Chapter 33
I stared blankly at the wooden Mediterranean door and although it is looking beautiful with its intricate design, I can't seem to appreciate it because of the consuming thoughts going through my mind.
"Puwede naman na kahit sa ibang araw nalang natin gawin ito." Bahagyang piniga ni Rafael ang magkasaklop naming mga kamay.
"Ayos lang ako, gawin na natin ngayon para matapos na." Pinilit kong hindi manginig ang boses ko at nilibot muli ang mga mata sa paligid.
Napangiti ako nang mapatingin ako sa side lights sa gilid nitong higanteng pinto, bagay na bagay talaga ito sa kabuuang disenyo ng mansyon. Naalala ko tuloy ang lahat noong una akong mapadpad sa lugar na ito, hindi ko akalain na makikilala ko dito ang lalaking mamahalin ko ng sobra.
Sa magkabilang gilid rin ng pintuan ay mayroong malaking banga na naglalaman ng mga mapupulang bulaklak, muntikan ko pa ngang madanggi ang mga iyon dahil sa sobrang kaba ko. Nararamdaman ko parin ang panginginig ng katawan ko, parang gustong humiwalay ng kaluluwa ko dito. Mabuti na lang talaga at kasama ko si Rafael kaya alam kong hindi ako nag-iisa.
I took a deep breath and shut my eyes as soon as I heard the screeching of the door when he started opening it. Tangina, my legs are shaking just by imagining Nanay Tere's face looking so infuriated.
"Ang lamig ng mga kamay mo, sigurado ka ba talaga dito?" Ani Rafael.
Kinakabahan talaga ako sa magiging reaksyon ni Nanay Tere! Paniguradong nangngingit na iyon dahil pinalalayo na nga niya ako sa anak niya tapos narito parin ako. At ngayon ay pumayag pa akong magpakasal, baka maospital na naman iyon ng dahil sa akin.
"Ayos lang ako."
Bumuntong-hininga muli ako nang makaapak na kami sa loob ng bahay, ang bigat talaga ng pakiramdam ko kahit masaya naman ako dahil kasama ko ang mahal ko. Alam ko naman na makasariling tingnan itong ginagawa kong desisyon na hindi palayain si Rafael, lalo na't nakasasama ako sa kaniya. Pero kasi, hindi ko na kaya pang iwanan siya ulit at ayaw ko ng mag aksaya ng panahon.
"Ilalaban ko 'to Raf." I said, faking my confidence.
My heart is heavy and my lips are trembling, but I have managed to smile because I am with my source of happiness.
"Elleonor," he heaved a sigh.
Binitawan ko ang kamay niya at hinawakan siya sa braso tapos bahagya ko siyang hinila pabalik sa may pintuan.
"Raf ang totoo kasi niyan kinakabahan ako, baka sampalin ako ng nanay mo." Bulong ko rito at napakagat sa sariling mga labi, nilaro ko ang mga daliri ko habang nagsasalita upang kahit papano ay mapawi ang kaba ko.
"Hindi niya magagawa 'yon, hindi ako papayag." Sabi ni Rafael na para bang handa akong protektahan kahit pa doon kay Nanay Tere.
"Why are you here bitch?"
Sabay kaming napalingon sa kinaroroonan ng tinig ng isang babae, naroon siya ngayon sa may indoor balcony at nakahalukipkip. Nasa tabi niya si Nanay Tere at nanlilisik na ang mga mata nito sa akin, sabi ko na nga ba galit na galit na ito!
"Don't you talk to her like that." Ani Rafael at hinarang ang katawan niya sa harapan ko na para bang sinasanggahan ako.
Sumilip ako sa gilid at pinagmasdan na bumaba ang dalawa sa hagdan hanggang makalapit sila dito sa amin sa foyer. Napalunok ako at bahagyang umatras, pakiramdam ko'y nanliliit ako sa mga titig nila. Mukhang mali yata talaga na nagpunta pa kami rito ni Rafael dahil wala namang kahahantungan ito kundi kaguluhan.
"Like what, Kuya?" Sabi ng kapatid ni Rafael habang nakangisi at nakataas ang kilay. Hindi ko akalain na may itataray pala ang maamo nitong mukha.
"Rafael huminahon ka." Bulong ko rito at hinawakan ang mga braso niya mula dito sa likod.
Napansin ko kasi na nag-igting na ang mga panga niya at kumuyom ang mga kamao, baka mamaya ay kung ano pa ang magawa niya sa kapatid niyang si Aericka. Kahit papaano naman ay naiintindihan ko kung bakit ganoon nalang ang naging reaksyon nila, pareho lang nila na gustong mapabuti ang kalagayan ni Raf at naniniwala sila na mangyayari lang 'yon kung mawawala ako sa buhay nila.
"Bakit mo dinala ang babaeng 'yan dito?"
"Pakakasalan ko si Elleonor." Pagdedeklara ni Rafael sa dalawa, hindi naman maipinta ang mga mukha nito at tumingin sa akin.
"You're making him crazy!" Sabi ni Aericka.
"Hindi ba sinabi ko sa'yo na layuan mo na ang anak ko?!" Susugurin na sana ako ni Nanay Tere pero ihinarang muli ni Raf ang kaniyang sarili kaya natigilan ito, namilog ang mga mata nito habang nakahawak sa sariling dibdib.
Matalim ang mga titig ni Rafael at nakakatakot ito kahit hindi nagsasalita, I never realized until now that he stares are really intimidating.
. "Hindi ikaw si Sebastian." Saad ni Nanay Teresita at naglipat ng tingin sa aming dalawa, para bang may itinatanong ang mga tingin na iyon sa akin.
Hindi niya ba kilala ang alter na si Rafael?
"Hindi rin ikaw si Ares, sino ka?" Dagdag pa nito.
Hinintay kong sumagot si Rafael at ipagtanggol ang sarili niya pero nanatili lamang itong tahimik. Kung ganoon hindi nga si Rafael ang core personality dahil hindi siya kilala ni Nanay Tere?
"Aalis nalang kami." Saad ni Rafael at hinawakan ako sa aking pulso bago hinigit patungo sa labas, hindi niya pinansin ang pagtawag ni Aericka at Nanay Tere sa kaniya ng 'Sebastian'.
"Bakit hindi ka kilala ni Nanay-" Tanong ko habang naglalakad kami sa malawak na hardin, ang tinatahak naming daan ay papunta sa kwadra ng mga kabayo.
"Hindi ba sinabi ko na sa'yo ang tungkol diyan?" Ani Rafael na patuloy parin sa paglalakad, nagpapalinga-linga ako.
Maraming hardinero na nadaanan namin ang napapatingin, parang balak pa naman sana nilang bumati pero masyado kaming mabilis at dire-diretso lang si Raf.
"Rafael bakit ka ba nagmamadali?" Hinahapong tanong ko nang makarating na kami sa kwadra at binitawan niya na ako, bahagya akong yumukod at hinimas ang dibdib ko. Napakabilis naman kasi niyang maglakad, pagkatapos ang laki pa ng mga hakbang niya dahil matangkad siya!
I followed him inside the stables, he stopped in front of Jack's stall and looked straight into me. My brows shoot upwards as I admire Rafael's muscular arms, it became even more defined when he crossed his arms under his broad chest. I just realized that a guy could look so attractive just by wearing a faded shirt and an almost ripped jeans.
"Eyes up here." He cleared his throat and I noticed that our bodies were just a couple of steps away.
Napatingin ako sa mga mata niya pero kaagad ko rin naman na iniwas iyon, lumingon ako sa kanan ko at nagkunwaring sinusuri ang mga kabayo.
"Elleonor sa akin ka tumingin." Saad ni Rafael, I saw him walking towards me in my peripheral view.
Ipinaling ko ang ulo ko paharap sa kanya at bahagyang tumingala nang maramdaman ko ang mainit na hininga niya. "A-ano nga ang pinag-uusapan natin?"
"Hindi ba ipinaliwanag ko na sa'yo na ako ang alter ni Sebastian na tinutulungan siyang makapamuhay ng normal?" Sabi niya at hinaplos ang buhok ko pababa sa aking balikat.
"Oonga pala, nagkukunwari kang si Sebastian." Umatras ako ng kaunti at tsaka tumango-tango, tumitig ako sa sahig at napakagat sa labi dahil bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot.
"You're just an alter helping Sebastian to live a normal life."
Iniisip ko tuloy kung tama pa ba talagang magpakasal kami, paano kung mag switch na naman sila ni Sebastian kapag ikinasal na kami? Kapag si sebastian na siya, babalik na naman siya kay Sandra at masasaktan na naman ako, iisipin ko na naturingan akong asawa pero sa iba siya pupunta. Ngayon pa nga lang na kasintahan ko siya'y nahihirapan na ako, paano nalang kung mag-asawa na kami? Paano kung magkapamilya na kami?
"I'm going to take over."
Parang nabingi ako sa sinabi ni niya at may ngiting gumuhit sa mga labi ko, umabot ang saya noon hanggang sa puso ko. Mali itong nararamdaman ko, pero bakit parang tama?
"Para sa iyo gagawin ko, lalabanan ko ang lahat ng alter."
"Pero mali 'to." Saad ko at sandali lang na tumingin sa kaniya.
Hinawakan niya ang mukha ko at hinuli ang mga tingin ko. "Elleonor, wala tayong pakialam."
Para bang nawala ang mga ingay ng kabayo dito sa loob ng kwadra at wala akong ibang marinig o makita kung hindi si Rafael, nawawala ako sa mga titig niya.
-----------------------
#Trivia!
1. Alam niyo bang unang lumabas ang alter na si Sebastian sa Chapter 3?🤭 Saglit nga lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top