Chapter 39
Ramdam ko parin sa leeg ko at sa iba't-ibang parte ng katawan ko ang mga mainit na halik na ibinigay sa akin ni Rafael kagabi. Parang walang kapaguran ang mga katawan namin at nagawa pa namin na ituloy 'yon hanggang sa kaniyang malaking kama. Hindi ko mabilang kung gaano karami ang pinakawalan naming ungol noong gabing iyon dahil ilang beses naming naabot ang langit.
“Pinagod mo ako...” I said pouting while tracing his jawline down to his neck.
Nakahiga parin kami ngayon rito sa kama at binabalutan lang ng puting kumot ang mga hubad naming katawan. Nakapatong ang ulo ko sa matipuno siyang braso at bahagyang nakadantay ang mga binti ko sa katawan niya. I traced his broad chest and then looked at his eyes.
Oh, I would never get tired of admiring those.
“Elleonor.” He said in a hoarse voice then let his fingers run through the strands of my hair.
Napangiti ako sa pagbanggit niya sa pangalan ko. My name really sounds so much better when he's the one saying it, especially last night. Naalala ko tuloy kung paaano siya bumabayo noon sa ibabaw ko habang tinititigan ako sa mga mata at iniuungol ang pangalan ko. Kung matindi ang alter niyang si Ares ay mas matindi pa pala kapag si Rafael.
“Huwag mo na akong iiwan.”
Nakangiti akong tumango at itinukod ang mga siko ko sa kama, sandali ko siyang tinitigan bago siya bigyan ng isang mabilis na halik sa pisngi. “Sige, maliligo lang ako.”
Tumayo kaagad ako at nanakbo papunta sa banyo, baka kasi kapag tumagal pa ako doon sa higaan ay magsimula na naman ang hindi dapat.
Iniwan ko muna si Rafael doon sa kuwarto niya kasi naliligo pa siya. Pagbaba ko sa hagdan ay nakasalubong ko si Nanay Tere. Mayroon siyang dalang basket na may laman ng maruruming damit. Kumislot ang kilay ko noong napansin ko na nag-iwas kaagad siya ng tingin noong bumaling ang mga mata ko sa dala niya.
“Maglalaba kayo?” Hindi ko maialis ang pagkakakunot ng noo ko habang itinatanong ko iyon. Hindi naman kaagad nakasagot si Nanay sa akin, tila naputulan siya ng dila at pagkatapos ay nanginginig pa ang mga daliri sa kamay niya. “O–Oo.”
“Saan niyo dadalhin 'yan? Tutulungan ko na kayo.” alok ko.
Noong una ay parang nag-aalangan pa siya pero wala na siyang nagawa dahil sadyang makulit ako. Ako ang nagdala noong mga labahin sa isang silid. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pumikit bago marahang humugot ng hininga upang pakalmahin ang sarili ko noong makarating na kami doon.
This room is a laundry room and the equipment here are complete! May malaking washing machine at dalawang maliit pa, pagkatapos may dryer pa doon. Habang inililibot ko ang mga mata ko ay lalong nag-iinit ang bunbunan ko. Kasi meron naman pala nito rito sa mansion nila pagkatapos paglalabahin niya ako doon sa ilog ng mag-isa?
“P-pasensiya ka na Elleonor.” ani Nanay Tere na para bang alam niya na ang nararamdaman ko wala pa man akong sinasabi. Sino ba kasi ang hindi maiinis kung gagawin sa kaniya ang ginawa ni Nanay Tere sa akin?
Gusto kong magreklame sa kaniya pero nilingon ko lang si Nanay at ngumiti. “Ayos lang Nay pero mauuna na ako kasi baka hinahanap na ako nila Daddy.”
Iiwanan ko na sana siya pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Dahil malambot ang puso ko'y agad naman akong naawa sa itsura niya ngayon. She looked like she was begging for something and I immediately knew what it is.
“Nay, okay nga lang 'yon.”
“Gusto ko lang naman pangalagaan si Sebastian kaya nagawa ko iyon.” Mas humigpit pa ang hawak niya sa mga kamay ko.
I looked down in our hands before looking at her again with an assuring yet a weak smile. “Huwag kayong mag-alala, wala akong sasabihin kay Rafael kung iyan ang ikinatatakot niyo.”
I decided to leave the room right away after I said those things calmly, I even wanted to give applause to myself for having such a great patience in that situation. Pwedeng-pwede akong magalit sa kaniya at maraming bagay akong pwedeng sabihin para masira ang tingin sa kaniya ni Rafael pero hindi ko ginawa.
Kasi nga masyadong malaki ang respeto ko sa kaniya. Sana nga ganoon nalang rin siya sa akin. Bakit ganoon ang rason niya? Sa tingin niya ba'y hindi ko kayang alagaan si Rafael ng maayos? Oonga't mas bata ako pero natuto na naman ako, sa tagal ba naman naming magkasalamuha noon. Ewan ko nalang...
“Elleonor saan ka ba nanggaling?” Napatalon ako sa gulat at tumingala sa indoor balcony kung nasaan si Raf ngayon.
Nakaayos na rin siya at pormadong-pormado na, ihahatid niya raw kasi ako sa bahay at hihingi siya ng patawad kila Mommy at Daddy.
“Ah, sinamahan ko lang si Nanay Tere sa laundry room.”
“Alam mo naman pala na may laundry room dito bakit doon ka pa sa ilog naglaba?” Panenermon ni Raf habang naglalakad pababa sa hagdan at inaayos ang sleeves ng buttoned down na polo niya.
“Pasensiya na nga.” 'yon nalang ang sinabi ko.
Nang makababa na siya ay lumakad siya palapit sa akin at hinapit ang beywang ko bago ako bigyan ng isang halik sa noo.
“Sa susunod kasi magpapaalam ka na naman sa akin kung saan ka pupunta, ayokong nag-aalala sa'yo ngayon pa at malapit na tayong ikasal.” aniya.
Marahan lang akong tumango at ngumiti. Lalo akong hindi mapakali nang maalala ko na ikakasal na nga kami ilang araw mula ngayon. Magkahalong kaba na at saya ang nararamdaman ko ngayon, paano pa kaya ako sa mismong kasal namin?
Napili namin na dito nalang ganapin iyon upang mas maging pribado, garden wedding ito at pili lang ang mga inimbitahan namin dahil ang mahalaga naman talaga sa araw na iyon ay kaming dalawa at ang pag-iisang dibdib namin.
Naunang maglakad si Rafael papunta sa pinto pero bigla na lang siyang natigilan at napahawak sa ulo niya. Hinilot niya ang sentido niya at bahagyang umiling.
He groaned like he was in pain so I walked towards him and caressed his back. “What's wrong Raf?”
“I-It's not–ah!”
“Raf!” I shouted. He almost fell to the ground, thank God he regained balance!
His hands was still on his head when he slowly glared at me then I realized what was going on. He recognized me well but his stare was different, he looked at me with a dissagreeing look.
Parang sinasabi noon na hindi dapat ako ang kasama niya ngayon. Bahagya akong umatras upang lumayo sa kaniya, nakatitig lang kami sa mga mata ng isa't-isa pero walang nagsasalita sa amin. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Sebastian...” sabi ko.
Mukhang nasorpresa siyang nakilala ko siya kaya tuluyan siyang humarap sa akin, napalitan ng pagkamangha ang kaninang pagkadisgusto na gumuhit sa mga mata niya. “Sino ka ba talaga?”
“I'm your– friend.” Hindi na ako makatingin ng diretso at nasamid pa ako habang nagsisinungaling sa kaniya.
He chuckled. “You mean girlfriend?”
Nagulat ako sa sinabi niya kaya bumalik ang mga mata ko sa kaniya. He smiled arrogantly and crossed his arms before titling his head sideways.
Paano–sandali naguguluhan ako!
“Nalaman ko kay Rafael.” Aniya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at iniangat 'yon upang mas magkatitigan kami.
“Pero maghihiwalay na tayo.” sabi niya at tumalikod sa akin bago hinagod ang buhok niya.
Napaawang bibig ko dahil hindi na naman maiproseso ng utak ko ang mga nangyayari ngayon.
“May mahal akong iba, Elle. Ako si Sebastian at ako ang may ari ng katawang ito. Ako ang may pinaka karapatan dito, wag kang makikinig sa ibang alter at makikipaghiwalay na si Rafael sa iyo.”
“No!” Unti-unti ng umaahon ang mga luha ko dahil sa sakit at bigat na nararamdaman ko mula sa dibdib.
“Masasaktan ka lang kapag ipinagpatuloy niyo pa ang ugnayan niyo.”
Niyakap ko siya ng mahigpit mula sa likod. “You–he can heal! And when that happens you and the other personalities will just fuse so Raf can still remember me! I've learned that–“
Kulang na lang ay lumuhod ako ngayon rito at magmakaawa sa harapan niya mabago lang ang desisyon niya.
“Hindi, walang fuse na magaganap dahil ako lang ang mabubuhay.” he said coldly.
Kinalas niya ang mga yakap ko at tuluyan na siyang lumabas sa pintong iyon ng hindi ako nililingon. Naiwan ako rito na umiiyak at mas lalo bang naguguluhan kung ano na nga ba ang dapat na maging desisyon ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top