis sa isipan ko ang larawan ng paglapat ng labi ng mahal ko sa labi ni Sandra. Paano ko naman kasi magagawang kalimutan iyon?
Ang buong kalangitan ay madilim at parang naiintindihan ang bigat na nararamdaman ko. Habang naglalakad ako sa may talahiban papunta sa kubo nila tita ay naramdaman ko na ang paunti-unting patak ng ulan sa aking braso na sinundan nang malakas na pagkulog.
Nangangamba na ako sa mga oras na ito para sa sarili ko, pero mas natatakot ako sa posibilidad na magkatotoo ang sinabi ni Sebastian na siya lang ang mabubuhay sa lahat ng mga personality. Natatakot ako na tuluyang mawala sa akin si Rafael. Hindi ko yata kakayanin na kalimutan na lang ang lahat kapag nangyari nga iyon.
"Nako Elleonor!" 'yon ang naibulaslas ni Tita nang pagbuksan niya ako ng pinto. Basang-basa na ang damit ko at nakayakap ako sa aking sarili.
Siguro nga'y mas mabuting umuulan ngayon para hindi niya na mapansin ang pagluha nitong mga mata ko. Wala rin naman kasing rason para malaman niya pa ito dahil hindi ko rin naman maikikuwento sa kaniya ng buo.
"Bakit sumugod ka sa ulan? Hindi ka ba hinatid rito ni Sebastian?"
"Tita..." Napakagat ako sa labi at hindi ko napigilang humikbi. Ayoko talagang ipakita sa kaniyang umiiyak ako pero hindi ko na kasi ito maitago, sobrang bigat sarilinin nito lalo pa't narinig ko ang pangalan iyon.
Natataranta siyang hinila ako papasok sa loob at pinaupo sa kahoy na silya, binalutan niya ang likod ko ng tuwalya at tsaka yumuko sa may harapan ko.
"Sabihin mo sa akin kung anong nangyari? Nag-away ba kayo ni Sebastian gusto mo bang kausapin ko siya?"
Lalo akong naiiyak sa pang-aalo sa akin ni Tita Rita kaya hindi na ako makasagot sa mga tanong niya. Mukhang naiintindihan niya naman ako kaya tumayo nalang siya sa harapan ko tsaka ako niyakap.
"Lagot sa akin ang Sebastian na iyon, ilang araw nalang ay kasal niyo na pagkatapos magkakaganito pa kayo." Patuloy lang si Tita habang tinatapik ang likod ko, kahit papaano ay nababawasan ang mga dumadagan sa puso ko dahil sa ginagawa niya.
Pagbangon ko kinabukasan ay pumipintig ang ulo ko at barado pa ang ilong ko. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at kitang-kita ko roon ang mugtong mga mata ko, bahagya ring namamaga ang mukha ko. Naaawa ako sa sarili ko, paulit-ulit nalang nangyayari ito. Paulit-ulit nalang akong nakakatulog habang umiiyak nang dahil kay Rafael.
Napatingin ako sa mga kamay ko na buwan-buwan noon kung ipalinis ko pa. Pagkatapos ang buhok ko noon na ipinapatreatment ko pa ay nakatali nalang ngayon nang walang kaayos-ayos.
I've really changed. Hindi lang sa pisikal na anyo.
Hindi naman ako ganito dati at hindi ko pa naranasan na maging ganito nang dahil sa pag-ibig, malayong-malayo ito sa dating ako. I've never invested this much to a person, mainly because I am afraid to be so attached to the point that I'll forget about myself.
But now it's already happening. Who would've thought that a self centered brat could turn into this?
Iniwas ko ang tingin ko sa salamin at lumabas sa maliit na kuwarto, nadatnan kong naroon si Tita Rita sa may hapag kainan at mukhang balisa. Ni hindi nga niya napansin na nakalabas na pala ako kaya tumikhim ako upang makuha ang atensiyon niya.
"Elle kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Tita. Napansin ko rin na itinago niya ang cellphone niya sa ilalim ng lamesa.
"Mas maayos na naman kaysa kagabi. Ano nga palang balita kila Mommy?"
Wala dito ang mga magulang ko ngayon, sa pagkakaalam ko ay may inaayos sila sa bilang paghahanda sa pangingibang bansa nila dahil pupunta sila sa Canada pagkatapos ng kasal.
"E, a-ano, baka matagalan raw kasi sila." si Tita. Nauutal siya at muli niyang inilabas ang cellphone niya.
"Sabihin mo na ayos lang kahit ilang araw pa silang tumagal doon."
Napatingin siya sa akin at bakas ang gulat sa mga mata niya. "Alam kong may hindi kayo pagkakaunawaan ni Sebastian pero huwag ka namang magdedesisyon nang biglaan."
"Hindi Tita, hindi ko gagawin 'yon." Hindi ko kayang bitawan ang pagmamahal ko ng ganun-ganon nalang.
Buong tapang ako na tumungo pabalik sa hacienda, hindi ko alam kung nakabalik na si Rafael. Kahit nangangamba ako na baka makita ko na naman silang magkasama ni Sandra ay sumugal pa rin ako. I wanted prove to Sebastian that I can fight for my love.
"Hindi pa bumabalik si Rafael."
Hindi pa man ako nakakahawak sa seradura ng malaking pinto ay nagsalita na si Sandra mula sa likuran ko. Para akong nanigas doon sa kinatatayuan ko bago siya dahan-dahang lingunin. She wasn't smiling or anything, she was looking at me with pity written all over her face and I hated that. Ayokong kaawan niya ako!
"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Sandra.
Umiling kaagad ako. "Uuwi nalang ako kung wala pa si Rafael."
"Elle alam kong mahal na mahal mo siya pero hindi ba dapat mo nang itigil dahil sobra na?" ani Sandra.
Kumislot ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Wala kang alam." Sino ba siya para sabihin kung sobra na ako? Sino ba siya para sabihing itigil ko na ang pagmamahal ko?
"Bata ka pa Elleonor. Marami pa ang pwedeng magawa mo sa buhay kung gugustuhin mong magsimula ulit-"
I gritted my teeth.
"-at marami ka pang makikilala."
"I don't care, because I already have Rafael." Sabi ko at akmang lalagpasan na siya.
"Isipin mo nang mabuti Elleonor, hindi ka sanay na mahirapan. Kakayanin mo ba lahat ito, lalo na't alam naman nating pareho ang kundisyon niya? Paano kung magkaroon na kayo ng pamilya? Paano kung biglang lumabas ang batang alter niya? Ang suicidal?"
"Tama na Sandra." Gusto kong takpan ang tainga ko dahil ayokong marinig ang mga sinasabi niya. Ayoko mang aminin pero iyon ang mga tanong sa isipan ko na ako mismo ay natatakot na sagutin.
"Paano mo masisigurado na ligtas ang mga magiging anak niyo sa kaniya? Gaano ka kasigurado na mababantayan mo siya?"
Honestly I don't know, I just know that I love him and I'm risking.
"Pareho lang natin na gustong mapabuti siya. At tsaka sa ganda mong iyan? Marami ka pang ibang makikilala diyan na hindi ka pahihirapan 'di tulad ng nararamdaman mo ngayon." aniya.
Siya na mismong ang umalis sa harapan ko. Sa pagkakataong ito ay muli na namang umapaw ang luha ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top