Chapter 37

   “Rafael umalis ka na.” Ako na ang nagsabi noon.

Kahit bakas sa mukha ni Ares ang labis na pagkairita dahil tinawag ko siya sa ibang pangalan ay hindi ako nagsisisi. Sa tingin ko kasi ay kailangan kong gawin iyon dahil malakas ang kutob ko na may alam na nga si Sandra tungkol sa lahat ng ito, kailangan ko siyang makausap.

   “Baka kung ano ang gawin sa'yo ng babaeng iyan.” Sabi ni Ares.

Nakakainsulto iyon para sa parte ni Sandra dahil parang nanlalait ang tono noon. The annoyance was also written on his face and caused his brows to furrow.

      “Para namang hindi mo ako kilala Sebastian, magkababata tayo at alam mong hindi ko magagawa–“

      “Rafael, please?” Sabi ko at pinisil ang kamay ni Ares.

“Sige, tawagin mo lang ako kapag may ikinilos na naman siyang mali.” Bilin niya tsaka ako hinalikan sa labi bago labag sa loob na lumayo sa amin.

Suminghap muna ako bago harapin si Sandra noong makalayo na si Ares, kahit na ginawa ko iyon ay hindi parin naalis ang bagabag ko sa dibdib. Pinaningkitan ko ng mata si Sandra nang mapansin kong hindi naaalis ang ngiti nito sa labi, siguro nga'y may nalalaman na talaga siya.

     “Ano ba ang kailangan mo?” Tanong ko rito.

“Makikipag-ayos lang ako sa iyo, sa inyo.”

Napatawa ako ng mahina at labas iyon sa ilong, 'yon lang ba talaga ang ipinunta niya? Bakit kahit anong pilit ko sa sarili kong paniwalaan si Sandra ay hindi ko magawa? “Iyon ba talaga?”

“May pwede pa ba na posibleng dahilan ng pagpunta ko rito?” Nakangiting tanong niya't bahagya akong tinaasan ng kilay.

    “Narinig mo ba ang mga pinag-uusapan namin kanina?”

Lalong tumaas ang ngiti sa isang sulok ng mga labi ni Sandra nang marinig ang tanong kong iyon. “Elle, may dapat ba akong hindi marinig?”

Nagsalubong ang kilay ko pero pinilit ko ang sarili kong kumalma dahil baka ano pa ang magawa o masabi kong masama. “Just tell me if you heard something.”

     “Wala akong narinig kaya h'wag kang mag-alala.” She answered.

Nakahinga ako ng maluwag noong masabi niya iyon pero kaagad rin namang nabawi ito dahil may karugtong pa pala 'yon.

    “Pero may nakapagsabi na sa akin ng kalagayan ni Baste.”

Nanginig ang buong katawan ko noong aminin niya iyon, ilang beses rin akong napakurap habang nakaawang ang bibig dahil hindi ko alam ang sasabihin.

Pero walang duda, malamang si Nanay Tere ang nagsabi noon sa kaniya dahil tutol na tutol iyon sa amin ni Raf. Hindi lang ako makapaniwala na sasabihin talaga niya 'yon sa iba ng ganun-ganon nalang, samantalang napakatagal pang panahon bago ko nalaman ang totoo.

    “H'wag kang mag-alala, hindi ko naman siya aagawin sa'yo.”

Nagitla ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya napaatras ako, hindi naman iyon dahil sa natatakot ako sa kaniya. Nag-aalala lang ako sa mangyayari kung sakaling alam na rin niya na siya ang gusto noong core personality na si Sebastian.

    “Ang hiling ko lang sana matuloy na talaga ang kasal niyo ni Sebastian dahil gusto ko lang naman na maging masaya siya. Sa tingin ko ay ikaw talaga ang makapagbibigay noon sa kaniya, ingatan mo sana siya Elle.” Lintanya niya bago lumapit sa akin at yakapin ako ng mahigpit.

    “Magpakasaya kayo.” She added.

Her shoulders moved and I heared her crying so I hugged her back, my  tears also started to flow and I don't even know why. Maybe I was just touched by her gestures? “Thank you.”

    “Salamat rin Elle, patawarin mo sana ako sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa'yo.” Ani Sandra.

Pagkatapos noon ay umalis na naman kaagad si Sandra, napagpasyahan ko na ring magligpit ng mga kinainan namin ni Tita Rita kanina kaya nandito ako ngayon sa kusina at naghuhugas ng mga platito.

Hindi parin ako makapaniwala humingi na talaga ng tawad sa akin ang babaeng iyon, akala ko kasi'y manggugulo na naman siya kaya nagpunta siya rito. Nakagagaan lang ng loob dahil kahit papaano ay nabawasan ng kaunti ang mga bumabagabag sa damdamin ko, sana nga magkaayos na rin kami ng pamilya ni Rafael para maayos na ang lahat bago ang kasal namin.

    “Elleonor,”

Pinatay ko ang gripo at itinaob ang huling hugasin bago nagpukol ng tingin kay Nanay Tere, dahan-dahan niyang isinara ang pinto at naglakad palapit sa akin.

Pilit kong binasa ang mga kilos niya pero hindi ko malaman kung ano talaga ang pakay niya. Baka naman hahanapin niya sa akin si Raf? “Baka naroon sa bakuran si Rafael.”

“Ikaw ang gusto kong makausap, Elle.”

Bakit ako? Pipilitin na naman ba niya akong layuan ang anak niya?

   “Tungkol saan?” Napalabi ako.

Ang kaba noong una niya akong komprontahin ay nanumbalik na naman sa'kin. Mas malala pa nga ito ngayon kumpara noon dahil sa panahong ito'y alam kong ayaw na niya talaga sa akin.

  Binigyan niya ako ng isang malapad na ngisi. “Magpapatulong lang ako.”

“S-saan naman Nay?” Nangunot ang aking noo.

Totoo ba ito na lumapit talaga siya sa akin para hingiin ang tulong ko? Hindi kaya may sinabi sa kaniya si Ares para makipag-ayos na rin siya sa akin?

     “Matutulungan mo ba ako?” Si Nanay.

“Sige–“

   “Salamat naman kung ganoon, hindi kasi ako makahanap ng puwedeng makatulong sa akin.” Sabad niya.

   “Ano ba iyon Nay?” Kuryosong tanong ko.

“Maglalabada ka lang naman sa ilog, halika't sumunod ka sa akin.” Lumapit siya't tinapik ako sa braso bago siya lumakad palabas.

Naiwan naman akong nakatulala doon sa loob ng kusina, pilit na pinoproseso ng aking utak ang sinabi niya.

   “Maglalaba ako sa ilog.”

Nang makarating ako sa ilog ay nakita ko nga roon ang sako-sakong mga labahin na sinasabi ni Nanay Tere. Tahimik ko iyong binilang at nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na limang sako iyon.

Parang hindi ko kakayaning matapos ito ngayon dahil alas tres na ng hapon, at tsaka mag-isa lang akong pinapunta ni Nanay Tere dito! Pakiramdam ko tuloy ay gusto niya lang talaga akong parusahan.

Lumapit ako sa isang sako at sinilip ang laman noon. I sighed heavily when I pulled out a huge blanket from the sack. It was thick and heavy!

“Oh my-“ Kaya pala mabigat itong isang sako ay puro gano'n lang ang laman! Paano nalang kung mabasa pa ang mga ito? Sa dami nito'y baka hindi ko na mabuhat pa sa bigat.

Oo't hindi ako marunong maglaba pero alam ko naman na dapat sa washing machine na ang mga ganito! Ano ako robot?

Hinalungkat ko pang muli ang mga labahin hanggang sa makahanap na ako ng mga labahing damit. Puro kasi kurtina, bedsheet at table cloth ang naroon sa mga naunang sako.

Akala yata ni Nanay Tere ay ako si Darna at kayang-kaya kong labhan ang lahat ng iyon ng mag-isa!

Pinahid ko sa manggas ng tshirt ko ang pawis sa gilid ng aking mukha bago hinila ang sako ng labahin papunta sa tabi ng ilog. The overwhelming sound of the rushing water through the river made me anxious.

   “Shiit!” Takot talaga ako sa mga malalim na tubig gaya nito, baka kasi kung ano ang umahon. Tsaka iniisip ko palang kung ano ang posibleng nasa ilalim ng mga ito ay tumataas na ang mga balahibo ko. Pagkatapos sinamahan pa ng medyo makulimlim na kalangitan at malamig na hangin 'yong tunog ng bawat paghampas ng tubig sa mga bato.

Ang gara kasi ni Nanay Tere!

Sana kasi sinampal niya na lang ako o sinabunutan dahil naiinis siya sa akin, hindi 'yong pahihirapan niya ako sa ganitong paraan.

Kaysa magreklamo pa ng magreklamo ay nagsimula na akong magkusot ng damit, inuna ko muna itong mga puti dahil ibababad ko pa ito pagkatapos. Nako, sana lang talaga ay walang matinding mantsa itong lahat ng lalabhan ko dahil baka abutin pa ako ng kinabukasan.

  “Wag kang uulan—“ Kada kusot ko ay may nararamdaman akong patak ng tubig, hindi iyon galing sa ilog kung hindi sa langit na sobrang makulimlim na.

Mukhang uulan pa talaga.

Wala pa namang silong rito kundi iyong maliit na kawayan lang na may kaunting dahon-dahon kaya siguradong mababasa ako diyan ng sobra kapag umulan ng tuluyan. Ilang segundo lang ang lumipas ay unti-unti na ngang bumuhos iyong ulan, hinila ko ang mga labahin ko sa gilid at basang-basa na ang lahat ng iyon at lalo na ako.

Ang kulay puti kong tshirt at beige kong palda ay halos dumikit na sa katawan ko, gusto kong umiyak dahil mukha akong basang sisiw sa lagay ko ngayon. Napatingin ako sa mga saku-sakong labahin na basang-basa na ngayon, paniguradong magkukupat ang mga ito.

Napalabi ako at umupo upang yakapin ang mga binti ko, kahit kailan ay hindi ko inasahan na mapupunta ako sa kanitong posisyon.

Ano ba ang maling ginawa ko? Mali ba kasi na ipaglaban ko ang pagmamahal ko para kay Rafael?

Hindi ko alam kung ilang minutong pumatak ang mga luha ko kasabay ng mga patak ng ulan. I was so helpess and so scared! Madilim na ang lugar at malakas na rin ang pag-agos ng tubig sa ilog at hindi ko alam ang gagawin ko sa sitwasyong ito.

    “Elleonor kanina pa kita hinahanap!” I cried even more upon hearing his voice.

Pag-angat ko ng ulo ay may tumamang ilaw sa akin galing sa flashlight, tinakpan ko ang mukha ko at pilit na sinilip ang may hawak noong flashlight kahit sigurado na akong si Rafael iyon.

     “Mabuti nalang dumating ka.”

Sa buhay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top