Chapter 34

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko kahit malambot at malawak naman itong puting sofa, nakararamdam ako ng nakakapanindig balahibong kaba. Ewan ko ba? E pinanonood ko lang naman na pumirma ng mga papeles si Dr. Scott.

Siguro dahil narin ang buong paligid ay mukhang maliit na opisina ng abogado, puti ang dingding at kahoy ang sahig na pinatungan ng neutral colored na carpet. Pakiramdam ko ay may irereklamo ako dito!

I cleared my throat and looked around the office. May malaking bintana dito na katapat lang ng mahabang sofa na inuupuan ko pero kasalukuyan namang nakasara ang kulay gray na kurtina noon. Pagkatapos noon ay dumako ang mga mata ko sa isang sulok, napahanga ako sa dami ng libro na laman ng book shelf niya. Napaisip tuloy ako kung nabasa na kaya niya ang lahat ng iyon.

"Ms. Guiller," Nabalik ako sa ulirat noong tumikhim siya, umalis si Dr. Scott roon sa may desk niya at umupo sa leather recliner chair na kaharap ko rin. Lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko dahil pakiramdam ko ay nasa harapan ko ngayon ang pangalawang ama ni Rafael.

Si Dr. Germano Scott 'yong nagpakilala na psychologist noon sa hacienda, napagpasyahan kong hanapin at puntahan siya dahil marami pa ang mga tanong sa utak ko na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot. Nagbabakasakali lang naman ako na kahit kaunti ay malinawan ako bago man lang ang kasal namin ni Raf.

"Good day Sir, salamat sa pagtanggap niyo sa akin." Mabuti nalang at nakapagsalita ako ng maayos, nakakahiya kasi kung mauutal-utal ako sa harap ng isang propesyonal na katulad niya.

"Alam ba nila na pumunta ka rito?" Tanong nito at inayos ang coat niya.

Umiling ako at nagpakawala ng isang buntung-hininga upang mawala ang kabang unti-unting umaahon sa dibdib ko. "Walang nakakaalam Doc, kahit si Rafael ay hindi ko nga sinabihan."

"Parang alam ko na kung ano ang ipinunta mo rito, natatakot ka bang magpakasal sa kaniya?" Makahulugang sabi nito habang nakatingin sa singsing sa daliri ko, medyo malaki ang diamond nito kaya kita ang kinang. Ibinigay ito sa akin ni Raf noong pumunta sila ni Don Ricardo sa bahay upang hingiin ang kamay ko.

"Doc, puwede niyo po bang mas ipaintindi sa akin ang kalagayan ni Rafael?" Diretsang tanong ko. Magpapaligoy-ligoy pa ba ako kung nandito na naman ang taong puwedeng makasagot sa akin?

He stood up and walked towards his desk, kumuha siya doon ng isang folder at tsaka bumaling sa akin. Sana naman masagot na nito ang lahat ng tanong na gumugulo sa isipan ko, tsaka hindi naman ako aatras sa kasal kahit anong mangyari.

Natigilan siya at isinara ang folder na hawak. "Nagkamali pala ako, hindi ko dapat sinabi sa iyo na Doktor ako ni Sebastian. Mabuti na lamang at walang ibang nakarinig noong mga sinabi ko, pasensiya na."

Anong ibig niyang sabihin? Wala siyang impormasyon na puwedeng ibigay sa akin? "Doc sandali-"

"Alam mo Ms. Guiller, kasama sa work ethics namin na protektahan ang mga pasyente namin. Every case is confidential."

Nanggilid ang mga luha ko at napakuyom ang mga kamao, naiinis ako sa matandang Doktor na ito kahit wala naman siyang kasalanan. "Parang awa mo na Dr. Scott, mababaliw na ako kakaintindi kay Rafael! Sa dami ba naman ng libro mo ay kahit ilang simpleng paliwanag wala kang maibibigay sa akin?" Imposible iyon!

Gumuhit ang awa sa mukha nito at tsaka bumalik doon sa recliner, muli niyang binuksan ang folder at matamang tumitig sa akin.

"May Dissociative Identity Disorder si Rafael Sebastian Ramirez, Multiple Personality Disorder ang tawag dito ng mga espesyalista noon dahil ang mga nakararanas nito ay nagpapakita ng iba't-ibang katauhan. Kung mapapansin mo ay paiba-iba ang ugali niya at madalas na hindi ka pa niya makilala, 'yon ay dahil nagswitch ito sa ibang personality. Pwedeng umabot ang mga katauhang iyon sa dalawa o higit pa at tinatawag iyon na alters."

Pilit kong binilang sa isipan ko kung ilan na ang mga alter na nakilala ko, Si Rafael, Ares, Rami, Sebastian at Tutoy. Lima ba silang lahat? Umangat ang kilay ko bago nagtanong upang mapawi ang kuryosidad ko. "Pero bakit po nangyayari 'yon?"

"Experts belives that the main cause of DID is an experience of a life-threatening or traumatic event. In his case, I believe that it is the kidnapping, or the childhood abuse that triggered his DID. Kaya nabuo ang iba't-ibang katauhan niya ay para na rin protektahan siya sa mga masasamang karanasan niya noon."

Bumalik na naman ang parehong bigat ng pakiramdam noong una kong malaman ang tungkol sa mga naging karanasan ni Raf, mas lalo kong na alala ang dahilan kung bakit hindi ko dapat siya iwanan. He needs me.

"I feel sorry for Rafael because he had to witness that mess and carry those memories growing up."

Tumango-tango si Dr. Scott na para bang alam ang tinutukoy ko, "Hindi naman lahat ng alter ay na aalala ang mga iyon, sa pagkakaalam ko ay ang alter na si Ares lang naman ang nakaaalam ng buong detalye."

"Pero alam rin iyon ni Rami at Rafael!" Sigurado kong sabi sa Doktor na kaharap ko.

"Marahil may alam nga sila pero hindi detalyado ang mga alaalang iyon. Hindi katulad kay Ares, kasi bawat paghampas at pagpapasakit ay nakatatak sa isipan niya."

Kumirot ang puso ko para kay Ares dahil medyo naiintindihan ko na ang lahat, kaya naman pala ganoon na lang siya kung protektahan sarili niya at ang mga tao sa paligid niya. Siguro ayaw na ni Ares na maulit ang nangyari noon sa ina niya, na wala siyang nagawa.

Kabaligtaran naman niya si Rami, palaging gusto ng alter na ito na mapahamak siya. Rami is the miserable alter who blames himself for everything.

Pagkatapos naman ay si Tutoy, hindi ko pa naman nakakasama ang alter na ito pero sa tingin ko ay naabutan ko na ito minsan. Ito ang bata niyang alter, marahil wala itong na aalala sa kahit anong trauma. Siguro ang alaala ni Tutoy ay bago pa man mangyari ang mapait na karanasan na iyon sa buhay niya.

Then Rafael and Sebastian, hindi ko sila maipagkumpara dahil hindi ko pa naman nakakasama ang alter na si Sebastian. But Rafael seems normal, sa kaniya ko nga nalaman ang totoong pagmamahal, isa siya sa mga naniniwala sa akin.

Kaya bakit sinasabi niyang hindi siya ang orihinal? "Sino po ba 'yong host na sinasabi sa akin noong isang alter? 'Yong orihinal na personality?" tanong ko pa kay Dr. Scott.

"Sa tingin ko ay ang tinutukoy mo ay ang core personality, ang mga core o mga orihinal na personality ay nabubuhay na bago pa man nagkaroon ng dissociative identity disorder ang isang tao. Kung itatanong mo sa'king ngayon kung sino ang core, si Sebastian iyon."

Napalunok ako at lalong nanginig, si Sebastian nga talaga ang orihinal sa kanilang lahat? Pero bakit mas madalas ko namang makasama si Rafael kaysa doon? Bakit parang mas malakas pa ito kumpara sa ibang mga alter?

"Ang alter na si Rafael kilala niyo po ba?"

"Internal Self-helper ang isang iyan, siya ang madalas kong nakakausap. Siya ang pinaka nakakaintindi sa bawat functions ng alter kaya magaling siyang magpaliwanag sa mga nararamdaman nito. Hanggang dito nalang masasabi ko sa iyo." Si Dr. Scott.

"Gaano ba katagal bago magswitch ang bawat alter?" I asked eagerly. Parang gusto ko na ngang kunin 'yong mga papeles sa kamay niya upang ako nalang ang magbasa noon.

"It can happen anytime. Puwedeng ilang oras, araw, buwan o taon mangyari ang switch depende sa triggers, kaya walang makakapagsabi ng eksaktong panahon na puwede itong mangyari." Saad nito at tuluyan na ngang isinara ang folder na hawak niya.

Gusto ko pa sanang tumutol dahil marami pa akong gustong itanong pero tumayo na ito at ibinalik ang folder kung saan niya ito kinuha. Nagpapasalamat parin ako dahil kahit papaano ay nalinawan na ako.

Pero may pag-asa pa kaya na gumaling si Rafael, at kapag nangyari ba iyon ay malilimutan niya nga ako?

#Trivia!
Si Ares ang kauna-unahang nakilala ni Elleonor! Kung mapapansin niyo ay "Elle" ang tawag sa kaniya ni Ares, kay RS kasi siya nagpakilala noon. Read Prologue and Chapter 1! ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top