Chapter 36

Nagtatalop ako ng manggang hilaw ngayon na pinamitas ni Ares kani-kanina lang. Tatlong araw na rin ang lumipas noong makabalik kami rito pero hanggang ngayon ay hindi parin sila nagpapalit ni Rafael, siguro nga'y napansin na rin ni Nanay Tere iyon pero hindi na lamang siya nagsasalita marahil alam niya kasi sarili niya na wala siyang magagawa.

   "Nagdadalang tao ka ba Elleonor?" Napaubo ako noong itanong sa akin iyon ni Tita Rita.

"Tita."

Nagmemeryenda kami ngayon sa sala ng mansion nila Rafael at pareho lang naman kaming natutuwa sa pagkain ng mga mangga kanina pero ngayon ay bigla na lang niya akong tatanungin kung buntis ba ako. Medyo naiilang tuloy ako dahil nakatingin lamang ng seryoso si Tita sa akin habang naghihintay ng sagot mula sa'kin, akala mo'y kriminal ako at imbestigador siya.

"Baka may makarinig sa'yo Tita, ano ka ba?" Bulong ko at bahagya siyang siniko.

   "Hindi ba?"

"Tita paano niyo naman nasasabi 'yan?" Nawalan tuloy ako ng gana sa pagbabalat nitong mga mangga.

Nagtaas siya ng kilay at pinitik ang noo ko. "Una sa lahat, ilang araw na lang ay kasal niyo na kaya maraming nakakapansin rito na mukhang minamadali niyo iyan."

Napanguso ako dahil sa sinabi niya, kaya lang naman namin minamadali na magpakasal ni Rafael ay dahil ayaw na naming mag-aksaya pa ng panahon. Lalong-lalo na't ganiyan ang kundisyon niya. "Hindi naman Tita."

"Pangalawa'y umiiwas sa'kin si Tere, mukhang may alam nga iyon sa sikreto niyong dalawa!"

Umiiwas rin naman sa akin si Nanay Tere, palibhasa kasi ay hindi alam ni Tita Rita ang kalagayan ng relasyon namin si Rafael kaya kung anu-ano na ang naiisip niya.

"Baka naman kasi nalulungkot lang siya dahil ikakasal na si Raf, normal naman siguro iyon sa isang ina. Si Mommy nga umiyak pa 'di ba?" Lintanya ko at inilibot ang mata sa paligid, baka kasi mamaya ay nariyan lang pala sa tabi-tabi si Nanay Tere o Aericka at nakikinig sa mga kasinungalingan ko.

"At paano mo maipaliliwanag iyang mga manggang hilaw na naubos mo sa isang upuan lang?" Inginuso niya ang ilang mangga sa coffee table na buto na lamang ang natira kaya napangiwi ako sa kaniya.

Kung makapagsalita naman kasi itong si Tita ay parang hindi ko siya kasamang kumain ng mga iyon! Kung ito lang ang basehan niya'y dapat ko na rin ba siyang pagdudahan kung nagdadalang tao siya?

"Ewan ko sa iyo Tita, isipin mo na ang gusto mong isipin." I said.

At tsaka ano naman kung totoong buntis nga ako? Wala naman akong nakikitang problema doon dahil ikakasal na naman kami ni Rafael at nagmamahalan kaming dalawa.

"Sa bagay, kung nahanap ko na rin naman siguro ang lalaking para sa akin noon ay baka nagpakasal na ako kaagad. Kaysa naman heto, tumanda na akong dalaga." Napatingin siya sa chandelier at tila nagmuni-muni.

"Elle namitas pa ako ng mas marami!" Masiglang sabi ni RS noong pumasok siya mula sa backdoor nitong mansyon.

"Nako hijo mabuti nalang at dumating ka! May itatanong lang sana ako-"

"Tita Rita!" Pinutol ko kaagad ang sinasabi niya at pinagsalubungan siya ng kilay, kataka-taka namang tumawa lang ito sa akin at tsaka tinaasan ako ng kilay.

"Ano iyon?" Tanong ni Ares nang makalapit na siya sa amin ng tuluyan rito sa sala, inilapag niya ang isang maliit na basket sa coffee table at nagpagpag ng sarili.

"Itatanong ko lang kung saan ang palikuran niyo rito? Mukhang naparami kasi ang kain ko." Sagot nito.

Nakahinga ako ng maluwag noong malaman na iyon lang pala ang katanungan niya, akala ko kasi pati si Ares ay uusisain pa niya kung buntis nga ako.

"Lumakad lang kayo sa pasilyo na iyan pagkatapos ay kumanan kayo." Pagtuturo nito at biglang dumako ang mga mata ng dalawa sa akin. "Hindi mo ba alam Elle?"

"Hindi naman kasi ako ang tinanong ni Tita." Sabi ko at makahulugang tiningnan ang Tita ko, sinasabi ko roon na umalis na siya at mukhang naintindihan naman niya iyon dahil dumiretso na nga siya papunta sa banyo.

"May problema ba?" Ares asked and sat beside me.

Kinikis ko ang mga palad ko dahil parang hindi ako mapakali. "Wala naman."

"Bakit ganoon tumitig sa akin ang tiyahin mo?"

I heaved a sigh, I can't keep it to myself. "Nagtataka kasi siya kung bakit daw parang minamadali natin ang kasal."

"Bakit hindi mo sinabi ang totoo?"

I rolled my eyes because of Ares' suggestion. "Palibhasa wala kang pakialam sa normal na buhay ni Sebastian kaya madali lang sa iyo na sabihin iyan."

"May pakialam ka ba kay Sebastian, Elle?" Tanong Ares.

Magkasalubong na ngayon ang kilay nito kaya naman napalunok ako  pero kung akala niya'y magpapatinag ako ay nagkakamali siya.

"Anong gusto mo? Sabihin ko sa lahat na may sakit ka at husgahan nilang lahat na nasisiraan ka na ng bait?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Husgahan nila ako, babawian ko sila."

Nabingi ako sa sinabi niya, "Alam mo Ares,"

"H'wag nila akong susubukan." Dagdag pa nito at umiling.

Noon ko pa napansin ang bagay na ito sa kaniya. Oo nga't handa siyang gawin ang lahat para ipagtanggol ang mga mahal niya sa buhay.

Pero kulang siya sa pagmamalasakit, hindi niya kayang maintindihan ang nararamdaman ng mga tao sa paligid niya. Wala siyang pakialam kung nasasaktan na ang kalooban namin dahil ang gusto lang niyang makita ay ligtas kami.

He just doesn't care about anyone's emotional being because he lacks empathy. "For an alter who wants to protect his loved ones, you sound selfish." Dagdag ko pa.

"Elle."

"Hindi ba totoo Ares? You protect the people around you for your own sake, you get joy from it because it feeds your ego's hunger. Palibhasa kasi ay hindi mo nailigtas ang mommy mo noon kaya sa iba mo nalang ginagawa." Walang prenong sabi ko.

Gusto ko lang naman siyang bigyan ng leksyon para maintindihan niya ang nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

"Hindi totoo 'yan." He gritted his teeth.

"Nasapol ko ba ang ego mo? Sa susunod kasi Ares makaramdam ka rin. 'Di ba masakit makausap ang isang taong walang pakialam sa nararamdaman ng mga nakapaligid sa kaniya?" Saad ko at hinawakan ang kamay niya upang medyo pakalmahin siya.

"Wala namang masama kung malalaman nila ang kondisyon ko." Sagot parin ni Ares.

Talaga sigurong hindi niya maiintindihan ang punto ko, dahil kahit anong gawin ko ay sarado ang tainga niya sa mga iyon.

"Gusto mong sabihin ko sa kanilang lahat na may D.I.D ka at paiba-iba ang katauhan mo? Tingin mo madali nilang mauunawaan 'yon? Ako nga na girlfriend mo at nahirapan sa pag-intindi.”

      “Sabihin mo.” Matapang na saad ni Ares.

    “Pagkatapos ano? 'Yong mga taong hindi ka maintindihan o hindi maniniwala sa atin ay gagantihan mo?"

    "Oo." Nakangisi niyang sagot.

Natutuwa siguro siya dahil nalulukot na ang mukha ko kakapaintindi sa kaniya ng sitwasyon namin kung bakit hindi puwedeng malaman ng iba ang kalagayan niya. Suko ako sa katigasan ng ulo ni Ares! Talagang binantaan pa niya ang mga taong huhusga sa kaniya. Knowing him, hindi biro iyon at matindi pa naman siyang bumawi! 'Yong kasintahan nga ng pinsan ko'y pinasunog niya ang bahay at pinatanggal sa trabaho. Hindi ko na maisip kung ano pa ang ibang kaya niyang gawin.

    "M-magandang hapon."

"Anong ginagawa mo dito?" Ani Ares, may tono iyon ng pagkasuklam.

"Gusto ko lang sanang tuluyang makipag-ayos kay Elle." Sabi ni Sandra na may dala-dalang basket ng bulaklak.

"Hindi ba binalaan na kita na h'wag ka ng lalapit kay Elle?" Sa pagkakataong iyon ay tumayo na si Ares kaya ganoon rin ako.

"Pero nag-usap na rin tayo noon at sinabi mo sa akin na ayos na tayo. Bigla ka naman yatang naging agresibo ngayon, hindi mo ba maalala?" She was smiling as if she knows what's going on.

I whispered to him. "Huwag ka ng sumagot."

Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng biglang pagpapawis ng mga palad kong nakahawak sa mga braso ni Ares, kinakapos ako ng hininga at parang mawawalan na nga ako ng malay dahil doon. Bakit kasi ganiyan ang mga ngiti ni Sandra niya sa aming dalawa? Posible kayang may alam na siya sa kalagayan ni Rafael?

"K-kanina ka pa ba?" I stuttered.

"Hindi naman pero bakit parang nagulat ka?" Humalukipkip siya at humakbang papunta sa amin.

May alam ba si Sandra?

     “Umalis ka na dito.” Banta ni Ares iyon.

“Ikaw ang umalis.” Sagot naman ni Sandra at muling ipinukol ang mga titig nito sa aming dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top